HG 35
Genesis.
Tulala kaming nakatanaw sa isang halimaw na nasa likuran ni Demeter. Nakakapanindig balahibo talaga ang pigura nito pero hindi ka nalang matatakot dahil sa mahinang tibok ng puso nito na nangangailangan ng tulong at atensiyon.
"W-What is this Demeter?" Tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
"Ewan ko pero hindi ko kayang gawin ang misyon ko."
Hindi ko narinig na may misyon na dapat tatapusin si Demeter but I know na may misyon siya palagi dahil hindi na siya nagpaparamdam.
"Levinas? Levinas Triumph?" Tanong ni Prinsipe Yvinno kaya napatingin sa kaniya si Demeter.
"Oo, siya nga."
Napasinghap kaming lahat sa sinabi niya.
All the time ay nandito lang si Levinas sa lugar na ito? And how did it happen na naging halimaw siya? Ilang araw na siyang nawawala kaya ibi-sabihin ay ilang araw na rin siyang nag-anyong halimaw?
Sino ang may gawa sa kaniya nito? Kalaban na naman ba? Ang mga nakaitim na naman ba ng mga specialist na yun?
"Ano ba misyon mo Demeter at bigla ka nalang nawala sa Natharia Academia? Hindi ka na nagpaparamdam sa amin ni Menesis na ngayon ay exchange student sa Satharia Academia." Turan ko sa kaniya.
"Patayin ang halimaw na nasa likuran ko."
Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat ulit kami sa sinagot niya sa akin.
Papatayin niya si Levinas? Papatayin niya ang sinasabi niyang sa kaniya? Hindi puwede! I know na hindi talaga kami magkasundo pero nangako kami sa mga totoo niyang magulang na dapat namin siyang ibalik.
"Sinabi sa akin ng Headmaster ang misyon at naatasang patayin ang halimaw dito sa kagubatan na ito. Hindi ako nag-atubiling tanggapin ang misyon dahil madali lang sa akin ang paslangin ang kagaya niyang halimaw. Kaya kong patayin ng ganun kadali ang mga ganitong klaseng halimaw, at dahil nga sa nalaman kong nawawala si Levinas ay nagbabakasakali akong mahanap ko siya gamit ang misyon na ito." Pagpapaliwang niya sa amin kaya napatango ako.
"And I didn't expect na ang babaeng hinahanap ko ay siyang halimaw na sinasabi ng Headmaster. Walang alam ang Headmaster na si Levinas ang ipinapapatay niya, wala silang alam na si Levinas ay naging halimaw, suffering this kind of situation." Dagdag na sabi ni Demeter.
"You fell in love with her." Biglang sabat ng Prinsesa ng Satharia Storm Kingdom na hindi ko aakalain na manggagaling sa bibig niya ang mga ganung klaseng mga salita.
"Seriously Zhavia?" Hindi makapaniwalang sambit ni Prinsipe Daneel.
"Oo, narealize ko na I deserve her love and deserve niya din ako. We fell in love to each other. Nagmahal ako sa babaeng hindi kayang suklian ang pagmamahal ko kaya naisipan kong sapat na ang dahilan para pakawalan siya and look for another that can make me happy and its her."
Why I feel this feeling na si Menesis ang pinariringgan niya? Napansin ko na kasi noon na pasulyap-sulyap si Demeter kay Menesis pero hindi ko naman makumpirma kung totoo ba ang hinala ko na may gusto siya kay Menesis.
Menesis is a strong woman with her strong personality, hindi siya basta natitibag at nagpapaloko. Mas matanda ako sa kaniya pero mas malakas siya kung ikukumpara sa akin. She has this attitude na hindi mapapantayan ng ibang kababaihan kaya iniidolo ko siya sa pagiging diretso niyang pagkababae.
"Oh." Prinsesa Zhavia reacted.
Parang madalas na ang pagsasalita ng prinsesa kaya ramdam kong hindi na ako na-a-out of place sa kanila. Pakiramdam ko kasi ay dahil sa akin kaya ganiyan siya umakto.
"Anong gagawin mo ngayon Demeter? You just can't kill your lover." Sabat ni Prinsesa Gemartha.
"Hindi ko alam, nagkakaintindihan namin kami ditong dalawa dahil sa kakayahan ko. Kakayahan kong pwedeng maging katulad niya and I said to her, kahit ano pang itsura niya at ano pa ang magiging kalagayan niya ay poprotektahan ko siya. I will just wait for the help of other specialists na kayang alisin ang sumpa na ito. And I will find them."
Siguro ito na ata ang oras para makatulong naman sa iba. Naging kaibigan ko na si Demeter, naging kaibigan na namin siya ni Menesis kaya hindi pwedeng hindi ko siya tulungan. Siya ang una naming nakilala sa Natharia Academia kaya naramdaman naming hindi pala lahat ng mga specialist na nabubuhay sa mundong ito ay uhaw sa kapangyarihan.
"I think I can help."
Think na nasabi na ata ni Menesis kung sino kami, sinabihan namin ang isa't-isa noon na kapag nasabi namin ang totoo naming pagkatao ay makakaramdam kami ng matinding sakit sa puso pero hindi naman ata ganun kalala ang nasabi ni Menesis dahil hindi naman ganun kasakit ang naramdaman ko.
"Sino ba ang gumawa nito sa kaniya?" Dagdag na tanong ni Prinsipe Yvinno.
"Nag-aanyong halimaw ako para maintindihan ang mga sinasabi ni Levinas, minsan niya ng sinabi sa akin na isang babae na kayang gawin ang specialist na ganap na halimaw."
This must be a mystery fo us, kailangan naming alamin kung sino ang babaeng sinasabi niya at alam kong hindi lang siya nalalayo sa Natharia. Mahirap lumakbay mag-isa maliban nalang kung may mga kasama ka na nag-uubos ng oras mo na hindi mo namamalayan na nakarating na pala kayo.
"Who is this woman?" Takang tanong ni Prinsesa Gemartha.
"Yan ang dapat nating alamin, nasisigurado kong malakas siya dahil sa sinabi ni Levinas na hindi niya nakayanang makatakas. Sa dami ng specialist na pumunta sa lugar na ito ay siya lamang ang ginawang halimaw, kaya ganito nalang katahimik ang lugar dahil wala ng dumadalaw dito dahil sa nalaman nilang may nanggugulong halimaw."
Ang mahirap talaga sa mga specialist na nabubuhay sa Natharia ay nabubuhay sila sa mga kasinungalingan. Ang mahirap sa kanila ay kung ano ang una nilang naririnig ay yun na ang pinaniniwalaan.
"I think this woman ang naghahanap sa presensiya ni Levinas noong bata pa siya, think na sa lahat ng mga specialist na nandidito sa lugar na ito ay siya lang ang ginawang halimaw. Meaning ay may purpose kung bakit siya lang ang ginawang halimaw." Sabat ni Prinsipe Daneel na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa halimaw.
"A-Anong ibig niyong sabihin?" Takang tanong sa kaniya ni Demeter habang nagpapalit-palit ang mga tingin niya sa amin.
"Bata pa si Levinas ay hinahabol na siya ng mga estranghero na nakasuot ng mga uniporme na walang pangalan ng eskwelahan na dinadala. Siguro alam na ni Levinas kung sino talaga siya at kung anong klaseng kapangyarihan ang meron siya. Siguro ang babaeng to ay isa sa mga estranghero noon na naghahabol sa kapangyarihan niya." Sabi ko at bahagya siyang napatango na parang ganun na kadali niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.
"Pagkatapos ng problemang ito, kailangan ko ng protektahan pa lalo ang babae ko. Hindi ko hahayaang mawala siya sa landas ko at hindi ko hahayaang makuha siya ng mga estrangherong sinasabi niyo." Turan niya sa amin kaya napangiti ako sa sinabi niya.
Lumapit ako kay Levinas, bahagya pa siyang napaatras dahil yata sa kaba na nararamdaman.
"I don't bite Levinas, dapat ako ang matakot sayo." Sabi ko sa kaniya at doon niya na-realize ang sinabi ko hanggang hindi na siya umatras pa at taas noong humarap sa akin.
Even she is a monster, makikita at makikita mo ang buong Levinas sa ikinikilos niya. Hindi na makakapagtaka na kapag nakatulong na ako sa kanila ay hindi niya na ako papansinin dahil sa hiya.
Hinawakan ko ang kamay niya na hindi ininda ang bigat nito, I can control specialists' body at kahit halimaw. Kayang-kaya kong kontrolin kahit saang parte ng kanilang mga katawan kaya magaan lang para sa akin ang mabigat niyang kamay.
I touched her dragon skin, malalaking kaliskis at mahahaba at matutulis na mga kuko na sigurado akong mawawalan ka talaga ng hininga kapag nakalmot ka nito.
I feel the presence at alam kong nag-iiba na ang ekspresyon ng mga kasama ko. I feel their stares at me, hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng tipid dahil sa katotohanang hindi na talaga kami ligtas sa lugar na tinatapakan namin sa susunod na mangyayari sa amin.
Dumaloy ang liwanag sa kamay ni Levinas galing sa aking mga palad at mararamdaman mo talaga ang matinding puwersa. Puwersa na kailanman ay hindi mababatid kung sino ba talaga kami. Maraming katanungan na siguro ang nabubuo sa mga utak ng mga kasama ko kung paano ko nagagawa ang bagay na ito.
Tumingin ako kay Levinas na nakapikit ang mga malalaking bilugan na mga mata at dinadamdam ang enerhiya na patungo sa kaniya.
I feel Levinas longing for her family, her ordinary family. Hindi kasi agad makakapag-adjust ang isang specialist kung hindi mo talaga nakasanayan. Buti pa si Levinas ay may mga pamilyang nagmamahal sa kaniya, malayo man siya o malapit, malinis man o madumi, makapangyarihan man o hindi.
Minsan na din akong naging Levinas noong nung bata pa ako, I was in the forest back then and practicing my powers. Hindi ko kaya kasi walang sumusuporta sa akin, Menesis back then ay may kaniyang sariling training while Lola Thorna making a breakfast. Gumigising kami ng madaling-araw para makapagsimula, nakabalot ng mahiwagang kapangyarihan ni Lola Thorna ang buong kagubatan kung saan hindi madidiskubre ang mga malalakas na presensiya namin.
Bata palang kami, si Lola Thorna na ang nalakihan naming magulang. Walang ina o ama kaming nakasanayan kundi isang Lola Thorna lang.
Habang pinapanuod ang nagliliwanag na katawan ni Levinas ay unti-unti kong nararamdaman ang kakaunting panghihina pero dahil sa gusto kong tumulong para sa kanilang pag-iibigan ay nilabanan ko ang panghihina ko para lang maituloy ang gusto kong pagtulong.
'Lola Thorna?'
'Bakit Genesis apo?'
'Bakit hindi pa po namin nakikita ang mga totoo naming mga magulang?'
'Bakit Genesis apo? Ayaw mo na ba sa akin?'
'Hindi po! Gustong-gusto ko po kayo at mahal na mahal ko po kayo. Pero hindi po namin maiwasan ni Menesis na magtanong sa sarili namin na bakit kami iniwan ng mga totoo naming mga magulang.'
'Genesis, iniwan kayo sa akin dahil may rason. Iniwan kayo sa akin dahil may dapat pa silang patunayan sa isa't-isa. Iniwan kayo sa akin dahil gusto nilang patunayan kung nagmamahalan pa ba sila.'
Hindi ko naiintindihan ang mga katagang iyon noon pero alam na alam ko na ang kahulugan ng katagang iyon ngayon. We are not abandoned, para kaming sagot sa mga tanong ng mga magulang namin. Dapat pa ba nilang ipagpatuloy ang pagmamahalan nila kasama kami? O hindi na nila itutuloy dahil hindi na nila mahal ang isa't-isa? Iniwan kami dahil kapag hindi sila magkakasundo, tiyak wala silang makukuha sa amin ni Menesis. Hindi nila kami mapaghihiwalay sa isang rason lamang.
"Levinas!" Sigaw ni Demeter at biglang niyakap ng mahigpit si Levinas na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin na may mga luhang nahuhulog galing sa kaniyang mga mata.
I smile sweetly to them, nasisiyahan ako na nakakatulong ako kahit papaano sa mga nag-iibigan. Nakakatulong ako sa pagsasamahan nila. Ayoko ko kasing makakita ng mga specialist na nahahantong sa sakitan at iyakan.
Tulad nalang ni Enzyme, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon kung bakit bigka niya akong hinalikan sa noo na hindi naman kami magkasundo.
"Salamat Genesis!" Sigaw sa akin ni Demeter kaya napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Ayokong matulad sila sa mga magulang ko na iniwan kami dahil sa hindi siguradong pagmamahalan nila. Kaya hindi gusto ni Menesis na ibalik ang totoo naming mga magulang dahil naniniwala siya na iniwan kami dahil sa kapangyarihan.
Nahihilo ako at parang matutumba ako. Hindi ko na nakayanan at naramdaman ko nalang na parang mahihimatay na ako pero bigla nalang akong nakaramdam ng mga braso na nakakapit sa bewang ko ng mahigpit.
"I don't know who you really are but your such a kind woman."
Ngumiti ako sa kaniya, kay Prinsipe Satro na nakayakap sa mga bewang ko. Siguro ito na ang tamang oras para hindi na sila malito sa mga ikinikilos ko.
"Prinsipe Satro, isa ako sa mga Diyos."
And everything went black.
-----
Satro.
"Prinsipe Satro, isa ako sa mga Diyos."
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya.
Una palang ay alam ko ng hindi siya ordinaryong specialist, I know that there is something behind her acts.
That sudden strength healed our wounds the time we fought those specialists wearing black coats? Alam kong sa kaniya iyon, alam kong nanggagaling sa kaniyang sistema ang ganung klaseng kapangyarihan.
What question come in my mind is who is she? What kind of Goddess is she?
"Tsk!" Dinig kong singhal ni Zhavia.
"S-She is a Goddess?!" Biglaang sigaw ni Daneel kaya pinanliitan ko siya ng mata para tumahimik siya. He's like a girl shouting that loud.
"Bingi ka Daneel." Turan sa kaniya ni Gemartha.
"Huwag ka ng sumawsaw pa Gemartha." Turan sa kaniya ni Yvinno.
Oh! Here they are again.
"Walang hiya ka talaga kahit kailan Yvinno! Kahit anong oras ay palagi kang-"
Hindi ko pinakinggan ang mga pinagtatalunan nila at lumapit sa dalawang tinulungan ni Genesis.
Headmaster Dracunox is right, Genesis is useful for a mission. This kind of situation na para bang wala kaming nagawa kundi manood lang.
"I didn't expect that girl is a Goddess." Turan nung nagngangalang Levinas.
"Stop speaking like that Levinas, she still save your life." Diing sambit sa kaniya ng lalaki.
"I know at malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Maiintindihan niya naman na ganito na talaga akong magsalita. I will never forget her for being a good Goddess. Siya pa lang ang nakilala kong mabait na Diyos, for sure that Menesis bitch is a Goddess also. Your ex-crush."
"Levinas, nakaraan na yun. Ayoko ng ungkatin pa ang nakaraan na makakasira sa atin. I want you to be mine and let me protect you with my strength and power." Turan sa kaniya ng lalaki.
Tumalikod nalang ako sa kanila dahil sa kung anu-anong pinagsasabi nila pero bago pa ako tuluyang maglakad ay nagsalita si Levinas.
"Gusto mo siya, gusto mo siya dahil sa kabaitan niya diba?"
Lumingon ako pabalik at tinignan ng malalim ang babae.
"Your wrong, I don't like her for what she is. Wala akong nagugustuhan sa kaniya, I'm just helping para matapos na ang misyon na ito na siya lang din naman ang nakatapos. Pero I admired her for being strong at all times, hindi lang siya mabait pero palaban. But still, I don't like her in a romantic way. May iba akong gusto, may iba akong mahal."
Narinig kong napasinghap ang mga kasama ko.
"Let's go." Sabi ko sa kanila pero bago pa kaming lahat makaalis ay bigla nalang may humarang sa amin na babae na nagpasinghap sa likuran kong babae na si Levinas.
"Hindi niyo pwedeng isama ang babeng yan. Magkamatayan man."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro