HG 22
Menesis.
"Anong ginagawa niyo dito? Paano kayo hindi naapektuhan sa kapangyarihan ko?" Tanong ko sa kaharap ko ngayon.
Hindi parin ako makapaniwala na kamukhang-kamukha ko ang isa at ito namang napakasama kung makatingin sa akin ay kamukhang-kamukha talaga ni Genesis. Ang nakakaiba lang ay malapad ang mga panga nila na malalaman mo talagang lalaking-lalaki ang kanilang mga dating.
"Hindi na mahalaga para malaman mo kung ano ang ginagawa namin dito. Sagutin mo ang tanong namin, sino ka? Bakit ganun nalang ang kakayahan mong iwala ang mga memorya nila? At paano mo nagawang makita ang katawan na hawak mo?" Mahabang litaniya ng lalaking hindi ko alam kung may galit ba talaga sa akin.
Napangisi ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako tanga para ipaglandakan sa lahat na ang kakayahan ko ay isang threat para sa lahat. Hindi rin ako tanga na ipaglandakan na ang kakayahan ko ay siyang matagal ng hinahanap ng karamihan.
Sinuri ko ang isa pa nilang kasama at siyempre alam na alam kong siya ang nakita ko nitong nakaraan at kanina. Presensiya niya ang naaamoy ko before at pamilyar na pamilyar pero hindi ko lang masabi dahil hindi rin ako sigurado.
"Hindi ko alam pero ang lakas ng pantog niyong humarap sa akin at tanungin kung sino ako matapos niyong sirain at guluhin ang skwelahan na ito? At kung sino man kayong tatlo lalo na kayong dalawa na kamukha namin nitong kapatid ko ay huwag niyo ng pangarapin na malulusob niyo ulit ang eskwelahan na ito. At kapag nagkataon yun ay kami ng dalawa ang makakalaban niyo." Turan ko sa kanila at tumalikod.
"Sandali! Specter ang pangalan ko!" Sigaw nung lalaking may galit sa akin.
"Wala akong pakialam."
************
"Kanina ka pa hinihintay ni Enzyme sa labas." Napatingin ako kay Genesis na inilalagay ang mga gamit na kakailanganin ko.
May lungkot ang pananalita ni Genesis kaya taka ko siyang tinignan.
"Sabihin mo nga sa akin Genesis? May gusto ka ba sa lalaking yan at ang lungkot ng boses mo? Remember na playboy siya." Inis kong sabi habang inilagay ang paborito kong damit sa bagahe.
Aalis na kami ngayong madaling araw at magrereklamo na sana ako kasi bakit ang aga-aga kung umalis eh pwede namang alas siyete ng umaga. Napakaagang magpaalis ng matandang yun, nagmamadali ba siya? Pero wala nga akong karapatan dahil mababa lang ang tingin nila sa amin.
"Menesis kahit ako hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. I know he is a playboy at kung ilalagay natin na nanliligaw siya, hindi na siya pasado dahil hindi pa kami pero may kahalikan na siyang iba. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay yung mga ikinikilos niya kahapon at yung pagsarado niya ng pinto ng ganung kalakas na parang may mali sa sinabi ni Ignite." Sagot niya sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako.
Umupo ako sa higaan at tinignan siya ng malalim.
"Hindi pa ako nakatry ng pagmamahal na yan o pagkakagusto pero ang maipapayo ko lang ay sana itigil mo ang nararamdaman mo kapag alam mong hindi pwedeng maging kayo. Alam naman din nating napakaraming lalaki diyan pero sana maisip mo na kahit marami sila, iisa lang ang puso mo." Sabi ko sa kaniya kaya ngumiti siya ng mapait.
"Hindi ko naman siya mahal at hindi rin ako sigurado kung gusto ko siya. Pero ewan ko ba sa puso ko na kapag nakikita ko siya tumitibok ng napakabilis ang puso na'to. At mas lalo akong naguluhan dahil sa pagsulpot at mga galawan ni Ignite." Turan niya.
Sinarado niya na ang bagahe at umupo sa tabi ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkakalito sa utak at puso niya.
"Bakit kasi ang haba ng buhok mo? Edi ayan tuloy, hirap na yang putulin." Biro ko sa kaniya kaya napangiti siya.
What I want is to make Genesis happy dahil kami-kami nalang din ang nagkakausap kapag may problema sa buhay at kami-kami nalang din ang nagtutulungan para malutas ang mga pagsubok na darating.
"Trust me Menesis. Mas mahaba buhok mo kaysa sa akin."
-------
"Alam mo Enzyme? Kung hindi ka lang baliw at naging ganiyan ay siguro nagustuhan at minahal ka na ni Genesis." Pagbabasag ko sa katahimikan.
Kinuwento kasi sa akin noon ni Genesis na magaling siya sa pambobola kaya nakukuha niya ang loob ng mga kababaihan. Pati si Genesis ay naisali sa kagaguhan ng lalaking to. Kung sa akin lang talaga lumapit ang lalaking to noon baka nasuntok ko na to.
"I don't need her love." Sagot niya sa akin.
"Well hindi ka rin niya naman kailangan dahil nandiyan naman si Ignite para sa kaniya. Baka ngayon nandoon na si Ignite sa dorm namin." Sambit ko at tama nga si Genesis.
Naiyukom niya ang kaniyang mga palad at nangungugat pa ito dahil sa pagkakadiin. Hindi mo maiintindihan ang ikinikilos niya.
"Alam mo? Kung pinatunayan mo lang sa kaniya na mali ang inisip niya noon sayo nung sa Aquaintance ay baka mahal ka na talaga niya. O sana hindi ka tumigil sa pagsusuyo at pagsunod sa kaniya baka mahal na mahal ka na niya. Pero gago ka kasi, gago ka dahil sa abilidad mong mahilig sa mga babae." Turan ko sa kaniya at umuna pa sa kaniya sa paglalakad.
"Sabi ko na sayo Menesis na hindi ko kailangan ang pagmamahal niya. Kahit anong pilit mo na gustuhin ko siya ay hindi ka magtatagumpay." Napatawa ako sa sinabi niya at napaharap sa kaniya.
"Hindi mo kailangan ang pagmamahal niya but your actions telling more? Mas halata ka sa aksiyon mo Enzyme at yang mga ganiyan ay hindi mo makokontrol. Bakit? Dahil kung gusto mo, gusto mo. Mawawala lang naman ang pagkakagusto sa isang tulad niya kung may mas mahal ka pang iba. Pero sa tantiya ko ay laruan mo lang yung Antenna na yun. And for your informations, hindi ko tinutulak kapatid ko sayo dahil hindi naman kita gusto para sa kaniya. And frankly speaking? Hindi rin naman kayo bagay." I left him dumfounded at lumakad na ng tuluyan.
"Nakikita ko na ang mga unggoy." Bulong ko sa sarili ko ng makita ang NRS at kasama yung Headmaster at isang unfamiliar na estudyante.
Akmang tatakbo na ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya nilingon ko ang hangal na biglang humawak dito.
"Ano na naman ba ang kailangan mo Bill?" Inis kong sabi sa kaniya at binalibag ang kamay niya kaya narinig kong napa 'aww' siya pero wala akong pakialam.
"Huwag kang sumama sa kanila." Diing sabi niya sa akin kaya napangisi ako.
"Bakit mamimiss mo ako?" Angas na asar ko sa kaniya.
"You wish." Bulong niya kaya tinalikuran ko na lang siya dahil wala naman talaga siyang kwentang kausap and we are not even close to touch me.
"Menesis!" Sigaw niya sa akin kaya napahinto ako. Nakita kong napalingon ang NRS sa puwesto namin kaya humarap ako kaagad kay Bill.
"Ano bang kailangan mo?" Inis na turan ko sa kaniya. Hindi siya makapagsalita kaya napaikot nalang ako sa mata ko at akmang tatalikod na ulit ng marinig ko ang bulong niya.
"I'm sorry."
Tinignan ko siya pero nakayuko ang ulo niya kaya hindi ko makita ekspresyon niya kung sinsero ba niyang sinabi yun. Kung totoo ba ang sinabi niya at hindi joke. Sorry para sa kahapon? Na pinagsalitaan niya ako ng ganun?
"Hindi ko na ipapaulit yang sinabi mo pero okay na." Sambit ko sa kaniya at tumalikod na.
"What do you mean by that?!" Sigaw pa niya ulit.
"Common sense." Sabi ko at tuluyan ng lumakad. Wala na akong naramdamang presensiya at hindi ko alam kung saan na naman lumusot yung Enzyme na yun.
Hindi naman kasi ako kasing salbahe ng iba, marunong akong magpatawad kahit ano pang klaseng kasalanan. Depende nga lang sa sitwasyon.
"How I hate her presence." Dinig kong sabi nung babaeng kulay asul ang kulay ng buhok. Napaikot nalang ako sa mata.
"How I hate your face." Sagot ko sa kaniya at tumabi sa lalaking hindi ko kilala. Sa tantiya ko ay taga Class-C ang estudyanteng ito.
"How I hate your guts!" Nabigla ako sa sigaw niya kaya napangisi ako at sinuri ng mabuti ang mukha niya.
"How I hate your make-up." Diing sabi ko at halos pumutok ang mukha niya dahil sa kapulahan. Mapula na nga ang blush on ay mas lalong pumula pa dahil sa galit niya.
"Tumigil na nga kayong dalawa! At ikaw naman babae, bagong dating ka pa lang pero ang angas mo na kung makapagsalita. Hindi ka ba nahihiya sa aming mga Royal blooded?" Sabat nung lalaking may pagkabrown ang buhok at mata. Yung babae kaninang inasar ko naman ay may asul na mga mata.
"Bakit ako mahihiya sa inyo? Royal blooded my ass! At ikaw naman? Para kang bakla kung makasigaw." Mahinahong sabi ko kaya halos maikuyom niya na ang palad niya.
Naramdaman ko na lang na umuyog ang lupa kaya tinignan ko sa mga mata ang lalaking kumokontrol nito.
"Hahaha o-okay stop that. Hindi tayo nandito para mag-away okay? What we need is unity for the mission." Naaasar ako sa ngisi ng lalaking to. Siya yata yung Igneous na sinasabi ni Genesis because base on his appearance ay may pagka-Ignite ang itsura. Plain black nga lang ang buhok ni Ignite while this man ay may halong pula sa buhok at may hindi gaanong mapupulang mga mata.
"Bakit mo pa kasi siya sinama eh." Sabi nung babaeng na may touch ng green ang black niyang buhok at may berde ding pares na mga mata.
"Para namang ginusto kong kasama kayo." Sabi ko.
"Simulan mo ng gumawa ng portal bata. Ayokong makitang mag-asaran sila sa harapan ko dahil nakakawalang gana sa agahan ko mamaya." Utos ng matanda sa estudyanteng tatango-tango pa.
Itinapat niya ang kamay niya sa gate at bigla nalang may kapangyarihan lumabas sa mga palad niya. Lumitaw sa kaniyang harapan ang maliit na bilog at ng palakas ng palakas ang kapangyarihan ay palaki din ng palaki ang bilog na ito at hanggang sa naging kasinglaki na namin ang size nito.
"Tanda." Nagkatinginan kami ni Igneous ng magkasabay kami tawagin ang matanda.
"Menesis." Napalingon ako sa isang pamilyar na boses and its Axial.
"Akala namin hindi ka na darating kumag ka." Sabi nung isang lalaki na parang wala kaming alitan kanina. Ang dali niyang magpalit ng mood.
"Siyempre nalaman kong sasama si Menesis kaya dumating ako despite sa kondisyon ko ngayon." Sagot ni Axial habang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng maliit sa kaniya dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kaniya kahapon.
"Oh." Dinig kong react nung dalawang bruha.
"Pumasok na kayo." Dinig naming sabi ng matanda.
"Bakit kasi ang aga eh." Bulong ko at sabay takbo papasok sa portal kasama ang bagahe ko.
Pagkapasok ko ay makikita ko ang iba'-ibang kulay na parang buhay na buhay ito. Sumasabay ito sa akin na parang inaalalayan nila ako sa destinasyon na pupuntahan nitong portal na'to. Ng maramdaman kong malapit na dahil sa biglang pagslowmo ng mga kulay ay napapikit ako at naramdaman ko na lang na may natatapakan na akong lupa.
I open my eyes and then I saw their Academia na may nakaukit pang 'Satharia Academia'. Gamit ang kulay pulang lining sa bawat letra ay masasabi mong napakaganda itong pagmasdan dahil parang buhay ito na nakatingin sa akin. The color is shining and shimmering.
"Its my first time to be here." Dinig kong sabi ng nasa likod. Nakasunod na pala sila sa akin, ayoko kasing naghihintay kaya mas maganda kung ako ang uuna.
"Welcome to Satharia Academia." Napalingon kaming lahat sa babaeng nasa mid-30s ata ang edad na may mahabang buhok hanggang bewang na nagkukulay pula lahat. Suot ang mahabang bestida na kulay itim na sumasayad sa lupa.
"Magandang araw po sa inyo. Kami po ang mga exchange students galing sa Natharia Academia na ipinadala ni Headmaster Dracunox." Magalang na sabi ni Axial kaya tumango kaming lahat sa pagsang-ayon.
"I know and welcome once again to our Academia. This will be your home for one week at ipag-iisa ko lang kayo ng dorm dahil yun ang utos ni kuya." Napasinghap kaming lahat hindi dahil sa ipag-iisa kami ng dorm pero napasinghap kami dahil sa pagbanggit niya ng 'kuya'. For sure yung matandang iyon ang tinutukoy ng babaeng ito.
"Kuya?" Halos magkasabay naming sabi.
"Yes. She is my elder brother and I'm his youngest sister. I am the Headmaster of this Academia and my name is Avanza. The late Titan Goddess of Holy Fire."
Holy Fire?
"Sinabi mong late? Nasaan na ang taong pinasahan mo ng kapangyarihan mo at anong klaseng kapangyarihan ang Holy Fire?" Tanong ko sa kaniya.
"Holy Fire can immitate different kind of fire. Like hell's fire, fire element and eruptions' fire and to answer your first question? Wala na akong alam sa taong pinasahan ko nun. Ng naibigay ko na ang kapangyarihan ko ay bigla nalang siyang naglaho na parang bula." Sagot niya sa mga katanungan ko.
"Well let's go. Kailangan niyo ng magsimula para sa training and for you to look the other Gods and Goddesses. Sa laki ng eskwelahan na ito ay hindi ko na kayang makihalubilo sa iba at mag-ikot-ikot para hanapin pa ang mga Diyos kaya umoo na ako sa ideya ni kuya.." Litaniya ni Avanza.
"Pabida." Dinig kong sambit nung isang prinsesa kaya lumingon ako sa kaniya. Yung prinsesang may asul na mga mata at buhok.
"Hindi mo ba kayang itikom yang bibig mo? Putak ka ng putak eh wala namang silbi yang sinasabi mo at kung gusto niyong respetuhin ko kayo ay sana umakto kayo na karespe-respeto." Sabi ko sa kaniya at tinignan sila isa-isa pati si Axel tuloy nasali ko. Kung sana kapareho lang nila ng ugali si Axel baka nagkasundo na kaming lahat.
Lalapit na sana sa akin si Axel pero bigla nalang may humila sa braso ko.
"Let's go Menesis."
"Igneous."
---------
Satanina.
"Nandiyan na ba ang bata?" Tanong ko sa aking anak at tumango lang ito.
"Naidala na siya dito ina at ligtas naman itong nakuha galing sa Natharia. Hindi lang kami mapakali dahil bigla nalang may nakakita sa amin." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo ako.
"Diba sinabi kong mag-iingat kayo?! Paano na yan?! Hindi na puwedeng mabago ang plano at kailangan nating manatili sa isang plano lamang!" Hind ko mapigilan mapasigaw dahil sa kapalpakan nila ng anak ko.
"Patawad ina." Pagpapaumanhin ng anak ko kaya napaupo ako ulit at napahilot sa sentido.
"Ayos lang. Nandiyan na yan."
"Pero iisang tao lang naman ang nakakita sa amin at napakalakas ng kaniyang kapangyarihan. Hindi ko alam pero parang magkasinglakas kami ng kakayahan." Napatingin ako sa anak ko at sinuri ng mabuti pero wala akong nakitang pagsisinungaling sa kaniyang mga mata.
Kasinglakas niya? Hindi kaya..
"Nagparamdam na siya kaya kailangan na nating dalian ang ating kilos. Kailangan mapadali ang pagkakasundo natin sa kanila para matulungan nila tayo." Sambit ko at hinawakan ang pisngi ng aking anak.
"Huwag kang mag-alala dahil magtatagumpay tayo at mapapasa atin ang buong mundo na ito at mapapasa atin din ang Natharia." Sabi ko.
"Pero paano ang Satharia ina?" Tanong niya pabalik sa akin. Binawi ko ang aking kamay at kinuha ang baso ng alak.
"Nagkaisa ang Satharia at Natharia. Ang kailangan lang nating gawin ay ang lakas ng batang sinasabi mo. Alam kong hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama pa siya." Sabi ko sa anak ko at tumango lamang siya.
"Huwag kang mag-alala ina, gagawin ko lahat para mahanap ang natitirang kakampi natin. At sisiguraduhin kong mapapatay natin silang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro