HG 25
Genesis.
"Sa mga God at Goddesses naman natin ngayong generation, tatawagin din silang Titan kapag naipasa nila ulit ang kapangyarihn na meron sila kung saan naipasa din sa naunang mga Diyos."
Kanina pa ako nakaupo at hindi ako masyadong makagalaw dahil nga hindi ako kumportable sa mga katabi ko. Yung kaklase kong isa kasi ay nailipat sa ibang upuan dahil nga wala siya nung nagpakilala ang prinsipe at prinsesa na ngayon ay katabi ko.
"We're still looking for the cursed twins at meron ng trace dahil minsan na itong nagparamdam. Hindi namin masasabing babae sila o lalaki dahil hindi pa kami nakakakuha ng impormasyon." Sabi ng prof namin.
Bigla na lang nagring ang bell hudyat na break time na namin. Isa lang kasi ang prof namin pagdating sa academics at isa lang din ang prof para sa training.
"Hindi ka pa ba magbe-break?" Napalingon ako sa kaliwa ko ng biglang magsalita si Prinsipe Satro. Hindi ako nagsalita at iniwas ang mga mata ko sa mga mata niya dahil alam kong ang nasa kanan ko ang tinatanong niya.
"Magbe-break na." Sagot naman ng isang katabi ko.
"No. I'm not talking to you Gemartha. Tinatanong ko itong nasa gitna natin dahil parang hindi siya kumportable." Napalaki agad ang mga mata ko dahil sa narinig ko at mas laling napayuko.
"Oh." Gemartha reacted.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko o anong ikikilos ko dahil parang kinakabahan ako dahil sa anong sasabihin ko.
"Ms. Sabay na tayo." Aya sa akin ni Prinsesa Gemartha ng hindi niya ako narinig magsalita. Lumingon ako sa kaniya at napilitang ngumiti. Napakalapad niyang nguniti.
"Nakakahiya naman po sa inyo. Kaya ko naman mag-isa eh." Rason ko sa kanila.
"Actually one of the reason namin ay yayain ka talaga dahil nga hindi pa namin alam ang mga lugar dito and its also a pleasure na makasama ka namin dahil nga ikaw pa lang ang babaeng kauna-unahang pinansin ni Satro na siya mismo ang first move." Turan sa akin ni Prinsesa Gemartha at hindi naman nagsink-in agad sa utak ko ang sinabi niya.
"Stop it Gemartha." Bigla na lang akong hinawakan sa braso ng prinsipe at nagtaka naman ako sa napatingin sa kaniya. Papalabas na sana kami ng room ng biglang may naramdaman akong pamilyar na presensiya malapit doon kaya napatigil ako.
"Why did you stop?" Takang tanong ng prinsipe.
"A-Ah w-wala lang." Sambit ko at bago pa ako makapagprotesta ay nahila na naman ulit ako ng prinsipe at tama nga ako dahil paglabas namin ay nakasandal sa wall mismo sa side ng door si Ignite may dala pang bulaklak galing ata sa garden ng school.
"Oh. I don't know na kaibigan mo na pala ang lalaking yan." Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila ni Ignite na parang feel niya na mas mataas siya kesa sa prinsipeng nakahawak parin ngayon sa braso ko.
Alam kong may dugong bughaw si Ignite kaya masasabi kong mataas din ang posisyon niya dahil isa din siyang Diyos pero sana naman ay kontrolin niya ang sarili niya sa mga nakakainsultong salita na lumalabas sa bibig niya.
"Bakit? Hindi ba pwede?" I feel the tense between them at kahit ako ay hindi ko alam kung makikisali ba ako.
"Oh hi there Mr. Unknown. Bakit ka may bulaklak? Oh! You will give it isa sa mga kaklase ko?" Biglaang pagsabat ng prinsesa kaya nabaling ang mata ni Ignite sa kaniya.
"Oo. I will give it to Genesis." Sagot niya kaya bigla akong napayuko.
"Wait. Tatawagin ko muna ang nagngangalang Genesis sa loob." Pero bago pa makapasok sa loob ang prinsesa ay bigla nalang inabot sa akin ni Ignite ang bulaklak sabay ngiti ng matamis. Nakita ko rin kung paano napakunot ang noo ng dalawang Royals.
"Siya pala si Genesis I guess dahil sa kaniya mo binigay ang flowers?" Ngiting sabi ng prinsesa kay Ignite at simpleng tango lang ang binigay sa kaniya.
"Bakit nga pala kayo magkasama?" Tanong ni Ignite.
"Magpapasama sa Cafeteria." Simpleng sagot ng prinsipe.
"Sa dami-daming kaklase niyo bakit siya pa?" Tanong ulit ni Ignite kaya nararamdaman ko na naman ang tense ng dalawa na nawala na sana kanina.
Bakit ba palagi na lang akong nakakasalubong ng mga gulo? Isa lang naman ang kambal ko at si Menesis yun pero parang pinanganak din ata kami na may kasama pa sa buhay at hanggang mismo sa hukay.
"Dahil magkatabi kami at siya lang din ang malapit sa amin kaya napagpasyahan namin na siya ang lapitan since seatmate din kami." Ang prinsesa na ang sumagot.
"Tara na Genesis." Sambit ng prinsipe at bago pa ako makapagsalita ay hinila niya ulit ako at naramdaman ko na lang na may humihila din sa akin pabalik.
"Bitaw." Matigas na sambit ng prinsipe pero parang walang narinig si Ignite at patuloy paring nakahawak sa kamay ko. Tumingin ako sa kaniya na parang nangungusap na bumitaw na siya para respeto lang sa mga exchange students na kaharap niya.
"Saan mo siya dadalhin? You don't know her but seeing you holding her hand that tight nagsasabing kailangan ko talaga kayong pigilan." Turan sa kaniya ni Ignite na halos ihilamos ko sa mukha ko ang mga kamay ko pero narealize ko na hawak pala nilang dalawa ang mga kamay ko.
Bigla na lang akong nakaramdam ng enerhiya mula sa prinsipe at bago pa ako makareact ay bigla na lang may lumitaw na puting enerhiya forming circle at inatake nito ang kamay ni Ignite kung saan nakahawak din sa kamay ko.
Hindi yun naiwasan ni Ignite dahil sa hindi niya expect na aatake ng ganun kadali ang prinsipe kaya napabitaw si Ignite sa akin. Aatake ulit sana ang prinsipe pero bigla na lang pumagitna si Prinsesa Gemartha.
"Sorry Mr. Unknown, we badly need a break para makapagpahinga kami galing sa biyahe. And we need to go to the Cafeteria as soon as possible dahil gutom na kami."
"Genesis!" Napalingon kaming lahat sa dalawang lalaki na tumatakbo papunta sa puwesto namin at hindi ko alam kung bakit sila tumatakbo na parang nagmamadali sila.
"Oh men. Bakit ba ang haba ng buhok mo Genesis?" Hindi ko naman naintindihan ang ibig-sabihin ng prinsesa sapagkat nasa dalawang lalaki lang ako nakatingin na hindi ko inaasahang darating.
"Let's go Genesis." At bago pa ako mahila ulit ng prinsipe ay bigla na lang may pumulupot na ugat sa kamay ni Prinsipe Satro at iwinaksi ito kaya biglang natumba ang prinsipe.
"Satro!' Sigaw ni Prinsesa Gemartha at bigla na lang nagkumpulan ang mga estudyante sa ibang mga sections at nakiisyoso. Nahiya akong napayuko dahil kagagawa ko lang ng gulo pero eto na naman ako ngayon.
"Ang hilig mo talaga sa gulo Genesis." Napalingon naman kami sa bagong dating na si Athena.
"Why are you here Athena?" Takang tanong ni Enzyme na ngayon ay nakatingin kay Athena na parang anytime ay susugurin niya ito.
"Nandito nga rin kayo ng kapatid ko kaya dapat nandito din ako para mas maganda ang show. And tell me Enzyme and Enexx, aning nagustuhan niyo kay Genesis maliban sa mahilig siyang gumawa ng gulo?" Pabidang sabi ni Athena kaya halos mapairap ako.
"Athena hindi ka ba nadadala?" Tanong sa kaniya nung kapatid ni Athena. Enexx yata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali.
"Because I want to cut Genesis' long hair. Abot hanggang sa cafeteria ang buhok niya eh kaya dapat putulin na ito agad." Sa isang iglap ay bigla na lang sumugod sa akin si Athena na walang pagdadalawang-isip kung ano ang magiging resulta sa pagsugod niya sa akin. Wala talaga siyang kadala-dala.
"Hindi ako natatakot sayo bitch and I will never be." Akmang susuntukin niya na ako ng bigla may energy dark ball na umatake sa kaniya kaya bigla siyang natumba.
Napansin kong nasa side ko na si Prinsipe Satro at matiim na tinignan mata sa mata si Ignite na ngayon ay seryosong nakatingin kay Enzyme na busy sa pakikipagtalunan sa kapatid ni Athena. Nalilito ako sa nangyayari kung bakit sila nandidito lahat eh wala naman okasyon o anong bagay.
"They like you." Napatingin ako kay Prinsipe Satro ng sabihin niya iyon. Nagtaka naman ako sa tinuran niya pero hindi na ako sumagot at pinanood si Athena na unti-unting tumatayo at masama ang tingin kay Prinsesa Gemartha.
"Bakit ka ba nangingialam?!" Galit na sigaw sa kaniya ni Athena at wala ata siyang respeto na sarili naming kaklase na exchange students pa galing sa Satharia na may dugong mga bughaw pa ang sinigawan niya.
"Yan din ang dapat tanong ko sayo eh. Sa inyo mismo. Pupunta lang naman kami ni Cafeteria kasama si Genesis para makapagbreak pero ito kayong lahat at nagreunion na parang may balak kaming masama kay Genesis. Genesis must be special to all of you." Turan ni Prinsesa Gemartha na nagpatiklop sa lahat.
"Mr. Unknown, ano ba ang problema mo at palagi mong pinipigilan si Satro na isama si Genesis sa Cafeteria? Kayo ba? Kung hindi pa kayo aba wala kang karapatan para pagbawalan ang babaeng to." Sita niya kay Genesis.
"But she doesn't know you." Mariing sabi ni Ignite.
"Magpapakilala naman sana kami pero sa Cafeteria dapat dahil nandoon pa ang mga kasama namin. Masyado ka kasing possessive kay Genesis." Sabi sa kaniya ni Prinsesa Gemartha at tumingin kay Enexx at Enzyme.
"At kayo namang dalawa, ano ba ang ginagawa niyo dito at pinipigilan si Satro? Sinaktan niyo pa ang isa sa mga Royal ng Satharia. Gusto niyo rin ba si Genesis? Grabe naman pala kayo magkagusto, kung maging syota ni Genesis isa sa inyo baka hindi kayo magtatagal dahil masasakal siya sa inyo."
Hindi ko alam pero bilib ako sa inakto ngayon ng prinsesa dahil parang hindi siya dugong bughaw sa inakto niya pero makikita mo parin ang pagka-Royal niya the way she act and talk. The way she's giving advice ay malalaman mong galing talaga siya sa malalaking palasyo.
"And you by the way? Why are you going to hit Genesis? In my calculation, siguro selos ka dahil isa sa mga lalaking to ay gusto mo pero hindi mo maatim dahil nga mas gusto nila si Genesis tama ba?" Sabi sa kaniya ni Prinsesa Gemartha.
Nagngingitngit ang mga ngipin ni Athena na parang nagpipigil siya sa feelings niya o sa galit niya. Anytime ay pwede niyang atakihin ang prinsesa but I believe on Princess' power. She is quite strong.
"Pakialam mo?" Pantataray sa kaniya ni Athena.
Hindi ko alam pero nalilito ako sa gusto ni Athena. Nung sa Acquaintance ay naghalikan sila ni Enzyme kaya akala ko si Enzyme talaga gusto niya pero nung sa training namin at kalaban niya si Menesis ay narinig kong gusto niyang mapasali sa mission dahil gusto niyang makasama si Bill. Tapos ngayon si Enzyme na naman ulit? Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak niya dahil buhol-buhol.
"Dahil may pake ako. My friend here is involved na wala namang masamang ginawa. At kung ako sa inyo huwag na kayong mangialam pa dahil wala kayong mapapala."
I was speechless and for the last time ay hila-hila ako ni Prinsesa Gemartha ngayon papunta sa Cafeteria at kasabay namin sa likod ang prinsipe.
Tinuro ko sa kanila kung saan ang Cafeteria at siyempre pagkapasok namin ay nagsitigilan ang ibang estudyante sa pagkain dahil nga sa mga kasamahan ko. May tumitili pa at sumisipol, hindi ata nila alam na mga Royal blooded ang mga kasama ko kaya wala silang kaideya-ideya sa mga ginagawa nila.
May iba naman ang sama ng mga tingin sa akin dahil bakit kasama ko ang mga Royals galing sa Satharia. Excuse me! Tour guide lang naman kasi ako kaya huwag manghusga diba?
"Hoy!" Napalingon ako kay Prinsesa Gemartha ng sumigaw ito at kumakaway pa kaya napatingin ako sa lugar kung saan siya kumakaway at nandoon ang tatlo pa nilang kasama.
"Stop shouting Gemartha. Your embarrassing yourself." Suway sa kaniya ni Prinsipe Satro kaya naitikom ng prinsesa ang bibig niya at naglakad na papunta sa lamesa kung saan nandoon ang mga kasama nila.
Hindi na sana pa ako sasama ng bigla akong hinatak ni Prinsipe Satro kaya wala akong choice kundi sumama, panrerespeto lang para sa kanila. Baka mapahiya pa ulit ako and I don't want to be involve again.
Pagkalapit ko ay hindi ko mapigilan ang mainsecure dahil sa isa pa nilang babaeng kasama na napakaputi ng balat at mapupulang labi na parang naglipstick na sa pula but its natural dahil mahahalata mo naman ito agad sa malapitan. She is pretty aside sa napakacold niyang expression na parang wala kami sa harapan niya.
And here the two men na parang pinanganak na walang kapanget-panget sa katawan dahil malapit na sila sa salitang 'perfect' dahil sa mga appearances nila. Dead gorgeous ang mga mukha and well built-in ang mga katawan at kalulunuran talaga ng mga babae sa Natharia.
"They are my fellow Royals. Actually we have our council din kapareho dito sa Natharia, its Satharia Royal Students pero wala kaming Satharia Gods Government dahil nga mahirap hagilapin ang mga mapagpanggap na mga specialist sa Satharia." Biglaang sabi ni Prinsesa Gemartha kaya napatango na lang ako for sign of respect.
I wonder kung anong ginagawa nila ngayon ni Menesis sa Satharia Academia. Kung okay lang ba sila, nakapagtrain na ba sila o di kaya nakahanap na ba sila ng Diyos.
"Meet the Prince of Satharia Metal Kingdom, the Prince of Satharia Ice Kingdom and the last, the Princess of Satharia Storm Kingdom."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro