Chapter 8
Menesis
"Handa na ba kakailanganin natin? Baka may kulang pa, teka, tubig? May food na sa container kaya hindi tayo magugutom." Napahinga ako ng malalim at napatingin kay Donessa na naiiling na rin. Sanay na ako kay Genesis na ganiyang maalagain kaya hindi na ako nagrereklamo kasi baka mabungangaan pa 'ko niyan.
"Hindi naman tayo mawawala ng iilang araw, Genesis... isang araw lang naman tayo kaya kaunting pagkain at extrang damit lang ang dinala ko in case na pagpawisan ako." Sabi ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. Natigilan ako at natutop dahil sa nanliliit na niya ngayon na mga mata habang nakatitig sa akin.
"Mabuti na ang sigurado, Menesis." She uttered back. I just nodded.
"By the way, did you hear the news? Another God enrolled here in academia, take note, she willingly enrolled just like what Enzyme did. Her name is Azania if I am not mistaken." Napalingon kami kay Donessa dahil sa sinabi niya na siyang nagpataka sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang unti-unti nang lumilitaw ang mga specialist na may kakayahan ng isang Diyos.
Kailangan pa ba naming gawin 'to na mukhang hindi naman na kailangan? Mukha kasing alam na ng mga specialists na pinaghahanap sila para matulungan at makipagtulungan. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ng may-ari ng academia na 'to pero mukhang nagsisimula na siyang gumalaw.
I sighed heavily, "never heard that news," sabi ko na lang. Wala naman kasi akong narinig na balita tungkol sa bagong dating o baka hindi lang talaga ako masiyadong interesado sa mga nangyayari. Wala rin naman akong pakialam dahil nagiging maingat rin ako at si Genesis. Kung maaari, hindi kami nangingialam sa mga nangyayari dahil ayaw naming masali. Ang gusto lang namin ay makuha ang sagot na hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung paano mahahanap at makukuha.
"Anong kakayahan niya?" Tanong ni Genesis pero umiling lang si Donessa. Mukhang wala siyang alam bukod sa pangalan lang nito.
"I didn't hear anything about her aside from her name. I also heard that her case is special because of her power and ability, she's strong, that what I've heard." Sagot ni Donessa na siyang ikinatango na lang ng kapatid ko. Kung sino man siya, welcome sa lugar na 'to. For sure, makakasama niya ang ibang mga Diyos sa lahat ng bagay at sana ay hindi siya matulad sa mga 'yon na mukhang walang mga silbi kun'di ang mam-bully lang ng kapwa. I hope Enzyme will do the same thing as well.
"Tara na nga, baka ano na namang masabi ng mga mokong na 'yon sa'tin. Ayaw ko pa namang nakakarinig ng mga kung ano-ano galing sa mga bibig nila na akala mo kung sinong mga matataas ang posisyon sa mundo." Irita kong sambit na siyang ikinahagikhik na lang ng dalawa. Binitbit ko na ang bag at sinabit sa likuran, nagmumukha kaming maglalakbay nito pero alam mo naman na kapag si Genesis, dapat lahat kompleto at walang kulang.
I went out from the dorm first and leave them. Alam naman nila kung saan kami magkikita kaya magkita-kita na lang kami ro'n. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at pumunta sa garden na sinasabi ni Genesis na siyang maganda raw. Bilang isang babae na lumaki sa gubat, gusto ko ang halimuyak at itsura ng mga puno lalo na ang mga bulaklak. Mahilig si Lola sa mga ganoon na siyang kinahiligan na rin naming dalawa ng kapatid ko.
When I saw the familiar garden, I was astounded! Base from my sister's description, I can assure myself that this is the garden that's she's talking about! And she's right, they are beautiful! There's a gigantic tree standing so firm and still like a superior among the others. It was circled by colorful flowers, dancing under the birds' tweets. The wind is so cold because it is too early in the morning, the sun is almost saying hi and the clouds are starting to appear in the clear blue sky.
What a view!
I immediately sat down on one of the benches but before I could have my own time, I suddenly heard footsteps coming towards me.
"Menesis?" Napalingon ako sa likod at dumungaw si Demeter na nakangiti sa akin. Napangiti ako sa kaniya. Ilang araw din kaming hindi nagkita, sayang hindi siya nakasama sa amin sa pagpunta sa bayan na halos makalimutan pa namin ang mga pinamili namin do'n!
"Oh, Demeter! Ilang araw rin tayong hindi nagkita ah? Busy ka ba?" I curiously asked while smiling. I watched him sat down beside me while his smile is still plastered on his lips. I can see a glow from him like there's so much joy in his eyes.
"Ilang araw din akong wala rito, Menesis. May misyon kasi ako kaagad at relate lahat 'yon sa mga halimaw. Buti na lang agad kong natapos at tiyaka magpapahinga na nga sana ako eh, pero ito na naman." Saad niya kaagad na siyang ikinahinga ko ng malalim. Agad akong naawa sa sitwasiyon niya pero wala siyang magagawa dahil utos 'yon sa nakakataas. Isa rin ang misyon sa magpapalaki ng mga grades at ranks namin sa akademya kaya kailangan talagang sumunod.
But I am confused... we are tasked to find the remaining Gods but why he's here? This mission is not a monster related and I am sure that we can accomplish this one with no difficulties. Is he really bombarded with missions?
"You can always decline if you already feel exhausted, you know, we should rest sometimes. Grades are always there, we can have them in other times. Gosh, you are still in your first year." I said but he just smiled at me so sweet. Looks like this man can't feel any exhaustion.
"Alam kung nakakapagod pero wala rin kasi akong maisip na gagawin kapag nasa dorm lang ako. nabo-bored lang ako kapag nandoon kaya tinanggap ko nalang ang offer at sakto namang napasama kayo edi hindi na ako pagod?" Natatawa niyang sabi na siyang ikinahagikhik ko na lang. Tama naman kasi siya. Kapag nasa dorm lang at walang ginagawa, sobrang boring. Mabuti na lang rin ang may ginagawa kaysa sa wala, at least nakakatulong rin ang misyon sa klase.
"We are supposed to be in the main gate on time but looks like you're enjoying your flirting time here," napalingon kami ng sabay ni Demeter sa likuran namin na siyang dahilan kung bakit nagbago bigla ang timpla naming dalawa. Kumunot ang noo kong nakatingin sa lalaki na ngayo'y nakangising nakatitig sa aming dalawa ng katabi ko.
Ito na naman po ang lalaking putak nang putak na parang isang pato na bakla! Wala ba siyang magawa sa buhay kaya pati ang buhay ng iba ay pinakikialaman niya?
"On time pala pero bakit kate ka pa rin? Tanga ka ba? Papansin." Tumayo na ako at hindi ko na hinayaan pang magsalita ang lalaking 'yon. Ramdam ko naman na nakasunod na sa akin si Demeter kaya hindi na ako lumingon pa sa likuran.
"Sino nga 'yong lalaking nagsabing naglalandian tayo? Teka, gago ba talaga ang isang 'yon?" Tanong ko kay Demeter habang tanaw na tanaw ko na mula sa amin ang iba pa na nasa gate na ngayon.
"Since you're interested, he is Bill." Demeter playfully responded and that made me frowned. I suddenly felt exasperated because of what he uttered and it disgusts the hell out of me! Well yes, I asked his name but I am not that totally interested about his background.
"Hindi ako ganoon kainteresado, Demeter, it's just that palagi kaming nagkakabangga at nagbabangayan ng lalaking 'yon kaya gusto kong malaman ang pangalan niya. Napakataas naman ata niya sa sarili niya kung tatawagin ko siyang Diyos eh hindi naman bagay sa kaniya!" Iritado kong sagot na siyang ikinatawa na lang ng katabi ko. Bago ko pa man siya marinig sumagot ay hinila na ako ni Genesis at tinignan ng mariin sa mga mata.
"Where have you been? Both of you!" Bulong niya sa tenga ko at napansin kung napatingin sa akin yung Bill kaya nilakasan ko ang pagsagot.
"Naglalandian! Naglalandian kami ni Demeter." Pasimple akong bumaling sa Bill na 'yon at kitang inis itong tumabi sa kasama niya. Inirolyo ko na lang ang mga mata ko at tumingin muli kay Genesis na parang nawi-weird-uhan sa'kin.
"Ewan ko talaga sayo Menesis. Mukha kang timang." She uttered I don't know but I just chuckled because she looks cute when she's confused and mad.
"Mukhang kumpleto na kayo," lahat kami napalingon sa isang lalaking matandang naglalakad papunta sa direksiyon namin ngayon. Nanliit ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya. "Bago magmadaling-araw, kailangan, lahat kayo ay nandito na. Delikado sa labas ng akademya kapag nagtagal pa kayo, alam niyong may pagala-gala sa labas kaya mas mabuti kung mag-iingat tayo." Dagdag pa niya.
Siya 'yong matandang nakapatong sa malaking rebulto no'ng entrance exam namin! Kung hindi ako nagkakamali, siya talaga ang matandang lalaking 'yon!
"Don't worry, headmaster, we will do everything to look for the remaining. We have your blessings so we all know that we can do this." That God who can manipulate fire responded, as if he is the leader of this group. I secretly hissed and then stared at the old man again but I was stiffened a bit because he is now staring at me as well... until he stared at my sister too.
So he is the headmaster of this place, the owner and one of the possible specialists that can answer our questions. But for sure, we cannot have those answers from him because he is too high. It is impossible to reach him as he is so secretive and don't approach students that much in academia.
"Aside from the royalties, you knew that all of you will be the good example of this academia. So, you have to take care of yourselves and prove to us that you are worth to be respected." I doubt that these Gods are good examples. They doesn't even know how to apply those words in other students! They are shits. Full of craps.
Tinignan ko isa-isa ang mga kasama ko at nakita kong kumpleto 'yong limang Diyos pero may nadagdagan sa kanila. Isang babae na may puting mahabang buhok na kakulay ng niyebe, maputi ang kaniyang balat at manipis ang kaniyang katawan. Nanliit ang mga mata ko dahil mukhang tanga rin ang isang 'to dahil sa tindig niyang parang ang lakas-lakas niya.
Nandito rin ang crush ni Genesis pero nanliit pa lalo ang mga mata ko nang mapansing may babaeng parang uod na galaw nang galaw sa tabi ni Enzyme. Namumula ang mga pisngi niya habang kinakausap ang lalaki at parang putakti na hindi mapirmi. Ang dilaw niyang buhok na hanggang bewang ang haba ay nakakairita, katulad na lang rin ng dilaw niyang mga mata na kasingkulay ng araw.
Sino ba 'tong babaeng 'to at sobrang nakakahiyang kasama? Mukhang wala namang pakialam sa kaniya ang lalaki pero dahil sa alam kong mabait siya, nirerespeto niya na lang at kinakausap pabalik. Tumingin ako kay Genesis at mukhang wala sa mood. Napahinga na lang ako ng malalim dahil alam kong ni kailanman ay hindi pa 'yan nagkakagusto pero sa pagkakataon na 'to, mukhang palakaibigan talaga ang lalaking gusto niya. Hindi naman natin mapipigilan ang pagiging palakaibigan ng lalaki dahil mukhang natural na 'yon sa kaniya.
Lahat kami ay naghanda nang biglang lumitaw ang mga kawal hindi ganoon kalayo mula sa kinakatayuan namin. Humarap muna sila sa headmaster at yumuko bago pumunta sa gate. Hindi ko alam pero nagagalak akong lumabas ulit dahil tulad nga sa sinabi ni Demeter, nakakabagot talaga kapag laging nasa dorm. Walang magawa kun'di ang tumunganga. Hindi rin naman kami nakakapag-ensayo dahil wala pa kami sa parte na 'yon sa klase.
Not until the gigantic gate opened like it was controlled by power of strength from those three knights. They are wearing their metal battle suit and what I can see are their eyes only. I wonder how heavy it is when they wear it. For them, it feels light and they handle it so professionally. They look good with those suits.
Umaga pa naman at mahaba din ang aming paglalakbay kaya mahirap din 'tong gagawin namin pero hindi naman ata kami mapapahamak dahil puro halos Diyos ang kasama namin... sana nga. Malakas sila, natural na nila 'yon dahil nga sila ang napiling pasahan ng mga Titans ng mga responsibilidad. Kung sana ay hindi lang sa mga salita sila magagaling.
"Iyan 'yong babaeng sinasabi ko sa inyo, 'yang babaeng mahaba ang puting buhok," bulong ni Donessa kaya napalingon na naman ako sa babaeng sinasabi niya. "Sabi-sabi talaga ay malakas siya, mukhang hindi tayo mapapagod sa misyon na 'to." Dagdag pa nito.
Huminga ako ng marahas, "paano hindi ito matatapos agad eh ang dami natin?" Bulong ko pabalik sa kaibigan ko.
"Tama ka nga naman,"
Hindi ko maramdaman ang presensiya niya at pati ang kapangyarihan niya ay hindi ko batid. Mukha siyang matanda na naging dalaga pero uban pa rin ang buhok. Oo, maganda siya, pero sopistikada at mukhang maldita. Ang ayaw ko sa babae ay feeling superior, 'yong akala mo siya na ang pinakamalakas? Sana nga talaga ay mali ang naiisip ko sa kaniya dahil kung sakaling tama ako, wala na talagang maganda sa grupo nilang mga Diyos.
Paglabas namin, agad nagsara ang malaking gate kaya napalingon ako roon. Pero nang may naramdaman akong enerhiya, napatingin ulit ako sa grupo at nakitang may kung anong hologram sa harapan ng babaeng may dilaw na buhok. Gintong hologram at may nakikita akong hindi ko naiintindihan.
"Nandito tayo ngayon sa Natharia Academia at kung didiretso tayo kung saan tayo ngayon nakatayo ay pwede nating madaanan ang isang bayan. Sa buong Natharia kasi ay may limang malalaking bayan at kung iisa-isahin natin ay aabutin tayo ng tatlong araw kaya dito na lang tayo sa Town of Novel dahil ito ang mas malapit," paliwanag niya. Nakinig naman lahat sa kaniya habang ako ay napaparolyo na lang ng mga mata dahil sa ipit niyang boses. "Maraming manunulat ang nandito na may alam kung saan matatagpuan ang Goddess of Words and Books kaya posible natin siyang masagupa." I can't deny the fact that she's really good in her role. As a hologram specialist, she specializes unknown powers like technologies or from computers that only her can understand.
"Eh dito sa Town of Sacred? Malapit lang rin naman sa atin rito at mas malapit kung lalakarin, bakit hindi dito?" Sabi ng isang babae na may ubeng kulay na buhok at mga mata. Hanggang bewang rin ang haba ng kaniyang buhok at mukhang matino ng kaunti ang isang 'to.
"Malabong magkaroon tayo ng koneksiyon sa lugar na 'to lalo na't hindi nagbibigay ng impormasiyon ang mga specialists dito. Siguro may isang Diyos na nakatira diyan pero matatagalan tayo sa paghahanap." Sagot agad sa kaniya ng babae.
Kahit ayaw ko, lumapit ako ng kaunti sa puwesto ng babaeng kontrolado ang hologram. Tinignan ko ang mga nakasulat do'n at may nakikita akong mga bilog na may mga pangalan. Kita roon ang limang malalaking bayan kasama ang Town of Spells kung saan doon nagmumula ang mga enchanters. Doon rin nakatayo ang Publico Encantado na siyang paaralan nila.
"Let's just go to the nearest town so that we can have our damn rest after," putak na naman no'ng Bill. Tumingin ako sa kaniya at mukhang napansin niya 'yon kaya unti-unti niyang ibinaling sa akin ang ulo niya. Nanliit ang mga nata niya kaya ginaya ko rin siya. Nagsukatan kami ng tingin at wala sa plano ko ang magpatalo. Napangisi na lang ako nang una siyang bumaling muli sa ibang direksiyon.
Akala mong gago ka ah!
"Ano ba ang kakayahan ng Titan na 'yan?" Tanong ni Donessa na siyang ikinatango rin ng iba tila 'yon din sana ang gusto nilang itanong.
"She has unlimited knowledge from the past and in the future. Not just that, she can foresee the past and the future as well. The Town of Novel considered her as one of the prophecy of the world." I was stunned because of that yellow-haired woman response.
That Goddess is useful in battle! She can foresee the future and she can be a great tactician if she wants too! Her power is no joke! A lot of specialists will do everything just to have it!
"Posible bang may mga Diyos rin sa Publico Encantado?" Tanong ko sa babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Inis niya akong binalingan ng tingin na siyang ikinataas ng isang kilay ko. Aba! Attitude ah? Anong gusto niya palabasin rito? Na sa mga Diyos lang siya dapat tumugon?
I smirked at her, "sagutin mo na lang talandi ka para hindi ko dukutin 'yang mga mata mo... masama akong magalit." She rolled her eyes at me that made me feel amused. She wasn't even scared! Looks like she really wanted to feel my wrath, huh?
"As far as I know, there is no such Gods. But I heard that there's a Titan Goddess of Spells living in that place. Hindi ko lang alam kung napasa niya na ba sa iba ang responsibilidad, okay na ba?" Maldita niya pang tugon sa'kin na siyang ikinairap ko na lang. Sasagot naman pala! Kailangan pa talagang takutin bago sabihin eh.
Lumapit ako kay Demeter at hinila ang manggas ng damit niya, "Demeter, kilala mo ba 'yang babaeng may puting mahabang buhok?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, Menesis, bakit?" Tanong niya sa akin kaya mas lumapit ako sa kaniya para hindi marinig ng iba ang sasabihin ko. Baka kasi sabihin ng babaeng 'yon na nagagandahan ako sa kaniya. Mas maganda ako no.
"Bago lang kasi siya sa paningin ko at balita ko ay isa siyang Diyos, ano bang kakayahan niyan?" Tanong ko pa. Nilingon niya ang babaeng tinititignan ko ngayon at napansing napahinga siya ng malalim. Nataranta naman ako dahil akmang lilingon sa amin ang babae kaya agad kong tinakpan ang mukha ni Demeter at dali-daling ipinaharap sa akin. Mabubuking pa eh!
"Hoy, ano ka ba? Huwag ka ngang magpahalata! Baka sabihin niyang bina-backstab natin!" I inmediately whispered to him but he just smirked at me.
"Yeah, I know her. She's new enrollee, and a Goddess. She is the Goddess of Sealing Power. I heard that she can nullify your power within seconds, minutes, hours or even a day if she wants too. Depende kung kailan niya gugustuhin at depende rin kung kailan niya ipagsasawalang bisa." Paliwanag niya sa akin kaya napatango na lang ako. Hindi rin biro ang kapangyarihan ng babaeng 'yon pero bilang babae na maraming kuryusidad sa buhay, gusto kong malaman ang kakayahan ng kapangyarihan niya-- I mean gusto kong ma-try kong tatalab ba sa'kin. Hindi naman ata masama 'yon at tiyaka for sure, just like me, I am sure that Genesis is also curious about her.
I was about to say something when a monstrous monster appeared in Demeter's back! But before I could do anything, someone already dragged me from where I am standing and I felt like I was carried by someone huge! My eyes gradually widened when I felt arms carrying my wholeness so I slowly turned my head towards the culprit!
"Lumalandi pa kasi! Wala ba kayong tamang oras at lugar para diyan, ah?" Ang kanina'y gulat na mga mata ko ay ngayo'y naniningkit na dahil sa mukha niyang nakaharap sa akin. Para akong kinuryente dahil sa posisyon namin kaya agad akong tumalon mula sa pagkakakarga niya sa akin!
He just fucking carried me in a bridal way! That's too disgusting and I can't even imagine myself touched by someone like him! I glared at him and then look for that monster again who suddenly appeared in our front!
"Welcome," I heard from Bill but I don't give a fuck. It was not my idea to be carried in that way, he did it by his choice. And I don't even need saving! I can save myself!
Napalingon ako sa puno kung saan nandoon na ang halimaw. Natigilan ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganiyang klaseng halimaw sa tanang buhay ko. May mga halimaw na kaming nakasagupa ni Genesis pero hindi ganiyan katakot-takot.
Nakapatong siya ngayon sa isa sa mga sanga ng puno. Kung titignan, gawa sa kahoy o puno ang buong katawan niya, ang kaniyang binti't paa at mga kamay. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang makita ang dalawang bungo sa magkabilang-balikat nito! At bungo rin ang nagsisilbing ulo nito at tila may kung anong pulang liwanag ang nasa bibig niya banda! May hawak pa talaga siyang isa pang bungo na mukhang galing sa biktima niya! Buwiset! Walang katapusang bungo!
"Be careful on that! He eat souls!" I heard Enzyme shouted but everyone was stunned and astounded at the same time when Demeter jumped vertically and attacked the monstrous monster. He throw a punch using his monster hand but the monster easily dodged it. The monster held Demeter's hand and then throw him with so much power!
"Demeter!" Sigaw namin ni Genesis pero bago pa man siya lapitan ng halimaw, agad nang sumugod si Enzyme habang may mga malalaki nang ugat sa tabi nito. Tumakbo ako papunta sa direksiyon ni Demeter at tinulungan siyang tumayo. Pansin kong nagdurugo na ang kaliwa niyang braso na siyang ikinahinga ko ng marahas.
"Okay ka lang? Ay teka! Bakit pa ako nagtatanong kung alam kong hindi ka naman okay? Shit! Tara nga sa tabi!" Taranta kong sabi pero ang gago ay tumawa lang! Hindi ba masakit ang natamo niya at nakuha niya pa talagang tumawa sa harapan ko?
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Inis kong sambit pero umiling lang siya at pinigilan ang pagtawa. "Gusto mo bang dagdagan ko, Demeter?" Tila nanlaki ang mga mata niya at agad iniling ang ulo. Mabuti naman dahil kung gusto niya pa, dadagdagan ko.
"You're just funny in all aspects, I can't help but to laugh," sabi niya. Hay nako! Kaya napagkakamalan kami na naglalandian dahil sa palagi siyang nakangiti at tumatawa! At hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o hindi. Nakakatawa ba talaga ako?
"Weaklings," natigilan ako dahil sa boses na 'yon hanggang sa dumaan mismo sa harapan namin ni Demeter ang babaeng may puting mahabang buhok. Nanliit ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kaniya na siyang nagpainit agad sa ulo ko.
Anong sabi niya? Weakling?
"Looks like this woman is also a shit," I mumbled to myself while controlling my temper not to throw an insult.
Hindi kaya ni Enzyme ang halimaw at mukhang nahihirapan siya. Bago pa man siya gumawa pa ng atake ay bigla na lang pumagitna ang babaeng may puting mahabang buhok na siyang ikinatigil ng iba. Hanggang sa napalingon sa kaniya ang halimaw na ngayo'y mas nagliliwanag na ang pulang ilaw sa bandang bunganga nito.
"Go, Azania! You can do it!" Sigaw ng isang lalaki na kagrupo lang din nila Bill.
Nakita kong inangat ng babae ang kamay niya at itinapat sa puwesto ng halimaw na ngayo'y tumatakbo sa kaniyang puwesto. Nagtaka naman akong nakatingin dahil wala rin namang nangyayari at hanggang sa malapit na sa kaniya ang halimaw ay nakita kong namumutla na ang babaeng may puting buhok. Napangisi na lang ako dahil sa wala namang kapangyarihan ang halimaw. Ang plano niya ay i-seal ang kapangyarihan nito pero dahil sa bobo siya, walang epekto ang ginagawa niya ngayon.
Napansin ko na malakas ang pisikal na anyo ng halimaw at wala itong inilalabas na kapangyarihan no'ng laban na nila ni Enzyme. Pero dahil sa gawa sa kahoy ang katawan ng halimaw, hindi niya ito matablan ng kapangyarihan niya. Dapat, apoy ang gamitin kung puwede pero ang lider 'daw' ng grupo ay mukhang walang balak gumalaw. Mariin lang siyang nanunuod na para bang isang pelikula ang nangyayari.
Wala talagang silbi.
"Are you sure she can do it?" I heard from my sister. "I mean look at her, she's kinda... trembling." Dagdag pa ng kapatid ko habang nag-aalalang nakatanaw sa ginagawa ng babae. Mukha siyang baliw.
Napansin kong namumutla na ang babae habang ang halimaw ay mabilis nang tumatakbo papalapit sa kaniya. Napaatras na lang siya dahil sa kagagahan niya kaya bago pa man siya masakmal nito, itinapat ko na ang kamay ko sa halimaw. Hindi umabot ng dalawang segundo at agad tumilapon ang halimaw sa malayo. Umungol ito ng malakas na siyang ikinatakip ng iba sa kani-kanilang mga tenga.
"You can't seal a monster without powers you dumb weakling shit," pang-iinis kong sabi sa kaniya na siyang dahilan kung bakit unti-unti niya akong nilingon. I playfully smiled at her and that made her furious.
"How did you know?" Inis niyang tanong sa akin na siyang ikinahagikhik ko na lang. Napatingin na lang ako sa direksiyon ng ibang Diyos na walang ginawa kun'di ang manood. Inirapan ko na lang sila bago ulit tumingin sa gawi nitong babaeng 'to.
"It is a monster without powers. What it can do is to attack us with his physical strength. Enzyme's attack has no effects since his power is related to nature, same with that monster based on its look... even Demeter's fire dragon hands can't do anything because it was a physical attack." I explained and that made her stiffened. She can't speak, of course, she doesn't know even a thing. She wasn't even observing in the first place so she's really stupid. "Your power is to nullify or to seal powers but it has no effect since that monster has no abilities aside from physical strength." I added.
Lahat kami napalingon dahil sa pag-ungol na naman ng halimaw. Nakabangon na ito at handa na namang sumugod pero bago siya makalapit sa amin, bigla na lang nagliyab ang buo nitong katawan. Napangisi na lang ako saglit dahil sa pamilyar na apoy na may halong itim. Hanggang sa pinanuod namin ang halimaw na maging abo.
Ngayon pa talaga siya tutulong?
Tumingin muli ako sa babae at tila hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. At mukhang hindi siya makapaniwala na natalo ko siya sa ganoong simpleng paraan lang. Hay nako, bibig kasi ang inuuna, hindi utak.
"Enough with your girly stuff," the fire God butted in but I just glared at him. His serious expression made me want to punch him on his face so that he will realize how stupid he is and his group.
"Iyan ang ipapakita niyo sa mga estudyante sa akademya? At ano? Maging magandang ehemplo? Ni simpleng bagay nga ay hindi niyo magawan ng paraan, mga bobo." All of them was stunned because of what I said.
Deserve.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro