HG 24
Ignite.
Her eyes. Her voice. Her demon laughter.
Yun ang mga katangiang biglang nagbago kanina kay Genesis. Ewan ko kung naramdaman ng iba ang presensiya niya na napakalakas pero bigla din namang nawala. Minsan na naming narinig ang biglaang pagdalawa ng boses ni Genesis pero iba parin kung nasa malapitan ka at katabi mo pa.
Damang-dama ko ang galit niya nung bigla siyang sinuntok at sinampal ni Athena at doon na bigla nagbago ang kaniyang boses. Pati din ang mata niya na galing sa itim ay naging plain pitch like she is truly Goddess.
Malapit ko na malaman kung sino at anong sikreto ni Genesis at sana naman kapag nalaman ko na ang katotohanan ay mali ang akala ko sa kaniya. I wish.
"Napagpasyahan naming iuwi muna sa dorm niya si Genesis para mas malaman natin ang katotohanan. Kayo ang nagpasimuno sa gulo kaya kayo dapat ang pagsabihan. At ano ang dahilan kung bakit nangyari ang gulo na ito?" Nakatingin ako sa kanila isa-isa. Si Athena, sa kapatid niya at si Enzyme. Kasama ko ngayon ang iba pang council para mas maayos ang problema.
"You should not act like that Athena and base to those witnesses ay ikaw ang nauna at bigla mong sinuntok sa mukha si Genesis." Turan ni Wenessa at nakatingin ng seryoso kay Athena.
Hindi makasagot si Athena at nakatingin lang sa kawalan na parang wala siyang naririnig.
"Patawarin niyo kapatid ko sa ginawa niya. Hindi na ito mauulit." Sabi nung kapatid niya.
"Enexx wala akong kasalanan dahil yung babae naman na yun ang may kasalanan kung bakit nagbago kayo!" Sigaw bigla ni Athena sa kanilang dalawa ni Enzyme.
Napatingin ako kay Enzyme at nakakuyom lang ang mga palad niya habang nakatingin sa akin. I don't like the way he looks at me like I was the one must be punished here.
"Bakit Athena? Ano bang nagbago sa akin para maging ganiyan ugali mo? Palagi ka na lang bang ganiyan? Magbago ka na Athena!" Sigaw pabalik sa kaniya ng kapatid niya at bago pa makapagsalita si Athena ay sumabat na ako.
"Sino ba talaga gusto mo Enzyme? Si Athena o si Genesis?"
Biglang natahimik ang paligid at nakatingin lang sila lahat sa akin. Nagtataka ang mga kasamahan kong nakatingin sa akin habang ang magkakapatid ay nakatingin ng seryoso kay Enzyme.
Napahilamos si Enzyme sa mukha niya na parang frustrated na frustrated siya sa tanong ko kaya napangisi ako.
"Sino ba si Athena sayo?" Tanong ko ulit kaya napatingin siya sa akin ng seryoso at ibinaling din niya ang mata niya kay Athena.
"Hindi naman kami ni Athena at alam niya na hindi ko siya magugustuhan." Bigla na lang napatayo ang kapatid ni Athena at pati ang ngisi sa aking labi ay biglang napawi.
Hindi ko gusto ang lalabas sa bunganga ng lalaking to na parang threatened ako sa sasabihin niya.
"Gago ka! Eh bakit mo hinahalikan si Athena kung hindi naman pala kayo? Walanghiya kang tarantado ka ah!" Akmang susuntukin na niya si Enzyme nang may biglang bolang tubig ang tumama sa mukha niya.
"Umayos ka." Napatingin kami kay Cylechter na seryoso na ngayon ang ekspresyon.
Kung hindi niyo alam, isa din yang playboy pero nagulat na lang kami ng biglang tumino at parati na lang seryoso ang ekspresyon.
"S-Sorry." Paghihingi ng kapatawaran ng Enexx na'to.
Akmang magsasalita na ako ng biglang nagsalita si Enzyme.
"Hindi porket naghalikan kami ay kami na. Sino ba humalik? Si Athena yun at hindi ako at siyempre lalaki din ako kaya nadadala ako. Maganda si Athena at palaban pero hindi siya ang mahal ko at hinding-hindi magiging mahal ko."
Ewan ko pero parang pinariringan niya ako sa mga sinasabi niya. Iba ang nararamdaman ko sa sinabi niya.
"So you like Genesis? Oh sorry I mean you love her?" Sarkastiko kong sabi pero parang hindi niya naman ata nahalata.
Hindi niya sinagot ang tanong ko sapagkat tumayo lang siya at lumabas ng walang pasabi. Wala namang problema sa amin ang mga ganiyang pag-uugali dahil marami na kaming naging customer dito bago siya.
"Okay what was that?" Takang tanong ni Sayatus at isa-isa niya kaming tinignan.
"I really hate her." Bulong ni Athena at akmang tatayo na ng hinawakan siya ni Enexx.
"Don't you dare." Nagtaka naman kami sa inakto ni Enexx pero nakatingin lang kami kay Athena na nakakuyom ang mga kamay.
"Diba gusto mo si Genesis? Paano yan? May kahati ka na sa atensiyon niya?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Athena at napatingin kay Enexx na biglang sumeryoso ang ekspresyon.
"Ang taas ng buhok ng kapatid ni Menesis." Rinig kong sambit ni Bill at napansin kung tumango-tango si Wenessa like she agreed of what Bill said.
Paano ba yan Ignite? Tatlo pala kayo.
------
Genesis.
I miss Menesis. Ano na kayang nangyari sa Satharia Academia na pinasukan nila? Maganda ba doon katulad ng Natharia Academia? Mas malalakas ba ang mga tao dun? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon kasama ang NRS?
"Class. Mapupunta dito ang dalawa sa mga exchange students galing sa Satharia at parating na sila ngayon. Ang mga prinsipe at prinsesa ang pumalit bilang exchange student galing dito kasama din si Ms. Doyle." Sabi ni Mrs. Caro.
"Ang swerte naman ni Menesis."
"Hindi niya naman deserve yun eh!"
"I heard na pinasama siya ni Prince Ignite sa Satharia Academia."
"I know na pinilit ni Menesis yung mga NRS."
Kung anu-ano na lang ang iniisip ng mga taong to na parang may magbabago kung si Menesis ang kasama o hindi.
"Kaya students? Respect lang sa mga exchage students natin ah? They are also Prince and Princesses of Satharia kaya mag-iingat kayo dahil hindi natin alam ang kaya nilang gawin."
Napalingon kami sa pinto ng may biglang kumatok nito. Binuksan ito agad ng prof namin at iniluwa nito ang isang lalaki at isang babae.
They are dead gorgeous like they are a God And Goddesses. Yung lalaki ay may puting buhok na parang bamboo style kaya mas lalo siyang nakakaattract. Mga mata niya na kulay asul at kurba ng kaniyang panga ay mas lalong nagdagdag sa kakisigan niya. Mga mahahabang pilik-mata na bumagay sa mabilog pero hindi gaanong kalakihan niyang mga mata at may matangos na ilong.
Ang babae naman ay may mahabang kulay itim na buhok na hanggang bewang and more likely may mga dust sa buhok niya dahil sa pagshine nito. Heart-shaped red lips with this pointed nose match with her chinita eyes.
"Welcome to Natharia Academia and please come in." Ngiting pagpapapasok ni Mrs. Caro sa dalawang bisita and I think silang dalawa na ang exchange students. The Royal blooded too.
"Okay class they are the exchange students from Satharia Academia and the former Prince and Princess of their respective kingdoms. Please introduce yourselves." Pagpapakilala niya sa dalawa.
Pansin kong sinusuri ng dalawa ang kabuuan ng room namin at siguradong hindi pa sila sanay sa itsura nito. I wonder kung gaano din kaganda ang eskwelahan nila. They are now wearing our Natharia uniform, gold skirt with white longsleeve match with this gold blazer na may golden letter 'N' and 'A' in the middle of the pocket on it with golden bowtie. And also with this sock under the knee and black doll shoes na may kaunting heels para sa mga babae..
Ganun din sa lalaki na may blazer ding nakatabon sa white longsleeve and a gold necktie at may nakaukit din na dalawang letra pareha sa mga babae match with this black slacks and black rubber shoes.
"Good afternoon everyone. I am Gemartha Mendovel, the princess of Satharia Dark Kingdom. Its nice to be here and I'm not expected that this school will be this gorgeous and amazing. Nice meeting you by the way." Masiyahing sabi ni Gemartha ata at ngumiti ng matamis sa amin.
Kung siguro mga ordinaryong mga specialist lang ang mga kaharap namin ay baka sumipol na'tong mga manyak na lalaking kaklase namin. But they are not.
"I am Prince Satro Gaydon of Satharia Light Kingdom." Maikling pagpapakilala ng lalaki. Hindi naman siya cold kung titignan pero hindi din siya ganun ka masiyahin katulad ni Gemartha.
Napatingin sila sa direksiyon ko at saktong wala akong katabi sa magkabilang upuan dahil wala nga si Menesis at ewan ko kung nasaan yung kaklase kong babae. Nahiyang napayuko ako dahil alam ko kung saan sila uupo.
"We will sit there katabi nung nakayukong babae."
--------
Menesis.
"So tiring." Dinig kong sambit nung maarteng prinsesa na nagngangalang Nhelina at siyempre nalaman ko na ang mga pangalan nila dahil nga iisa lang kami ng dorm. Iisa lang kami ng lamesang pinagkakainan kaya sinong hindi makakakilala sa mga pangalan nila?
Kakatapos lang naming tumakbo ng tumakbo dahil 5 laps paikot sa Oval nitong kinakatayuan namin. May Oval kasi sila dito dahil meron silang Outdoor activities at imbis sa gymnasium nila ay dito nag-eensayo ang mga estudyante.
"Tubig Menesis." Napalingon ako kay Axial na inaabot ang bote na may tubig kaya nakangiti akong tinanggap ito.
Sa isang araw pa lang namin dito ay masasabi kong close ko na talaga si Axial at yung Rajedh. Talkative kasi yung lalaking yun kaya napagsabihan kong bakla hanggang sa ako na palagi ang kinukulit.
"Salamat Axial. Nasaan nga pala si baklang Rajedh?" Tanong ko sa kaniya at nagtaka naman ako sa inakto niya dahil bigla siyang humawak sa bandang puso niya na parang nasasaktan 'kuno' siya.
"Ouch. Your looking at him but your not looking at me?" Madrama niyang sabi kaya napaikot na lang ako sa mga mata ko.
"Bakit kita hahanapin eh nandiyan ka na sa harapan ko sira!" Sabay inom ko sa tubig at refreshing talaga ang feeling kapag malamig na tubig ang naiinom mo pagkatapos ng training.
"Lakad-lakad muna tayo dali." Turan niya at hinila kamay ko at siyempre wala na akong magagawa dahil tumatakbo na kami.
"Cafeteria?" Takang sambit ko ng napunta kami sa harapan ng Cafeteria kaya napatingin siya sa akin.
"My treat." Sabi niya.
"Akala ko ba maglalakad-lakad lang tayo pero hindi mo naman sinabing kakain tayo. Ano ba talaga?" Tanong ko sa kaniya at napahagikhik lang siya.
"Nagbago isip ko kasi nakita ko yung kinain ng isang estudyante kaya napag-isipan ko na lang na kumai-"
"Ahhhhh!!!!"
Biglang nabulabog ang buong Cafeteria ng dahil sa isang napakatinis at napakalakas kung sumigaw. Halos mapatakip na talaga ako sa tenga ko dahil sa literal na lakas na pagkakasigaw.
Nagkatinginan kami ni Axial at sa tingin ko ay iisa lang kami ng naiisip kaya tumakbo kami agad lung saan nanggagaling ang matinis na sigaw na yun. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa napunta kami sa likuran ng library.
Sa likuran ng library, parang pamilyar ang eksenang ito. Sa likuran din ng library nangyari ang labanan laban sa mga nakablack coat na yun sa eskwelahan namin.
Naabutan namin ang babaeng nakaupo sa lupa at bahagyang nakatingin sa itaas kaya napatingin ako kung saan siya nakadungaw at halos matumba ako sa kinatatayuan ko.
"Menesis are you okay?" Concern na tanong sa akin ni Axial at binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti at tango at tumingin ulit sa bangkay na nakalutang sa ere.
"W-What is g-going on?"
"Mabuti nandito na kayo Rajedh. Narinig niyo rin pala ang sigaw ng babeng to." Dinig kong sabi ni Axial.
"Siya ba yun? Abot hanggang Oval ang sigaw niya kaya maririnig na maririnig namin at nandidito rin pala kayo." Sagot sa kaniya ni Rajedh.
"Kakain sana kami ni Menesis sa Cafeteria ng bigla na lang namin narinig sigaw niya na napakalakas kaya tumakbo kami agad para malaman kung anong nangyayari." Paliwanag ni Axial.
"Kakain?" Napalingon naman ako kay Igneous na parang nagtatakang bakit kami magkasama kakain.
"May masama ba dun Igneous?" Tanong ko sa kaniya.
"Its Prince Igneous." Turan niya sa akin pero hindi ko na lang pinansin at lumapit sa babaeng umiiyak.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya kaya lumingon siya sa akin.
"Nakita mo ba gumawa niyan sa kaniya?" Dagdag kong tanong sa kaniya.
Pinunasan niya ang luha sa kaniyang mga mata at tumingin sa akin na parang nagmamakaawa.
"N-Nakita ko siyang t-tumakbo sa bandang lugar k-kung saan kayo dumaan."
Nagulat ako sa sinabi niya. Wala naman kaming naengkwentrong estrangherong specialist o maliban na lang talaga kung may kakaibang abilidad ang taong ito. Lugar ito ng mga taong may kakaibang kapangyarihan kaya hindi na kataka-taka ang mga kakaibang abilidad dito.
Naririnig ko na ang mga bulungan kaya alam kong marami ng nakikiisyoso na mga tyismosa.
"Nakilala mo ba siya?" Tanong ko pero umiling lang siya bilang sagot.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Axial na nasa likuran ko na pala.
"S-Sonata. Sonata ang p-pangalan ko." Pagkasabi niya noon ay napasuri ako sa kabuuan niya baka may sugat siyang natamo o pasa. Pero iba ang nakita ko kaya pinulot ko ito.
"Plawta?" Takang tanong ko at humarap kay Sonata na ngayon ay nakatingin sa hawak ko.
"Palagi ko yang dala kahit saan at h-halos mabali yan d-dahil sa pagkabagsak ko. Its my lucky charm."
"Diba siya yung Diyos?"
"Hala?! Namatay na si Ephino?"
"Bully kasi kaya ganiyan."
"Karma is real."
"T-teka. Diyos yang lalaking yan?" Maarteng tanong ni Werrestella.
"Excuse me!" Dinig kong sigaw ni Nhelina kaya napalingon ako sa puwesto nila. Napansin kong may babaeng lumapit sa dalawang maaarteng prinsesa.
"Anong sabi niyong Diyos yang namatay?" Tanong ni Nhelina.
"Opo. Diyos po yang kakamatay lang, He is the God of Dark and Judgement."
God of Dark and Judgement? Opposite sa kapangyarihan ni Bill na God of Light and Justice. Pero iisang ugali.
"Kilala po siya na isang bully sa Satharia Academia dahil pati mga babae ay pinapatulan niya. Isa na din doon si Sonata, yang babaeng nakaupo kasama ng kasama niyo. Sonata is also a Goddess."
Nanlaki ang mata kong napatingin kay Sonata na naiiyak na naman. Ibinigay ko sa kaniya ang plawta at kinuha niya naman ito. Tinignan ko siya ng mabuti at tila natatakot siya sa nangyari.
"Isa rin po siyang biktima ng pambubully ng lalaking yan at hindi imposible na si Sonata ang pumatay kay Ephino."
Tinignan ko ng masama ang babaeng napakatabas ng dila at tila napansin niya ito kaya napatingin siya sa akin at parang natakot ito at nabigla kaya bigla itong napaatras. Hindi ko gusto ang lumalabas sa malaki niyang bunganga.
Tinignan ko ulit si Sonata.
"Anong kaya mong gawin?" Seryoso kong tanong kaya napatingin siya sa akin at napangiti ng pilit. Ngiting may hinanakit.
"I am Sonata. The Goddess of Music and Instruments."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro