HG 41
Genesis.
Sa pagmulat ng mga mata ko ay puro puti ang mga nakikita ko, puting ding-ding, puting kumot na nakaprotekta sa aking katawan at puting kurtina na siyang harang para sa isa pang kama.
"Your awake." Napalingon agad ako sa pamilyar na boses at nagulat pa ako dahil hindi ko aasahan na siya agad ang makikita ng mga mata ko.
"Prinsesa Zhavia." Sambit ko sa pangalan niya at bigla nalang siyang umupo sa kama kung saan ako nakahiga at nakatingin sa akin ng seryoso.
"Nagseselos ako sayo." Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaibang feeling ng sinabi niya sa akin ang katagang iyon.
Bakit siya nagseselos sa akin? Ano ba ang kaselos-selos sa personalidad ko at sa pagiging ordinaryong specialist sa mga mata ng iba? Wala akong ipinagmamalaki kundi ang kapatid ko lamang.
Pero hindi ko alam o baka sa pagod lang to? Para kasing narinig ko ang mga sigaw ni Menesis at mga iba pang sigawan na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Panaginip lang ba ang lahat-lahat?
"A-Anong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko sa kaniya pabalik at nagulat ako dahil sa biglaang pagngiti niya sa akin, hindi man gaano kalapad pero hindi parin ako makapaniwala na ginawaran niya ako ng ganitong klaseng ngiti.
"Nagseselos ako sayo dahil nasa iyo lahat ang atensiyon niya, nasa iyo lahat ang mga personalidad na pinangarap ko. Nasa iyo lahat ang mga gusto kong maging akin. I'm jealous, insecure or whatever you call." Nagulat ako dahil sa pagsalita niya ng ganung kataas. Ito na ata ang pinakamataas na salita na kaniyang nabanggit.
I don't know what happen to her why she is acting like this, parang may kulang sa aking isipan na kailangan kong hanapin dahil nahuhuli na ako sa lahat.
"Nagseselos ako sayo dahil nasa iyo lahat ang atensiyon ng lahat, atensiyon ni Yvinno, ni Daneel, ni Gemartha at ni Satro. Paano bang maging ikaw? Paano ba maging isang katulad mo? Paano ba maging Genesis?"
This is the first time that she able to call my name. Kakaiba ang saya na sa wakas na kahit hindi kami magkalapit sa isa't-isa pero nakuha pa naming makipag-usap ng masinsinan katulad ng ganito. Nakuha pa naming magkaharapan ng seryoso tulad ng ganitong sitwasyon.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko prinsesa." Sambit ko nalang at napalingon sa ibang direksiyon.
This feeling na makaharap ang isa sa mga Royals ng Satharia ng masinsinan at hindi din close sayo ay nakakafeel awkward talaga.
"Lalong-lalo na si Satro, mahal ko siya Genesis." Nabigla naman ako sa rebelasyong nangyayari ngayon.
Ako ba ang dahilan kung bakit ganun siya makitungo? Dahil ba kay Prinsipe Satro? Kasalanan ko ba ang lahat kung bakit napakalamig niyang umakto sa akin? Hindi ko naman alam na may nagagawa na pala akong mali. Hindi ko alam na may nasasaktan na pala akong iba na hindi ko namamalayan.
"Sorry." Tanging nasabi ko nalang at napayuko.
"Pero hindi naman kita sinisisi dun, malaki rin ang rason kung bakit ako naging malamig. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito kalamig makitungo sa iba. Dati na akong ganito pero nabago ng dahil kay Satro."
Kahit ngayon hindi ko parin inaakalang nakakapag-usap ako ng ganito kaseryosong bagay. Hindi ko alam na magkakausap kami ng ganito ka personal. Pero hindi parin ako sanay the way she talked. She talked a lot that is so unexpected to happen.
"Mahilig talaga sa mga babae si Satro, don't get him wrong pero iba ang tingin niya sa mga babae. Naging malamig na ako sa kaniya, sa lahat dahil halos ng mga babae ay binibigyan niya na ng atensiyon kahit hindi halata sa seryosong mukha niya. Nakikita niya kasi ang kapatid niyang babae na namayapa na sa mga babaeng minsan na naging malapit sa puso ni Satro. Nakikita niya din ang kapatid niya sayo Genesis."
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaginhawaan dahil akala ko na may iba pang intensiyon si Prinsipe Satro. Yun pala ay nakikita niya ako bilang kapatid niya.
Pero may part din sa akin na hindi ko alam na may ganun palang side si Satro. Sa likod ng napakaseryoso niyang ekspresyon ay may itinatago din pala siyang lungkot sa puso. Ang kailangan niya lang ay lumaban, continue breathing and no matter what happen, be faithful and strong.
"Alam mo kung bakit ako naiinggit? Dahil mas nagbibigay siya ng atensiyon sa mga babaeng palaban, matulungin, mabait at mapagkakatiwalaan. Naiinggit ako dahil na imbis na ang kasintahan niya ang mas bigyan ng pansin, ibang mga babae ang binibigyan niya nun. I didn't expect this to happen all over again. He stopped before ng umiyak ako sa harapan niya, Imagine that? A girl like me, a Royal like me will kneel and cry just for his atension?" Bigla nalang akong napangiti sa dahilan niya.
Maraming mga kagaya niya sa mundong ito, ang gustong mabigyan ng atensiyon, masuklian ang pagmamahal at maibalik ang paghihirap. Pero may iba't-ibang paraan ang lahat kung papaano nila ito gagawin. Every specialist has their own ways para maibalik ang paghihirap o pagsasakripisyo nila.
"Alam mo Prinsesa Zhavia? Wala sa posisyon o dugo ang paghihingi ng atensiyon. Lahat ng specialist ay ganun, mapahirap man o laki na may gintong kutsara sa bibig, ma-Royal man o ordinaryo, mahina man o malakas, lahat ay nanghihingi ng atensiyon para mapansin lang sila. Kung mahal mo, mahal mo, gagawin mo ang lahat para mapasaya mo ang sarili mo at ang relasyong meron kayo." Litaniya ko at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang matamis niyang ngiti kaya napangiti na din ako.
"Kaya ka gusto ng iba, kaya ka nirerespeto dahil sa utak na mayroon ka, dahil sa puso na mayroon ka. I hope you will not change, sana hindi ka magbago at patuloy mong bigyan ng inspirasyon ang bawat isa. Kaya pala ang daming naghahabol sayo." Turan niya at bigla nalang napatayo.
Hindi na ako nakapagsalita o sabihin na nating wala akong masabi?
"Uuwi na kami ng Satharia Academia, ang gusto ko lang sabihin ay sana, sana protektahan niyo magkakapatid ang isa't-isa dahil yun ang importante. Wala kayong ibang kakampi kundi ang mga sarili ninyo. Maraming magsasakripisyo para lang mapansin niyo, kakaiba kayo. Makapangyarihan hindi lang sa pisikal, ganun din sa emosyonal. I like the story you had, I like the power and attitude you have. And hope, I can learn how to be you."
You will never be like me Princess Zhavia, you have your own way, you have your own victory. You have your own attitude why Prince Satro fell in love with you. Just being you and don't change it. Don't change yourself again...
"Love Prince Satro, gawin mo lahat para sa kaniya, para sa pagmamahal mo. Make him happy and he will give it to you back." That was the last words I've said to her.
"I will never forget that Genesis, I will never forget you."
----
Dracunox (Headmaster)
I'm looking now at this files, kung saan nakasulat ang tatlong pangalan. They are Gods at kambal ang dalawa.
"I'm sure that they are the twins that I'm looking for." Bulong ko.
Their presences are familiar na parang nanggaling na sila dito pero napakaimposible, pero ang presensiya ng dalawa ay pamilyar na pamilyar.
Nasa files ng tatlo na sila ang kauna-unahang mga Diyos na nakakuha ng ganun kalaking passing scores. Even my Ilussion can't handle them because of their unbelievable powers.
"May kakaiba sa mga batang ito."
Kakatapos ko lang pumunta sa clinic dahil sa nangyari kani-kanina lang. Hindi ko alam kung bakit nag-aaway-away ang mga batang iyon sa maliit lamang na rason. Nasaksak sa iba't-ibang parte ang Diyos ng Liwanag at Hustisya, ganun din ang nagngangalang Menesis habang nasa clinic nasa ngayon ang isang prinsipe galing sa Satharia. Habang ang mga Royals sa Natharia ay nagpapahinga dahil sa natamo nilang mga sugat.
Ang pinagtataka ko lang ay kahit gaano ko gustong malaman kung sino talaga si Menesis, may humaharang sa akin para malaman kung sino talaga siya. Kakaiba ang kapangyarihan na meron siya, kakaiba ang lakas at liksi na meron ang batang ito. Grabe ang puso ko dahil sa tibok nito, naaalala ko sa kaniya ang babaeng minsan ko ng minahal.
Pero imposible ang iniisip ko ngayon dahil malayong-malayo ang kanilang mga ugali. Hindi sila magkasing-utak kapag nasa labanan.
"Headmaster." Napalingon ako sa bagong dating at ito ang kauna-unahang nasa puwesto ng Gold Rank.
May dahilan ako kung bakit pumasok ako sa Palace, alam kong mas marami pang malalakas diyan pero itong batang ito lang ang mapagkakatiwalaan ko. Itong bata lang to siyang pwede kong gawing kanang-kamay.
"Humihingi ako ng kapatawaran sa nagawa ng isa sa mga kasamahan namin sapagkat hindi niya kontrolado ang kapangyarihan niya kapag sumapit ang ubeng buwan." Turan niya sa akin kaya napatango ako.
"Siya pala ang napasahan sa kapangyarihan ni Cresenta, ang makapangyarihang Diyos noon sa kapanahunan namin. Kontrolado niya ang kapangyarihan niya, maingat siya sa kaniyang mga galaw at hindi basta-basta magpapatalo. Hindi kontrolado ng kasamahan na sinasabi mo ang kapangyarihang ito kasi baka hinahanap pa ng kapangyarihan niya ang tunay na lakas na meron siya." Paliwanag ko sa kaniya at napatango siya.
"Pero huwag kang mag-alala, hindi ako nagagalit sa mga nangyayari ngayon. Pareho lang kayo ng mga Royals dito, nag-aaway-away pero maliit lamang na rason ang pinag-aawayan nila." Nagulat pa siya ng bahagya pero napangiti nalang ito ng tipid.
"Nabalitaan kong nasa gamutan ang nagngangalang Genesis dahil sa misyon na hanapin ang Hologram Specialist." Turan niya.
"May gusto ka sa batang iyon tama ba?" Bahagya pa itong nagulat dahil sa sinabi ko.
Malalakas ang magkakapatid na ito pero kung ikukumpara ko ito sa mga bagong dating ay walang-wala sila. Malalaki ang mga antas na nakuha nila at posibleng ang kambal dito ay ang matagal ko ng hinahanap. Hindi na talaga ako pinapahirapan pa ng panahon dahil kusa ng lumalapit sa akin ang swerte.
Magagamit ko ang kambal laban kay Satanina, ang kambal na ito ang posibleng makakapatay sa kaniya.
Ng dahil sa kaniya ay nawala ang lahat sa akin, sa walang kwenta niyang ugali. Wala akong nakuha kahit isa sa kanila.
"Ano pong binabalak niyo ngayon?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko pero pinili niyang baguhin ang kuwento.
Sinabi ko sa kaniya na huwag siyang iibig ng kung sino man dahil magiging sagabal lamang ito sa aming laban, magiging hadlang lang ito sa plano namin gamit ang Natharia Palace. Hindi pwedeng hindi matuloy ang plano namin laban kay Satanina, kailangan namin ng matinding puwersa at malalakas na kupunan para tuluyan na itong matalo.
Pero sadyang malikot talaga ang panahon at kung ano pa ang bawal ay siya pang ginagawa, kung ano pa ang hindi dapat gawin ay siya pang binibigyan ng pansin. Pero wala akong magagawa dahil kailangan ko din ang batang ito kahit umiibig siya.
Pag-ibig? Walang kwenta! Hindi naman nakakadulot ng maganda sa buhay ng mga specialist yan.
"Malakas si Genesis, magagamit natin siya." Turan ko sa kaniya at nakita kong naging seryoso ang mga tingin niya sa akin.
"Alam kong malakas ang babaeng iniibig ko pero hindi natin siya mapupuwersa kung ayaw niya talagang sumapi sa atin. At isa pa, ayokong nasasaktan ang mahal ko dahil lang sa labanan. Gusto kong lumaban siya sa kung anong tama, gusto kong lumaban siya sa paraan na gusto niya. Hindi natin siya madidiktahan diyan Headmaster."
Sekretong napayukom ang mga kamao ko na nasa likuran ko. Hindi ko alam pero kapag nakakarinig ako ng mga ganitong walang kakwentahan ay umiinit ang ulo ko. Umiinit ang ulo ko sa katotohanang wala ako niyan, wala akong iniibig ngayon. Wasak na wasak ako ngayon dahil sa babaeng yun na walang ginawa kundi saktan ako. Wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng sakit sa puso, pero ano bang magagawa ng pagmamahal ko kundi suportahan siya sa kaniyang mga gusto. Suportahan siya sa kung ano ang tama para sa kaniya kahit puso ko ang kapalit.
Minsan na akong naloko, hinding-hindi na ngayon.
"Ayos lang, pero hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap bata. Pwede siyang mamatay, pwede siyang mawala dahil lang diyan sa nararamdaman mo."
---
Someone.
Bakit siya? Bakit bumalik pa siya? Akala ko yun na ang katapusan niya pero hindi ko alam na may tumulong sa kaniya. Letse naman oh! Mamamatay na siya! Wala na sana akong karibal para sa pag-ibig niya! Nakakagigil ka Genesis! Nakakagigil yang pagmumukha mo.
"Stop that stares." Napaikot nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Just stop looking at me then. Alam mo Athena? I think kailangan mo na ng lovelife para hindi ka na bitter." Turan ko sa kaniya.
"Tsk! As if they are my type! I'm just playing around."
I hate her, choosy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro