HG 29
Genesis.
"Well wala namang problema kay Satro yun dahil wala naman siyang pakialam sa paligid niya not until may gagalaw sa kaniya. Yung sa isang araw? Nagulat nga ako dahil hindi man lang siya gumanti sa Ignite na yun."
Kanina pa kami naglalakad dito sa hallway, inutusan kasi kami na i-check ang library kung ano na ang process. Actually ako lang dapat ang pupunta but Princess Gemartha volunteered to come with me dahil curious siya kung bakit kailangan kong i-check ang library.
Well ganun parin ang status ng library still pinagtatrabahuan parin ng mga Elementalist, nahihirapan na daw sila dahil the more they give strength on their powers but still wala paring proseso at ang mas nakakapagod pa dun ay mas lalong tumitibay ang yelo at mas kumakapal.
"Hindi ko rin naman kasi alam na gagawin yun ni Ignite." Sabi ko pabalik sa kaniya.
"Well obviously yung tatlong lalaki na yun ay may gusto sayo, grabe sila kung makareact sa rason ni Satro na ikaw ang katabi niya kaya ikaw ang inaya."
Imposible naman ata kung yung tatlo na yun ay may gusto sa akin dahil alam kong ordinaryo lang ang tingin nila sa akin.
"I doubt that Princess."
"Gemartha nalang. Masyado ka ng pormal like feel ko ang taas-taas ko sayo." Dahilan niya kaya napangiti ako.
"Well you are. Napakataas ng posisyon mo kaysa sa akin kaya mas gusto kong tawagin kang Prinsesa dahil yun ang nararapat and you really deserves it dahil sa personalidad na meron ka. I admire how you act like a real Princess, kung ano ang layunin ng isang Prinsesa." Turan ko at napatawa siya.
"Genesis!" Napalingon ako sa napakapamilyar na sigaw, si Ignite.
"Well your 1st Knight is here." Hindi ko nalang muna pinansin ang sinabi ni Princess Gemartha at nagfocus sa mukha ni Ignite.
Kung titignan ay maganda ang pagkabuilt-in ng katawan ni Ignite na halatang well-trained talaga siya sa palasyo nila. Well he is a Royal kaya hindi imposibleng hindi siya nakapagtrain doon. Mabait siya at protective na pagkatao kaya yun ang nagustuhan ko sa kaniya not literally.
Wala akong nararamdaman sa kaniya pero unti-unti ng bumabago ang pananaw ko sa kaniya. Pero naguguluhan parin ako sa presensiya at sa ipinapakita ni Enzyme na hindi ko malaman kung totoo ba lahat ng yun. He is so vague.
"Nabalitaan kong inatake ka ni Athena sa comfort room ng mga babae? Totoo ba yun?" Alalang tanong niya sa akin kaya napalingon tuloy ako kay Prinsesa Gemartha.
"I knew it. Kaya pala ganun nalang kasaya ang ngiti ni Athena ng makasalubong ko siya dahil may masama na naman siyang nagawa. Bakit ba kasi napunta siya sa section natin?" Turan ni Prinsesa Gemartha.
"Bakit ba kasi sinasarili mo yang problema mo Genesis? Nandito ako to help you and you should know that. Pinagbantay ka sa akin ni Menesis kaya sana sabihin mo sa akin kung anong nangyayari sayo. Kung hindi ko pa nalaman sa isa pang estudyante baka siguro hindi ko alam na may nangyaring masama sayo." Dagdag ni Ignite and I feel the sadness in his tone at mas lalo akong nalilito.
Si Senny ba tinutukoy niya na isa pang estudyante?
"Who is Menesis?" Takang tanong ni Princess Gemartha.
"She is my twi- I mean siya yung kapatid kong babae na naging exchange student sa Satharia Academia."
Napa 'oh' siya sa sinabi ko at napatango.
"I wonder kung maganda rin ba siya katulad mo." Princess Gemartha.
"Proudly, she is." Sambit ko at ngumiti.
"Genesis!" Napalingon kaming tatlo sa lalaking sumigaw at parang huminto ang takbo ng oras na hindi ko malaman dahil sa itsura niya ngayon.
He is wearing a green suit na pinaresan ng green slack too na hindi ko alam kung bakit ganiyan suot niya at pansin kong bago siyang gupit. May rosas pang nakalagay sa bulsa niya sa suit na suot niya bandang dibdiban. At ngayon ko lang napansin na magkasinglaki lang din pala sila ni Ignite ng katawan pero mas makikita ang kakisigan niya ngayon kumpara ngayon kay Ignite. Ignite is wearing a uniform kaya hindi ko makita kung dapat ba siyang mas umangat. Hapit na hapit kay Enzyme ang suot niya ngayon kaya agad kong napansin and what's wrong with me? Bakit ko ba sila kinokompliment pareho?
"Here's the second one." Bulong ni Prinsesa Gemartha pero nagkunwari lang akong hindi ko siya narinig.
"E-Enzyme." Bulong ko sa sarili ko habang pinapanuod siyang naglalakad papunta sa direksiyon kung saan ako nakatayo ngayon.
Hindi ko malaman kung bakit ganiyan ang suot niya at kung bakit ganiyan kalapad ang ngiti sa labi niya. Maaliwalas na maaliwalas ang mukha niya na parang ang saya-saya niya. Na para bang walang nakaraan na nangyari pagitan sa kaniya at sa akin.
Siya parin ba ang gusto ko hanggang ngayon?
"Patawad pala sa nagawa ko pero wala ng oras para i-explain ko ngayon ang lahat. Kakausapin nalang kita pag-uwi ko." Sabi niya habang nakatingin sa akin. His eyes with full of happiness and confidence that makes me confuse harder. Naririnig ko din ang sincerity sa boses niya.
"A-Ano ba ang sasabihin mo at bakit ganiyan ang suot mo ngayon? At uuwi? Saan ka ba pupunta?"
Hindi naman at halata na curious na curious ako kung saan siya pupunta? Para akong girlfriend na ayaw bitawan ang boyfriend niya pero hanggang sa ganun nalang ako, hanggang imagine nalang.
"Papunta kami sa Natharia Palace para makipagmeeting, ako ang dinala ni Headmaster dahil minsan niya na akong naging assistant kaya hindi ko na hinindian. Gustong-gusto kitang kausapin ngayon tungkol sa mga nagawa kong kasalanan sayo pero aalis na kami kaya sana mag-iingat ka palagi. Pinagsabihan ko na si Athena kaya huwag kang mag-alala, isumbong mo sa akin kung gagawa na naman siya ng masama para matulungan kita sa kaniya." Makahulugang sabi niya kaya napangiti ako ng hindi ko alam, hindi ko mapigilan.
He step his right feet towards me and kiss me in forehead na ikinapula ko to think that this is the first time na may humalik na lalaki sa aking noo.
Bigla nalang siyang tumakbo ng mabilis pagkatapos niyang halikan ang noo ko and I heard Princess Gemartha na parang kinikiliti kaya pati tuloy ako napapangiti ng malapad.
Napalingon ako kay Ignite ng makalimutan kong nandiyan pa pala siya.
"Ignit-"
"Talk to you later." Napanganga ako sa tinuran niya habang pinapanood siyang naglalakad papalayo sa akin. His fist telling me that he is jealous but I don't need to expect or assume more dahil baka ako lang ang mapahiya. I need to be careful sometimes.
"Ang haba ng buhok mo Genesis, dalawang lalaki ang nag-aagaw-"
"Genesis!" Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Prinsesa Gemartha ng biglang may isa pang lalaking patakbong lumapit sa akin.
"Okay I give up." Dibig kong sambit ni Prinsesa Gemartha kaya napailing nalang ako.
Ano bang nangyayari ngayong araw at palagi nalang silang nagsusulputan lahat? Nalilito ako kung sino ba dapat ang papansinin ko sa kanila.
"Kapatid ka ni Athena diba?" Tanong ko at tumango siya.
"I am his older brother, Enexx and I just want to say sorry sa ginawa niya sa isang araw. She confronted me about what she did to you in comfort room. Kaya please tanggapin mo ang pagpapaumanhin ko." Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang balikat at tinignan sa mga mata tapos ngumiti.
"Matatanggap ko pa sana kung ang kapatid mo ang nanghingi ng kapatawaran sa ginawa niya. Wala kang kasalanan at kailanman ay wala kang ginawa sa aking masama, but just forget the past na naging kalaban tayo sa training dahil parte yun ng pagsasanay if you feel awkwardness." Ngiting sabi ko sa kaniya at binawi na ang kamay at tumabi kay Prinsesa Gemartha.
"But still sorry for what she did. Alis na pala ako dahil male-late na ako sa class namin, hinanap talaga kita para makapaghingi ng sorry. Your so kind and hope hindi ka magbago." Magsasalita na sana ako pero tumakbo na siya papalayo at tila nagmamadali talaga.
"Akala ko dalawa pero tatlo pala ang knight mo dito sa Natharia. I believe na mahaba na talaga ang buhok mo kaya I worship you for that, I praise you Genesis." Nagkunwari pa siya na ipinapaypay ang dalawa niyang kamay sa akin kaya nahiya agad ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay para pigilan siya sa ginagawa niya.
"Ano kaba Prinsesa Gemartha, baka may makakita sa atin at kung ano pa ang isipin nila. Iba ang takbo ng utak dito sa Natharia." Sabi ko sa kaniya.
"Sorry."
"Okay lang yun, tara na nga baka late na tayo sa susunod nating klase."
Lalakad na sana kami pero biglang may tumawag sa pangalan ni Prinsesa Gemartha kaya napalingon kami sa likuran.
"Headmaster Dracunox." Bati namin sabay ni Princess Gemartha sa nakapamulsang si Headmaster.
"Oh ladies? Wala ba kayong pasok? Bakit nandito kayo sa hallway?" Tanong niya sa amin.
"Ahmm-napag-utusan lang po kami kung kamusta na ang library kung may process na." Napatango-tango siya sa sinabi ko.
"Well wala pa at mas lalong tumitigas ang yelo, that Devonna is really strong pero, kailangan na dapat naming makita ang cursed twins para maibalik na ang kalagayan ng library at mahanap pa ang ibang Diyos sa buong mundo. Kailangan na nating maghanap pa para mas lumakas ang kupunan natin laban kay Satanina."
Ewan ko pero pareha kaya kami ni Menesis ng nararamdaman kapag naririnig ang pangalan na 'Satanina'? Iba yung feeling na para bang kailangan namin siyang makita o hanapin. I have this feeling like longing one specialist.
Cursed twins? Bakit ba binansagan kami ng ganun kung kami nga talaga ang tinutukoy niya? Ano bang meron sa amin na desperadong-desperado siyang alamin? Ano ba ang sadya niya sa amin ni Menesis kung kami ang kambal na yun?
"Headmaster!" A girl student running towards us with her uniform at tila kinakabahan siya dahil sa takot na nakarehistro sa mukha niya. Hindi siya mapakali at hingal na hingal na maabutan niya kami.
"What is it lady?" Tanong sa kaniya ni Headmaster.
"Magandang hapon po Headmaster, gusto ko lang po sanang ibalita ang nangyari sa kaibigan ko na matagal na pong hindi nakakauwi sa dorm. Huling kita ko po sa kaniya ay yung tumakas siya at lumabas sa Natharia Academia."
Tumakas?
"I ruled this Academia and one of those is not to go out from this school na walang permiso. Didn't she know that?" Turan sa kaniya ni Headmaster.
Tila aligaga ang babae at kinakabahan kaharap ang Headmaster pero to think na tinitiis niya para lang sa kaibigan niya.
"Pinagsabihan ko na po siya na huwag lumabas ng Academia dahil delikado pero pilit parin po siyang nagmatigas. Sinabihan ko siya na may ligaw na mga kaluluwa kapag gabi pero pagdating ng umaga ay wala parin siya sa dorm hanggang umabot na ng ilang araw kaya po ako nag-aalala ng husto."
"Anong pangalan ng kaibigan mo iha?" Tanong sa kaniya ni Headmaster.
"Levinas po, Levinas Triumph. Yung Hologram specialist, minsan na po siyang nakasama sa isang misyon na ibinigay niyo sa mga Diyos noon kaya sana matandaan niyo po siya." Turan ng babae. I feel her sincerity kaya sure akong hindi siya nagsisinungaling.
Wait Levinas Triumph? Oo naaalala ko siya dahil siya yung malditang nakasama namin nung hanapin namin ang Goddess noon. Siya yung tumulong sa amin na hanapin ang lugar kung saan matatagpuan ang Diyos. Siya din ang nagsuggest sa amin na itong lugar na ito ang dapat naming puntahan kaya masasabi kong malaki din ang naitulong niya sa amin sa paghahanap.
"Yeah I remember that and the reason why you're here is?" Pambibitin sa kaniya ni Headmaster.
"Gusto ko po sana na tulungan niyo po akong mahanap siya dahil pati ang mga magulang niya ay pumunta sa dorm namin at iyak sila ng iyak dahil sa pagkawala niya. Naaawa po ako kaya nilapitan ko po kayo at tayming na nandito lang po kayo sa hallway. Natatakot na po ako kung ano ang posibleng mangyayari sa kaibigan ko, matagal na po kaming magkaibigan kaya sana po matulungan niyo po kaming hanapin siya." Mahabang litaniya niya.
"Well we can help Headmaster Dracunox. Ito ang reason why we are here kaya if you will give us an permission, kami na po ang maghahanap sa kaibigan niya and this is an honor to help others." Makahulugang sabi ni Princess Gemartha.
Magkasingbait sila ni Senny na hindi ko alam kung saan na naman siya sumulpot ngayon, baka may klase pa yun kaya hindi nagpapakita. Pagkatapos kasi ng araw na yun na sinabi niyang Goddess daw siya ng Spell ay natuwa ako dahil magiging isa na siya sa mga Diyos dito at magkakasama na kami ulit.
Siya yung babaeng iniligtas namin before sa mga Elementalist sa Town of Spells.
"Well if that's what you want Princess then I will give you a permission to do this kind of mission. Hope na magtagumpay kayo and I want all of your comrades, the other Royals to be with you para mas madali ang paghahanap. I don't want you to be involved in this kind of situation dahil iba ang pakiramdam ko pero I trust you all." Sagot sa kaniya ng Headmaster at napangiti ako.
"Sana mahanap niyo siya Prinsesa Gemartha." Ngiting sabi ko sa kaniya at ngumiti din siya.
"Mahahanap natin siya."
"H-Hah?" Takang tanong ko sa kaniya dahil hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Sasama ka sa misyong ito dahil ikaw ang nakakakilala sa babaeng yun at one of the reason is, I wanted to be with you dahil comfortable ako kasama ka and mind you Headmaster na isama namin si Genesis sa misyon na ito?" Ngiting tanong ni Prinsesa Gemartha kay Headmaster na ngayon ay nakangiti na din ng matamis.
"Well Genesis' ability is incredible kaya hindi ko kayo pagbabawalan diyan. Minsan na ding naisama si Genesis at ang kapatid niya sa misyon kaya I trust her to be with you. Malaki din ang maitutulong niya sa inyong SRS."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro