HG 33
Genesis.
"Kumain muna kayo mga panauhin galing sa Academia ng Natharia." Tumango kami sa inalok sa amin na pagkain ng dalawang hindi naman gaano katanda. Magkasing-edad lang ata sila ng Headmaster.
Nandito kami ngayon sa bahay kung saan nakatira ang mga magulang ni Levinas. Levinas Triumph.
Balitang-balita pala sa lugar na ito ang pagbabalik-balik ng mga nakaitim na mga nilalang na yun. Kaya nagpapasalamat daw sa amin ang mga mamamayan dito dahil nailigtas namin ang kanilang lugar na tago.
This place was made by the powerful Techno Specialists para iligtas ang kupunan nila, they told us na ginawang tago ito dahil alam ng pinaka-lider nila na mas agrabyado ang kanilang kakayahan kung ikukumpara sa iba.
This place is so nice, sa labas ay hindi mo aakalain na ganun pala kalawak ang kanilang tinitirhan, they have peace that they want and needs na nakakapagkuntento sa kanila. People here don't believe sa mga taong malalakas ay siya dapat na sambahin, they believe here na lahat ng kagaya nila, lahat ng mga specialist dito ay pantay-pantay.
Pinapalibutan ang lugar na ito ng mga holograms kung saan makikita ang nangyayari sa labas ng kanilang lugar. They called this place as Techlova kung saan makikita o ma-e-encounter mo ang iba't-ibang specialists na may kani-kanilang ipinagmamalaki bilang Techno Specialist. Hindi ito makikita sa mapa ng buong Natharia.
May mga installments din sila dito at mga establishments na naibibigay naman ang mga kailangan nila. They have a wonderful place, no war, no accuses.
"Hindi po kami magtatagal dito Mrs. Triumph, we have to find your daughter." Magalang na sabi ko at nagtaka naman ako ng biglang nalungkot ang mga mata niya na para bang may mali sa sinabi ko.
"Ginagamit niya rin pala ang apelyidong nakasanayan niya." Turan ng kaniyang ama kaya napalingon kami sa kaniya.
"What do you mean?" Tanong sa kaniya ni Prinsesa Gemartha na may nagtatakang tingin. Even she didn't know who Levinas is, still, she's trying to solve this problem and to help Natharia Academia.
"We are Denox, not a Triumph. Nakuha niya ang apelyido na yun sa unang nag-aruga sa kaniya. We understand na nag-aadjust pa siya sa pamumuhay dito sa mundong ito."
Kahit nagtataka ay sinuri ko ang mga mata ng mga magulang ni Levinas, may lungkot at awa akong nakikita. Their hearts are beating loudly and I don't know kung papaano ko ito naririnig. Is it one of my ability?
"Ano pong ibig-sabihin ninyo? May una pang pamilya na nag-aruga kay Levinas?" Tanong ko and they nodded.
"Nasaan na po ang mga naunang nag-aruga? Baka kasi hindi pa siya nasasanay sa mga bago niyang magulang." Sabat ni Prinsipe Daneel kaya napatango ako.
"Siguro nga ay nag-aadjust pa siya at kailangan ata pa naming maghintay ng matagal. Naiintindihan namin kung bakit siya naglayas sa Natharia Academia ay dahil nalilito pa siya sa mga nangyayari. Hindi pa siya sanay." Nagtataka parin ako sa mga sinasabi ng ina ni Levinas.
Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang ipinupunto niya.
"Can you go direct to the point?" Kahit rinig walang respeto sa aming mga kasama niya, the Princess of Satharia Storm Kingdom, ay may punto din naman siya. Nahahalata ko na kasi na parang ayaw nilang idetalye ng husto ang mga sinasabi nila.
"Nasaan ba ang pamilyang sinasabi ninyo para mapuntahan namin? Baka nandoon siya." Sabi ni Prinsipe Yvino kaya napatango kami halos.
"Nasa mundo ng mga ordinaryong tao."
Napasinghap kami dahil sa sinabi ng kaniyang ama. May galit itong nararamdaman sa puso niya, yun ang nakikita ko at nararamdaman ko. I don't know pero unti-unti kong nalalaman ang mga nararamdaman ng isang specialist.
"Kung nandito lang talaga sa mundong ito ang unang nag-aruga sa kaniya ay masasabi kong kahit hindi na siya bumalik sa amin ay ayos na basta buhay na buhay siya at masaya. Pero nasa mundo ng mga ordinaryong tao ang naunang nag-aruga sa kaniya, ordinaryong pamilya ang nag-alaga at nagpakain sa kaniya."
Hinanakit sa kanilang puso ang napapansin ko, parang may paghihinayang ang kanilang nararamdaman na hindi ko batid kung ano ba talaga ang nagawa nila.
"Pinaampon siya namin doon to keep her safe." Turan ng ama ni Levinas kaya napatingin kami sa kaniyang mga mata.
"Hinahabol kami noon ng mga specialist na hindi namin alam kung sino dahil nakasuot sila ng uniporme na walang pangalan ng eskwelahan na dinadala. Na para bang sinasadya nila kaming lituhin na alamin kung sino ang taksil sa buong mundong ito. Hinahabol nila kami dahil isinilang noon si Levinas na siyang nagdadala ng malakas na kapangyarihan ng mga ninuno namin."
Nagulat ako dahil sa biglaang rebelasyon na lumabas sa kanilang mga bibig. Bakit parang hindi ko naman nararamdaman ang malakas na presensiya ni Levinas? Like she is ordinary Techno Specialist.
"Kasamaang palad ay napakarami nila at napalibutan na kami ng mga specialist noon na may mga ngising nakaguhit sa kanilang mga demonyong mukha. Akala namin ay doon na magtatapos ang lahat, sa tulong ng kapangyarihan ng aking asawa na kayang gumawa ng portal gamit ang kaniyang hologram ay dinala kami kaagad nito sa hindi namin nalalamang lugar. Pero ang palatandaan ay may bilog na kasinglaki din ng gate ng Natharia Academia ang narating namin, may iba't-ibang simbolo na hindi namin malaman kung ano ang kahulugan. Pero noong umiyak ang aming anak ay siyang pagliwanag ng mga bawat simbolo hanggang sa may malaking liwanag sa gitna nito na parang hinihigop ang aming presensiya."
Their story is so tragic, hindi ko alam na ganito pala ang napagdaanan ng pamilya ni Levinas. Hindi ko alam na kayang isakripisyo ng mga magulang ang kanilang mga buhay basta lang mailigtas ang kanilang anak.
Ano kaya ang tunay na mararamdaman namin ni Menesis kapag nagkaroon kami ng totoong pamilya?
"At sa kakayahan kong makita ang nasa loob ng isang bagay gamit ang aking hologram ay nakita namin ang mga kakaibang gusali nito sa loob, may mga nilalang na may mga gulong at bintana. Mausok at maingay na lugar at napagtanto namin na portal ito papuntang mundo ng mga ordinaryong tao, kailangan naming pumasok sa mundo ng mga ordinaryong tao, ibigay sa ordinaryong pamilya at bumalik sa mundong ito na may mga luha sa mga mata."
Napansin kong sumisinghot na si Prinsesa Gemartha na siyang ikinahahagikhik ni Prinsipe Yvinno sa gilid. Si Prinsipe Daneel na natatawang nakatingin lang sa dalawa at ang dalawa pang Royals ay seryosong nakikinig sa ikinukuwento ng mga magulang ni Levinas.
"Pero dumating ang araw na alam naming dadating at dadating din sa mundong ito ang presensiya niya kaya hinanap namin siya kaagad. Ang ikinagulat lang namin ay bakit niya kami agad nakilala nang magtagpo ang aming mga landas na hindi nagpapalitan ng pangalan. At doon nalang namin nalaman na reinkarnasyon pala siya ng aming pinakaunang lider na may kakayahang alamin ang nakaraan at gumawa ng sariling pintuan gamit ang hologram na ito."
Its sad, adjusting yourself into this world na hindi mo kinalakihan.
Pero hindi ko aakalain na malakas din pala ang kakayahan ni Levinas. Nagtatalo pa nga sila ni Menesis noon at nakita ko na bigla nalang titiklop si Levinas but still she is triggered to helped us to look for another God.
Wala na nga pala akong balita kay Devor at Devonna. Ano na kaya ang nagyari sa kanilang dalawa? Wala narin akong nabalitaan na may mga Diyos na bago at mga Titan na nabubuhay pa sa henerasyon na ito.
"Still hindi pa niya ito nakokontrol ng mabuti kaya pinaniwalaan niyang mahina siya sa lahat. Pero tinulak namin siya sa Academia ng Natharia para mahasa ang kapangyarihan niya, nakontrol na siguro niya ata pero hindi namin alam kung anong rason kung bakit siya biglang nawala. Iyak ako ng iyak tuwing gabi habang iniisip ang kapakanan ng aming anak, kung nakakakain ba siya ng maayos, kung naliligo ba siyo o ligtas ba ang natutulugan niya."
At doon na pumasok ang apelyido na Triumph na siyang pag-aari pala ng isang ordinaryong tao.
"We need to go, hindi tayo dapat magtagal." Turan ni Prinsipe Satro.
"Hahanapin namin ang iyon anak at nasisiguro naming wala siya sa inyong lugar. Wala ang presensiya niya dito kaya malamang ay nasa labas lamang siya." Litaniya ko at nagpasalamat sa amin ang mga magulang ni Levinas at sinamahan kami papalabas sa Techlova.
Nagbigayan kami ng pamamaalam at nagtungo sa isang kagubatan na alam ko, nasisiguro kong nandoon siya.
May nagkuwento sa akin na may isang kagubatan dito na takbuhan ng mga specialist na gusto ng mapayapang buhay, walang gulo at walang humuhusga sa personalidad ng bawat isa.
I think naranasan na din ni Levinas ang pamamalupit ng mga kapwa niyang estudyante dahil siya ang may pinakamahinang kapangyarihan pero hindi nila alam ang tunay na Levinas.
Naaalala ko pa ang sinabi ng ina ni Levinas.
"Hanapin niyo siya bago mahanap ng iba, her power is useful, powerful. Pwedeng magamit ito sa kasamaan dahil nga sa sinabi ko, nakakagawa si Levinas ng sariling pinto at sure ako na gagamitin siya para gumawa ng pinto o hanapin ang nakaraan ng isang bagay pero hindi ko alam kung sino at saan ito gagamitin. Nasa dalawang option lang ang maari kong hulaan na rason kung bakit hinahabol nila ang anak namin. Sana mapagtagumpayan niyo ang misyon, may tiwala ako sa mga kakayahan niyo na kaya niyong ibalik ang aming anak na walang masamang nangyari."
Lakad lang kami ng lakad, madilim na at sigurado akong posibleng may mangyari na hindi kaangkop-angkop. Pwede kaming sugurin ng mga ligaw na kaluluwa na may mga pulang mata, hindi ko alam pero may nakapagsabi sa akin na marami pang mga nilalang na hindi mo aakalain na nabubuhay sa mundong ito.
"I feel her presence." Sambit ko kaya napalingon sila sa akin.
"How?" Takang tanong sa akin ni Princess Gemartha at akmang magsasalita na ako ng biglang kumirot ng kaunti ang dibdib ko.
No.
Menesis, akala ko sekreto lang natin to? Bakit mo nasabi sa kung sino mang specialist ang nakahuli sayo?
"Okay ka lang ba Genesis? Nagiging pale ang lips mo." Turan sa akin ni Prinsipe Daneel pero binigyan ko lang siya ng 'thumb's up' para sabihing ayos lang ako at hindi na sila dapat pang mag-alala.
Mag-uusap tayo kapag nakabalik ka na Menesis.
'Roar!'
Bigla kaming napaposisyon dahil sa matinding ungol ng isang halimaw, parang naaamoy kami ng halimaw na ito and think na napakalakas ng ugong nito ay malapit lang ito sa aming kinakatayuan.
"Be ready." Prince Satro said.
Napansin kong mas umiitim na ang kalangitan na may kasamang kidlat at kulog, nanlalamig na din ang kapaligiran dahil sa kapangyarihan ng Prinsipe Yvino. Metal sword na nasa kamay ni Prinsipe Daneel and a Dark Ball appeared to Princess Gemartha's palms.
Nasa unahan namin si Prinsipe Satro na may mga liwang sa kaniyang mga palad at kahit anong oras ay pwede siyang sumugod.
"Hangal." Napalingon kaming lahat sa isang pigura ng lalaki papalapit sa amin. Kakaiba ang mga kamay nito at parang may kung ano sa isip ko na kilala ko ang isang to.
"Umuwi na kayo, Nagising ang mahal ko dahil sa mga presensiya niyo." Napansin kong napataas ang kilay ng mga kasamahan ko.
His girl? Babae ang halimaw at inaangkin niya ito? Teka-
"Sino ka ba? And how did you know that the monster is a girl?" Tanong sa kaniya ni Prinsesa Gemartha.
Hanggang sa makalapit na sa aming kinakatayuan ang pigura ng lalaki at ngayon ay malinaw na malinaw kong nakikita ang mukha ng lalaki.
Pumayat siya ng kaunti.
"Demeter." Sambit ko sa pangalan niya at gulat siyang napalingon sa akin.
Kaya pala hindi ko na nakikita si Demeter sa Natharia Academia dahil nandidito pala siya? May misyon ba siyang kinakaharap at pati halimaw ay inaangkin niya? Baka ito ang nagiging epekto kapag nakakaencounter ka ng iba't-ibang misyon.
Hindi ko naman masabi na baliw siya dahil napakaimposible na ang unang lalaki na nakipagkilala sa amin ay nawawala na ng isip at ulirat at nandidito ngayon sa isang kagubatan.
Sinuri ko ang kagubatan at may nakita akong mga magagandang kapunuan at mga bulaklak, those flowers are blooming even its a night time.
Ito na ba ang sinasabi nilang kagubatan na takbuhan ng mga specialist kapag gusto nila ng kapayapaan at katahimikan?
"A-Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong sa amin ni Demeter.
"We are here for a mission, and you? What are you doing here?" Balik tanong sa kaniya ng Prinsipe Yvinno.
"Nagbabantay sa babae ko." Nagulat nalang kami ng lumitaw nalang bigla sa likuran ni Demeter ang napakalaking halimaw na kasing laki ng mga matatayog na puno sa iba pang kagubatan.
Pero imbis matakot ako sa halimaw ay iba ang nadidinig ko sa puso niya, sumisigaw ito ng lungkot at poot sa sarili. May galit sa sarili niyang kinakatayuan.
Who is she?
And I'm about to ask something ng biglang magsalita si Demeter na nagpahinto sa tibok ng aming mga puso ng panandalian.
"Sorry for interuption, by the way she is Levinas. My girl."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro