Chapter 7
Ignite
"Are we going to find the other Gods and Goddesses, tomorrow? Fuck! Another damn tiring day?" I deeply breath because of his damn complaints. Wala nang ginawa ang gago kun'di ang magreklamo ng magreklamo araw-araw. Hindi ko alam kung talaga bang lalaki 'to si Bill o bakla! Palaging putak nang putak ang bibig!
Bigla ko na lang naalala ang babaeng 'yon na may natural na itim na mga mata katulad kung gaano kaitim ang kulay ng kaniyang buhok. Hindi ganoon 'yon kahaba pero habang inaalala ko, mas lalo lang siyang nagiging misteryoso sa'kin. Ni hindi man lang siya natakot sa kapangyarihan na meron ako... hindi siya natakot sa apoy ng isang Diyos na kayang-kayang sunugin ang buo niyang kaluluwa.
I fucking sighed so deep.
Bukas na nga din pala kami maghahanap ng mga katulad namin, 'yon ang utos ng headmaster. Inimbitahan namin ang mga estudyante sa Class-A section... 'yong lalaking nagiging halimaw ang mga kamay, isang babaeng kayang kumontrol at gumawa ng mga hologram at ang mga babaeng nagngangalang Donessa at Genesis. Kasama na ang isa pang babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan!
Naiinis na naman ako. Ngayon lang ako nainis ng ganito dahil lang sa hindi ko lang malaman ang pangalan ng babaeng 'yon!
I wonder how pricey it is just to know her fucking name!
"I'm so excited!" Wenessa screamed that made me nodded a bit. At least she came back with her old self after her encounter with that Genesis woman. I still wonder why she was frightened with that woman where I can see nothing but plain and ordinary. She's nothing special as well.
"May isang Diyos na nagkusang nag-enroll dito sa Academia and shit! Ang guwapo din niya!" Sayatus shrieked like a twelve-year old girl who wanted a lollipop so bad. I narrowed my eyes and stared at her but she just rolled her eyes at me and continue admiring that God like she's damn daydreaming.
"Is he really that handsome to you, Sayatus? He looks so pale and damn weak," Cylechter hissed at her. "He's not even that skillful yet about his powers, he's still weak shit. I'm better than him." He added.
"Anong pakialam mo, Cylechter? At anong mas better ka? Nako, wala ka sa kalingkingan ng kaguwapuhan no'n, no!" Inis agad na sagot sa kaniya ng babae.
"I heard he is the God of nature and land. Someone told me that he saw that guy with that girl named Genesis. I think there is something going on between them." Bill butted in while his arms are crossed.
Baguhan pa lang siya pero agad na siyang nakikipagdikit sa babaeng 'yon? I also requested someone yesterday to investigate about the three women in that section and I heard that Genesis and that God are not shitty related. It's creepy but I don't fucking care! I just want to make sure that there are no enemies inside of the premises.
And until now, I still fucking don't know the other woman's name who lifted my fire into the sky like it was so easy for her to do that! That investigator of mine gained nothing but only their powers, their classmates' names and even their dorm number!
"I don't like his guts," Diing turan ni Cylechter.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga silid sa arena kung saan lahat ng mga estudyante ay naghuhusay. Pero sa silid na 'to ang pinaka-espesyal lalo na't iba kami sa mga ordinaryong specialists. Iba kami sa lahat. At tiyaka, kailangan naming maging mas malakas lalo na ang resistensiya namin dahil ang sabi ni headmaster, hindi bihira ang mga halimaw sa labas ng eskwelahan na 'to... o di kaya ay mga kalaban.
"Let's go back and train again, we don't have enough time to gossip some useless news," I seriously said that made them nodded. I immediately switched the power on of this room and suddenly, the training ground turn into a familiar place that made of illusions. These illusions are made for the training for us to avoid getting hurt and preventing us damaging the whole place's power. This place is incredible, sealed by something powerful that once the place will be damaged, it will go back and will rebuild.
Kapag natatamaan kami ng mga kapangyarihan namin sa loob nito, nasasaktan kami, pero kapag sa labas ay bumabalik sa dati ang lakas at ang mga sugat na natamo namin mula sa loob ng ilusyon. Pero ang pag-eensayo namin ay totoo, sadiyang parang may kung anong kapangyarihan na nasa lugar na 'to ang nagpapagaling sa amin pagkatapos naming maglaban sa loob ng isang ilusyon.
Pumuwesto na kami sa loob hanggang sa may naglalakihang mga halimaw ang biglang lumitaw. Alam kong masasaktan kami kahit mga ilusyon lang sila kaya kailangan din naming mag-ingat... kailangan naming maging maingat at maging mas malakas. Ilusyon man ang mga halimaw na 'yan, hindi kami dapat maging kumpiyansa lalo na't isa ito sa mga pagsubok na kailangan naming labanan at lagpasan.
Nang marami-rami na sila ay biglang nag-liyab ang aking mga palad at makikita mong may halong itim ang apoy ko tanda na ako ang nag-iisang Diyos ng impyerno. Hindi ko man natatandaan kung sino ang nagbigay sa akin ng responsibilidad na 'to pero masaya ako dahil binago nito ang takbo ng buhay ko. Nagagawa ko ang mga bagay na siyang hindi ko nagagawa noon at nakukuha ko ang mga gusto ko na hindi ko nakukuha noon.
I am the God of Underworld that's why my fire is different from the other fire elementalists. And with this power, I can strengthen my energy and boost more my abilities. I can easily invite my enemies in hell but I was forbid to do it because there are consequences if I'll use the full power of the underworld. I can summon any devils from the underworld but it's sacred and forbidden kind of power, and as the new God, I have to protect the mankind and be responsible enough. It's dangerous for the whole world if I lose control of my power.
Binato ko ng nagliliyab na apoy ang isa sa mga naglalakihang mga halimaw kaya bigla din itong nagliyab at agad naging abo. Gano'n lang kadali kaya gano'n na lang din ang ginagawa ng iba kong kasama... palagi silang nagbabato ng mga bolang gawa sa kapangyarihan nila. Paulit-ulit lang ang senaryo. Kapag wala ng mga halimaw, lilitaw na naman sila at ganoon na naman ang gagawin namin hanggang sa maubos ang oras ng pag-eensayo namin.
Malakas kong tinapakan ang lupa hanggang sa namuo ang malalaking apoy na may mga guhit na itim. Mas lalo 'yong nagliyab na siyang ikinasigaw ng mga halimaw dahil sa hapdi na para bang totoo sila... na para bang totoo ang mga sigaw nila at nararamdaman. Napangisi na lang ako sa utak ng mapagtanto na malakas nga talaga ang kapangyarihan na meron ako, hindi pa kasali do'n ang tunay kong kapangyarihan bilang isang bagong Diyos. Aminin ko man o sa hindi pero napapangiti ako minsan kapag may natatakot sa'kin.
They knew how capable I am.
Suddenly, the illusion switched off that made us all confused. I stared with the others thinking that one of them turned off the power of the training room. But I infer, no one from us did it. I narrowed my eyes and trying to check what's happening.
Anong nangyari?
"Anong nangyari?" Rinig kong pagtatakang tanong ni Wenessa kay Sayatus na nagbikit-balikat lang. Lahat kami nagtataka.
"Who the hell turned off the power? I was about to kill those damn monsters!" Bill madly shouted. He roamed his eyes to check if it was one of us did it not until his expression changed. Nang madako ang tingin niya sa akin ay agad ko siyang tinignan ng seryoso na siyang ikinatigil niya ng sandali.
Is he damn accusing me?
"Psh."
"Ako," Lahat kami ay napalingon sa hindi pamilyar na babae na siyang nagpatigil sa aming lahat dito sa loob. Nanliit ang mga mata ko nang unti-unting lumabas ang babae mula sa madilim na parte ng silid. At mas lalo akong nagtaka dahil sa puting kulay ng mga buhok niya na hanggang bewang ang haba! Asul ang kaniyang mga mata habang nakasuot na hindi pamilyar na mahabang damit. "Ako ang pumatay." Dagdag pa niya habang matamis na nakangiti sa amin.
Sino 'to?
"Who the hell are you? Who gave you permission to interfere in our trainings?" I seriously asked but I was stunned when suddenly, she's already in my front... smirking like an evil witch! I stepped backward to distance myself from her and trying not to feel threatened. She's weird.
Gago! Kinabahan ako saglit!
"You will know it later." Ngising sabi niya na sa akin pero hindi ko siya kinibo at malamig lang siyang tinignan. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung paano siya nakapasok rito. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya na siyang mas lalong ipinagtaka ko. Lumingon siya sa mga kasama ko na ngayo'y malamig at inis na nakatitig sa kaniya. Humagikhik siya na para bang may nakakatawa.
Damn, who is she?
"Relax! I'm here to check on you guys! And actually, I was amazed with the powers you possessed," I don't know if she's really praising us not until her smirked widened. "Pero lugi pa rin talaga kayo kung pisikalan na ang pag-uusapan." She added that made my eyes narrowed more.
Sino siya para sabihin ang mga katagang 'yon? Sino siya para sabihing lugi kami sa pisikalan? Anong alam niya sa mga bagay na 'yon kung kakarating niya lang na ni hindi man lang niya kami kilala?
"If you are always using your powers, your energies will drain. Mawawalan kayo ng lakas kung lagi niyong inaabuso ang paggamit ng kapangyarihan ninyo." Sino ba siya at ano bang ginagawa niya rito?
"That now what I asked, woman. Who are you and who gave you permission to interfere?" I said with so much coldness but looks like it doesn't have any fucking effect on her! Her weird smile is still kissing her lips like she's enjoying nagging.
Her white long hair is flipping by itself because of the cold and a bit strong blew of the wind inside of this room. Her blue eyes are telling me something that I should take care. Her physique is quite thin but I can't sense her energy. She's hiding her true self and I don't know what will I fucking do.
Why women nowadays are so weird and mysterious?
"That's why we have fucking powers, you idiot! We possessed such incredible amount of energies and powers to use it to defeat enemies... and why would I, us, use physical if we all know that we are strong enough to control our powers?" Bill angrily butted in and for the first time being with him in this Academia, I agreed of what he said.
Malakas kami at makapangyarihan kaya bakit pa namin kakailanganing gamitin ang pisikal naming katawan kung kaya naman naming talunin ang mga kalaban... gamit ang mga kapangyarihan namin?
Wearing that white dress that almost touches the ground, she just sophisticatedly stared at us like we are so helpless and impossible! She's like disgusted and disappointed at the same time but I don't care! I don't know her and she has no rights to be in here! She has no rights to nag Gods!
"Don't be too full of yourself, God of light. You are nothing but a trash and a brat kind of specialist. You don't know anything in battle... especially using powers." Asar sa kaniya ng babae na ikina-usok agad ng ilong ni Bill. Bago pa namin matigilan si Bill, binato niya na ng bolang liwanag ang babae na siyang ikinasinghap namin. Alam kong malakas ang enerhiya na bumabalot sa liwanag na 'yon kaya kung matatamaan ang babae, malakas ang magiging epekto no'n!
"Bill!" I shouted. Gago! Kahit ayaw ko sa babaeng 'to, hindi namin siya puwedeng saktan dahil baka makarating 'yon kay headmaster! Dapat kaming maging magandang ehemplo sa Natharia Academia!
Lahat kami napasinghap dahil sa nasaksihan namin! Ang kaba at kaunting takot na naramdaman ko kanina dahil sa pag-aakalang baka masaktan ang babae, nawala! Ang bolang 'yon ay bigla na lang naglaho na parang bula bago pa man nito matamaan ang babae!
The fuck?
"Just like what you did, making a move without planning, you're really impossible. You're really stupid boy." She said those words like she didn't even feel anything! Like she wasn't even scared about the sudden attack from Bill!
"Bill, enough!" Sayatus stopped him from attacking again.
"Just who the fuck are you, biatch? You're mouth is full of shit words without knowing that you are here in our training room! We can literally kill you right here, right now!" Malakas na sigaw ni Bill at tama siya sa sinabi niyang 'yon. Kung gugustuhin namin, puwede siya naming saktan at pagtulungan pero mukhang hindi natatakot ang babae! Parang wala lang sa kaniya ang mga presensiya namin!
Anong klaseng kapangyarihan ang meron siya at nagawa niyang burahin ang atake na 'yon na walang ginagawa?
Ang iba ay hindi ko alam kung anong nararamdaman nila pero mukhang katulad ko, takang-taka sila sa nangyayari ngayon. Hindi ko man maramdaman ang enerhiya niya pero alam kong may kakaiba sa kaniya. Masasabi kong... malakas siya
"I am so disappointed. I was welcomed by that kind of attitude by the Gods and Goddesses of this respected academia. As your fellow Goddess, I was actually hurt by those unfiltered words... hindi lang obvious." Ilang segundo bago naiproseso ng utak ko ang sinabi ng babae hanggang sa nanigas na lang ang buo kong katawan! Tila parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig.
I gradually looked at my friends and just like my expression, they are petrified while staring at the woman! They are like statues who can't move because of the unexpected revelation she said!
She is a fucking God too!
Fuck you, Bill! Fuck me! Fuck us!
"Y-You mean?" Wenessa confusingly and horrifyingly stuttered. The woman in front of me me smirked and nodded. She looked at me like she was so amazed because of my damn reaction until she distanced herself away from me to picture us out... to picture our reactions.
She laughed.
"Yes, you are thinking right about me. I am one of you, I am a Goddess as well, sweety."
I remained calm even the others are feeling threatened and scared. I am a bit worried because of what we did back there... insulting her and throwing such unfiltered words without knowing she's one of us! But who would thought that she is a fucking God? She was acting damn strange!
Patay kami nito kay headmaster kapag nalaman niya ang ginawa namin sa kaniya.
"Gusto ko sanang makiisa ng dorm, pero mukhang huwag na lang pala. Mukhang masama para sa akin na makasama kayo sa iisang silid. I can't afford to be infected by your gross personalities." She added that made me nervous a bit. I have to think another way to make her stay! Kailangan naming magkaisa lalo na't nagsisimula na ang mga Royalties na siraan kami sa lahat!
"Bill kasi eh! Walang kapreno-preno 'yang bibig mo kaya nakakainis ka! Akala mo kung sinong napakalakas! Tignan mo ang ginawa mo!" Galit ng singhal ni Sayatus kay Bill na ngayo'y para nang tuta dahil sa nalaman. Seryoso man ang mga mata niya pero alam kong kinakabahan na 'yan dahil sinabihan pa naman kami ng headmaster na dapat nagkakaisa ang mga Diyos at Diyosa.
But what he did is the opposite damn way. What we did is fucking so stupid!
"She talked too much and she didn't want introduce herself when she got here. Can't you fucking blame me?" Hihirit pa talaga, ayaw talaga magpatalo ng gagong 'to!
"Just stop, Bill." I coldly uttered.
"Tumahimik ka na nga lang! Umiinit ang ulo namin sa'yong gago ka! 'Yan talagang ugali mo, Bill? Hindi na talaga nakakain!" Sigaw pa ulit sa kaniya ni Sayatus at ramdam na ramdam ang diin at inis sa boses niya. Napailing na lang ako.
"Hey, don't fight. We're still a team, I just don't want to be your doormates anymore... I realized that I have to keep my privacy, and distance myself especially to that guy." She pointed Bill. And it's a fucking relief that she still in our team and it's a goddamn relief that she is not that kind of woman who immediately plants anger in her heart. At least she knew who she is and where she really belongs.
She was about to get out from the room but I stopped her by holding her wrist. She looked at me confusingly but I just smiled at her a bit.
"H-Hey, may I ask your name please? And I apologized for what we did to you, w-we are sorry." I respectfully uttered. Kinuha niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa palapulsuhan niya at binigyan ako ng kakaibang ngiti. Kumunot ang noo ko dahil sa pinagtiklop niya ang mga kamay namin kaya hindi ko naiwasang hindi bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Damn.
"Why do you want to know?" I need to be patience. She's really weird but I still have to remain compose and calm. We can't afford to lose such woman who has a great power.
I seriously stared at her eyes, "because we're a team," I shortly uttered. For me, she is hard to please. Just like that woman who lifted my fire in the sky.
"Iba ang nararamdaman ko sa sagot mo at iba ang kutob ko bakit gustong-gusto niyong malaman ang pangalan ko. Hmm, Mukhang takot ka na hindi ako makikiisa sa inyo, tama ba? You are scared, I can see that." I was stiffened when she answered me with her mocking tone and I can't deny the fact that she's really good at this.
Ano bang meron sa mga babae ngayon at parang hindi na sila natatakot sa aming mga lalaki?
"You are threatened because you feel my presence different from you. You're scared because I am unique and intelligent and I guess all of you already know that," she whispered to me while smiling so sweet like a fucking bipolar woman! "Hindi na ako magtataka kung pagtutulungan ninyo ako rito dahil sa kapangyarihan ko because I'm a threat of course... my power is a threat." Makahulugan niyang sabi na siyang ikinatahimik ko ng ilang segundo. Hanggang sa kumunot na ang noo ko dahil sa hindi mapigilang inis kaya lumayo na ako sa kaniya ng kaunti.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin kung sino ka? Bakit kailang mo pang magpaikot-ikot, ha? At tiyaka, alam rin naman naming hindi ka magpapatalo." Inis na sabat ni Cylechter.
"Cylechter," Wenessa softly called him, trying to stop him from butting in.
"Well, you have a point. I won't stand here still knowing that I'm in danger... but.. yes. I won't let you touch me and I won't let you win. You're nothing but brats and compared to me, your powers are useless. Mahihina pa kayo. Wala pa kayo sa kalingkingan ko." Sabi niya sa amin na siyang ikinatigil ko. Napakuyom ang mga kamao ko dahil sa narinig ko at ramdam ko na ang mabigat na tensiyon sa loob. Ilang segundo ay puwede ng magkaroon ng gulo dito na siyang ikinahinga ko na lang ng marahas.
"Ang bibig niya talaga," rinig ko mula kay Bill.
She's a bitch! A fucking witch!
Nang wala ni sino man sa amin ang gustong magsalita ay nakita namin kung paano magbuntong hininga ang babae.
"I'm Azania."
Napalingon kami sa kaniya at biglang naging seryoso ang kaniyang mga mata kaya napaatras ako ng kaunti sa paraan ng mga titig niya. Na parang nagbago ng ihip ng hangin sa pagkakasabi niya ng pangalan niya. Pero parang may kulang.
Sino ba talaga siya?
Unlike Donessa, Genesis and the other one, this woman has no presence and I can't even feel her damn energy. She's weird and mysterious.
That Azania shook her head and then stared at me like she was astounded because of our reactions, "I am the Goddess of Sealing Power." What? Sealing power? What does she mean by that? What kind of power is that?
"I don't know but Genesis is scarier than you, y-you're just nothing compared to her presence." Azania's eyes immediately narrowed when she heard Wenessa's words. And even I, is damn confused because I knew how fierce Wenessa is so this is new to me! This is strange that she's feeling scared about Genesis!
Azania suddenly chuckled, "really? I'm so interested to meet her then, sweetie pie." She finally uttered and then walked out. I heavily sighed and frustratedly sat down on one of the chairs and crossed my arms. I am now thinking how these women in this academia are so weird and strange? They aren't scared anymore!
"Anong ibig mong sabihin do'n, Wenessa? Na mas malakas ang Genesis na 'yon kaysa sa nagpakilala bilang Diyosa ngayon sa atin?" Irita niyang tanong kay Wenessa na siyang ikinahinga ng malalim ni Wenessa.
"Well for me, as of now, Genesis is scarier than her. Azania's power for sure, is to seal power or to make our powers disappear in just one snap. Obviously, gano'n ang ginawa niya sa atake ni Bill but we can't sense her energy or even his presence... unlike Genesis." Right! The power of sealing power is to seal the power itself! Fuck! That woman is no joke! Azania is a living death for us!
Pero ang hindi ko pa rin maintindihan ay kung bakit mas nakakatakot si Genesis kay Azania! Knowing that Azania's power is more powerful than Genesis' and Azania is a Goddess as well.
"Ano ba talaga pinupunto mo, Wenessa? Sabihin mo na kasi agad at nang maintindihan namin. Hindi ka naman ganiyan dati ah? At hindi namin alam na may kinakatakutan ka na pala? That's new." Sayatus butted in that made Wenessa sighed deeply for the second time around.
Sayatus is right. She's getting weird after we met Genesis.
"Hindi niyo ba napansin na ang dali lang para kay Genesis na kontrolin kami ni Bill gamit ang kaniyang kapangyarihan? Marami nang nagtangkang kontrolin ang katawan natin pero hindi nila magawa dahil mas malakas ang enerhiya at kapangyarihan natin maliban na lang kay Genesis. Ang punto ko, Azania can seal our powers but Genesis can control our bodies... meaning, Genesis is a Goddess too like us!" Hindi ko alam pero nanigas ang buong katawan ko habang nakaupo rito dahil sa narinig mula kay Wenessa.
If her theory is right, Genesis might be dangerous as well! I just realized that Wenessa is fucking damn right! She was able to control her and Bill's body when we were in cafeteria so meaning, she's hella strong! Her energy says it all! I can sense such power and she's not even trying to hide it!
"Genesis is really a threat. She can control our bodies and she can use her power to kill us." Seryoso nang turan ni Cylechter. Hindi ko alam pero tama nga ang sinabi niya dahil kung totoo nga ang sinabi ni Wenessa, mas delikado talaga si Genesis kumpara kay Azania. Genesis can use her power to kill ourselves, Azania can't.
"Exactly!" Biglaang sigaw ni Wenessa.
Nakuha na namin ang kaniyang punto at tama nga naman siya kasi kaya kaming kontrolin ni Genesis gamit ang kaniyang kapangyarihan. Kung i-se-seal lang naman ni Azania ang kapangyarihan namin ay may pag-asa pa kaming mabuhay. Hindi katulad ni Genesis na kayang-kaya niya kaming kitilin sa isang kamay niya lang.
That's really fucking scary.
"Kaya nga natatakot ako kay Genesis dahil sa mga naiisip ko. What if she will use her power against me then she will control my body to kill myself? Paano kung gamitin niya tayo para patayin ang isa't isa?" Taranta at takot na turan ni Wenessa sa amin. Ramdam ko talaga ang takot niya at naiintindihan ko 'yon. Pero puwede ring hindi totoo ang punto niya... pero puwede ring totoo. Tangina! Nakakalito!
That woman is really something!
"Pero kung hindi nga siya ordinaryo at isa din siyang Diyosa ay aba! Makakatulong ang kapangyarihan niya para mahanap natin ang iba pa!" I nodded because of what Cylechter uttered. He's right. We can use her or maybe befriend her to avoid such chaos—— I mean we can be in one team if she will allow us to treat her differently! Like she'll be on top if she wants to!
"We can use her too, to kill Satanina," agad akong napatayo sa kinakatayuan ko nang marinig ang pamilyar na malalim na boses na 'yon. Sabay kaming lumingon sa likuran at bumungad sa amin ang seryosong mukha ng headmaster habang isa-isa kaming tinitigan. Nakaramdam agad ako ng kaunting kaba dahil sa presensiya niya.
We respectfully bowed our heads to pay respect until he uttered 'rise'. Umayos kaming lahat at parang naging mga kawal.
"Kung tama ang hinala ko, iisa lang ang estudyanteng nasa isip natin. At kung tama nga ang hinala ninyo, puwede nating gamitin ang kapangyarihan niya para patayin si Satanina," seryosong sabi ni headmaster na siyang ikinatango namin na walang pag-aalinlangan! Tama siya at malaki ang tiyansa na mapuksa namin ang kasamaan! "Puwede natin siyang gamitin para puksain ang kadiliman, mga anak." Dagdag pa nito.
"Tama po kayo, headmaster! We can use her!" Sayatus seconded.
"Kakaiba ang presensiya ng babaeng 'yon, pamilyar, at may kung anong kakaiba sa enerhiya niya na puwede nating magamit. Hindi ko lang maalala ang lahat dahil sa pagkawala ng kapangyarihan ko dahil sa pagpasa ko nito sa lalaking hindi ginawa ang responsibilidad niya bilang bagong Diyos." He stated that put us all in silence. I want to ask who is that special guy, I want to ask where he is now but I don't have enough guts to ask him.
Headmaster was once a Titan God, he passed it to an unknown guy who didn't play the role as the new God. He was a fucker for abandoning the responsibility, doing nothing in this little world. Headmaster was once a traveler as well not until he found this land and seek help in Natharia Kingdom to build this academia. Until this academia helped other people and made them more knowledgeable and skillful with their powers.
Headmaster Dracunox was the Titan God of Fire and Volcanoes. One of the powerful Titan Gods.
Siya ang pinakamagaling na mandirigma sa kapanahunan pa nilang mga Titans. Nakakamangha ang kaniyang kakayahan pero nang ipasa niya ang kaniyang kapangyarihan sa kaniyang napili ay nawala lahat ng kaniyang kapangyarihan at naging ordinaryo na lamang na illusion specialist. Pero kahit ordinaryo na lang siya na specialist, ginalang at prinotektahan pa rin siya ng mga estudyante at ng nakakataas. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi mamumulat ang lahat sa mga masasamang bagay na nangyayari sa mundo at hindi magkakaroon ng kaalaman ang mga mamamayan sa lupaing 'to.
"The Titan Goddess of Destruction is fast approaching, I can sense it. So we have to be careful and train more. We have to be ready, the bloody war is coming." That familiar name gave me goosebumps once again. I don't know but just hearing that name made me worried and scared at the same time because I knew how fucking powerful that Titan is. We all knew how dangerous she is and how her power works!
"So we need to find those remaining Gods and Goddesses before Satanina find and use them in evil."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro