Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 21

Igneous.

Who's that woman? Is she crazy for talking to me like she doesn't care for the consequences? After she talked to me like I'm just an ordinary specialist? Aalis nalang siya ng ganun-ganun lang?

She is also the woman in Battle Arena kung makasagot sa professor ay parang hindi natatakot. She has this guts. We, the Princes and Princesses of Natharia are responsible for giving respect to those people who are older than us if that person deserves our respect. And also we must learn how to place ourselves.

"Ano na naman ba iniisip mo Igneous? Iniisip mo na naman ba ang babaeng sinasabi mo? O eh ano ka ngayon? Karma is real talaga. May katapat ka na ngayon." Tinignan ko ng masama itong katabi kong parang hindi lalaki kung makadada ng dada.

"Tell me Rajedh? Are you gay?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"What? Me? A gay? Maraming iiyak kapag nangyari yun Igneous at masasabi kong maraming magpapakamatay kapag nagkataon yang sinabi mo." Turan niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at humarap sa matandang pirming nakaupo sa swivel chair niya.

"Ano pong balita sa mga specialist na yun? Bakit sila sumugod dito ulit?" Dinig kong tanong ni Nhelina.

"Prinsesa, hinahanap pa ng mga kawal ang mga nakalaban nila. Bigla nalang daw naglaho ang lahat at nawalan daw sila ng mga malay kaya hindi na nila alam ang iba pang nangyari." Sabi ng matanda.

"Headmaster how about that presence? Ramdam na ramdam ang presensiya niya hanggang sa Battle Arena. Its powerful even me ngayon lang ako nakadama ng ganung klaseng lakas. Presensiya niya is so attractive pero bigla nalang din naglaho." Turan ni Werrestella.

Ang gusto ko sa mga kasamahan ko ay pina-prioritize nila ang misyon at ang mga mamamayan. Kahit hindi magaganda ang mga pag-uugali ay masasabi mong deserve nila ang mga posisyon nila. Kahit ako siyempre dapat mas malakas ako sa kanila dahil ako ang mas kinakatakutan sa buong Natharia and soon to be King of the Palace. Mapapasa akin din ang Gold Rank na yan.

"Hindi na kataka-taka sa akin ang mga malalakas na presensiya dahil sa kapanahunan pa namin ay mas makakasagupa mo ang malalakas na mga Diyos. But this time, this presence is really familiar to me and also Nhelina is right. Its powerful." Sabi sa amin ng matanda.

Naaalala ko na naman ang babaeng yun. Ang kapal lang talaga ng mukha na sagot-sagutin ako ng ganun? At sinabi pa niyang hindi ako deserve sa posisyon ko? How dare her to judge me like that? Ni hindi pa niya ako kilala at hindi pa niya alam ang kaya kong gawin.

"Kamusta naman si Axial?" Tanong sa akin ni Rajedh.

"Why are you asking me? Ako ba ang gumamot sa kaniya?" Inis kong sagot ko sa kaniya.

Am I the one who heal that man? Bagay yun sa kaniya dahil bigla-bigla nalang nawawala. Inutusan siya na kunin ang susi pero hindi na bumalik.

"At napakalaking problema ang haharapin natin ngayon." Napalingon kaming lahat sa matanda.

"What do you mean by that Headmaster?" Takang tanong sa kaniya ni Werrestella.

"Isa sa mga Diyos sa Natharia Academia ang bigla nalang kinuha at yun ang Diyos na pinoprotektahan ng mga kawal."

Napatayo ako bigla sa narinig ko.

Bakit ngayon niya lang sinabi? We need that girl, we need her abilities! I need her!

"Bakit ngayon mo lang sinabi tanda?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Huminahon ka nga Igneous! Para kang sira!" Hindi ko pinansin ang pagsigaw ni Nhelina at mas lalo kong binigyan ng napakasamang tingin ang matanda na parang hindi importante sa kaniya ang pagkawala ng babaeng yun.

Magagamit ko ang kapangyarihan ng babaeng yun para malaman kung ano ang magiging hinaharap ko. I want to know my future para makapagready ako at mapunta na sa akin ang Gold Rank ng Natharia Palace.

"Hindi naman talaga natin kailangan ang batang iyon Prinsipe. Ginagawa lang nating taga sabi ng propesiya ang bata at hinaharap para malaman natin kung paparating na ang laban. At nakuha naman natin ang kailangan natin sa kaniya at yun ang alamin kung malapit na ba ang labanan. Well the war is coming so we need to get ready all the time. Depende nalang kung may gusto kang ibang makuha sa batang iyon prinsipe?" Makahulugan niyang sabi.

Umupo nalang ako ulit dahil baka mahalata ng mga kasama ko na desperado akong makuha ang babaeng yun. Hindi lang naman kasi ako ang desperadong makuha ang Gold Rank kundi ang lahat ng mga specialist. Kaya ako nagpalakas para makuha ang posisyon na yun. I need that position para pagharian ang buong Natharia.

"Ang kailangan lang muna nating gawin ay gumawa ng mabuting plano na walang mapapahamak sa ating lahat. Mautak din ang kalaban at hindi sila papayag na tayo ang mananalo. Na tayo ang magwawagi." Dagdag niyang sabi kaya napilitan nalang akong tumango.

"Paano ang mission na sinabi mo? That training thingy?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na natin itutuloy yun dahil palabas lamang yun. Dahil alam ng mga kalaban na ang mga unang section 1 sa Class-A ay ang unang magte-training kaya sumugod agad sila dito para walang sagabal sa kanilang plano na kunin ang batang yun. Pero hindi nila alam na nakabantay ang mga kawal galing sa Palace ng Natharia at nakapagbreak ang section 1 kaya nalabanan ang mga nakablack coat na yun at hindi nakasira pa ng ibang gusali dito. Alam nating section 1 Class-A students ang bihasa sa paggamit ng kapangyarihan." Sagot niya sa tanong ko.

"Pero nakuha parin nila ang babaeng yun." Rajedh said.

"Alam ko and what we need is to prepare ourselves for the upcoming battle. Magpapalakas tayo para kalabanin ang kampo ni Satanina at makuha muli ang bata. Sa ngayon ay agrabyado tayo dahil nasa kanila ang bata, her abilities are powerful too pero hindi tayo magpapatalo. Kailangan nating makakuha ng isa sa mga nakablack coat na specialist for us to know there plans." Sagot sa kaniya ng matanda.

"Pero balitang-balita na bigla nalang daw nawala ang mga nakablack-coat dahil sa presensiyang yun. At ang mga kawal nalang pati si Axial ang nakitang walang malay." Turan ni Werrestella.

"And that's what we need to discover. Nandidito lang siya sa Natharia Academia at alam kong nakakasalamuha niyo lang siya. Malaki ang tulong nitong taong ito sa atin at nararamdaman kong isa siya sa mga kambal."

"So may posibilidad na nandidito ang isa sa mga cursed na sinasabi niyo? Na nandidito lang nag-aaral ang taong ito?" Paninigurado ni Nhelina at tumango ito sa kaniya.

"And its going to be easy. Madali lang natin siya mahahanap pero diba sabi mo kailangan natin itong patayin?" Takang tanong ni Rajedh.

"Yes. We need to kill this cursed twins but not now. Magagamit pa natin sila so we need a better plan." Turan sa amin ng matanda.

Napalingon kami sa pinto ng magbukas ito and its one of the God here in Natharia.

"Why are you here Enzyme?" Tanong sa kaniya ng matanda.

"Natanggap ko na po ang sulat." Sabay abot niya ng isang sobreng kulay itim kay tanda. Inabot iyon ng matanda at binuksan, binasa at inilagay sa lamesa.

"The plan will go like this. Since they agreed to my suggestions and plans ay gagawin ko kayong exchange students sa Satharia Academia. Kayong lima at ang mga Diyos muna ang bahala sa Natharia Academia habang kayo ay ginagawa ang dapat gawin. Actually dapat anim kayo pero kayong lima lang ang alam kong malalakas na mga Royal blooded. Bawal si Ignite sumama dahil siya ang naghahandle sa Government nila kaya kayo nalang muna."

"Misyon ba'to?" Tanong ko.

Tumango lang siya kaya napangiti ako. Napapangiti ako kapag may mga misyon akong nagagawa dahil isa yun para mapalakas ko pa ang kapangyarihan ko at madagdagan ang pagtitiwala ng lahat sa akin. At kapag nangyari yun ay makukuha ko na ang Gold Rank sa Natharia Palace. At kahit hindi na sumama yung Ignite na yun ay makakaya ko namang protektahan ang mga kasama ko dahil mas malakas ako sa kaniya.

"Tanda." Tawag ko sa kaniya at tinignan niya ako ng malalim. Wala naman akong pakialam kung bastos ako sa pagtawag ko sa kaniya ng 'tanda' pero hindi ko lang talaga maramdamang karapatdapat siyang respetuhin. Dahil tulad nalang ng Devonna na yun nung sa Acquaintance, may sikreto ding tinatago ang matandang ito.

Oo rumerespeto kami ng mas matatanda sa amin pero pili lang.

"Bakit Prinsipe Igneous?"

"Gawin mong anim ang pupunta dun sa Satharia. Ang gagawin lang namin ay mag-undergo sa training nila diba? At maghanap pa ng ibang Diyos? Well I recommend this woman na tumulong sa atin dahil she is one of a kind. And she's different." Turan ko sa kaniya kaya napangiti siya.

"It must be Menesis. That woman is extraordinary dahil kahit mas mataas sa kaniya ay kaya niyang sagut-sagutin at hindi iniisip ang parusa."

Kaya napagdududahan ko tong matandang to dahil kahit wala akong sinabing pangalan ay alam niya kung sinong tinutukoy ko. He is one of the Titan Gods before at naipasa niya daw ang kapangyarihan niya sa maling tao na hindi man lang ginampanan ang pagiging Diyos.

"Who's Menesis?" Takang tanong ni Werrestella.

"She is mystery. Hindi namin siya gaano kilala kahit yung kapatid niyang si Genesis. Siya yung babaeng hinila ni Prinsipe Axial sa Battle Arena at siya yung babaeng sinagot-sagot ang propesor nila." Sabat nung lalaking kakarating pa lang.

"Hindi kita tinanong kaya huwag kang sumagot like you are close to us. But anyway, thanks for the information."

So Menesis pala pangalan niya?

"Why do you want her to join the mission? Hindi siya Royal blooded because she is a plain girl. And I don't like her guts, siya din yung babaeng kahit bulong lang ang gagawin mo ay rinig na rinig parin niya." Inis na sabi ni Nhelina kaya napabuntong-hininga nalang ako sa pagkabrat niya.

"I don't need your opinion Nhelina."

"Okay I will send Menesis tomorrow morning. Sa main gate tayo magkikita-kita bukas." Deklara ng matanda.

"Agad? Bukas agad?" Reklamo ni Rajedh.

"Of course."

--------

Genesis.

"Bakit ba bigla ka na lang nawala Genesis? Alam mo bang nakita na lang kitang nakahiga sa lupa ng walang malay?" Pangsesermon sa akin ni Menesis.

"Azania!" Sigaw ko at dali-daling tumakbo at pinuntahan ang tatlong pigura ng tao na nakasuot ng black coat na papasok sa isang lagusan habang pasan-pasan ng isa ang walang malay na si Azania.

"Bitawan niyo siya!" Sigaw ko at bago pa sila makapasok sa lagusan ay kinontrol ko na ang isa na may hawak kay Azania. Hindi siya makalakad dahil kontrolado ko ito.

Lumapit pa ako para kunin sana si Azania pero bigla nalang lumiwanag ang kamay nung isa niyang kasama kaya napapikit ako dahil sa silaw na taglay nito. Naramdaman ko nalang na may sumipa sa akin ng napakalakas kaya napaluhod ako sa sakit dahil sa napaksakit niyang sumipa.

"Huwag ka ng makialam babae dahil walang kwenta ang pagsugod mo sa amin. Mahina ka lang at higit sa lahat ay babae ka lang. Hindi mo kami kayang tatlo at kahit ako lang ay hindi mo mapapatumba. Isa ka lang ordinaryong specialist." Hindi ko siya pinansin at patuloy parin kinontrol ang may pasan kay Azania. Hindi ko ininda ang pang-iinsulto ng lalaking isa sa mga nakasuot ng black coat.

Hindi nila pwedeng makuha si Azania dahil napakadelikado kung makukuha nila ang kapangyarihan ni Azania.

"Walang saysay!" Sigaw ng lalaking nasa harapan ko na ngayon na hindi ko man lang napansin na lumapit sa akin at ni hibla ng buhok ay wala akong makita dahil natatabunan ng hood ng suot niya.

And everything went black.

"Si Azania." Sambit ko.

"O anong meron sa babaeng yun? Anong kinalaman niya sa pagkahimatay mo?" Galit na sabi ni Menesis sa akin.

"Nakuha siya ng mga nakablack coat." Sagot ko sa kaniya at tila halos manlaki ang kaniyang dalawang mata sa sinabi ko. Kahit ako ay hindi ako makapaniwalang makukuha lang ng ganun kabilis si Azania ng mga estrangherong yun kahit may mga kawal.

"Tatlo ba sila Genesis?" Biglaang tanong sa akin ni Menesis. Tumango nalang ako bilang sagot kahit nagtataka ako kung paano niya nalaman na tatlo sila.

"Sabi na nga ba. May kakaiba sa tatlong iyon at bakit hindi ko naisip na sila ang gumawa nito sayo?" Turan niya at magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Menesis."

"Hindi tumatanggap ng mga bisita ngayon si Genesis kaya pwede ka ng umalis." Turan sa kaniya ni Menesis kaya napahawak na lang ako sa sentido ko. Eto na naman po siya.

"Hindi siya ang pinunta ko dito." Direktang sagot sa kaniya ni Enzyme.

Ewan ko pero there's something in my chest.

"Eh wala namang ibang pasyente dito sa Clinic kundi si Genesis lang maliban nalang kung may nangyari sayo?" Balik sagot ni Menesis sa kaniya.

"Let him talk first Menesis before you act like that." Sabi ko sa kaniya.

Inikot na lang niya ang eyeballs niya at tumingin kay Enzyme.

"Ano sadya mo dito?" Tanong sa kaniya ni Menesis na may pilit na mahinahong tono.

"Nandito ako para sabihin sayo na may bago kang misyon. Ikaw lang mismo, hindi kasama si Genesis at kung titignan din ay hindi puwedeng isama siya dahil sa sitwasyon niya ngayon. Prince Igneous recommended you to help NRS to their new mission." Paliwanag ni Enzyme kaya napalingon ako kay Menesis na may pagtatakang ekspresyon.

Igneous?

"You know Igneous Menesis?" Kapatid yun ni Ignite na napakataas kung makatingin sa sarili. Hindi ko gusto ang ugali nun at bakit si Menesis pa ang nairecommend ng lalaking yun sa dami ng mga specialist sa Academia na ito.

"No! But I think that name is familiar."

"He is Ignite's elder brother." Sabi ko sa kaniya.

"Oh? That jerk? O eh bakit niya naman ako nirecommend para tulungan sila sa misyon nila at ano ba ang misyon na yan? At bakit hindi pwedeng isama kapatid ko?" Sunod-sunurang tanong ni Menesis.

"Kung ako ang tatanungin mo ng ganiyan ay wala akong alam dahil inutusan lang ako ng Headmaster. At tungkol sa misyon? Narinig kong magiging exchange students daw ang mga Royal students sa Satharia Academia kasama ka. At bakit hindi pwedeng isama si Genesis? Dahil six slots lang ang available and it includes you Menesis."

Hindi ko alam kung anong nangyari between them pero parang ayoko sa ideyang yun. Siyempre ang Headmaster lang ang may kapangyarihan na magbigay ng misyon sa mga estudyante niya.

"Satharia Academia?" Takang tanong ko.

"Satharia Academia ay kasing tulad lang din ng Natharia Academia. Eskwelahan iyon ng mga estudyanteng bibihira lang ang kapangyarihang mag-exist sa mundong ito. Extinct ang kapangyarihan nila. Ang Satharia Academia ay matatagpuan sa Timog bahagi ng mundo natin. Ang Natharia naman ay nasa Hilaga." Paliwanag niya.

Tatango-tango lang akong nakinig. Hindi ko alam na may eskwelahan pang iba maliban sa Publiko Encantado at Natharia Academia.

"May palasyo din ba sila dun?" Tanong ni Menesis.

"They have their own Satharia Palace and five Satharia Kingdoms. Limang lungsod at isang eskwelahan lamang."

Tumingin sa akin si Menesis na para bang nagdadalawang-isip kung papayag ba siya sa misyon na ito. Kahit ako ayoko siyang ipasama sa misyon na iyon pero hindi naman sa lahat ng oras ay dapat magkadikit kami. Dapat marunong na kaming tumayo sa sarili naming mga paa at marunong na kaming makisalamuha sa iba na amin-amin lang.

"Go for it Menesis. Kayang-kaya ko na sarili ko sa Academia. Ang isipin mo lang muna ngayon ay ang pagtanggap sa misyon na galing sa Headmaster at isipin mo rin ang kaligtasan mo dun. May magbabantay naman sa akin dito." Turan ko sa kaniya at ngumiti ng matamis.

Gusto kong iparating sa kaniya na gustong-gusto ko siyang sabihan na isa ito sa mga pagsubok para maging mas mapatibay ang lakas niya. Pero alam kong alam na alam niya na ang takbo ng utak ko dahil nga kambal kami. Magkapatid kami.

"Sino naman magbabantay sayo dito?" Takang tanong sa akin ni Menesis at magsasalita na sana ako ng biglang may sumabat.

"Ako." Napalingon ako sa lalaking bagong dating na nakapamulsa pa at nakangiti.

"Ignite." Tawag ko dito.

"Okay na ako kay Ignite. Teka Enzyme? Kailan ba yang misyon na yan?" Iritang sabi ni Menesis kay Enzyme na hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ang ipinapakita niya ngayon.

Nagagalit ba siya?

"Bukas na bukas kaya mag-impake ka na ng gagamitin mo. Isang linggo din ang stay mo dun." Bago niya sabihin iyon ay bigla nalang siyang umalis at sinarado ang pinto ng ubod lakas kaya napaigtad kaming tatlong natira dito.

"Selos yata yun." Biglaang sabi ni Ignite.

"Hindi nagseselos ang mga playboy. Mas maniniwala pa ako kung may bagong babae na naman siyang kalaplapan ngayon." Turan ni Menesis.

"Siya alis na muna ako para makapag-impake. Ingatan mo kapatid ko Ignite baka kung anong magawa ko sayo kapag may nangyaring masama na naman diyan." Dagdag na sabi ni Menesis at dinig pa namin ang hagikhik ni Ignite dahil sa sinabi nito.

"Aalagaan ko siya ng mabuti habang wala ka pa at aalagaan ko siya kahit magaling na siya."

Napanganga nalang ako sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro