Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 17

Genesis.

"Its right hand at kapag right hand naman ang gamit ng kalaban mo siyempre you must use your left hand para sakaling isasangga mo ang atake niya." Paliwanag ni Ignite kaya tumango kami at ginagaya ang actions niya na kunwari sinusuntok niya si Cylechter tapos isasangga naman ni Cylechter ang kamay niya.

"Sino po ba ang nagturo sa inyo sa pakikipaglaban ng pisikalan?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Actually wala namang nagturo sa amin pero there's someone pushed us na hindi lang dapat kapangyarihan natin ang kailangan gamitin kasi may posibilidad na mawawala ito. May mga specialist din kasing kayang burahin ang kapangyarihan mo kung kailan niya gusto."

Tama nga naman. Siyempre nakaencounter na kami ng ganun at diyos pa. Azania the Goddess of Sealing Power, Words and Books.

Wala siya ngayon dahil maingat na binabantayan siya kasi daw may mga nakablack coat daw ang sumugod sa Natharia para kunin sa Azania dahil sa kapangyarihan niya. Malaking tulong talaga ang kagaya ni Azania dahil kaya niyang burahin ang kapangyarihan ng kalaban niya ng iilang oras kung kailan niya gugustuhin at idagdag na natin na dahil sa boses niya ngayon ay kaya niya ng makalikha kahit isang libong kawal sa pamamagitan ng pagbasa niya ng malakas sa libro.

"Hindi natin malalaman kung kailan lalabas ang mga ganung klaseng tao kaya mag-iingat tayo palagi." Sambit naman ni Sayatus.

Alam na namin ang mga pangalan nila at kapangyarihan dahil nagpakilala sila sa amin. Siyempre lahat sila ay mga Diyos na malalakas, wala lang si Enzyme dahil pinapabantayan ang library kung saan nandoon ang mga importanteng impormasyon.

"Sige break muna." Deklara ni Bill kaya nagpuntahan kami sa mga bleachers at kinuha ang bag ko kung nasaan nakalagay ang baon kung tubig. Ayoko na kasing pumunta pa sa cafeteria kasi nakakapagod na. Ganun din si Menesis na nag-eensayo pa kasama yung prinsipe ng hangin. Axial ata ang pangalan nun eh.

"Genesis." Napalingon naman ako kay Ignite ng tawagin niya pangalan ko. Narinig ko naman agad ang bulong-bulongan pero hindi ko nalang pinansin kasi baka lumaki na naman ang gulo o di kaya magkaroon na naman ng gulo.

"Bakit?"

"Why Menesis didn't chose us?" Takang tanong niya.

"Gusto niya lang kasi ng bagong kilala kaya ayun. Hindi ko naman kasi siya mapigilan dahil may iba't-iba kaming gusto." Sabi ko sa kaniya.

"Ang tapang talaga ng kapatid mo. Take note, she just argued with the princess of Natharia? Buti nalang hindi siya inatake kanina." Sabi niya sa akin pero napahagikhik lang ako.

"Alam mo Ignite? Mas maawa ka sa prinsesang sinasabi mo kasi mas kilala ko si Menesis. At kung iisipin ay mas dapat siyang matakot dahil hindi niya kilala ang kapatid ko. Sa pakikipagbangayan nga wala na siya eh, paano na kaya sa labanan?" Ngiting sabi ko sa kaniya at alam kung nag-iisip na siya ng kung ano dahil kahit anong sabihin ko ay hindi ko dapat ipahalata kung anong meron kami..

Kung sino kami..

"Well that's true, I don't even know Menesis but I know who is the strongest among all women in Natharia Palace and its her."

Natharia Palace? Ganun na ba talaga kaming walang kaalam-alam? Oo nasa gubat kami nakatira pero hindi ibig-sabihin nun ay wala na kaming balita sa Natharia. Hindi ko din naman alam na may Natharia Palace pa pala.

"Nalilito ka ba? You should know about the Palace." Sambit pa niya.

"I know that Palace." Pagsisinungaling ko.

"Pero hindi ko alam kung sino ang mga taong naninilbihan o kamiyembro doon." Dagdag ko pang turan.

Ang akin lang ay kung ang babaeng prinsesang sinasabi ni Ignite ay ang pinakamalakas at sabi niya ay kilalang-kilala niya ito, sino ba talaga si Ignite? Ang alam ko lang sa kaniya ay siya ang God of Underworld na hindi ko pa nakitaang nagpalabas ng kapangyarihan. Matanong nga si Menesis.

"Well the members ay may kaniya-kaniyang mga rangko. Ang mga naninilbihan siyang mga rank bronze tulad ng mga kawal, manggagamot, tagagawa at tagasira ng palasyo kapag may binabago. Naninilbihan sila pero malakas din sila dahil they are trained. Rank silver naman ang mga prinsipe at prinsesa, reyna at hari." Paliwanag niya sa akin kaya napatango-tango ako.

"May iba pa ba?" Tanong ko kay Ignite and he nodded.

"The gold rank of course and still, naghahanap pa sila. Wala pang nakikitang specialist na napakalakas." Sabi niya kaya tumango ako sa pangalawang pagkakataon.

Ang mga naninilbihan pala ngayon ay siyang palasyo lang pala ang sinisilbihan at mga prinsipe at prinsesa, reyna at hari ang mga namumuno muna habang naghahanap pa ng specialist na maituturing nilang malakas.

"Paano mo naman nalaman yun Ignite?" Tanong ko ulit ay akmang magsasalita na siya ng bigla kaming tinawag ng professor namin na kakarating lang kung saan.

Lumapit kaming lahat pati ang under sa NRS. Nakita naming seryoso ang prof na nakatingin sa aming lahat.

"All of sections are required to train whole month. Dineklara ng Headmaster ng Natharia na kailangang mag-ensayo pa ng mas maigi dahil ang kalaban ay unti-unti ng pumapasok sa ating Academia. May nakakita na may mga black coat people na bigla nalang sumugod dito at kukunin sana ang isa nating estudyante na nagtataglay ng kapangyarihang malaman ang hinaharap. And I think all of you already knew it dahil kalat na kalat ito sa buong Natharia." Seryosong litaniya ng prof kaya bigla akong napatingin kay Menesis.

Seryoso siyang nakikinig sa prof at parang may mali sa mga mata niya na parang may alam siya. Pero hindi naman ganun si Menesis dahil malalama't-malalaman ko ang ikinikilos niya dahil konektado dugo niya sa dugo ko.

"At dineklara din ng Headmaster na magkaroon ng isang labanan isa laban sa isa para malaman kung sinong pwedeng makasama sa misyon."

"Ano pong misyon?" Tanong ko.

"Misyon na hanapin ang mga nakablack coat na mga specialist, huwag din kayong mag-alala dahil nabalitaan namin na sila din ang mga taong nagnanakaw sa Town of Spells at pagala-gala lang daw sila. Its easy for everyone na mahuli sila dahil hindi gaano kalakas ang kanilang presensiya, maliban nalang sa dalawang tao."

"Kailan po ba sisimulan ang laban?" Tanong ng isa naming kaklase kaya sumang-ayon din ang lahat like all of them are excited for the individual battle.

"Ngayon na! Hindi na dapat tayo mag-aksaya ng oras!" Sigaw sa amin ng prof kaya bigla agad kaming pumunta sa mga grupo namin ganun din ang kabilang grupo.

"Ako ang tatawag ng mga pangalan niyo, I have the records here from section 1-Class A para randomize ang pagtawag ko and not bias o any favoritsm. Kukuha lang kami ng lima sa mga estudyanteng maglalaban-laban, NRS and NGG are not included to this battle kaya huwag kayong mag-alala. Pasok na silang lahat sa misyon at dadagdagan nalang ng lima para makumpleto. And lets start!" Deklara ni prof kaya naghanda kami.

"Kinakabahan ka ba Genesis?" Napalingon ako sa biglaang pag-akbay sa akin ni Demeter.

"Medyo. Kasi ngayon lang naman ako makikipaglaban na ako lang mag-isa na hindi kasama si Menesis. Minsan kasi kailangan mo talagang maghanda pero yun yata nakalimutan ko ngayon dahil biglaan naman kasi." Sabi ko sa kaniya. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin at humarap sa kabilang kupunan.

"Yeah! You need to be ready as always for you to be safe. Hindi natin malalaman kung kailan tayo mapapahamak o kailan tayo aatakihin na hindi natin nalalaman. Buti nalang sana kung kapangyarihan ko ay makita ang hinaharap tulad ni Azania para malaman ko kung kailan ako mamamatay o sino ang papatay sa akin." Bigla ko naman siyang hinampas sa balikat kaya napaigtad siya dahil yata sa lakas ng paghampas ko.

"Bakit nanghahampas ka? Sakit ah!"

"Baliw ka kasi! Iniisip mo na agad kamatayan mo pero hindi mo iniisip kung mananalo ka ba ngayon. At para sabihin ko sayo, mabigat na responsibilidad ang kakayahan ngayon ni Azania dahil may nagtatangka sa buhay niya, ginagamit siya at lalong-lalo na ay binabantayan siya oras-oras. Gusto mo bang bantayan nalang palagi at wala ng ensaktong kalayaan?" Mahabang litaniya ko sa kaniya at inilagay ang mga kamay ko sa bewang na parang nanenermon.

Napakamot naman siya batok na parang may narealize. Akmang magsasalita na sana ako ng narinig ko na may tumawag sa pangalan ko.

"Genesis Doyle and Enexx Logen. Come in front and start the battle, and the others? Stay put at umupo muna kayo at panoorin ang laban. Kung sinong mananalo ngayon ay ilalaban pa. Kailangan maubos kayong benteng magkakaklase hanggang sa maging lima nalang natira." Paliwanag niya sa amin kaya humakbang ako ng iilang steps para magkapantay na kami ng kalaban ko ngayong nakangisi sa akin.

"The rules are, you can use your powers, swords or anything physical contact. No killings at kung sino ang hirap ng lumaban ay siyang talo na. Hindi na kami aasa sa ibang Class tulad ng B and C dahil busy sila sa kanilang mga ginagawa. Since wala tayo masyadong ginagawa kaya kayo ang binigyan ng chance section 1- Class A ng pagkakataong i-accomplished ang ganitong rare na misyon. So goodluck for everyone."

Pagkatapos magsalita ng prof ay humakbang siya paatras at napansin kong nagsiupuan na din ang mga ibang kaklase ko. Nasa gitna na kami ng battle ground at mismong prof namin ang magiging referee namin.

Biglang nagwhistle ang prof hudyak na simula na ang labanan.

Tumingin ako sa lalaking nakangisi parin sa akin. Ewan ko kung lahat ba ng specialist ay kayang magsummon ng kani-kanilang mga sandata. Pumikit ako at dinamdam ang enerhiya galing sa sistema ko at pagdilat ko ay nasa harapan ko na ang sword na lumilitaw. Its just an ordinary pero kapag hinawakan ko ito ay mararamdaman ko ang lakas nito.

Kinuha ko ang sandata na lumilitaw sa aking harapan at itinutok sa kalaban ko.

"I don't want to hurt you Enox." Sabi ko sa kaniya at bigla nalang nawala ang ngising nasa labi niya.

"My name is Enexx not Enox. And I must be the one who will said that because your just a girl and your weak compare to me." Maangas niyang sabi at hindi ko gusto kung paano siya magsalita.

"Talaga?" Tanong ko at ngumiti ng matamis.

Bigla nalang akong nakaramdam ng enerhiya sa kaniya at bigla nalang nagiging kulay pula ang buhok niya na galing sa pagkakaitim. Naging pulang-pula ito at bahagya pa akong namangha dahil bigla itong nagliyab.

"Wow!" Sambit ko sa sarili ko.

Sa isang iglap ay nasa harapan na ako ni Enox-Anex-Inex basta kung ano mang pangalan niya. Nagulat pa siya at doon ako kumuha ng pagkakataong suntukin siya sa mukha pero naiwasan niya naman ito at lumayo sa akin. Iwinasiwas ko ang spada ko sa kaniya ng paglapit ko pero sadyang mabilis din siya at hindi ko inaasahan yun.

"Your good." Sabi niya sa akin habang nakangisi parin. Sisiguraduhin kong mawawala ang ngising yan kapag natalo kita.

"Good enough to drag you down." Sambit ko at umatake ulit.

Hinagis ko ng napakataas ang spada at nadala ang kaniyang mata kaya kinuha ko ang opportunity na yun to attack. Sinikmuraan ko siya kaya napadaing siya.

"Arghh! Shit!"

"And good enough to punch you this hard." Sambit ko at sinuntok siya sa bandang pisngi kaya bigla siyang tumilapon at napahiga sa sahig.

"Nice punch Genesis!" Dinig kong sigaw ni Ignite kaya itinaas ko ang kamay ko and make a good job sign.

Patuloy parin ang pagliyab ng kaniyang buhok at mas lalo pa itong lumiyab ng tumayo ito at ngayong galit na galit na ang ekspresyon. I smile triumphantly.

"Ang angas kasi." Bulong ko.

Aatake na sana ulit ako ng biglang tumira ang nagliliyab niyang buhok ng bolang apoy kaya umiwas ako at hindi ko naman aasahan na may kasunod pa pala ito kaya bigla akong natamaan sa bandang gilid ko.

"A-Aww." Napadaing ako dahil hindi sa init kundi sa puwersa. Para kasi akong binato ng bola sa tiyan. Wala naman akong naramdamang init dahil sa abilidad ko.

"You bitch!" Nagulat naman ako dahil napikon na pala siya na mas ikinangiti ko na malapad dahil napatagumpayan kong baguhin ang ngisi sa kaniyang labi na ikinakainis ko talaga.

Tumingin ako sa taas ng malapit ng mahulog ang spada kaya dali-dali akong tumalon ng mataas at kinuha ito tapos hinagis sa puwesto ng kalaban ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya kaya bigla niya itong tinira ng mga bolang apoy niya pero hindi parin tumitigil ang spada sa paglipad papunta sa kaniya.

Narinig ko na ang mga bulongan na baka daw mapatay ko ang lalaki o di kaya baka madesqualified na ako sa ginagawa ko. Wala namang mali ah!

Nakita kong napaekis ang magkabilang wrist niya na ikina-cover niya sa mukha kaya napangiti ako. Malapit na sanang tumapat sa kaniya ang spada ko ng kontrolin ko ito kaya bigla itong huminto. Lumapit ako sa kalaban at nakita kong dilat na dilat parin ang mga mata niya dahil sa gulat na akala niya mawawala na siya.

Pagkalapit ko ay kinuha ko ang spada at iwinala ito.

"Saan angas mo ngayon?" Turan ko sa kaniya.

"Y-You Bitch!" Sigaw niya sa akin at susuntukin na sana ako ng biglang huminto ang kamao niya sa harap mismo ng mukha ko. Pilit niyang kinokontrol ang kamao niya para suntukin ako pero nakatingin lang ako dito at matinding kinokontrol ang kamao niya.

"You are too weak compared to me." Pagkasabi ko noon ay sinuntok ko siya ng napakalakas sa mukha kaya bigla itong nawalan ng malay.

"Managinip ka sana ng maganda Enox." Huling sabi ko pa at tumalikod na.

Hindi dapat kasi kami hinuhusgahan, minamaliit at inaasar. Yan tuloy, bumabalik sa inyo ang mga sinasabi niyo. Para kasing sino kung makalait at manghusga.

"Matuto ka kasing gumalang sa mas malakas sayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro