Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 31

Genesis.

Handa na kami sa pagligtas kay Levinas.

"Mag-iingat po kayo." Sabi ng kaibigan ni Levinas at napansin kong sabay kaming anim na napatango.

Binigyan niya kami ng ensaktong lokasyon kung saan ang mga magulang ni Levinas nakatira at doon yun sa Town of Technologies kung saan maeencounter namin ang mga kagaya ni Levinas na mga expert sa mga holograms.

Matagal-tagal na daw hindi nakakauwi si Levinas sa dorm nila kaya nag-aalala ng husto ang kaibigan niya at doon na siya lumapit kay Headmaster. Headmaster is a one of a kind na kapag kailangan na ng tulong ay handa siyang mag-alay ng specialist para sa kapakanan lang ng estudyante niya. Pero iba parin pakiramdam ko sa kaniya.

Kasama ko ngayon ang Royals ng Satharia Academia at kahit ako ay naninibago dahil hindi ko pa close yung apat sa kanila. Si Prinsesa Gemartha lang naman kasi ang close ko dito pero napapansin kong napakacold ng isa pang babae na parang hindi marunong ngumiti.

"Alis na po kami Headmaster." Pagpapaalam ni Prinsipe Satro at binigyan siya naman ng tango ng Headmaster.

Bumukas ang napakalaking gate kung saan ito ang pinaka-main gate sa lahat. Naaalala ko pa nung magkasama kami ni Menesis mag-enroll dito and yes, piece of cake ika nga.

Hindi kami nagdalawang-isip at lumabas kami kaagad. Depende kung kailan kami babalik hanggang hindi pa namin nakikita si Levinas. We want to save her kahit may pagkabrat siya, away nga ng away sila ni Menesis noon eh.

"So how's the feeling being with us Genemem?"

A-Ano daw? G-Genemem?

"Bobo ka talaga kahit kailan Yvino. Its Genesis not Genemem, kahit kailan talaga wala ka sa isip mo no?" Sagot sa kaniya ni Princess Gemartha kaya napahagikhik ako.

Yvino pala ang pangalan ng lalaking puti ang buhok. Kasama nung gray ang buhok na masiyahin din pero ito lang isang babae na may sobrang itim na buhok ang napakatahimik at laging seryoso.

"Eh sa nakalimutan ko eh." Pout na sabi ni Prinsipe Yvino na ikinangiti ko. Sana ganito yung mga Royals namin dito sa Satharia, seryoso sa misyon pero masiyahin ang mga personalidad na parang walang problema.

Lakad lang kami ng lakad, may mapa naman kami kaya malalaman agad namin kung nasa ensaktong lugar na kami.

Kanina pa nagbabangayan si Prinsipe Yvino at Prinsesa Gemartha, siguro gusto nila ang isa't-isa kaya ganiyan sila magbangayan. Umaabot na hahampasin na ni Prinsesa ang balikat ni Prinsipe kaya natatawa ako dito sa likuran nila na pasimple.

"So how's the feeling being with us Menesis?" Napalingon ako kaagad sa may nagsalita sa gilid ko and its Prinsipe Satro.

Ginaya niya ba si Prinsipe Yvino? The difference is, he called my exact name at hindi yung Genemem.

"Masaya kayong kasama kahit seryoso kayong dalawa ng isa pang Prinsesa, hindi kapareha ng Royals namin ay uhaw sa atensiyon ng lahat. Mga maldita sila kaya hindi kami nakikipagsalamuha talaga sa kanila pero ipinagtataka ko lang ay yung pagsama ng kapatid ko sa Academia niyo kasama ang Royals namin. Sabi ng isa sa kanila na kailangan daw si Menesis, sabi ng kapatid ko sa akin." Mahabang litaniya ko sa kaniya.

"Menesis? You have a sister? Are you twins?" Gusto ko mang aminin na oo magkambal kami pero may koneksiyon parin siya sa Natharia Academia Headmaster. Sila ang nagproseso sa mga papeles ng mga Royals kaya hindi ko alam kung dapat ko rin ba silang pagkatiwalaan. Baka may iba pa silang misyon dito maliban sa iba.

Iba kasi ang pakiramdam ko kapag nababanggit ni Headmaster ang cursed twins na sinasabi niya, feeling ko kami ang pinagdidiskitahan. Alam kasi naming dalawa ni Menesis na may kakaiba sa kapangyarihan namin at siyempre alam namin kung sino talaga kami.

Pero hindi namin alam ang pangalan ng mga magulang namin dahil iniwan nalang kami sa kamay ni Lola Thorna.

"Oo may kapatid ako pero hindi kami kambal. Kasing-ganda ko din siya Prinsipe." Ngiting sabi ko sa kaniya and for the first time ay napangiti ko siya kaya napangiti na din ako ng malapad.

"Hala ngumiti ka?" Tanong ko na hindi talaga makapaniwala, hindi naman kasi siya ngumingiti sa akin kahit magkatabi kami ng upuan. Hindi niya nga ako pinapansin eh.

"Bawal bang ngumiti?" Nabigla ako dahil sa biglaan niyang pagseryoso pero kahit ganun siya ay nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabiling gilid ng labi and I stretch it para maging smile na siya at sabay bitaw.

"Ayan. Ngumiti ka ulit, hindi naman bawal ngumiti eh. Hindi lang ako nasanay dahil hindi ka namamansin sa room kahit magkatabi tayo." Pag-aamin ko sa kaniya.

"Hoy ano yan!" Sigaw ng isa pang Prinsipe kaya bigla tuloy akong napalayo kay Prinsipe Satro at tumingin sa ibang direksiyon.

"Pabayaan mo nga sila Daneel! Ikaw talaga oh!" Sigaw naman sa kaniya ni Prinsesa Gemartha.

----

Ilang oras na kaming naglalakad pero hindi pa namin makita itong lugar na'to.

"So tiring." Dinig kong bulong nung isa pang Prinsesa. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam kong may iba pa siyang dinaramdam pero hindi niya lang ipinapakita sa amin. Pilit niyang tinatago yun sa mga seryoso niyang ekspresyon.

"Saan na ba yang lugar na yan? Nakakainip ah!" Sigaw din ni Prinsesa Gemartha kaya napalapit ako sa kaniya. Siya kasi ang may hawak ng mapa.

"Pwedeng pahiram ng mapang hawak mo Prinsesa?" Magalang na tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya.

"Sure."

Tinignan ko ng mabuti ang mapa pagkatapos kung kunin sa dalawang palad ni Prinsesa Gemartha. Sinuri ko ito ng mabuti at ang mapa na ito ay sa Natharia lamang na lugar, makikita ang limang lungsod at ang limang kaharian at ang nag-iisang palasyo.

Kung tutuusin ay nandidito na kami malapit sa Town of Technologies pero hindi lang namin makita kung nasaan ito. Mahirap hanapin ang lugar nila sapagkat kilala ang kanilang lungsod sa pangloloko ng mga kalaban.

They deceive enemies para sila ang maka-take advantage, mahina ang abilidad nila kung tutuusin pero kung sasanayin at bibigyan ng diin ang kanilang pagte-training ay hindi malabong mas lalakas ang lungsod nila.

Umupo ako and my right knee touches the ground, I touch the ground and feel the presence in it.

"Nandito na tayo." Anunsiyo ko sa kanila kaya napaharap sila sa akin.

"Dito? As in dito? Bakit wala tayong makita?" Tanong sa akin ni Prinsesa Gemartha kaya napatayo ako to explain further why we can't see the town.

"Kilala ang town na ito sa pagdedeceive ng kalaban, hindi pa sila ganoon kahusay sa paggamit ng abilidad nila kaya siguro naisipan nilang ito muna ang sanayin nila para hindi sila maatake ng kung ano mang nilalang while they are inside in it at nagte-training. Ginamit nila ito ngayon sa atin dahil akala nila kalaban tayo pero huwag kayong mag-alala dahil hindi nila tayo pwedeng saktan." Litaniya ko at tumango sila.

"So how can we go inside?" Tanong ni Prinsipe Daneel.

"This is kind of Techno Illusion, gamit ng kanilang hologram ay nakakagawa din sila ng ilusyon but if we are witty enough ay makakaya natin itong magiba." Turan ko sa kanila at napatango si Prinsipe Daneel sa sinagot ko sa kaniya.

"Very well." Dinig kong bulong ni Prinsipe Satro pero hindi ko nalang pinansin baka kasi lumaki ang ulo ko.

Minsan na ako dito sa town na'to dahil sinama na kami dito ni Lola Thorna para kumuha ng mga sangkap niya. Kahit ako ay nagtaka din ako nung sinabi niyang 'nandito na tayo' eh wala rin kaming makita but she said na way daw ito ng mga taga Town of Technologies para hindi makapasok ang mga kalaban.

Nag-isip ako ng paraan kung paano kami makakapasok, pansin kong nag-iisip din ang mga Royals ng Satharia. Hindi ko pwedeng gamitin ang iba ko pang kapangyarihan dahil baka mabuko nila ako, hindi lang kasi lugar ang kayang magdeceive, pati tao kaya din.

The only option is to use my ability Body Manipulation pero paano ko ito gagamitin sa ganitong sitwasyon?

"I think I already know kung papaano tayo makakapasok."

"Well not now." Napalingon kaming lahat sa nagsalita and we are all shocked dahil bigla nalang nagsulputan ang mga nakablack coat, they are too many.

Pinapangunahan sila nitong tatlong presensiya na ito, they are familiar.

Right! Sila yung nasa Natharia Academia likod ng library! Sila ang kumuha kay Azania!

"Nasaan si Azania!" Sigaw ko.

"Who are they?" Takang tanong ni Prinsesa Gemartha.

"Sila ang kumuha isa sa mga Diyos ng Natharia Academia, inatake kami sa loob at napagtagumpayan ang pagkuha sa kasamahan naming babae." Seryosong sagot ko sa kaniya.

"Azania? The girl who can see the future? Huwag kayong mag-alala papatayin din namin siya kapag wala na siya silbi sa amin para wala na din kayong aalalahanin pa." That voice, siya yung lumapit sa akin before ako nawalan ng malay.

Nagulat ako dahil bigla nalang naging yelo ang iba pa nilang kasamahan.

"Magpalamig muna kayo, ang iinit ng ulo niyo eh." Sabi ni Prinsipe Yvino.

Ang malamig na usok na nanggagaling sa yelo ay biglang umaangat at pumupunta sa itaas ng kalangitan. And it formed dark clouds at doon ko narinig ang matinding pagkidlat at tinamaan ang iba sa mga nakablack coat.

"Storm?" Prinsesa nga pala siya ng Satharia Storm Kingdom.

Ang lalakas nila at ramdam ko ang mga enerhiyang bumabalot sa mga katawan nila and their presence ay bigla-bigla nalang nagbabago. Nagiging mas malakas pa ito.

"At sino naman kayong mga hampaslupa kayo?" Tanong nung isa pang boses lalaki.

"Royals of the Satharia." Maikling sagot ni Prinsesa Gemartha. Sa porma niya ngayon ay hindi ko na siya kilala dahil sa biglaan niyang pagbago ng ekspresyon. She is so serious like she wanted now to kill.

"Oh? Basura na naman?" Sambit nung isang boses lalaki.

"Ikaw na naman?" Napalingon ako sa nagboses babae at yun ang nasa gitna nila.

"Hindi ka ba nadadala at inilalagay mo palagi ang buhay mo sa kapahamakan? Hindi ka na natuto." Turan niya sa akin.

"Not now. Kung kaibigan lang din naman ang pag-uusapan, ibubuwis ko talaga buhay ko para lang mailigtas siya!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang pagporma ng labi niya na naging ngisi.

"Kaya ka napapahamak dahil sa kaibigan na yan. Goodluck."

Bigla nalang akong binato ng dark ball ng isang kasamahan niya pero bago pa ako matamaan ay huminto na ito sa gitna namin.

"Not my friend." Lumambot ang puso ko sa sinabi ni Prinsesa Gemartha.

I remember her, how I miss Donessa. I really miss her.

"Hmmm?"

Bigla nalang naging black ang aura ngayon ni Prinsesa Gemartha, umuusok ang katawan niya ng itim at mas lalo ko pang naramdaman ang lakas galing sa sistema niya at sa isang iglap ay bigla niya nalang inatake ang bumato sa akin ng dark ball.

Nagpapalitan sila ng atake at napansin kong nagpapalitan na din ng suntukan si Prinsipe Satro at sa isa pang kilos lalaki. Habang nakatingin lang sa akin ang babae sa kanila na hindi ko maintindihan.

"I know you, Genesis." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa dahilang kilala niya ako.

How? Bakit niya ako kilala? Hindi ako nagpakilala sa kaniya.

"And I know your secret, also your sister's secret." Hindi ko na siya pinagsalita ulit at sumugod sa kaniya.

Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na may kapatid ako? How did she know na may mga sikreto kaming tinatago? Kailangan niya ng tumahimik.

Sinuntok ko siya sa kaliwa niyang bewang but she easily dodged it, sinuntok niya ako pero nakaiwas ako dahil kung hindi ay matatamaan ako sa mukha. Sinipa ko siya pero nagsanggaan lang ang mga sipa namin kaya tumalon ako ng mataas palayo sa kaniya at inatake ulit siya pero nasasangga lang niya yun ng walang kahirap-hirap.

Kinontrol ko ang kamy niya na susuntok na sana sa akin at napagtagumpayan ko naman iyon dahil biglang nawala ang ngisi sa labi niya. At doon ko na siya sinipa sa tagiliran pero nahawakan niya naman iyon ng isa niya pang kamay so we are now even.

Kapag isusuntok niya ang kamao niyang nakahawak sa isa kong paa ay masisipa ko talaga siya sa tagiliran. Mawawalan naman ako ng balanse kapag sisipain ko siya sa isa ko pang paa.

"Your strength tell me more at mas lalo akong naniwala sa sinabi ng babaeng yun."

Nanlaki ulit ang mga mata ko, Azania can see the future at posibleng alam niya na ang sikreto namin kaya alam ng babaeng to ang pangalan ko at ang sikreto namin.

Napansin kong tatlo nalang sa kanila ang nakablack coat at ang mga namumuno pa ang natira. Binawi ko ang paa ko and still I continue controlling her fist, I try my best to twirl it at nakikita kong nahihirapan na siya at nasasaktan. Pero bago ko pa baliin ang kamay niya ay bigla nalang siyang nawala, bigla silang nawala.

Napansin kong hinihingal ang mga kasamahan ko, in a secret way ay binigyan ko sila ng lakas at ginamot ang mga sugat nila.

Napabilib talaga ako sa mga kakayahan nila dahil hindi rin sila basta-basta. Napatay nila halos isang-daang nakablack coat.

"The hell?" Takang sambit ni Prinsipe Yvino.

"What the fuck? How did it happen? Mas dumoble pa ata lakas ko?" Sambit ni Prinsipe Daneel.

Bigla nila akong tinignan pero bago pa isa sa kanila ang magsasalita ay bigla nalang kaming nakarinig ng mga hiyawan.

"Thank you for saving us!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro