Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 27

Wenessa.

"Malapit na ang gabing ikaw ay magwawala Wenessa kaya maghanda-handa ka na."

Bigla akong nagulat dahil sa sinabi ni Azania. Nasa room ako kung saan nakaupo lang siya sa kama niya. Nakabantay sarado sa akin ang mga kawal ng Natharia sa likuran ko kaya hindi ako pwedeng gumawa ng hindi kaaya-aya sa kanila.

"A-Anong sinasabi mo A-Azania?" Gulat kong sabi sa kaniya.

Ayoko ng bumalik ang nakaraan where specialists suffered a lot because of this power. Maraming luha akong narinig at mga dugong nagdanak sa kapaligiran.

"Maniwala ka Wenessa kaya mag-iingat ka."

Bago mawala si Azania ay sinabi niya ang mga salitang yun na nagpakaba sa puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa paparating na gabi na hindi ko na naman makikilala ang sarili ko. Hindi ko na naman madadama ang tibok ng puso ko sa bawat oras na paggalaw ko.

Ayoko ng bumalik ang nakaraan na wala akong nagawa kundi umiyak pagkatapos ng gabing iyon. Napakaraming specialist na isinumpa ako pero nawala lang iyon dahil sa mga kasama kong Diyos na tinulungan ako.

Oo malakas ang kapangyarihan ko pero alam ko na may kahinaan din ako at yun ang makasaksi ng isang specialist na nagdurusa na wala namang kasalanan.

"Ayos ka lang ba Wenessa?" Napatingin ako kay Cylechter na ngayon ay nakangiti na sa harapan ko. Nginitian ko na lang din siya para maipakitang okay lang ako.

Minsan kailangan mo nalang munang ngumiti para maitago ang sikreto at hinanakit mo sa puso.

"Ayos lang naman ako Cy. Bakit mo pala naitanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya, bigla siyang napatingin sa ibang direksiyon habang ang mga mata ko ay nakasunod lang sa kaniya.

Hindi rin maitatago ng puso ko na siya ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko noon hanggang ngayon.

"Wenessa! Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Wala akong maramdaman kundi ang luhang walang tigil na umaagos sa pisngi ko galing sa mga mapupulang mata. Mapupulang mata dahil sa ilang oras na akong umiiyak dahil sa mga naririnig na mga feedbacks.

Halimaw daw ako dahil napakarami kong napatay, hindi nila alam kung anong nararamdaman ko kapag naririnig ko ang mga salitang yun. Kahit ako ay wala akong magawa kundi umiyak nalang dahil hindi ko makontrol ang sarili ko kagabi.

"Kung sasabihin ko bang okay ako Cy maniniwala ka ba?" Malumanay kong sabi ko sa kaniya at pinunasan ang mga mata ko gamit ang dalawa kong palad.

"Depende sa damdamin na ipapakita mo. Alam mo Wenessa? Naniniwala ako sayo kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Nandito kaming mga Diyos kasama mo at nasa likuran mo kami." Napangiti ako dahil sa katotohanang ni kailanman ay hindi nila ako iniwan sa anumang sakuna.

"Salamat Cy. But still hindi mo maiaalis sa puso ko ang malungkot dahil sa nangyari. Ang daming nadamay sa pagkahalimaw ko kaya parang gusto ko munang lumayo." Sabi ko sa kaniya.

Magsasalita na sana siya pero bigla siyang ngumiti at niyakap ako. Nagulat ako sa inakto niya at sa pagkabigla ko ay napayakap din ako pabalik sa kaniya.

Napakahigpit ng yakap niya at imbis hindi ako makahinga ay para nalang akong nasa kama na yakap ang unan ang nararamdaman ko. Nakakawala ng problema.

"Hindi ka halimaw Wenessa, sadyang napakalakas mo lang. At hindi mo rin kailangang tumakbo sa mga problema dahil ano nalang ang silbi namin bilang kakampi mo?"

Doon nagsimula ang pagkagusto ko sa kaniya at bawat araw ay mas lalo pang nadadagdagan ang pagkagusto ko sa kaniya pero hindi ko lang pinapahalata dahil mahirap para sa side ko na mag-expect at mag-assume.

Kilala siya bilang playboy sa Natharia Academia kaya hindi ko pa inaamin sa kaniya dahil baka mapahiya lang ako pero ang ipinagtaka ko ay ang biglaang pagkawala niya sa personalidad niya.

Hindi na siya yung playboy na nagpapaiyak ng babae at walang alam sa pagmamahal. Walang alam sa relasyon dahil lahat sa kaniya ay puro laro na lamang. He played women's heart at ni kahit ako hindi ko siya mapigilan dahil ano ba ang role ko sa buhay niya?

Isang kakampi.

At ang role ng kakampi ay sumuporta at ipagtanggol ang kaalyansa.

"Naramdaman mo na ba na magmahal ng taong ni kahit anong sulyap mo ay hindi niya makita o maramdaman yun?" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsalita. Napayuko ako at parang iba ang pumasok sa isipan ko na hindi ko matanggap.

"Oo." Simpleng sagot ko.

"Naramdaman mo na rin ba yung pagmamahal na dahil sa kaniya ay nagbago ka para mapansin ka niya?" Tanong niya ulit sa akin pero nakita ng gilid ng mata ko na nakaharap parin siya sa direksiyon kung nasaan ang sofa nakalocate.

Tinignan ko ang sofa kung anong meron doon pero walang ideyang pumasok sa isip ko o baka siya lang talaga ang nakakaalam sa lahat?

"Oo." Sagot ko ulit sa kaniya.

"Pero bakit ganun? Gusto ko siya, ay hindi, mahal ko siya sa ilang buwan pa lang pero hindi niya maramdaman dahil nakafocus lang sa iba ang mga mata niya? Hindi ba pwedeng ako nalang ang 'iba' na yun?"

Bakit ba sa akin niya binubuhos ang hinanakit niya sa buhay? Oo gusto ko siya pero nasasaktan ako sa katotohanang hindi ako ang babaeng sinasabi niya.

Si Menesis.

Ano ba ang meron kay Menesis na wala ako? Ordinaryo lang naman si Menesis kumpara sa akin at mas malakas ako sa kaniya kung tutuusin. Ano bang nakita niya kay Menesis at baliw na baliw siya? Oo wala nga si Menesis dito pero parang nandidito parin siya dahil palagi nalang siyang iniisip ni Cylechter at ni Bill.

Pero sa lahat ng calculations ko ay hindi ko parin batid kung sino talaga si Menesis at yung kapatid niya na si Genesis. May sikreto sila, ramdam ko yun. Nakikita sila ng buwan na hawak ko kaya hindi nila maitatago ang sikreto nila pero bakit ganun? Walang nakikita ang buwan at wala silang masamang ginagawa?

"So mahal mo na pala si Menesis?" Diretsahang tanong ko sa kaniya at gulat siyang napatingin sa akin kaya doon na ako napangiti.

"Paano mo nalaman?"

"Kahit ang mga kasama natin ay alam na may gusto ka sa kaniya. Kung lagi silang nakatitig sayo kaya madali kang basahin." Sabi ko sa kaniya.

"So nakatitig ka sa akin palagi kaya alam mong gusto ko si Menesis?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin at tumingin sa ibang direksiyon.

"May panahon na nahihinto ang mga mata ko sa mga mata mo at aksidenteng nakita ko na titig na titig ka kay Menesis."

Nang dumating si Menesis at ang kapatid niya ay nagbago na ang takbo ng Natharia. Nagbago ang ikot ng hangin sa loob ng skwelahan na ito kaya hindi na ako magtataka sa susunod na araw pa.

May gusto si Bill kay Menesis, Cylechter at yung Igneous na kapatid ni Ignite.

Napansin ko na ang kapatid ni Igneous ay parang excite na excite siya kapag nakikita niya ang katauhan ni Menesis. Nakikita iyon ng buwan kaya direktang napupunta at dumadaloy sa mga mata ko.

Isa yun sa abilidad ko na makita kung ano ang ginagawa ng isang specialist kapag nasisinagan ng ilaw ng buwan.

Ano ba talaga ang meron si Menesis?

"May gusto ka ba sa akin Wenessa?" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa itinanong niya sa akin.

A-Ano daw? Bakit niya naman naitanong iyon? Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya dahil mas lalong gugulo na naman ang buhay ko kung malalaman niya ang damdamin ko.

"Never."

Genesis.

"Prinsipe Satro." Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin. Binigyan niya ako ng 'what-look'.

"Pasensiya na nga pala sa ginawa ng mga specialist kanina." Paghingi ko ng paumanhin ko sa kaniya.

"Its okay." Simpleng sagot niya at tumingin na siya sa harapan kung saan nagdidiscuss ang professor namin. Napabuntong-hininga nalang talaga ako.

"Prof may I go out?" Taas kamay kong sabi at binigyan niya naman ako ng permiso kaya dali-dali akong lumabas at pumunta sa comfort room.

Nakatingin lang ako sa salamin at sinuri ang mukha ko, hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Ano bang ginawa ng mga taong yun at bigla-bigla nalang sumisingit? Ano na namang nangyayari kay Ignite at kay Enzyme? Idagdag mo pa ang Enexx na kapatid ni Athena.

Nagpapakita na naman ng motibo si Enzyme na gusto niya ako kaya iba ang naiisip ng utak ko ngayon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa araw-araw na pagsulpot niya. Kung ako ang tatanungin ay ayoko talagang umibig pa kay Enzyme, oo umibig ako sa kaniya in a short time. Dahil yun sa mabulaklakin niyang mga salita kaya nakuha niya ako doon.

Ayoko ng umasa pa.

Alam ko namang biro-biruan lang kay Ignite pero parang iba na ang ipinapakita niya kaparehas nung kanina na para bang nag-iiba ang tabas ng dila niya.

At sino ba talaga kay Athena?

"Look who's here?" Napalingon ako sa likuran ko and its Athena.

Speaking of.

Hindi ko man lang napansin na pumasok na pala siya dito.

"Bakit? Nandito ka rin naman diba?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Whatever, well sasabihin ko lang sana na huwag ka ng manggulo dahil pati kapatid ko nadadamay sa kagagahan mong yan. Ayokong nakikita ang mukha mo." Insulto niya sa akin kaya napangisi lang ako.

"Paano ba yan Athena? We feel the same way pala? Eh magkaklase lang tayo kaya hindi natin maiiwasang hindi magkaengkwentro sa room o sa hallway diba? At bakit naman madadamay ang kapatid mo? Hindi siya madadamay kung hindi siya sisingit." Sabi ko sa kaniya.

I don't want to be rude sa kapatid niya pero kapag naeencounter ko ang maldita niyang ate ay umiiba ang takbo ng utak ko na gusto ko siyang sugurin pero labag yun sa utos ng mga Diyos dito sa school. At hindi rin ako ganoon kacheap na pagkababae na sa isang maliit lang na problema ay pinapalaki pa.

"How I hate you really." Matigas na sabi niya at bigla niya akong inatake.

Susuntukin niya sana ako sa kaliwa niyang kamay pero bigla ko itong kinontrol kaya hindi niya maigalaw yung isa pero hindi ko inaasahang susuntukin niya ako sa kanan niyang kamao kaya bigla nalang akong tumalsik sa pader at napadaing.

"Argggh!"

Nahihilo ako dahil sa sakit ng suntok niya, remember, strength ang abilidad niya kaya walang-wala ako sa kaniya kapag lakas ang pag-uusapan. Hindi ko na talaga madala ang hilo kaya napapikit na talaga ako pero bago ko pa matuluyang ipikit ang mga mata ko ay may nakita pa ako na isang pigura ng babae na ngumiti kasama si Athena. Hindi ko siya makita dahil nagbu-blur na ang pananaw ko.

At doon na nagdilim paningin ko.

------

"She's awake."

Mas idinilat ko pa ang mga mata ko para makita kung kaninong boses iyon nanggaling. Hirap na hirap akong maibuka ang mga mata ko pero mas ginalingan ko kaya malinaw na malinaw kong nakikita ang mukha ng isang babae.

"Senny?" Takang tanong ko at nginitian niya lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit at umupo siya sa tabi ko.

"Ate Genesis, namiss ko kayo kaya gumawa ako ng paraan para makalipat dito. Nabalitaan ko kasing wala pang katulad ko ang nandidito sa Natharia Academia kaya pinagsikapan kong maging malakas." Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya napangiti ako kahit hirap na hirap na.

"Huwag mo ng pilitin ngumiti Ate Genesis dahil alam kong hirap na hirap kang gumalaw ngayon. Kung sino mang gumawa nito sayo ay sigurado akong malakas siya dahil sa spell na nasa katawan mo."

Spell? Ang alam ko ay strength lang ang abilidad ni Athena at wala ng iba at sigurado ako doon.

Pinakiramdam ko ang sarili ko at pumikit ulit. Ang init na daloy ng dugo sa sistema ko ay nagpaparamdam sa akin ng pagkaligtas. I feel my strength na bumalik, kaya pala ganun nalang ako nawalan ng ulirat dahil sa spell na nasa kamao ni Athena? At sino namang tutulong sa kaniya.

Wait! I remember na may isa pa siyang babaeng kasama ko ang I know na hindi si Senny yun na kahit nagtataka ako kung bakit nandidito siya. Magkasingtangkad sila ni Athena ng babaeng yun kaya alam kong hindi si Senny yun.

Senny is shorter that me at bata pa siya para gawin ang gawaing yun.

At ganun nalang ba kadisperada ang babaeng yun para mapabagsak ako? Kumuha pa talaga ng kakampi si Athena para lang saktan ako?

Confident lang talaga ako kanina dahil alam kong kayang-kaya ko siyang patumbahin pero nabigla lang ako sa pagsuntok niya na may spell na sinasabi ni Senny. But spell ay ginagawa lang ng mga Enchantress o Enchanter, kaya siguro Enchantress ang babaeng yun.

"May sumpa ang spell na yun na araw-araw ay mararamdaman mo parin ang napakalakas na atake sayo. Buti nalang nagcomfort room ako kanina at nakita kitang nakahandusay kaya tinulungan nakita. Kinuha ko ang sumpa para hindi ka na magdusa sa sakit." Sabi niya na may ngiti pa kaya nawala agad ang problema at sakit.

Tumingin lang ako sa kaniya at alam kong may gusto pa siyang sabihin kaya hinintay ko hanggang magsalita siya ulit.

"At may magandang balita ako sa inyo ni Ate Menesis." Masayang sambit niya kaya napangiti ako.

Sabi na eh.

"Ano yun Senny?" Ngiting tanong ko sa kaniya.

"Goddess po ako. Goddess of Spell."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro