Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 40

Menesis.

"Salamat Menesis, kung hindi dahil sayo ay hindi ko masisilayan ang kahuli-hulihang ngiti ni Azma. Sana sa pagbalik mo dito, hindi mo ako makakalimutan at hayaan mong magkaroon ako ng napakalaking utang na loob sayo." Ngiti niyang turan sa akin.

Sa huling pagkakataon, sa huling araw ko dito sa Satharia Academia ay hinding-hindi ko makakalimutan ang mga naging memories ko dito. Its one of a hell kind dahil sa mga naging problema ko at sa pagiging pakialamera ko pero at least nakatulong ako sa kanila. Nakatulong ako sa mga specialist na nangangailangan ng tulong, nangangailangan ng malawak na kalayaan at makawala sa kani-kanilang kinakatakutan.

Azma, kung nasaan ka man ngayon, don't forget our memories together. Pakikipag-usap lang naman sa isa't-isa ang nangyari sa ating dalawa pero nagpapasalamat parin ako sayo. I thank you of what lessons you gave to me. Sa isang linggo, natutunan kong iligtas ang mga malalapit sa akin at tumulong sa mga nangangailangan. Tinuruan mo akong ngumiti ng matamis at tinuruan mo akong kontrolin sarili ko.

"Huwag kang mag-alala Azumarill, pagbalik ko dito, ikaw ang unang-unang pupuntahan ko. Ikaw nalang ang naiwan na memorya ni Azma kaya hanggang sa makakaya ko, I will help you no matter what happen." Turan ko sa kaniya at bigla nalang siyang lumapit sa akin.

Itinapat niya ang kaniyang palad sa banda kung saan tumitibok ang puso ko. Naghihingalo dahil sa pagkadismaya, nalulungkot dahil sa nangyari.

Bigla nalang nagliwanag ang palad niya at sa isang iglap ay nakaramdam na ako ng tuwa sa sarili. Natutuwa ako dahil ang dami kong natulungan, natutuwa ako dahil may nakikilala akong mga specialist na bagay lang na tulungan sila. Sila ang nagpasaya sa akin dito, hindi man halata pero alam na alam ko kung paano nila ginagawa ang lahat para lang mapangiti ako.

"Ayoko na pag-alis mo dito ay malungkot ka, hindi katulad ni Azma na kayang maramdaman ang nararamdaman ng iba, ako naman ay kaya kong ibahin ang emosyon ng iba. Ayokong nakikita kang nadidismaya dahil sa pagkawala ni Azma, pagkadismaya dahil huling araw mo na ito sa Satharia Academia. Gusto kong pag-alis mo, dala-dala mo ang matamis na ngiti na tinuro sayo ni Azma. Nasa puso mo lang si Azma, huwag na huwag mong kakalimutan na nandidito lang kaming dalawa para sayo."

---

We are now heading back to Natharia Academia, may ngiting tagumpay sa aking mga labi na hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ang mga bagay nato.

"Kanina pa yan ngiti ng ngiti, baliw na ata siya." Dinig kong bulong ni Werestella.

Ayan na naman sila...

Kasama namin ngayon si Sonata, as usual ay nakayuko siya. Hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang inaakto niya dahil alam kong malaking responsibilidad ang dadalhin niya habang-buhay.

"Huwag ka ng bumulong Werestella kung naririnig ko lang din naman yang boses mo. Pumapanget ang araw ko kasama ng napakapanget mong mukha. Huwag mo ng dagdagan pa sa napakapanget mong ugali, ewan ko pero ang nakikita ko sayo puro nalang kapangitan." Bara ko sa kaniya at bigla nalang namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

Ibahin kasi nila ang ugali ko kaysa sa mga ordinaryong specialist sa eskwelahan, hindi niya ako basta-basta mapapabagsak dahil lang sa gugustuhin niya. Kahit isa pa siyang Royal blooded, hindi hamak na mas malakas lang siya sa posisyon, hindi sa kapangyarihan.

"Sumasagot ka pa! Baka hindi mo alam na ako ang nasa unang puwesto ng Silver Rank? Hindi mo gugustuhin na kalabanin ako bitch!" Sigaw niya sa akin, imbis na mainis sa ipinapakita niya ngayon. Ngumiti lang ako ng matamis sa kaniya at hinarap ng mabuti.

"Ang lahat ng specialist sa mundong ito Werestella ay may kani-kanilang mga sikreto, at hindi mo gugustuhing malaman ang sikreto ko kapag nagkataon." Turan ko sa kaniya at naglakad pa hanggang sa nabangga ko siya sa balikat.

Nakatanaw lang sa akin si Axial na napapailing nalang, ang nakangisi naman ngayon na si Igneous, ang nakangiting baliw na si Rajedh at itong nakataas-kilay na si Nhelina, lahat sila ay wala akong pakialam. Kahit alam ni Axial ang sikreto ko, hinding-hindi niya malalaman kung mas sino pa ako. Napapansin ko mang napapalapit na si Axial sa akin, still hindi ko dapat siya bigyan pa ng importansiya dahil posibleng siya din ang magbibigay sa akin ng aksidente.

"Dito ko nalang kayo maihahatid mga Royals, salamat sa pagtugis sa mga masasama. Aasahan ko ang pagiging matapat niyo kay kuya. Paalam." Tumango lang ang lahat sa kaniya maliban sa akin, wala akong pakialam at wala akong nararamdaman pang iba kundi saya.

Saya dahil makikita ko na ulit si Genesis, makikita ko na ang Natharia Academia at makikita ko na ang buong kwarto namin.

Sa paglabas namin ng Academia ng Satharia ay sinalubong kami ng isang napakaliwanag na portal, napangiti ako dahil ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang Satharia Academia. Inilibot ko sa huling pagkakataon ang mga mata ko sa eskwelahan...

"Thank you Azma, tutuklasin ko ang katagang ibinilin mo."

At sa pagtapak ko sa portal ay ang pagtapak sa pamilyar na lupa at nasa tapat ng pamilyar na napakalaking gate.

"Finally, wala na akong makakasama na basura." Dinig kong sambit ni Nhelina.

"True." Segunda naman ng isa pang ewan.

"Tama na nga yang away-away niyo, nandito na tayo pero hindi parin kayo nagkakasundo." Turan ni Rajedh sa kanilang dalawa pero pinagtaasan lang siya ng kilay ni Nhelina.

"Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo Rajedh, Royals are for Royals, garbages are for garbages, hindi tayo nakikipagsalamuha sa mga plain garbages." Turan ni Nhelina sa akin, hindi ko maiwasang hindi mapakuyom ang mga kamao ko.

But learning how to control my temper, dapat kong i-apply yun sa kanila. Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti.

"Royals are for Royals, tama ka Nhelina pero bakit nasa eskwelahan kayo ng mga basura? Bakit kayong mga Royals ay nasa Natharia Academia kung saan napakaraming plain garbages? Ibig-sabihin ba niyan ay patapon na din kayo?" Ngising sambit ko sa kaniya at hindi ko na nakita ang nangyari dahil bigla nalang may nakapulupot na mga ugat sa aking katawan.

"Nhelina!" Dinig kong sigaw ni Axial at akmang lalapit sa akin pero bigla nalang siyang pinigilan ni Igneous.

"Sinong pipiliin mo? Kami o siya? Choose o ipapatanggal ka namin bilang prinsipe ng kaharian niyo?"

Nagdidilim ang mga paningin ko dahil sa sinabi ni Igneous, nakita kong nag-aalalang napasulyap sa akin si Rajedh ganun na din si Axial. Nakangising nakatingin lang sa akin ang dalawang peste sa buhay ko at seryosong nakatingin sa akin si Igneous.

"Tama na yan." Napalingon kami agad sa nagsalita, hindi namin namalayan na nakatayo na pala sa gilid namin itong Headmaster at hindi napansin ang pagbukas ng gate. Napasulyap ako sa likuran ng Headmaster at may nakita akong mga bagong mukha, sa tindig nila ay makapangyarihan din ang kanilang mga posisyon kasama si Demeter? At ano nga ang pangalan ng babaeng to? Lenidas? Velinas? Solidad?

Bigla ko nalang naramdaman ang pagbagsak ko sa lupa na walang kahit anong sakit na nararamdaman dahil sa pagiging manhid ko sa nakita.

Nakahiga si Genesis sa lupa na nakapikit ang mga mata kasama ang isa pang lalaki na duguan ang katawan.

Nanlaki ang mga mata ko at walang-atubiling tumakbo sa direksiyon ni Genesis.

"Genesis!" Sigaw ko at hinawi ang isang babae at lumuhod sa harapan ni Genesis, nararamdaman ko ang panghihina niya at wala siyang lakas ngayon. Hindi ko alam pero natututo na akong lumuha, hindi pareho noon na parang hindi ako normal dahil sa hindi ako marunong umiyak.

"I think she is Menesis, kapatid ni Genesis." Dinig kong bulong ng babae pero hindi ko ito pinansin at nakatingin lang sa mukha ni Genesis.

"Demeter, kailangan na nating dalhin si Satro sa clinic. Kailangan niya ng magamot agad." Sabi sa kaniya ng lalaking.

"How about Genesis, Daneel? Hahayaan nalang ba natin siya dito nakahiga?" Tanong sa kaniya ng babae.

"No, of course we will bring her to the clinic." Sagot pa ng isa.

"Yvinno hindi ikaw ang kausap ko."

I heard foot steps papunta sa direksiyon ko, those bastards and brats!

"Kita mo nga naman, magkapatid nga talaga sila. Mahilig silang sumama sa mga mas nakakataas sa kanila. Akalain mong sisters be like talaga no? Kasama din pala ng kapatid niya ang Satharia Royals." Napakuyom ang mga kamao ko sa sinabi ni Werestella.

So this people ay mga Satharia Royals? Sila pala ang exchange students galing sa Satharia? Pero bakit ganun? Nararamdaman kong hindi naman sila masama, hindi sila mapagmataas tulad ng mga Royals dito sa Academia ng Natharia?

"Karma nga naman talaga, mahilig kasing sumagot-sagot sa mga mas nakakataas pa sa kaniya. Wala pang respeto. Bagay lang talaga sa kapatid niya yan, kapalit man lang sa pagiging kawalang-hiyaan ng babaeng to."

Napansin kong biglang dumilim ang kalangitan kasabay ng kulog at kidlat kaya napatingin kami isa sa mga Royals ng Satharia, bigla nalang siyang pinigilan ng isa pang babae kaya lumiwanag naman ulit. Pero still, nakayukom parin ang mga kamao nito.

"Pati ang panahon sumasang-ayon sa sinasabi natin Nhelina. Bakit hindi nalang kaya namatay ang kapatid niya para magdusa si Menesis the garbage?" Tawang sabi ni Werestella at bago pa ako maunahan ng isang presensiya ay tumayo na ako at nakatitig sa kanilang mga mukha na nakangising nakatingin sa akin.

Sumosobra na sila, kapag kapatid ko na ang pinag-uusapan, ibang sitwasyon at usapan nato.

Dahil sa poot at galit na nararamdaman ko, napalitan ang kasiyahang ibinigay sa akin ni Azumarill. Tumakbo ako ng mabilis at biglang sinipa ang tiyan ni Werestella pero naiwasan niya naman ito ng walang kahirap-hirap. Susuntukin na sana ako ni Nhelina pero naunahan ko siya pero nakaiwas din siya.

"Weak." Mas lalong umunit ang ulo ko at hindi ko na pinataas pa ang oras ng paglalabang ito.

Biglang umuyog ang lupa kaya napatingin ang buong NRS kay Rajedh na nagtataka, akala nila siya ang gumagawa nito, hindi nila alam na nagagawa ko din ang ganitong klaseng kapangyarihan.

"Hindi ako!" Depensa agad ni Rajedh pero hindi ko na pinatagal at pinalabas na ang mga naglalakihang mga ugat at bigla nalang itong niyakap ang buong katawan ni Nhelina na pilit na kinokontrol ang mga ugat. Narinig ko pa ang pagtigil sa amin ng Headmaster pero hindi ko siya pinakinggan at patuloy na lumaban.

Bigla nalang namuo ang mga tubig sa aking harapan, its forming daggers at walang-atubiling itinira ito sa gulat na nakarehistro sa mukha ni Werestella. Natamaan siya at ngayon ay nagdurugo na ang buo niyang katawan habang hirap na sumusulyap sa akin.

"Not Genesis Royals." Sambit ko at sa ikalawang pagkakataon sa linggong ito ay biglang nagdalawa ang boses ko na parang sinapian ulit ako ng isa pang kaluluwa.

"W-Who is she?" Dinig kong bulong ng Headmaster kaya napangisi nalang ako na nakatalikod sa kaniya.

You don't want to know old man.

Naramdaman ko nalang na may nagliliyab na sa aking gilid kaya umiwas ako ng malapit akong matamaan ng nagbabagang apoy galing kay Igneous na seryosong nakatingin sa akin.

"Your a Goddess." Wala na akong pakialam, napatingin ako kay Axial na seryoso na ding nakatingin sa akin. Sabi na nga ba, hindi din siya mapagkakatiwalaan kaya mabuti nalang hindi ko sinabi sa kaniya lahat ng sikreto ko. Hindi ako kasing-hina ng iba.

Bigla nalang nagliyab ang buo kong katawan dahil sa galit at gulat din siyang napatingin sa akin, rinig ko ang pagsinghapan ng nga specialist na nasa paligid.

Hindi dapat nila ako kinakalaban, masama akong magalit.

"Goddess nga siya, magkapatid nga sila ni Genesis." Sambit ng isang Royals sa Satharia. Nasabi na nga talaga ni Genesis, wala na ding use kung magtatago pa ako.

"How can she do that?" Bulong ng pamilyar na babaeng nakayakap na ngayon kay Demeter na matagal-tagal ko na ding hindi nakikita pero hindi nito mapapalitan ang galit sa puso ko.

"Hindi ko rin alam Levinas." Oh, the hologram expert.

Tumingin ako kay Igneous ng seryoso, hindi parin napapalitan ang ekspresyon niya kaya bigla ko nalang siyang sinugod at pinagsusuntok. Huwag na huwag niyang mamaliitin ang kakayahan ko bilang basura sa mga mata nila dahil hindi nila gugustuhin na malaman pa kung sino ako-kami.

Nagbatuhan lang kami ng nagbatuhan ng apoy, hindi ako nakakaramdam ng pagod habang si Igneous ay hinihingal na dahil sa bilis kong pagbato sa kaniya ng apoy. Naiiwasan niya ang iba pero karamihan ay lumalapnos na ito sa buong katawan niya.

"Nakakatakot siya." Dinig kong bulong ng kung sino.

"Indeed, nakakatakot siya Prinsesa Gemartha."

Huling suntok ko kay Igneous ng bigla nalang umangat ang lupa kaya ang lupa mismo ang nakatanggap sa napakalakas na suntok ko.

"Bagay lang din naman sa kanila yan, wala kasi silang karapatan para insultuhin ang magkakapatid. Eh ano naman kung sumasama sila sa mga mas nakakataas sa kanila."

Ibang-iba talaga ang ugali ng SRS sa NRS. Ibang-iba.

"Menesis, tama na." Napalingon ako kay Rajedh na nakikiusap ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Sa isang iglap, nawala ang liyab sa buo kong katawan, hindi na nakayakap ang mga ugat ko sa nanghihinag katawan ngayon ni Nhelina habang bumabalik ang ayos ng buong lupa. Napalingon ako sa paligid at mabuti nalang ay walang mga estudyante kundi kami-kami lang ng mga Royals, Demeter, Levinas at ng Headmaster.

Hindi ko kayang manakit kung may kagaya ni Rajedh na nagmamakaawa sa harapan ko na hindi din dapat kasali sa galit ko. Ayokong saktan si Rajedh na walang ginawa kundi magmakaawa.

Tumalikod na ako sa kanila at akmang aalis na ng bigla nalang akong nakaramdam ng patalim sa bandang puson ko. Napatingin ako dito at dumadaloy na ang dugo, walang sandatang nakabaon. Bigla nalang akong napaubo ng dugo dahil sa pagkakabaon ng kung ano.

A-Anong nangyayari sa akin? Pakiramdam ko ay may sumaksak sa aking puso.

"Axial!" Sigaw nila kaya lumingon ako hinay-hinay sa likuran at nakita kong bumubuo siya ng sandata gamit ang kaniyang pagkontrol sa hangin.

Hindi nga siya mapagkakatiwalaan.

Hindi ako nanghihina, puso ko lang na nakakaramdam ng sakit. Akala ko si Axial ang makakaintindi sa akin, akala ko siya ang kakampi ko, akala ko naiiba siya sa mga kasamahan niya, akala ko hindi niya sasabihin sa kahit na sino na Diyos ako.

Akala ko lang pala ang lahat....

Bigla nalang akong napaluhod dahil sa may tumama sa tuhuran ko, napalingon ako kay Axial na ngayon ay nakangiting nakakaloko.

"Masyado kang utu-uto." Parang mas matindi pa ang nararamdaman ko sa puso kaysa sa pagkakasaksak niya sa akin ng sabihin niya ang mga salitang yun.

Napangiti nalang ako ng matamis at sa huling pagkakataon ay bigla niya nalang itinara sa akin ang hindi mabilang na mga daggers.

Akala ko katapusan ko na pero napalingon ako sa humarang sa akin.

"Galing pa ako ng clinic babae ka, pero parang mapupunta na naman ako dun." At sa isang iglap ay natumba siya sa harapan ko na may mga dugo sa kaniyang katawan.

"Bill!"


Sa huli, malungkot parin akong nakauwi sa Natharia...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro