Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 19

Dedicated to MizzyFantasia for making me the nice cover. Hanggang sa uuliting ateng.

--




Ignite.

Pinagbreak muna ang mga trainees dahil sa pagod na natamo nila. Oo pagod lang ang natamo ng mga nanalo dahil walang ni kahit sugat silang natanggap.

Naglalakad ako ngayon papuntang Council namin para kunin ang mga papeles ng mga enrollees nung nakaraang buwan. Pag-aaralan daw dahil may nararamdamang lakas si Headmaster mula sa sampung nakapasok. At walang duda para sa akin ay ang magkapatid na si Menesis at Genesis yun. Sila lang ang alam kong may mga guts para lumaban kahit delikado.

Nasa harapan na ako ng pinto at binuksan ito. Bumulaga sa akin ang kulay abong dinding at kulay abong sopa para sa mga guests at sa mga estudyanteng dapat pagsabihan. May bilog din na lamesa na may limang upuan para sa pagpupulong naming mga Diyos at isang medium-sized golden chandelier na nakalights on pa.

"Are they done?" Napatingin ako sa babaeng pirming nakaupo sa sopa.

"Bakit nandidito ka Sayatus? Akala ko ba nagbreak ka kasama si Wenessa?" Takang tanong ko sa kaniya.

Lumapit ako sa bilog na lamesa at nakita ang nakatambak na mga papeles at kinuha yun. Pagharap ko ay bigla akong napaatras dahil halos magdikit na ang mukha namin ni Sayatus.

"What the hell Sayatus?"

"I reviewed that papers at masasabi kong napakalakas ng mga bagong enrollees na yan lalong-lalo na silang Genesis at Menesis. They are mysterious at kahit nakasama na natin sila sa isang misyon ay hindi parin ako mapakali sa mga presensiya nila. Minsan kasi ay biglang nagbabago ang mga presence nila like they know how to hide it from us. At nakita ko kung paano magheal ang mga sugat kanina ni Genesis at paano katibay si Menesis." Makahulugang sabi niya.

"Kahit ako Sayatus ay hindi parin ako kuntento sa kakayahan ng magkapatid. Kung kambal lang talaga sila ay sigurong sila na talaga ang tinutukoy nilang cursed twins. They are strong and they have the guts at kahit si Bill at Wenessa ay minsan na nilang natakot. And for me? Yes your right, they are mysterious." Sagot ko sa kaniya at inayos ang mga papeles sa mga kamay ko.

"Paano kung sila nga ang kambal? May ganun naman diba? May kambal na hindi magkamukha and I think there is a possibility na ang cursed twins na sinasabi ng karamihan ay sila?" Curious niyang tanong kaya napaisip ako.

Hindi naman ako pwedeng manigurado na sila talaga ang kambal because there is no specific and deep informations about them. Cursed twins lang ang sinabi at walang nasabing identical ba o fraternal.

"I don't think so pero ang hula ko ay isa sila sa atin. They are Goddesses too and that is what we need to discover Sayatus." Sabi ko nalang at tumango siya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sopa at akmang lalabas na ako ng may nakalimutan akong sabihin.

"Wait-ahm Sayatus?" Tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin na may nagtatakang tingin.

"What?"

"Don't ever do that again. Baka may makakita sa atin at iba ang isipin."

"Parang ikaw pa ang dehado Ignite ah? Okay don't worry, I will never do that again." Ngiting sabi niya kaya napatango ako at lumabas na.

Paano nga kung silang magkapatid nga ang kambal na tinutukoy ng karamihan? Ng Headmaster? Baka sila na ang matagal na hinahanap ni Headmaster? Pero bakit sabi nung professor before that we need to kill those cursed twins because they are threat for us specialists and manipulators? Na kaya nilang burahin ang mundong tinatapakan namin sa isang iglap lamang. Na puwede nila kaming kontrolin at gawing alipin kahit kailan nila gusto. Am I too paranoid?

"Oh here's the good boy."

Boses palang niya ay napapayukom na ang mga palad ko. Buti nalang may mga papeles akong dala kaya nakokontrol ko pa sarili ko. I don't want to pick a fight dahil sa pagiging mayabang ng isang to.

"Inutusan ka ba ng Headmaster na dalhin yang mga papeles na yan sa kaniya? Gusto mo bang tulungan kita?" Pang-aasar niya sa akin kaya napaharap ako sa kaniya.

He never fail to insult and annoy me. Sa buhay ko ay siya parati ang karibal ko. Sa buhay ko ay siya palagi ang sagabal.

Siya nalang palagi ang angat at pati ang Silver Rank ay napunta sa kaniya dahil sa pagiging prinsipe niya. Palagi nalang siya ang tinitingala ng Natharia Fire Kingdom at ng mga magulang namin. Fairness is not a rule for him dahil kailangan dapat lamang siya. Dapat mas malakas siya sa lahat but he cannot be.

Nang dahil sa kapangyarihan na natanggap ko ay naramdaman kong umaangat na ang galing at tapang ko. Umaangat na ang kakayahan kong maging mas malakas kaysa sa kaniya at ramdam kong nababahala na siya.

"Why brother? Why are you looking at me like that? Are you into me? You like me don't you?" Hindi ko na napigilang hindi mabitawan ang mga papeles at pinaulanan ng apoy ang lalaking nasa harapan ko.

Ang apoy ko ay may halong kaunting itim symbolizes being a God of Underworld. Naiwasan niya lang ito at tumama sa likuran niya. Tawa lang siya ng tawa at masasabi kong masaya siya kapag iniinis ako. Walang konsiderasyon ang taong ito at gusto niya na lahat ng kailangan niya ay dapat makuha.

"Even you have that power? You are still weak compared to me. Nananalantay ang dugong Fistron sa katawan mo pero parang hindi ka nababagay sa pamilya namin. Kaya ako ang napiling prinsipe ng Kingdom natin dahil mas ako sayo. Mas matapang, mas malakas, mas makisig at isali na natin ang mas guwapo." Ngising sambit niya kaya akmang aatakihin ko na siya pero biglang may humawak sa palad kong nag-aapoy kaya napatingin ako sa taong nasa gilid ko.

"You don't need to fight because he is ahead compared to you. Mahihina lang ang mga taong mahilig magcompare."

"Genesis." Sambit ko sa pangalan niya. Bigla kong naramdaman ang strength dahil sa paghawaka niya sa kamay ko o baka nadadala lang talaga ako sa galit ko ngayon?

"What a coincidence right? Nakatiyempo pa ako sa love story niyo Ignite. Pwede bang makisali?" Nakakalokong sambit ng lalaking hangal na hanggang ngayon ay nasa harapan pa namin.

"Subukan mo Igneous. Makikita mo kung ano ang kaya kong gawin." Pagbabanta ko sa kaniya pero natawa lang siya sa nasabi ko kaya mas lalo akong nainis at akmang aatakihin siya ng mga apoy ko ng hindi ko ito maigalaw kaya dali-dali akong napatingin kay Genesis na ngayo'y nakatingin kay Igneous.

"I'm scared brother." Sagot niya na may nakakainis na ngiti at tumingin kay Genesis.

Mali ka ng kinalaban magaling kong kapatid. Kakaiba si Genesis.

Napatingin ako sa kamay kong kani-kanina lang ay hinawakan ni Genesis. May naglalagablabang mga apoy ang nasa palad ko kanina pero nakayanan niya itong hawakan?

Sino ka ba talaga Genesis? Who are you?

"So kapatid ka pala ni Ignite? Dugong Royal pala ang mga lalaking nasa paligid ko ngayon? At anong sabi mo? Love story namin? Magkaibigan lang naman kasi kami kaya huwag kang advance." Sabi ni Genesis kaya napatingin ako kay Igneous na parang nalilito kung anong ire-react niya sa babaeng kaharap niya.

"You don't know kung sino ang kausap mo babae." Nakakainis na ngising sabi ni Igneous.

Marami ng nagsabi ng ganiyan litaniya kay Menesis at Genesis kaya hindi na ako magtatakang may susugod na ditong mga kawala galing sa Natharia Palace para hulihin silang dalawa pero hindi ko hahayaang mangyari yun.

"Kilala na kita. Si Igneous ka diba? Kapatid ni Ignite at tiyaka ang prinsipe ng Natharia Fire Kingdom at kabilang sa Silver Rank. Fistron ang inyong mga apilyedo?" Hindi ko alam pero hanga talaga ako sa kakayahan nila dahil nakukuha pa nilang magpilosopo kahit nasa gitna sila ng away.

"Oh really woman?" Sagot sa kaniya ni Igneous.

"Bakit may mali ba sa sinabi ko?" Balik tanong sa kaniya ni Genesis.

Ng hindi na makasagot si Igneous ay tumalikod na si Genesis at nilagpasan ako. Hindi ko alam pero may naramdaman akong disappointment dahil sa ginawa niya pero wala naman akong karapatan para sabihin sa kaniya ang naramdaman ko.

Napalingon ako sa puwesto ni Igneous dahil may naramdaman akong enerhiya at nanlaki ang mga mata ko dahil natira na niya pala ang bolang apoy na galing sa kaniyang palad sa direksiyon ni Genesis.

Kasinglaki ng ulo ng dragon ang bolang apoy kaya matindi ang magiging epekto nito kapag natamaan si Genesis.

Mabilis ang pangyayari at nalampasan na ako ng bolang apoy at akmang kokontrolin ko ito ng nagulat ako sa susunod na nangyari.

Biglang nawala ang malaking bolang apoy na parang isang bula na tinusok at pumutok. Pero kakaiba dahil hindi man lang ito sumabog o ano pa dahil bigla lang itong naglaho.

"Pumipili ka dapat ng kinakalaban mo Mr. Who You Are. Not my sister." Lingon-lingon ako sa lugar kung saan ito nanggagaling and its on Igneous' back.

Nasa likuran niya si Menesis at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero parang naging ginto ang mga mata ni Menesis.

Akmang sisikuhin na sana ni Igneous si Menesis ng bigla nalang itong tumalon ng mataas at nilagpasan si Igneous at napatuntong sa isang matigas na batong nakadisplay sa isang room. Tumalon pa siya ng isang beses at napagulong papunta sa direksiyon ko.

"A-Are you okay?" Tanong ko kay Menesis at tumango lang ito at tumingin kay Igneous.

"Iba ang pagdiskitahan mo ng kabaliwan mo at huwag ang kapatid ko. And advice lang naman kung sino ka mang lalaki ka, bakla ka ba? Kung hindi tigilan mo si Ignite dahil may ginagawa pa yan at kung bakla ka? Tara hanapan kita!" Ngising asar niya kay Igneous at nakita ko kung paano naging kamao ang mga palad nito ang lumabas ang napakapulang apoy.

O ano ka ngayon Igneous? You just encountered the sisters.

"Pikon ka?" Dagdag na asar sa kaniya ni Menesis at bago pa siya tumalikod ay bigla siyang nagsalita pa ulit.

"And you know what? You don't deserve the position sa Kingdom niyo at sa Palace na yan dahil mahina ka."

Genesis.

Magkapatid pala si ng lalaking yun? Royal blood pala si Ignite kaya pala ganun nalang ang mga ikinikilos niya na parang takot siyang magkamali at takot siyang gumawa ng kamalian na sa huli ay pagsisisihan niya.

Sa mundo naman kasi na ito ay hindi mawawala ang mali sa buhay natin because we are destined to do mistakes and we are destined to make it right.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria at mag-isa. Hindi ko alam kung saan sumulpot si Menesis pero ramdam ko presensiya niya kanina. Break kasi namin nag-aliw muna yung iba tapos kumain naman yung iba. Nasa clinic naman yung mga natalo at mabuti nalang ay gumaling agad sila. Mahirap mag-aral at magtrain kapag may mga sugat o pasa sa katawan.

Isusubo ko na sana ang isang kutsarang gulay ng biglang may nagsigawan malapit sa table ko kaya napalingon ako. Pagtingin ko ay may nag-aaway na mga kababaihan at nagbabatuan ng kani-kanilang mga kapangyarihan.

"Inagaw mo siya sa akin! At kailanman pagsisisihan mo ang ginawa mong pangangagaw ng boyfriend na may boyfriend!" Sabi ng isang babaeng pacurly ang buhok at binato niya ng bolang kuryente ang isa pang babae pero naiwasan niya lang ito.

"Wala akong inagaw Sharanta dahil voluntarily siyang lumapit sa akin, niyakap at hinalikan dahil nagsawa na siya sayo at kailanman ay hindi ka niya nagustuhan!" At pagkasabi niya nun ay siya naman ang bumato ng bolang tubig sa tinawag niyang Sharanta.

Yan ang mga problema ng mga babae ngayon, pinag-aawayan ang isang lalaki. Pwede naman silang maghanap nalang ng iba kung ramdam nila na wala ng spark between both of them. Hindi yung nag-aaway dahil sa iisang lalaki? Libo-libong lalaki ang nandidito sa Natharia Academia nagkakadamutan pa sa isa.

"Niyakap? Hinalikan? Sabi niya sa akin hindi siya basta-basta nanghahalik ng iba kung hindi niya mahal at sabi niya ako lang ang babaeng mahal niya so don't you dare to lie at me Denta!" Sigaw sa kaniya nung Sharanta sabay bato ulit ng bolang kuryente but this time ay natamaan na ang babaeng tinawag niyang Denta.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil disturbo sila sa pagkain ko kaya kakain na sana ako ng may biglang pagsabog akong narinig sa labas ng cafeteria kaya napaikot ako ng mata at napatingin sa labas.

"May nakapasok daw na mga kalaban." Dinig kong sabi ng isang estudyante.

Lumabas ako dali-dali at tinignan kung saan nanggagaling ang pagsabog at napansin kong umuusok sa bandang library ng Natharia Academia kaya tumakbo ako ng mabilis para maabutan ko kung anong kababalaghan na naman ang nangyayari sa Natharia. Minsan na kasing may sumugod dito na hindi namin nalalaman and this time ay sigurado akong kakaiba ang presensiyang nararamdaman ko. Hindi naman gaano kalakas maliban nalang sa tatlo.

Hingal na hingal ako nakarating sa library at tama ako dahil sa likuran nito nanggagaling ang pagsabog kaya pumunta ako sa likuran at nakita kong paano naglalaban ang mga kawal galing sa Natharia Palace at ang mga hindi kilalang mga specialist na nakasuot ng mga black coat.

"Sila siguro ang mga specialist na nakablack coat na balitang-balita na kukunin si Azania." Bulong ko at tumakbo papunta kung saan may naglalaban pero may isa akong kapangyarihang naramdaman sa gilid kaya napalingon ako dito at may tatlong nakablack coat ang pumapasok sa isang lagusan.

Nanlaki naman ang mga mata ko kung sino ang kanilang dala.

"Azania!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro