Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 23

Genesis.

Kanina pa umalis si Menesis kasama ang NRS at alam kong hindi talaga sila magkakasundo doon dahil makakati din ang mga bibig ng mga kasama niyang prinsesa pati na din yung Igneous.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria at hinihintay si Ignite dahil siya ang nag-order ng pagkain ko. And yes, tinupad niya talaga ang binilin ni Menesis na alagaan ako. Actually I can handle myself because I have my strength and power pero parang ginagawa na talaga akong pasiyente ni Ignite at kulang na lang ay pati paghinga ko dapat pa niyang i-measure at bilangin ang pag-inhale ko oras-oras.

"Kain na." Sabi ni Ignite ng mailapag niya na ang mga pagkain. Inabot pa niya ang tray na may lamang mga gulay at inabot din niya ang maligamgam na tubig.

"Kailangan mong kumain ng marami para mapadali ang paggaling ng mga pasa at sakit sa katawan mo. Inumin mo din yang maligamgam na tubig para guminhawa ang paghinga mo." Sabi niya kaya tumango nalang ako sa pagsang-ayon.

Kumain lang ako ng tahimik at minsan napapasulyap ako kay Ignite. Hindi niya alam na kaya kong pagalingin ang sarili ko gamit ng kapangyarihan ko pero baka makahalata na siya at iba pa ang isipin.

"Alam mo Ignite? Okay lang naman na ako at hindi mo na kailangang gawin to sa akin. Kayang-kaya ko naman ang sarili ko." Pagbasag ko sa katahimikan at napatingin siya sa akin. Pinunasan niya ang gilid ng kaniyang labi gamit ng kaniyang hintuturo at ngumiti.

"I have my word to Menesis na aalagaan kita kahit magaling ka na. At tiyaka hayaan mo nalang din ako na gawin ito sayo pambayad man lang sa pagtanggol sa akin kay Igneous. Sounds gay but thanks for that. Inis na inis na talaga ako sa kapatid kong yun at kapag hindi ka pa dumating? Baka nagbatuhan na kami ng apoy." Sabi niya sa akin habang nakangiti parin.

Kung kasing bait lang talaga ni Ignite si Enzyme baka siya na ang kasama ko ngayon. Bakit ba kasi hindi ko agad nalaman sa una palang na ganun pala ang pag-uugali niya at mahilig pala siyang mambola ng mga babae? Pati tuloy ako nasama sa listahan niyang naloko.

"Hindi mo na kailangan pang suklian yung ginawa ko sayo. What you need to do is to accept things at hindi naman maisasaayos ang lahat kapag dinadaan sa mga away na ganiyan. Pag-uusap lang sana ng mabuti ay ayos na para magkaintindihan." Turan ko sa kaniya at binigyan ng assuring smile.

We all know that hindi lahat ng sitwasyon ay madadala sa usapan dahil depende din ito sa problemang kinakaharap.

"You don't know Igneous. He is greed, madamot siya sa lahat at gusto niya ay siya ang pinakamalakas. Lahat ng gusto niya ay dapat makuha."

"Diba sabi mo yung prinsesang tinutukoy mo kahapon ay siyang pinakamalakas sa lahat at isa din siya sa Silver Rank?" Takang tanong ko sa kaniya. Yun kasi ang naaalala kong sinabi niya nung training namin.

"Yes. Siya ang pinakamalakas pero sa mga babaeng specialist. Si Igneous naman ang sa lalaki." Turan niya kaya napatango nalang ako.

"Wala namang pinakamalakas sa mundong ito, basta kaya mong iligtas at protektahan ang mga mahal mo ay doon mapapatunayan na malakas ka." Sabi ko sa kaniya at kinain ang huling kutsara ng gulay at ininom ang natitirang maligamgam na tubig.

"Right." Dinig kong bulong niya kaya napangiti nalang ako.

"Hindi na pala matutuloy ang misyong hanapin ang mga nakablack coat dahil bigla nalang daw silang nagsilaho. Nakatanggap din si Headmaster na wala ng pagnanakaw ang nangyari sa Town of Spells. So the training thingy will be postpone next week. Training na lang para sa palapit na labanan and Azania declared na malapit ng lumusob ang mga kalaban." Kailangan na pala namin magtraining para sa labanan na sinasabi ng Headmaster.

Naalala ko tuloy si Lola Thorna. Sabi niya na poprotektahan niya kami kahit pa kapalit ng buhay niya pero hindi namin yun hahayaan dahil kami mismo ang magpoprotekta sa kaniya kapag napatunayan na namin ang mga sarili namin. At kapag nakakita na kami ng tiyempo.

"Pero nakuha na si Azania ng mga kalaban." Malungkot na sabi ko.

"Oo pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa dahil nagpaplano na ang Headmaster natin na kunin pabalik si Azania at nandoon na din ang NRS at ang kapatid mo sa Satharia at ginagawa ang kanilang misyon na maghanap pa ng ibang Diyos." Turan niya kaya napatango nalang ako.

We are busy talking such things when suddenly the door open loudly na parang galit na galit ang nagbukas ng pinto. Napalingon ako sa pinto at kitang-kita ko ang galit na ekspresyon ni Athena na parang puputok na ang ulo nito.

Napaigtad naman ako dahil bigla na lang tumingin sa akin si Athena at lumapit na may nakakuyom na mga palad.

Hanggang nasa harapan ko na siya.

"Your familiar, ikaw ba si Genesis?" Diing tanong niya sa akin at kahit nagtataka ako sa ikinikilos niya ay tumango ako.

"I hate you." Pagkatapos niyang banggitin ang litaniyang iyon ay naramdaman ko na lang ang napakabigat na kamaong lumapat sa aking pisngi kaya bigla akong nahulog sa kinauupuan ko at nauna ang bewang ko sa pagkakahulo. Narinig ko ang mga bulong-bulongan at napapahiyaw pa ang iba. Yung iba naman ay nasisiyahan pa sa nasaksihan.

"Shit! What the hell?!" Dinig kong sigaw ni Ignite at tinulungan niya akong makatayo. Nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko kaya dinura ko ito sa sahig.

"Bakit mo ako sinuntok?" Mahinahong tanong ko ng makapag-adjust at tila hindi parin naiibsan ang galit niya at masama niya parin akong tinititigan.

"Kulang pa yun!" Sigaw niya at sa pangalawang pagkakataon ay ang malapad niya ng palad ang lumapat sa pisngi ko kaya bigla nalang napalingon ang ulo ko sa mukha ni Ignite na nakaalalay sa likod ko.

"Hoy! Hindi mo ba alam na bago palang siyang gumaling? Sino ka ba at ganiyan ang galit mo kay Genesis?!" Galit na sigaw niya kay Athena.

Naramdaman kong may kung anong enerhiya sa sistema ko and I don't think so if I can still control it. Tumingin ako kay Athena na nagngingitngit ang mga ngipin at parang nangungugat na ang kaniyang panga sa galit.

Bakit ba niya ako nilulusob sa gitna ng pag-uusap namin ni Ignite? Ano na naman ba ang problema ng babaeng to?

"Ng dahil sayo ay hiniwalayan ako ni Enzyme at ng dahil sayo ay hindi na ako sinusunod ng kapatid ko. Ano bang meron sayo at nababaliw sila sa plain na katulad mo?" Galit na tanong niya sa akin.

"Anong pakialam ko sa kapatid mo at sa umiwan sayo?"

Bigla siyang napaatras dahil sa pagbabago ng boses ko at kahit si Ignite na nasa likod ko ay narinig kong napasinghap.

Natawa ako sa sitwasyon nila at ang tawang yun ay parang tawa ng demonyo. Kitang-kita sa mga mata ni Athena na nagdadalawang-isip kong sasagot pa siya sa akin.

Rinig na rinig ko ang boses kong biglang nagdalawa. Ang isang boses na ako ang may ari at ang isa pang boses na galing sa demonyo.

"Maiintindihan ko pang hiniwalayan ka ni Enzyme dahil alam kong laruan ka lang niya. Pero yang kapatid na sinasabi mo? Sino ba yan?" Ngising tanong ko sa kaniya.

"Athena!" Napalingon ako sa pamilyar na lalaking nagtatakbo papunta sa puwesto ni Athena.

"E-Enexx! Bakit ka pa pumunta dito?!" Sigaw sa kaniya ni Athena habang nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa lalaking nakalaban ko pala kahapon sa Battle Arena. Enexx? Kapatid pala siya ni Athena?

Tumingin ulit ako kay Athena ng seryoso at ngumisi. Lumapit ako sa kaniya at habang siya ay paatras ng paatras.

"Ang lakas mo akong suntukin at sampalin pero ngayon para kang hayop na bigla na lang umamo? Asan ang tapang mo ngayon Athena?" Ngising tanong ko sa kaniya.

Hindi siya makasagot sa tanong ko kaya tinaas ko ang aking palad at akmang sasampalin siya ay bigla na lang humarang sa harapan ko si Ignite.

Rinig na rinig ang mga bulungan sa paligid kaya parang mas nakokontrol ako ng galit ko dahil sa mga masasamang pinagbabanggit ng mga estudyante.

"Tumigil ka na Genesis. Huwag mo na siyang saktan." Mahinahong sabi sa akin ni Ignite at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

"Not my sister please? Huwag siya ang saktan mo at kung ano man ang nagawa niya sayo ay ako na lang ang saktan mo." Pagmamakaawa ni Enexx at parang bigla nalang huminahon ang damdamin ko at naramdaman ko na lang na wala na ang matinding kapangyarihan sa sistema ko.

"Ikaw na rin ang nagsabi na puwedeng daanin sa mabuting pag-uusap ang problema Genesis kaya sana huminahon ka na muna at pag-uusapan natin ang problemang kinakaharap niyo." Sambit ni Ignite kaya mas lalong naibsan ang matinding galit sa damdamin ko.

"Athena!" Napalingon kami sa lalaking sumigaw.

"Si Enzyme dapat at yang kapatid ni Athena ang umayos nito. Wala kang kasalanan Genesis kaya huwag mong hayaang kainin agad ng matinding kapangyarihan mo yang puso mo."

---------

Menesis.

Kakatapos lang naming pumirma sa mga papeles at ngayon ay nasa garden ako ng Satharia Academia. Kasing laki din ito ng garden ng Natharia Academia at puno ng mga bulaklak. Ang kakaiba lang sa kanilang eskwelahan ay napuno ng pula at itim ang kapaligiran at pati na rin ang mga bulaklak na nasa harapan ko ay napakalungkot tignan dahil sa kulay itim at pulang kulay.

Tumayo na ako at hindi ko nahalatang may tao palang dumaan kaya natumba kami pareho. Tinignan ko ang nakabangga ko at isa itong babae na kasing edad ko lang din naman. Aksidente niyang nahawakan ang kamay ko at hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba.

"May sikreto kang tinatago. Sikretong magpapabago sa lahat at sikretong magbibigay kapahamakan. Nararamdaman mo ngayon ay galit dahil sa hindi pagkakaintindihan at lungkot dahil sa isang taong napakalapit sayo na may napagdaanang sakit." Biglaan niyang sambit kaya napadistansiya ako sa puwesto niya.

"H-How did you know? Who you?" Takang tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng napakatamis na ngiti.

"Kakayahan kong maramdaman ang nararamdaman ng iba kapag nahahawakan ko sila kaya nalalaman ko kung anong nangyayari kung bakit ganun nalang ang kanilang nararamdaman." Paliwanag niya sa akin.

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

Tumayo ako at pinagpag ang bandang puwetan ko at napansin kong napatayo na din ang estrangherong babae.

"I understand pero nalalaman mo rin ba kung ano ang sikreto ng iba?" Diing tanong ko pero naginhawaan naman ako dahil umiling siya sa aking tanong.

"Kayang-kaya kong alamin ang sikreto ng isang tao pero ang magiging kapalit naman nun ay ang buhay ko. At sa tingin mo ba ay ipagpapalit ko ang buhay ko para lang alamin ang sikreto ng iba? Ng sikreto mo?" Ngiting tugon niya sa akin kaya napangiti nalang din ako ng pilit.

"I'm so sorry pala dahil hindi kita nakita. Ayan tuloy at nagbanggan pa tayo." Turan ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ng ngiti. Mahilig ngumiti ang babaeng ito kaya may part sa akin na parang kinakabahan dahil iba ang kutob ko. Iba ang takbo ng isipan ko sa sinabi niya sa akin na parang may alam na siya.

"Wala yun. Mag-iingat ka lang sa susunod dahil minsan, may disgrasya talagang dadating sa buhay natin na hindi natin malalaman at mawawalan din tayo ng hindi inaasahan kaya magplano ka bago gumawa ng aksiyon. Mag-isip muna bago kumilos." Napakalalim ng pagkakasabi niya pero dalawang meaning ang dating sa akin. Parang may iba pa siyang ipinapaintindi sa akin.

"Menesis!" Lumingon ako sa likod at nakita kong kumakaway si Axial habang tumatakbo papunta sa akin.

"Sino kasama mo?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Itinuro ko sa likod ko ang kasama ko at paglingon ko ay nagulat na lang ako ng wala na ang babaeng kausap ko kani-kanina lang.

"Sino?" Tanong niya ulit.

"Ahh yung mga bulaklak? Kinakausap ko sila dahil nababaguhan lang ako sa mga bagong kulay ng mga bulaklak. Hindi ako nasanay dahil mas makukulay ang mga bulaklak sa Natharia Academia." Pagsisinungaling ko at takang tinignan ang kinatatayuan ng babae kanina. Hinahanap-hanap ko pa ang presensiya ng babae na baka sakaling makita ko pero bigla nalang itong naglaho.

"Well expect the unexpected dahil iba ito sa eskwelahan natin. Balita ko iba ang mga specialist dito like they are already extincts. I mean ang kakayahan nila ay bihira na lang kung makita." Litaniya niya.

"That's what I heard too."

"Tara na dahil manananghalian na. Pinuntahan kita dito dahil posibleng dito lang na lugar ang pupuntahan mo, well air guided me to bring myself to you." Ngiting sambit niya kaya ngumiti na lang din ako.

Naglakad na kami papuntang dorm at amoy na amoy ang sariwang hangin. Nasa South kasi nakalocate ang Satharia kaya kakailanganin pa ng portal para makapunta sa malayong lugar na ito. At kahit ganito ang theme ng school nila ay hindi parin nakakawala ng kagandahan ng eskwelahan nila dahil nababagay din ito sa history daw nila na extinct na nga ang mga kakayahan ng mga specialist dito.

"Menesis..." Lumingon ako kay Axial ng tinawag niya ako.

"Bakit Axial?" Tanong ko sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Anong bakit?" Takang tanong niya.

"Bakit mo ako tinawag?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"I'm not calling you Menesis, nasa unahan mo lang ako." Turan niya kaya nagtaka naman akong napakamot sa batok.

Sino naman ang tumawag sa pangalan ko? Nasa unahan lang si Axial pero parang nasa likuran ko ang tumawag sa akin. Pamilyar ang boses nito at parang boses yun nung babaeng kausap ko kanina. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid pero hindi ko siya nakita.

"Ahm may problema ba Menesis?" Takang tanong sa akin ni Axial.

"Ahm wala. May napansin lang ako pero hindi naman big deal. At guni-guni ko lang ata na may tumawag sa pangalan ko pero dahil lang ata ito sa pagod." Pagrarason ko sa kaniya at naintindihan niya naman.

"Okay tara na at makapagpananghalian at ng makapagpahinga ka na rin." Sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko at hinila.

"Menesis... Ako si Azma.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro