HG 32
Menesis.
"W-What do you mean Axial?"
I know someday na hindi sa lahat ng panahon ay maitatago namin ang mga pagkatao namin ni Genesis dahil may ibang mga specialist na kayang alamin ang mga sikreto ng kapwa nila. Tulad nalang ni Azma, I don't know who she really is but may something sa kaniya na kailangan akong kabahan.
Hindi na ako nagiging maingat sa mga ikinikilos ko kaya ako rin ang may kasalanan. I should be careful next time para hindi nila alam kung sino talaga kami.
"I thought your just a Zero Gravity Specialist, Menesis? Bakit naging ahas ang mga sandata ng mga lalaking yun? How did you do that?" Kahit nagtataka siya kung paano ko yun ginawa, still nandiyan parin ang seryoso niyang mga mata. This is my first time na naging seryoso siya sa akin.
"I.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
Am I going to tell him? Kailan ko na bang sabihin sa kaniya kung ano ako? Kung anong klase kaming specialist ni Genesis? Pero wala dapat makaalam pa nito dahil hindi pa namin alam kung ikakabuti ba namin kapag nasabi namin ito sa kanila.
It can lead us to death if they will find out that we are more than specialist.
"Menesis, are you lying to everyone?" Seryosong sabi niya, may part sa akin na nag-uudyok na sabihin sa kaniya and I have this feeling na dapat ko siyang pagkatiwalaan.
"Hindi ako nagsinungaling Axial dahil kahit kailan ay walang nagtatanong kung ano kaya naming gawin except Demeter na una naming nakilala sa Academia. Hindi namin ipinagsasabi ni Genesis ang kapangyarihan namin dahil wala namang nagtatanong, nagiging maingat lang din naman kami sa posibleng mangyayari. Being a Goddess is not that eas-"
"W-Wait stop there! Y-You are a Goddess?"
Patay na! Dila mo talaga Menesis wala ng tigil sa pagsasalita! How can I change the topic kung seryoso na talaga siya sa pagtatanong at paninigurado sa akin? Paano ko aalisin sa utak niya ang mga nasabi ko?
Gagamitin ko na naman ba ang kapangyarihan ko para mawala ang memorya niya? May limitasyon ang paggamit nito, it will take hours na magagamit ko ito dahil wala naman ako sa labanan. Pinipigilan ng puso at isipan ko na patigilin ang oras dahil hindi naman naaapektuhan ang paligid ko.
"I don't know what to say." Nasabi ko nalang at napalingon sa ibang direksiyon.
I think this is the time na hindi na namin pa itago ang pagkatao namin but still, hindi niya malalaman na kakambal ko si Genesis dahil iba na ang papasok sa isipan niya at sa iba pang mga specialist kapag nalaman nilang magkambal kami. Maniniwala sila sa mga pinaniniwalaan nilang masama ang cursed twins na sinasabi ng Headmaster na yun dun sa Natharia.
Fake news.
"Your actions telling me na Goddess ka nga, why did you hide it? Wala namang masama kung sasabihin niyo ang totoo diba? Hindi naman kayo huhusgahan and what special on it ay sasambahin pa kayo ng karamihan dahil sa posisyon niyo." Sambit niya mismo sa akin at doon na napalingon ang ulo ko sa kaniya and looking on his eyes with full of curiousities and craving for answers.
"Tinago namin ang katauhan namin dahil ayaw namin ng gulo, oo Goddess ako at kung tatanungin mo ay ganun din si Genesis. We are Goddess but never na sumagi sa isip namin na dapat kaming bigyan ng pansin at dapat kaming sambahin. Kung sinabi ko kaagad na isa ako sa mga Diyos, I'm one of those Hidden Goddesses siyempre hindi kita makikilala bilang prinsipe na maganda ang kalooban sa iba hindi tulad ng iba. At siyempre marami na namang gagawin sa Academia kapag nangyari yun, we wanted a peaceful lives but I think hindi na matutupad yun." Litaniya ko.
Kahit kailan hindi sumagi sa isipan namin ni Genesis na dapat ganiyan kami hangaan, dapat ganito kami kainggitan ng mga specialist dahil sa kakayahan namin. Pero hindi namin pinangarap ni Genesis na magkaroon ng ganitong klaseng kapangyarihan dahil nasisira ang reputasyon namin, maraming naniniwala na ang kakayahan namin ay magdadala ng buong kamalian sa mundo namin.
"But we can still meet in other way Menesis." Sagot niya sa akin pero binigyan ko lang siya ng mapait na ngiti.
"Pero matagal pa yun Axial, alam mo kung bakit kita gustong makilala agad? Because you are a Royal blooded with a kind heart na mas dapat kainggitan ng lahat. Even you are not in the first Silver Rank sa Natharia Palace pero kapag ipagpapatuloy mo ang kabutihang asal mo, you will be the number one in everyone's heart. Mas dapat kang sambahin dahil sa kabaitan mo." Sabi ko sa kaniya.
"Isa ka ba doon? Number one ba ako diyan sa puso mo?" Nagulat naman ako sa bigla niyang inasal na kaninang napakaseryoso ng kaniyang mga mata at nagsasabing mas dapat ko siyang bigyan ng mga sagot pero bigla nalang itong naglaho at pinalitan ng kakaibang feeling.
Hindi ko expect na darating ang tanong niya, hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Kahit wala si Donessa dito o anumang pangalan niya still gusto parin siya ng kaibigan ko, dating kaibigan namin ni Genesis.
"Hindi ikaw ang number one Axial so don't fool yourself." Napalingon naman kami kaagad sa lalaking sumabat and here he is smirking na
nakakainis.
"Hindi ko alam na nagko-confess ka na pala Axial? How did it happen that a Royal blooded Prince of Natharia Air Kingdom confessing his feelings to this not-so-ideal-and-ordinary-girl named Menesis?"
Bigla ko nalang naikuyom ang palad ko sa dagdag na sinabi ni Igneous. Bakit ganito siya ka-rude sa mga taong nasa paligid niya? May nararamdaman pa ba siyang awa o kahihiyan sa katawan? Sabat siya ng sabat na para bang dapat salihan niya na hindi naman dapat. He is acting weird daily.
"Maglilimang-araw na tayo dito still wala paring process, isa pang Diyos naisama natin but here you are confessing each other? You have the guts ordinary and plain girl confessing your feelings towards him."
"She is not just ordinary Igneous! She is a Go-" Pinutol ko na ang sasabihin ni Axial bago pa niya masabi kay Igneous ang hindi dapat sabihin.
"Ano bang pakialam mo? At bakit mo ba sinasayang ang oras mo para sumabat sa usapan ng may usapan na alam mong sa simula palang ay hindi ka naman dapat sumabat? Eh ano naman kung nagko-confess nga kami sa isa't-isa? Ano bang paki mo?" Mahanghang na sagot ko sa walang respetong pagsasabat niya sa usapan namin.
Kung wala siyang respeto pwes! Hindi ko rin siya rerespetuhin bilang prinsipe.
Tinignan ko si Axial and he is looking at me straightly with this serious stares but still I think na iniisip niyang may gusto ako sa kaniya.
It will never happen.
Sorry Axial, I don't feel anything romantic towards you. Pero hindi ko naman madidiktahan ang tadhana kung gagawa siya ng paraan para magkalapit pa kaming dalawa. Alam niya na ang sikreto ko kaya hindi malabong mangyari yun.
"Your talking to me like that? Hindi ka ba nahihiya na nakikipag-usap ka ng walang modo sa isang prinsipe?" Tanong niya sa akin pero hindi ako nagpatalo.
"Your talking here as if you are in the right place? Hindi ka ba nahihiya na sumasabat ka sa usapan ng iba? Remember, prinsipe din ang kasama ko." Sabi ko sa kaniya at hindi ko na siya pinakinggan pa at lumayo na sa kanilang dalawa.
Narinig ko pa silang tinawag ang pangalan ko na hindi ko alam why are they calling me. I don't care about their positions, for me, lahat ng specialist ay pantay-pantay. That's why, its one of the reason kung bakit ayaw naming i-introduce ang personalities namin ni Genesis.
Naglalakad ako ng naglalakad hanggang sa napunta ako sa likuran ng library kung saan nakita namin ang wala ng buhay na katawan ng isang Diyos at ang nakakita 'kuno' na si Sonata.
Observing the place and its still quite, may dumadaan na mga estudyante papunta sa library at may iba naman ay umuupo nalang sa ilalim ng puno at nakatanaw sa asul na kalangitan na parang karagatan at ang mga ibon na lumalangoy imbis na lumilipad sa aking paningin.
"You are sad Menesis."
"Azma." Sambit ko sa pangalan niya ng makita ko siya sa aking harapan na hindi ko man lang napansin na dumaan. She is good in appearing and disappearing and I wonder who she really is.
Malungkot ba talaga ako? Malungkot ba ako dahil sa kapangyarihan ko-namin ay pwede kaming mapahamak? Pwede kaming kitilin ng mga kapwa namin at alam kong hindi namin kakayanin ang buong Natharia dahil sa lakas ng kanilang kupunan isama mo narin ang Satharia na konektado din pala sa Natharia. Meron ding mga Diyos kaya hindi malabong kami ang mas agrabyado at magiging abo na lamang.
"Hindi ko alam pero dapat ko na ba talagang sabihin sa lahat kung sino ako? Para wala ng gulong dumating? I don't know what to do Azma." Para akong bata na nanghihingi ng payo sa kaniyang ina, Azma is smiling at me sweetly na para bang wala siyang problema na kinakaharap.
"Nasa sa iyo ang desisyon Menesis, hindi ko masasabi kung tama ba na ibunyag ang sikreto mo. Nalaman mo ba kung paano ko nalamang may sikreto ka Menesis?"
Natanong ko na din sa sarili ko yan kung paano niya nalaman na may sikreto ako which is her ability is just to feel what others' feeling. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero bigla ko nalang nakalimutan.
Umiling lang ako at bigla nalang niyang itinapat ang palad niya sa aking kaliwang dibdib kung saan ang puso ko ay hindi mo malalaman kung kalmado ba ang pagtibok nito o ordinaryo lamang.
"Nalaman ko na may sikreto ka dahil ang nararamdaman mo ay nagtatago din ng sikreto. Yang puso mo ay may sikreto hindi lang sa utak mo."
Hindi ko maintindihan, nagtatago din pala ng sikreto ang puso?
"Naramdaman ko na ang nararamdaman mo nung una tayong nagtagpo ay iba't-ibang klase pero hindi ko lang sinabi. May nararamdaman ka kasi na ayaw mong damdamin kaya halos lahat ng emosyon ay naghahalo-halo at hindi na alam ng puso mo kung ano ang unang dadamhin."
"How did it happen? Hindi ko alam na may sikreto pala ang puso ko and can you please enlighten me kung sino ka ba talaga at ang dami mong nalalaman? Alam ko kasi hindi ka lang talaga ordinaryo, Diyos ka ba?" Biglaan kong tanong sa kaniya, binawi niya ang kaniya palad sa pagkakatapat nito sa aking kaliwang dibdib at ngumiti ulit sa akin.
"Simple lang akong specialist Menesis, namumuhay ng payapa kasama ang mga magulang at mga kaibigan. Pero hindi naman kasi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan at pagbabangayan ng bawat isa kaya hindi natin masisisi ang sarili natin."
Hindi niya sinagot tanong ko.
"Pero hindi ako katulad mo Menesis, hindi ako Diyos tulad ng iniisip mo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Alam kong kaya niyang alamin ang sikreto ko pero hindi ko naman sinabi sa kaniya na isa akong Diyos. Mamamatay na ba siya kaya ganito siya makapagsalita? Did she sacrifice her life just to know my personality and my secret?
"Mali ka sa iniisip mo, base sa reaksiyon mo ay parang nalilito kung paano ko nalaman na isa kang Diyos. Na isa ka sa kanila. Alam mo Menesis, magaling akong magtago at maglaho pero hindi ko alam pero bakit ganun? Bakit kaya akong pabalikin ng babaeng to? At nalaman ko na Diyos ka dahil may tenga ako at naririnig ko ang mga usapan niyo ng prinsipeng iyon. Nandoon lang naman ako sa tabi mo hanggang dumating ang isa pang prinsipe na walang ibang nararamdaman kundi pagkauhaw sa isang posisyon na hindi ko naman alam kung ano."
I think she is referring to Igneous who craved highest position sa Natharia Palace. Yan ang narinig ko minsan kay Ignite kaya hindi niya ako pinapalapit sa kaniya dahil isa siyang brutal na specialist at wala siyang kaawa-awang nilalang na kahit isang ordinaryo lamang ang kapangyarihan niya.
I can make fire too, water and also throwing daggers and controlling grounds. Pero malimit ako sa ikinikilos ko para maitago ang personalidad ko bilang isang Diyos, bilang isa sa mga Diyos na kinaiinggitan dahil sa kanilang kapangyarihan, kinagigiliwan dahil lahat ng mga Diyos ay biniyayaan ng mga magagandang postura at pagmumukha.
"Menesis, dadating ang panahon na magsasakripisyo ka para sa kapakanan ng lahat, magsasakripisyo ka para sa minamahal mo, sa mga kaibigan mo at iba pang malapit sa puso mo. Sometimes you need to sacrifice your life and what you have for them to be contented and happy." Turan niya sa akin.
Yeah, she is right. Dadating at dadating ang panahon na ako naman ang magmamahal, magliligtas at magsasakripisyo ng buhay para maging masaya sila at wala ng kaguluhan pang mangyayari. Because of this power, because of the power we have, we didn't feel safe nung bata pa lang. We already know that.
"At kapag nagawa ko na yun Azma, at least nakilala ko na isa sa mga ililigtas ko and its you. I don't know but I have this feeling na dapat mas kilalanin pa kita, na dapat mas makatanggap pa ako ng maraming sagot. Ituro mo sa akin kung paano kita mas makikilala. Tell me Azma." Turan ko sa kaniya at hindi na ako nagulat o nagtaka ng bigyan niya ako ng panibagong ngiti.
Bigla nalang siyang may tinuro at sinunod ko ang hintuturo niyang may tinuturong lugar and nagtaka naman ako kung bakit sila ang tinuro.
"They know me."
Those guys.
Sila yung nagbabatuhan ng mga katana at daggers.
Anong koneksiyon nila kay Azma?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro