HG 37
Ignite.
Hanap ako ng hanap kay Genesis yun pala kasama na naman siya ng mga Royals ng Satharia. Hindi ko gusto ang presensiya ng isang prinsipe na yun, para bang kailangan ko ng maghanda dahil sa presensiya na pwede ding maging karibal ko kay Genesis. Ensakto na ang dalawa, ayoko ng may magiging kaagaw pa ako sa atensiyon ni Genesis.
Nandito kami ngayong mga Diyos at naghihintay sa pagbabalik ng Headmaster kasama ang sinasabi niyang unang specialist na nakakuha sa posisyon ng Gold Rank.
Una ay nagulat talaga ako dahil hindi ko aakalaing mahahanap agad ang pinakamalakas dito sa buong Natharia. Hindi ko alam na ganun lang pala kadaling hanapin ang specialist na ito sa ganung kadaling paraan, sa madaling oras at madaling pangyayari.
"I heard na meron na naman daw nakapasa sa examination ng Natharia. Tatlo sila at hindi ko alam pero laking gulat namin na ang lalaki ng mga score nila sa isang oras lang." Napatingin agad ako kay Sayatus ng sabihin niya yun.
"Are you kidding me?"
"Kung sanang nagbibiro lang talaga ako diba? They've got 4,500 points at sino namang specialist ang nakakuha ng ganun kalaki edi sila lang? And what would I? Bakit ako magbibiro Ignite?" Sagot sa akin ni Sayatus at akmang magtatanong pa ako ng biglang narinig nalang namin ang matinding pagbukas ng malaking gate sa aming harapan at tanaw namin mula sa aming kinakatayuan ang pagliwanag at paglitaw ng dalawang presensiya.
"Bakit wala silang ibang kasama?" Nagtatakang tanong ni Wenessa.
"Wait until he or rather she, will come Wenessa. Headmaster is full of surprises." Sagot sa kaniya ni Bill and Wenessa just nodded.
Malalaki ang hakbang ng dalawa habang nasa likuran ni Headmaster si Enzyme, ilang segundo pa kaming naghintay pero wala talaga silang kasama pang iba.
Nasaan na ang specialist na sinasabi ni Headmaster? Nagsisinungaling ba siya? Bakit wala akong iba pang nararamdaman na presensiya bukod sa kanilang dalawa?
"Nasaan na po ang sinasabi niyong pinakaunang specialist na nakakuha sa Gold Rank Headmaster?" Tanong sa kaniya ni Cylechter at tila nababaliw na ata ang Headmaster dahil ngi-ngiti pa itong nakatingin bawat isa sa amin.
He is weird.
"He is weird." Bulong ni Sayatus.
Definitely!
Nalilito ako kung sino ba talaga dahil wala naman silang ibang kasama pa. There is no other presence except the both of them.
"Si Enzyme." Nagulat nalang talaga ako sa sinabi ng Headmaster, narinig ko pa ang pagsinghap ng dalawang babae kaya napailing nalang ako.
Napalingon ako na ngayon ay nakangisi na sa akin.
"Told you Wenessa, he is full of surprises." Dinig kong bulong ni Bill kay Wenessa.
"Paano nangyari yun Headmaster?" Tanong ko kaya napatingin siya sa akin.
"Mr. Friston, may requirements ang Natharia Palace kung paano magiging isang Gold Rank ang isang specialist. And luckily we have him, being the God of Land and Nature ay nalamapasan niya kaagad ang misyon na ipinagawa sa kaniya kaya matagal-tagal din kaming nawala."
I just can't believe it. Hindi ko alam na ganun lang din pala kababaw ang requirements ng Natharia Palace. How come na hindi ko kaagad ito nalaman? Hindi na ba ako pinagkakatiwalaan ng Headmaster? Mas hisgit na mas malakas pa ako kay Enzyme at kayang-kaya kong buksan ang impyerno para lang mapa sa akin ang posisyon. Bakit wala akong alam na may ganito kadaling requirements ang Natharia? I'm still a Royal blooded so I still deserve to know the truth.
But the problem is, I'm not craving to that position. Hindi na ako magtataka na bigla nalang magwawala si Igneous dahil sa malalamang niya ito. Siya kaagad ang unang-una na magrereklamo dahil sa desisyon ng Palace. Hindi ko alam pero mas nararamdaman ko na mas magaling o mas malakas pa si Igneous, sa hindi sa pagtatanggol sa kaniya pero yun ang totoong napapansin ko.
"Magpapahinga nalang muna kami. Kailangan namin ng mahabang pahinga dahil sa pagod na nararamdaman niya ay ganun din ang pagod na naramdaman ko dahil sa pagsuporta sa kaniya." Turan nalang sa amin ni Headmaster habang kaming lahat ay naiwang nakanganga at naguguluhan sa pangyayari habang tanaw ang dalawang unti-unting lumiliit.
"The hell?" I heard Bill reacted.
"Hindi hamak na mas malakas pa ako dun, kung ganun lang din pala kadali ang maging fist rank sa Gold Rank ay sana ako nalang ang pumunta at hindi siya. Kaya ko silang lunurin lahat mapa sa akin lang ang posisyon." Turan ni Cylechter and I saw Wenessa nodded like she agreed of what he said.
"Kaya ko silang bulagin sa kapangyarihan kong liwanag at masasabi nalang nila na sumuko na sila. Pero hindi ko naman kailangan ng posisyon, iba ang kailangan ko." Turan naman ni Bill.
"Kung ako man ang magiging kasapi ng Palace ay sigurado akong hindi makakapasa si Enzyme sa akin, sa hindi ko siya sinisiraan pero hamak na kayang pagsasaksakin ng mga espada ko ang mga ugat at buong lupa." Sabat naman ni Sayatus kaya napatango naman sila.
Napansin kong magsasalita na sana si Wenessa ng bigla nalang itong natumba.
"Wenessa!" Halos sigaw naming lahat at lumapit sa kaniya agad. I check her pulse luckily its still beating.
Hinawakan ko leeg niya pero hindi naman mainit, nakadilat pa ang mga mata ni Wenessa pero bigla nalang itong naisara.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nararamdaman ko sa buong paligid, tinignan ko ang mga kasamahan ko at ganun din ang mga reaksiyon nila na nanlalaki ang mga mata na parang hindi makapaniwala.
"Oh shit! This is not good!" Biglang sigaw ni Cylechter at sa isang iglap ay tumakbo na siya papalayo sa amin at sinigawan ang mga iba pang estudyante na magsilikas at magbalikan na agad-agad sa kani-kanilang mga dorm.
Napansin kung gulat na gulat talaga si Sayatus dahil hindi talaga namin aakalain na babalik ang kinakatakutang sumpa ng lahat dito sa buong Academia.
Being the Goddess of Moon is a curse.
Wenessa's power is a curse kaya hindi siya basta-basta, kaya hindi hamak na mas dapat siyang katakutan. Siya ang babaeng dapat katakutan ng lahat.
Lumayo kami agad kay Wenessa na nakahiga na parang natutulog lang dahil sa pagkahimbing nitong pagtulog. Napansin kong nagsisigawan na ang iba pang estudyante dahil alam nila kung ano ang mangyayari, they experienced it before kaya pamilyar na sa kanila ang ganitong presensiya. Ganitong napakalakas na kapangyarihan.
Habang paatras kami ng paatras ay bigla nalang dumidilim ang kapaligiran dahil sa pagdilim ng kalangitan.
Ano na ba ang nangyayari ngayon? Nag-aabang lang naman dapat kami sa pagdating ni Headmaster at nitong si Enzyme pero parang naiba ata ang ihip ng hangin at pati ang kapangyarihan ni Wenessa ay salungat sa desisyon ng Natharia Palace.
Palakas ng palakas ang presensiya ni Wenessa kaya napansin kung tumataas na din ang balahibo ko sa braso. Hanggang sa napansin namin ang biglaang pagliwanag ng kalangitan at doon na namin nakumpirmang bumalik na naman ang nakaraan.
"The Royal Moonlight." Halos magkasabay naming sambit lahat habang pinapanuod ang paglaki ng buwan at sa pagpalit nito ng kulay na galing sa ordinaryong puting buwan hanggang naging isang ganap na ubeng kulay na buwan.
Bakit ngayon nagpakita ang buwan na'to? Akala namin ay nalampasan na namin ang sumpang ito na matagal na naming kinalimutan. Bakit pa ito bumalik ulit?
It happened before, bloods everywhere at maraming nasawi noong nakaraang taon. Maraming nagdusa at maraming umiyak, maraming luha ang naipundar sa panahon na iyon. Maraming nagsakripisyo para lang mailigtas ang mga mahal nila sa buhay at sa mga estudyanteng hindi pa alam kontrolin ang kani-kanilang kapangyarihan.
Kapag sumasapit ang ganitong klaseng buwan o tinatawag naming 'The Royal Moonlight' ay kabahan na dapat ang lahat dahil sa masamang mangyayari.
Ito ang oras at araw na hinding-hindi makokontrol ni Wenessa ang malakas na napasang kapangyarihan ng Titan Goddess sa kaniya. Napakalakas ng kapangyarihan na naipasa sa kaniya at dahil sa napakahina pa niya noon bago niya ito natanggap ay bigla nalang itong naging sumpa.
Hindi pa ganap na kaniya ang kapangyarihan dahil parang pumili pa ang kapangyarihan na ito ng panahon kung nababagay na ba sa kaniya ang kapangyarihan, kung siya ba dapat ang humawak nito, kung siya ba ang karapat-dapat.
At halos mantaas lahat ng balahibo ko sa katawan ng nagsimula ng maidilat ni Wenessa ang kaniyang mga ubeng mata. Wala kang ibang makikitang kulay sa kaniyang mata kundi kulay ube na nagsisimbolong hindi niya kontrolado ang kapangyarihan niya.
She still don't know how to control her power.
Ito ang araw na kinakatakutan ng lahat at ito ding araw na ito ang araw na dapat din katakutan ni Wenessa. Dahil malamang pagkatapos ng duguan na namang labanan na ito ay kamumuhian na naman siya ulit ng lahat. Sisiraan at sasaktan ng lahat dahil sa nagawa na niya noon na hindi niya naman intensiyon na gawin ulit ito ngayon. Hindi niya naman kasalanan na sa kaniya naipasa ang ganiyang klaseng kapangyarihan.
Hinay-hinay ng nakatayo si Wenessa hanggang sa lumabas na ang mapuputi niyang ngipin habang nakangisi sa aming lahat.
"Hello there Royals." Sambit ni Wenessa, hindi mo siya makikilala ngayon dahil sa daan niya sa pagsasalita na para siyang nasasaniban ng iba pang kaluluwa. She is now different, very different to Wenessa that we all knew.
"All of you must die." At pagkasabi niya nun ay bigla nalang siyang sumugod kay Sayatus na hindi parin makapaniwala sa nangyayari at sa isang iglap ay tumalsik nalang siya bigla.
"Sayatus!" Sigaw ko at doon ako nagkamali dahil nasa akin na ang atensiyon ngayon ni Wenessa. Ang demonyong Wenessa.
Nagpalabas ako ng napakaraming apoy sa aking mga palad at napansin kong halos sakupin na ng itim na apoy ang lahat na pulang parte. Tumingin ako kay Wenessa na naglalakad papunta sa aking direksiyon.
"Are you going to hurt me Ignite?" Biglang turan niya sa akin na parang naging maamo siya bigla kaya mismong mga palad ko na mismong nagkitil sa mga apoy ko.
I saw her usual smirk and suddenly she attack me without me notice. Nasipa niya ako sa tiyan kaya napaungol ako sa ginawa niya.
She is strong even she is not possessed today. Siya ang kinikilala naming walang kinakatakutan pero nagbago yun ng magsimula na siyang matakot sa presensiya at kapangyarihan ni Genesis. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero may dapat akong alamin sa kanilang mga pagkatao.
Bigla nalang may lumitaw na mga bolang tubig at itinira ito kay Wenessa pero nailagan lang ito ng walang kahirap-hirap ni Wenessa. Lumitaw na din ang mga light spikes at light balls galing sa mga palad ni Bill pero naiilagan parin ito ni Wenessa.
Bigla nalang nagpalabas ng matinding kapangyarihan si Wenessa at kumukuha ito ng enerhiya galing sa Royal Moonlight kaya mas lalo pa itong napapalakas.
Hindi namin alam na ngayon pala dadating ang kakaibang buwan na ito.
Hanggang sa makabuo na ito ng isang malaking bola gamit ang dalawa nitong palad ay bigla niya nalang itong itinira kay Bill ng walang pangdadalawang-isip dahilan kung bakit nagtamo ito ng matindig pagsabog at naglalakihang mga usok.
"Bill!" I shouted at hindi ko na napigilan ay nagpalabas agad ako ng mga apoy galing sa aking mga palad at pinagbabato ito kay Wenessa.
"Sorry for this Wenessa, hope you will forgive me." Bulong ko.
Ng makalapit na ako sa kaniya ay diretso ko itong sinipa ng malakas sa bandang gilid niya pero nasangga niya ito ng kaniyang isang braso pero tumalon ako ng mataas at sinipa ko siya gamit ng isa ko pang paa kaya nakatamo ito ng pamumula sa pisngi.
Hindi ako papayag na mangyari pa ang nakaraan dahil ang nakaraan ay hindi na dapat ibalik pa.
Bigla kong sinuntok ang lupa kaya nabiak ito, after I punched it, the black smoke from the gorund appeared at naglabasan ang mga itim na kaluluwa na sinadya kong palabasin para madistruct si Wenessa.
Humupa ang usok pero iba ang napansin ko, malalaking ugat ang nasa unahan ni Bill na sana ay matatamaan sa atake ni Wenessa.
"Inaatake niya kayo?"
Biglang nagpakita si Enzyme sa harapan ni Bill habang pinapabalik ang mga ugat galing sa lupa. His roots protected Bill from Wenessa's powerful attack.
"Hindi niya kontrolado ang kapangyarihan ni Enzyme kaya huwag na huwag mo siyang sasaktan." Dinig kong sabi ni Cylechter na ngayo'y seryosong nakatanaw kay Wenessa at sakto na narinig naman ni Enzyme ang sinabi nito.
Bigla nalang umuyog ang lupa kaya biglang natumba si Wenessa habang ang mga kaluluwa na galing sa impyerno ay hinahawakan ang dalawa nitong braso. Bigla nalang lumabas galing sa lupa ang mga malalaking ugat ulit ni Enzyme at parang may utak ang mga ito dahil pumulupot ito sa katawan ni Wenessa.
Pero nagulat nalang ako ng bigla itong nagliyab dahilan para makatakas si Wenessa. Pati ang mga kaluluwa ko ay nagsilaho kasabay ng pagbalik ng lupa sa totoo nitong itsura.
Inilibot ko kaagad ang mata ko sa kapaligiran at mabuti nalang walang mga estudyante, mabuti nalang nasa kani-kanilang mga room ang mga specialist. Mabuti nalang wala ng madadamay na iba, mabuti nalang na kami ang magsasakripisyo dahil hindi namin kayang makita na ang buong Academia ay mawawasak.
"Paano niya nagawa yun?" Takang sabi ni Enzyme.
I wonder kung bakit siya ang nasa posiyon na yun. I wonder kung ano talaga ang ginawa nila sa Palace ng ganun kadali na para bang nagsulat lang ng kaunti at tapos na.
"Nakukuha niya ang lakas niya sa buwan." Sambit ko sa kaniya at napalingon siya doon.
"I saw this moon before." Turan niya kaya napangiti ako ng tipid.
"I think that's the day where Wenessa is out of control too same with this situation. Mabuti nalang ngayon ay walang nadadamay kundi tayu-tayo nalang na mga Diyos." Sabi ko sa kaniya kaya napatango siya.
Kung wala lang sana kami sa sitwasyon na ito baka hindi ko na kinausap ang karibal ko. We love Genesis at kahit sino sa amin ay walang magpapatalo.
Bigla na namang lumabas ang mga ugat ni Enzyme at inatake nito si Wenessa ng pasikreto pero sadyang matalas ngayon ang pandinig at pang-amoy ni Wenessa ay bigla niya nalang nahiwa ito sa napakaraming paraan.
"Shit!" I cussed.
Lalapit na sana ako ng biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nasaksihan.
Sayatus throw a katana to Wenessa at natamaan ito sa bandang puson dahilan kung bakit napaluhod si Wenessa at napaubo ng dugo.
"Wenessa!" Sigaw ni Sayatus at dali-dali siyang lumapit kay Wenessa. Lalapit na sana ako ng may mapansin akong mali.
"Shit Sayatus! Lumayo ka sa kaniya." Sigaw ko pero huli na ang lahat at nasaksihan namin kung paano saksakin ni Wenessa ang tiyan ni Sayatus siyang nagdulot ng pagsuka niya ng napakaraming dugo.
Delikado ito!
Delikado!
Bawal tamaan si Sayatus ng sarili niyang sandata dahil napakalaking epekto nito sa kaniya. Ang kapangyarihan na meron ang mga sandata niya ay ganun kalakas ang epekto at ganun katindi ang sakit ang mararanasan ni Sayatus kapag nasugatan siya ng sarili niyang sandata.
"Sayatus!" Sigaw ni Cylechter at tumakbo kay Sayatus na ngayon ay nakahiga na sa lupa with those blood flowing from her stomach.
"Shit!" I heard Bill cussed.
Bigla nalang lumapit si Wenessa kay Cylechter na hindi ito napapansin. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla itong sakalin ni Wenessa ng mahigpit.
"A-Ackk!" Hindi makapagsalita si Cylechter.
Sa likod naman ni Wenessa ay sikretong lumalapit ang mga malalaking ugat ni Enzyme pero sadyang malakas ang kapangyarihan ni Wenessa, bantay niya ang buwan kaya walang makakatakas o makakapagtago sa kaniya.
Bigla niya nalang tinira gamit ng isa niyang kamay ng malakas na enerhiya ang mga ugat hanggang sa tumama ito kay Enzyme. He didn't expect na ang tirang iyon ay aabot sa kinakatayuan niya.
I throw fire balls para mapunta sa akin ang atensiyon niya pero still sakal na sakal niya parin si Cylechter.
"Portal!" Dinig kong sigaw ng isang hindi pamilyar na boses at nagtaka ako ng bigla nalang mawala si Cylechter sa kamay ni Wenessa at bigla nalang itong nasa tabi ko.
"Nagtutulungan dapat ang mga Diyos, hindi nag-aaway. " Sabi ng hindi pamilyar na babae pero masasabi kong mas matanda ako sa kaniya.
"Who you?" Tanong sa kaniya ni Wenessa pero imbis matakot ay nginitian niya lang ito.
"I'm Senny. The Goddess of Spell."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro