Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Donessa





Matapos kaming makabisita sa lola nila, hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may kung ano ang sa puso ko ang kinabahan at natakot dahil sa sinabi ni Lola Thorna at hindi ko aakalain na magiging malakas ang epekto nito sa'kin. Hindi ko man naitanong kina Genesis at Menesis pero alam kong hindi bihira ang kapangyarihan ng lola nila. Sa mga salita pa lang niya, alam kong may alam na siya tungkol sa akin. Sa unang tingin pa lang niya, alam kong may namumuo ng mga bagay sa isipan niya.

I suddenly remember what happened before.

Hindi ko naman kayang magsalita na ikagagalit ng Lola nila dahil magiging bastos ako sa kani-kanilang harapan at ayaw kong mangyari ulit ang mga nangyari sa akin noon. Ayoko ulit maiwanan at ayokong maging mag-isa ulit. Ayokong mawala sila sa tabi ko lalo na't magaan na magaan na ang loob ko kina Menesis at Genesis.

Ilang minuto kaming naglalakad habang natatanaw na namin ngayon ang bayan. Kitang-kita ang mga specialists na nagkakagulo dahil sa pagbili ng mga kung anu-ano sa bayan. Mula sa kinakatayuan ko, kitang-kita ko rin kung gaano kaganda ang bawat puwesto't mga produkto nila.

"Donessa, I just want to tell you that we won't judge," I was stunned when suddenly Menesis opened it up. I looked at her and there, her concern is so visible. This what I lile about her, kung ano'ng nasa utak niya ay hindi siya natatakot na sabihin sa iba. She's not even scared to be judged by anyone.

"Huwag mo na pansinin ang sinabi ni Lola Thorna, Donessa. Ganoon lang talaga siya at mapanuri." Genesis seconded. I suddenly feel guilty.

"We won't ask you furthermore because we know that it's too personal. But if you want to talk about it, we are here. We are always ready to listen." Menesis stated once again.

I know. I know. Individuals has their own secret, and if you don't want others to know it, you have to be careful. I am actually starting to feel nervous knowing my secret is not that ordinary. It is too hard for me... too hard.

"And don't feel scared, Donessa. We also have secrets and it is hard for us to tell others, especially to you too. Ayan, alam mo na. Pero huwag kang mag-alala dahil kahit may mga sikreto kami, at hindi ka man namin sabihan, you are still our friend. Kahit may tinatago ka, hindi ka namin ija-judge at hinding-hindi magbabago ang tingin namin sa'yo. Sana gano'n ka rin sa amin." Litaniya ni Genesis na siyang ikinangiti ko na lang ng matamis. Ano bang ginawa ko noon na maganda at binigyan ako ng mga ganitong klaseng kaibigan?

"Sorry, I was just scared but thank you. Thank you guys for being there and for understanding me and don't worry, hindi makakaapekto ang mga sikreto natin sa pagkakaibigan nating tatlo." I softly said. I was about to say something again but I was stiffened when suddenly, Menesis hugged me. I don't know but I immediately felt an unfamiliar warmth from her and it is so comfortable. I feel light because of her hug.

"No, don't be sorry. Kami dapat ang mag-sorry dahil kung hindi namin binisita si Lola ay hindi ka magkakaganiyan. Sorry, Donessa." Menesis whispered but I just shook my head.

"N-No! It's actually okay because I know, secrets are meant to be revealed but I am not just yet ready. Walang kasalanan si Lola Thorna, it is just me." Agaran kong turan sa kanila, kumalas sa akin si Menesis and she smiled.

"Let's just continue na lang sa kung anong kinakaharap natin ngayon, huwag na nating isipin ang mga sikreto-sikreto na 'yan. Ang mahalaga, masaya tayo ngayong tatlo habang magkasama." Sabi pa ni Menesis na siyang nagpangiti sa akin. Grabe! Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko noon at biniyayaan ako ng mga ganito kabait na mga kaibigan.

"Thank you for understanding me, Genesis, Menesis. Don't worry, this won't long and someday, I'll tell you. I still have to heal my wounded heart first and fix my mind before readying myself." Buong puso kong sabi, hindi ko na namalayan na may tumulo na pa lang luha sa mga mata ko.

Pero nahinto iyon nang punasan ni Genesis ang mga luha ko gamit ang mga palad niya. Natigilan man sa ginawa niya dahil ni kahit na sino ay walang nakagawa no'n sa'kin pero ngumiti na lang ako ng matamis. These sisters are really something and I really want to keep them forever. They are precious treasures that I need to keep.

"Don't cry, we are here to enjoy kaya tahan na." Ngiting pangko-comfort niya.

She's right, we are here to enjoy our rebelling times. Tumakas lang kami kaya kailangan naming sulitin.

Hawak kamay kaming tatlo. Genesis holding my left hand while Menesis holding my right hand like I am really one of them. Nakaka-touch ang ginagawa nila na parang kahit hindi kami kaanu-ano at kakakilala palang namin, tinuturing na nila akong kapatid. Kahit sa iilang araw pa lang naming magkasama ay napaka-close na naming tatlo.

We roamed around the town at bumili ng mga keychains at iba pang mga gamit, just like paintings and art made of woodcrafts. Nakabili din ako ng dress na ang magkapatid pa ang naglibre kaya binigyan ko din sila ng tig-iisang bracelet para magkakapareha kami. May nakita pa kaming may naglalako ng mga wands for enchanters at naalala ko bigla na wala pa akong na-e-encounter kahit isa sa kanila sa academia. Makikita mo sila mostly in forests, at may school din sila doon but not that big as Natharia Academia.

As far as I remember, they named it Publiko Encantado for students who studies spells and potions. Just like specialists, they are also powerful and not easy to deal with it.

"I've never seen enchanters in my entire life. Mailap daw sila sa hindi ko malaman ang dahilan kaya hindi sila namamataan sa mga ganitong mga lugar." Sambit ni Menesis na siyang ikinatango ko, 'yon din ang narinig ko mula sa ibang estudyante. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero mukhang pribado ang impormasiyon tungkol sa kanila.

"Karamihan nasa kagubatan sila, sabi ni Lola Thorna, may sarili silang edukasiyon na sinusunod." Sagot naman ni Genesis habang nakatitig sa aming dalawa ni Menesis. Bitbit namin ang mga pinamili namin at hindi ko alam kung paano namin 'to iaakyat pagbalik namin!

"May school sila do'n diba?" Menesis curiously asked, Genesis nodded.

Mukhang marami rin silang alam lalo na si Genesis. Lola Thorna is really a mysterious woman. She knew a lot and even secrets, alam niya. Kaya hindi na ako magtataka na pati ang mga apo niya ganoon rin at maraming nalalaman. Misteryoso pa rin sila para sa akin pero hindi ko na kukuwestiyonin pa ang lahat dahil baka 'yon pa ang dahilan na magkasiraan kaming tatlo.

I don't want that to happen.

Genesis smiled a bit, "they named it Publiko Encan-"

"Ah!" Genesis' words was cut off when we suddenly heard a woman's loud scream! I don't know but I think that woman is in danger! Napalingon ako sa paligid at napansing nagtataka na rin sila dahil sa sigaw na 'yon pero parang wala silang balak na makiisyoso pa. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang natatakot sila.

"Saan 'yon?" Taka kong tanong. Hindi ko alam pero natataranta akong lumilinga-linga sa paligid... trying to detect the woman's presence.

Napansin kong lumingon si Menesis pahilaga hanggang sa may itinuro siya do'n, "doon! Doon nanggaling ang sigaw!"

Hindi na kami nag-aksaya ng oras pa at agad na kaming tumakbo ng mabilis. Pero hindi pa man kami nakakalayo, taka kaming tumingin kay Menesis dahil sa bigla na lang siyang huminto.

"Paano kung napasigaw lang dahil nadapa?" Menesis unbelievably uttered that made us almost dropped our jaws. Really, Menesis?

"That loud?" Takang tanong ko.

"Why not?" Ani agad ni Menesis na siyang ikinailing ko. Imposible 'yon.

"Nope. Sigurado akong nangangailangan ng tulong ang sumigaw, Menesis. Walang nadadapa na gano'n kalakas ang sigaw na parang takot na takot!" Hingal na turan sa kaniya ni Genesis na siyang ikinatango ko dahil tama siya.

Nagbikit-balikat na lang si Menesis at tumakbo na lang ulit. Napatingin ako kay Genesis na napapailing na lang dahil sa kapatid niya na pati ako ay gano'n na lang rin ang ginawa.

Seconds after, we stopped and we see nothing but a huge forest? Trees are like hives! Sobrang daming puno rito sa gubat na 'to at tahimik rin sa lugar na 'to. Malayo-layo sa bayan pero paano nagawa ng babae na sumigaw nang ganoong kalakas?

Hinihingal na nakahawak sa magkabilang tuhod si Menesis, "grabe ang sigaw ng babaeng 'yon. Abot sa bayan ang lakas." Turan niya.

"Marami sila," I whispered not minding what she said.

"Hindi ko gusto ang nararamdaman ko!" Menesis said while gritting her teeth trying to calm herself. I can notice that she's starting to feel piss.

Natigilan ako at pati na ang mga kasama ko dahil sa malakas na naman na sigaw mula sa direksiyon. Nanliit ang mga mata ko at nakitang may iilang kalalakihan na pinagtutulungan ang kaawa-awang babae! Agad ako nakaramdam ng galit dahil sa pilit nila itong hinuhubaran ang at ang babae ay walang magawa kun'di ang pumiglas lamang!

"Hoy mga gago! Bitawan niyo ang babaeng 'yan kung ayaw niyong masaktan! Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo, ah?" Malakas na sigaw ni Menesis na siyang dahilan kung bakit napalingon sa amin ang mga kalalakihan. Napangiwi ako dahil sa nakangisi silang lahat habang masuri kaming tinititigan.

I felt a sudden rage when I saw the woman's dress! It was wrecked and I can now almost see her boobs!

"Edi hinuhubaran, tanga!" One of the men fired back that made me feel exasperation!

Namilosopo pa ang pangit!

"Ikaw ang tanga! Paano ko malalaman kung nakaharang kayo sa babae? Eh hindi ko makita dahil mga likod niyo ang nakikita ko, bobo!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sigaw ni Menesis o ano! Napansin ko na parang humahagikhik lang si Genesis sa gilid na siyang ikinailing ko na lang.

"Aba't——"

"Tama na 'yan! Hindi mo ba nakikita, Patrick? Biyaya na mismo lumapit sa atin kaya hindi na tayo maghihirap na pagsaluhan ang babaeng 'to. Tatlo silang dumating kaya tig-isa tayo o puwedeng dalawa na sa'kin." Sabi ng lalaking may pinakamaskuladong katawan sa kanila at matangkad. At may gana pa talaga siyang sabihin ang mga salitang 'yon eh ang pangit-pangit ng mukha niya!

"Hindi kami ulam para pagsaluhan mga pangit!" Ngayon, ako naman ang sumigaw nang hindi ko na matiis ang pagiging baboy nila!

"Ulam? Hmm, mas masarap pa ata sa ulam ang tingin ko sa inyo ngayon! Kung sinusuwerte nga naman." One of them butted in that made me feel so mad again! Their mouths! What a pervert creature! They really triggering me to punch their faces!

"Hindi ko alam kung saan niyo kinukuha ang lakas ng loob ninyo eh alam niyo namang napakapangit ng mga itsura niyo! Mahakawan lang kami ay imposible na, ang matikman niyo pa kaya?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga salitang 'yon pero mukhang nai-influence na ata ako sa magkapatid.

"Wait, when did you learn insulting pets?" Bulong sa akin ni Menesis na siyang ikinatawa ko na lang. Babaeng 'to talaga.

"Ang lakas ng loob niyo mga babae!" Sigaw no'ng may pinakamaskuladong katawan, "hawakan ang mga 'yan, tutal gusto nila ng gulo at mga epal, ipatikim na lang natin sa kanila ang gusto nila." Napailing ako sa sinabi pa niya at tinignan na lang ang babaeng takot na takot ngayon habang nanginginig na nakatingin sa amin.

I was stunned when I notice how young she is! My hands immediately turned into fists!

She is too young to experience this! Mga hayop!

"Try us, ugly creatures." Genesis seriously uttered. I smirked when I sensed that those five men are now triggered... and looks like I am going to fight again this time!

Nakangisi nang lumapit sa amin ang tatlo habang nakabantay sa babae ang may maskuladong katawan at 'yong timaw na nagngangalang Patrick. Agad akong naghanda dahil sa mukhang minamaliit nila ang kakayahan naming mga babae. Ipapakita ko sa kanila kung sino ang binangga nila!

"Sumama na lang kayo sa amin at malalasap niyo ang sarap ng buhay. Gusto niyo ng langit? Ipaparanas namin sa inyo ang pakiramdam no'n." Napangiwi naman kami sa inasal ng lalaking halos bilang na lang ang ngipin. Kung sana ay gwapo ay baka maintindihan ko pa ang ugali at ang pagiging arogante! But what the hell? His face is so ugly that I want to vomit on her face!

"Tangina mo ka! Kumpletuhin mo muna mga ngipin mong pangit ka bago ka magbitaw ng nakakadiring mga salita!" Nagulat ako sa malutong na mura ni Menesis na siyang ikinahagikhik ko na lang kalaunan. Parang nainsulto naman ang lalaki na siyang ikinatawa ko na ng tuluyan.

Menesis is way brutal than Genesis. Menesis is frank, fierce and kinda sophisticated, unlike Genesis. Genesis is more feminine and soft, she is also soft spoken and more holy than her sister.

Naghanda na lang ako ng tumakbo nang mabilis ang lalaki at akmang susuntukin si Menesis ng mahinto ang kamao niya sa ere. Napalingon ako kay Genesis na siyang may gawa no'n hanggang sa bigla na lang lumitaw ang katawan ng lalaki sa ere na nakalutang na siyang si Menesis naman ngayon ang may gawa. Nanlaki ang mga mata ko nang itinapon ni Menesis sa akin ang katawan ng lalaki kaya naghanda agad ako at tumalon ng mataas. Agad nagliyab ang kanan kong kamao at sinuntok ang tiyan ng lalaki na siyang ikinasubsob niya sa lupa. Pagulong-gulong ito habang umuungol dahil sa sakit.

I smirked. What a combo!

Naramdaman ko namang may paparating sa gilid ko kaya lumingon ako at bumungad sa akin ang isa pang lalaki. Kaagad kong itinapat sa kaniya ang palad ko at naglabas 'yon ng bolang apoy. Tumama 'yon sa kaniyang binti hanggang sa nakita kong unti-unti nang nagsisimulang lamunin ito ng yelo kung saan tumama ang apoy. Ngumisi naman ito ng nakakaloko sa akin na ipinagtaka ko at napansin kong may lumalabas na bolang apoy sa kaniyang kamay.

A fire specialist too. But I just shook my head because my fire is not an ordinary fire. I can control its heat and turned it into coldness until it can freeze you. I learned it when I first enter the academia, professors facilitated me on how to control my power uniquely.

"As if you can escape from that ice," bulong ko at tama nga ang hinala ko dahil tinira niya ng apoy ang kaniyang binti kung saan nagyelo pero umusok lang ito at walang nangyari. Nabura ang ngisi sa mga labi niya na siyang ikinahagikhik ko na lang.

"You can't break that ice as it was made of coldness of my fire. How beautiful, isn't it?" Ngisi kong turan na siyang ikinalunok niya ng malalim. Ewan ko pero mas lalo akong natuwa sa ekspresiyon na ipinakita niya.

Natigilan ako dahil sa may isa pang lalaki ang tumalon ng mataas mula sa likuran ng pangit. May hawak siyang espada na hindi ganoon kalakihan pero mapapansin mo talaga kung gaano ito katalas. Akmang iwawasiwas niya na sana ang espada niya nang matigil ito sa ere hanggang hindi na makagalaw ang buo niyang katawan.

Napatingin ako sa gawi ni Menesis at tama nga ako dahil nakaangat ang kaniyang kamay at nakatutok sa lalaki at kinokontrol ito. Kumindat sa akin si Menesis kaya napangiti ako at ibinalik ang mga mata ko sa lalaki. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa laban namin ngayon. Mukhang gusto talaga ng puso ko na parusahan ang mga 'to dahil sa ginawa nilang pambababoy sa kawawang babae!

"Pangit," I seriously uttered and then suddenly, my fist ignited. I walked towards the guy that until now, he can't still move his body. I sensed that he is now feeling nervous but doing this is not enough for him to learn his lessons! I touched his shoulder with my fire fist until a familiar energy came out.

Hanggang sa naging yelo na ang buong katawan niya at hindi na makagalaw pero sinisigurado kong makakahinga pa rin siya. Pasalamat siya at may puso pa rin ako kahit papaano! Kung hindi ako mabait, baka kanina pa siyang nakabulagta sa lupa at wala ng buhay.

"Donessa! Paano sila makakatakas sa mga yelo mo?" Tanong sa akin ni Genesis kaya napalingon ako. May pag-aalala sa mga mata niya na siyang ikinahinga ko ng malalim. Nginitian ko siya para sabihin na magiging ayos ang lahat. Alam kong ayaw niya ng pagiging bayolente at naiintindihan ko naman siya. Lumaki silang tahimik at walang masiyadong tao sa paligid nila kaya alam kong may pag-aalala pa rin siya mga pangit na 'to.

They doesn't even deserve my friend's concerns!

"It will fade, after... two days." Sabi ko na siyang ikinalaki ng mga mata niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa ekspresiyon niya o hindi. "Don't worry Genesis, siguro sa mga araw na 'yon, magbabago na ang mga kupal na 'to." Dagdag ko pa.

Huminga siya ng malalim, "m-magiging ayos lang ba siya?" She innocently asked so I nodded... assuring her that these guys will be okay.

"Hindi ko alam na may mga katulad niyo pang mga babae na kayang makipagsabayan sa mga katulad naming lalaki. Pero ngayon, tignan natin," ngising sabi no'ng Patrick pero seryoso lang namin itong tinignan. Hindi ko gusto ang mukha niya, ang presensiya niya, lalo na't ang kasama niya.

They are so boastful, and they are underestimating women too much! As if they were so powerful! I suddenly remember someone because of his attitude!

I was stiffened when yellow electricity sparks are starting to hug him. Until those currents became more and more stronger. I narrowed my eyes because even though he is that ugly, I can sense that he is way more skillful than those three men we just beaten.

"An electric specialist, huh?" Bulong ko kaya napatingin siya sa akin na parang pinagmamalaki niya ang kakayahan na meron siya. Ngumisi siya nang nakakadiri habang kitang-kita ko ang mga ngipin niyang sobrang dilaw!

Susugod na sana kami nang maramdam namin ang pagyanig ng lupa na hindi naman gaano kalakas. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari at inilibot ang tingin sa paligid. Kinabahan ako dahil sa nangyayari kaya agad akong lumapit kina Menesis at Genesis na ngayo'y nalilito na rin sa nangyayari. Seryoso ang kani-kanilang mga ekspresiyon habang hinahanap ang sino mang dahilan ng pag-uyog ng lupa!

What is happening?

"Electric is useless when it comes to nature," napalingon kami sa lalaking nagsalita mula sa likuran namin. Napakunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang lalaki sa akin... ang berde niyang buhok at mga mata, ang matikas nitong pangangatawan at ang maamong mukha nito habang seryosong nakatingin sa kalaban namin. Nanliit ang mga mata ko dahil sa hindi ko aakalain na susunod siya sa amin rito.

"Enzyme," rinig kong bulong ni Genesis kaya napatingin ako sa gawi niya. Kita kong nagulat siya at parang nagsisimulang pumula ang magkabilang-pisngi niya. Napatingin ako kay Menesis at nakitang nakatingin na rin ito sa akin hanggang sa sabay kaming ngumisi.

Hay nako, Genesis! Halatang-halata na talaga! At mukhang sinusundan ka ng 'yong fafa!

"Thank God I followed you here! It took you so long to go home that's why I'm worried. The sun is already setting but all of you are still not in Natharia Academia." Enzyme uttered. Nagkatinginan ulit kami ni Menesis at nagkangitian na naman. Sus, ang sabihin niya, nag-aalala lang siya kay Genesis! Isasama niya pa talaga kami eh halata namang sa kaibigan kong isa lang siya may pakialam. Kunyari pa!

Hindi naman halata! Hindi halatang may gusto rin si Enzyme kay Genesis!

"Donessa, Menesis, ano na namang mga tingin at ngiti 'yan? Inaasar niyo na naman ba 'ko?" Nakangusong turan ni Genesis kaya napahagikhik kami. Umiling agad ako at napatingin na lang sa gawi ni Enzyme. He is not wearing our uniform and I think he was just being careful because a lot of spies here will probably report him if he got caught.

"Pakawalan mo kami!" Malakas na sigaw ng isang lalaki at natigilan ako dahil sa may makapal nang ugat ang nakatali sa malaki nitong katawan. Nagpupumiglas siya pero hindi niya magawang makatakas na siyang ikinamangha ko na lang! 'Yong Patrick naman ay gano'n din at parang isang walis na tinali! Sinusubukan niyang kontrolin ang kuryente sa katawan niya walang epekto 'yon sa mga ugat ni Enzyme.

He is really a God.

"Who are you to command me?" Enzyme responded until he controlled those roots again and tightened it. The two remaining guys screamed because of the excruciating pain and I can even hear some cracking sounds from their bones.

"Enzyme, don't hurt them that much." I heard Genesis... as expected.

Lumingon ako sa gawi ng kawawang babaeng bata at nilapitan 'to. Pero bago pa man ako makalapit, lumapit sa akin si Enzyme at sabay abot ng isang itim jacket.

"Give this to her," he mumbled that made me nodded. Kinuha ko kaagad sa kamay niya ang jacket at tuluyan nang lumapit sa puwesto ng babae. Takot at nanginginig niyang inangat ang kaniyang ulo at tinitigan ako sa mga mata. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis at lumuhod, sabay abot ng jacket ni Enzyme.

"Use this," I whispered and then held her shoulders to assure her that everything is already settled. She doesn't need to feel scared because she is now saved.

"M-Maraming salamat po, hindi ko po alam kung anong gagawin k-ko kung wala po kayo." Nanginginig nitong sambit na siyang ikinakirot agad ng puso ko. Hinaplos ko na lang ang kaniyang dalawang balikat at inayos ang kaniyang magulong buhok. "H-Hindi ko po alam kung anong gagawin ko... k-kung paano po kayo pasasalamatan." Turan pa ng babae habang patuloy na nanginginig. Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinaplos ang mga 'yon para pakalmahin siya na siyang naging epektibo rin naman kaagad.

"Don't be, okay? Don't feel obligated just because we save you. Just be careful next time. Saan ka ba galing?" I uttered.

"G-Galing pa po kasi ako ng eskwelahan namin, at balak ko sanang b-bumili sa bayan ng bagong damit para sa party namin nang sumulpot ang limang lalaking iyan." Turo niya sa mga lalaki. She is atill scared, and I know she was traumatized. She was almost raped and I can understand her feelings. "Hinabol po nila ako hanggang sa hinuli nila ako at dinala rito. N-Natatakot po ako." Takot pa nitong dagdag na siyang ikinaigting ng mga panga ko.

I want to punish them more for making her scared and cry!

"T-They wanted me to be naked po at gusto daw nila akong gawing hapunan kaya doon na po ako nanghina. Wala po akong kalaban-laban sa kanila dahil yung wand ko po ay naiwan sa eskwelahan at hindi pa ako gano'n kabihasa sa paggamit ng kapangyarihan. Lalaki po sila at malalakas kaya wala po akong nagawa kun'di sumigaw at umiyak na lang." She said. Those perverts!

And wait, a wand! Is she really talking about wand? Meaning, this woman is not a specialist!

"M-Maraming salamat po talaga sa inyong lahat. Akala ko po ay mapapahamak na ako... kung hindi po dahil sa inyo ay baka patay na ako ngayon." Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ng babae at agad akong nakaramdam ng poot at galit. Tinignan ko uli ang mga lalaki na wala ng mga malay ngayon na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Kinontrol ko na lang ang sarili na hindi sumabog.

"Mga gago talaga," I whispered.

"So you are an enchantress?" Napalingon ako kay Genesis na ngayo'y nasa tabi ko na pala.

"O-Opo." Magalang niya agad na sagot. Napangiti ako.

"Sa Publiko Encantado ka pala nag-aaral kung gano'n?" Ngiting tanong ko naman sa kaniya kahit alam ko naman na ang sagot. I just want to make her feel comfortable around us and I don't want her to feel horrified again.

"A-Ano po bang maibabayad ko po sa inyo para malaman niyo pong tunay ang aking pasasalamat?" Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya at mukhang gustong-gusto niya nga talagang magbayad. Napalingon ako kina Genesis at Menesis na ngayo'y nakangiting nakatitig sa bata habang si Enzyme naman ay nasa likuran ng dalawa at tahimik na nakikinig.

"Hmm, show us your power then" I said. She looked at me. I sensed that she's hesitating and I was about to talk again but she smiled and nodded. She stood up and then readied herself that's why I smiled too. I stood up as well and watched her sighed so deep.

Noon pa ako curious kung anong klaseng kakayahan ang meron sila. Narinig ko na may pagka-specialist naman sila pero nagsasambit sila ng mga spells o 'di kaya ay mga inkantasiyon bago lumabas ang kapangyarihan nila.

"H-Hindi pa po ako bihasa but I have one spell that I learned from my professor." Sabi niya sa amin kaya napatango na lang kami habang nakangiti.

"I'm really curious," I whispered to myself.

Bigla nalang nagliwanag ang kaniyang dalawang kamay ng itapat ito sa isa't isa na parang nagdadasal habang nakayuko pa ito na para ring nananalangin. Habang lumiliwanag ay may mga spark na lumalabas sa mga palad nito at nabigla kami ng pumunta sa itaas ng kalangitan ang liwanag na parang kidlat kaya napatingala kami do'n.

"Enchantment: Pyrotechnics Fogos De Artificio." We heard the girl gradually casted.

"Wow!" Sambit na lang naming tatlo habang pinapanood ang magaganda at makukulay na mga ilaw na nasisiguro akong mga fireworks na nasa kalangitan. Ngayon ko lang rin napansin na maggagabi na pala at kitang-kita namin kung paano sila pumutok sa itaas at naglabas ng mga nagliliwanag na mga ilaw.

"I'm worried, are you okay?" Dinig kong tanong ni Enzyme kay Genesis kaya napatingin ako sa gawi nila. Napansin ko na lang rin na lumapit sa akin si Menesis kaya napalingon ako sa kaniya at napangiti.

"Ang lalim ng iniisip mo ah? Kanina pa 'yan nang makita mo ang mga fireworks gawa no'ng Enchantress na 'yon." Tanong niya sa akin. Napangiti na lang ko habang papasok na kami sa hallway. Naalala ko na naman ang mga fireworks na nakita namin kanina. Ang mga makukulay na mga paputok sa kalangitan ay talagang napakagandang pagmasdan.

"Wala lang, I just remembered the only man who made me feel so special... before. He showed me colorful fireworks too." Sabi ko sa kaniya at halos binulong na lang ang huling mga salita. Napatango naman siya at  hindi na siya nagtanong pa. Tumabi lang siya sa akin habang nakangiti.

"Pero kaya naman namin kaya hindi ka na dapat nag-abala pa at sumunod. Paano kung ikaw ang napahamak doon sa bayan?" Dinig kong sabi ni Genesis kaya napahinto na naman ang mga tingin ko sa kanila. Jusko, kailan ba sila titigil sa pag-aalala nila sa isa't isa? Tapos na nga oh! Wala na! Okay na! Pinagmumukha talaga ng dalawang 'to na single ako eh!

"I know you can do it but I was just worried because they are still men. Well sorry, sorry for thinking too much," nananaas na mga balahibo ko sa mga hirit nitong si Enzyme.

"Sus, kakakilala pa nga lang pero kung mag-asta ang dalawa ay magshota na!" Napahagikhik ako sa binulong ni Menesis sa'kin. "Hindi pa sila niyan ah, pero nagbabangayan na. Paano nalang kaya kung sila na?" Dinig kong dagdag pa na sabi ni Menesis.

"Hayaan mo na. Maybe, it will lead to a beautiful moment like 'love'." I mumbled to her. But secretly, I smiled... sadly.

Love? Because of that love, I suffered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro