Chapter 5
Genesis
Nandito ako ngayon sa malawak na garden ng Natharia Academia at dinaramdam ang mabangong mga bulaklak at ang simoy ng preskong hangin. Pinapalibutan ng mga magagandang bulaklak ang mga naglalakihang puno na animo'y sumasayaw dahil sa tugtog galing sa mga ibon. May mga benches din silang ginawa para mas maraming makakita sa view dito na siyang magandang ideya. Bilang isang babae na lumaki sa gubat ay naa-appreciate ko talaga ang mga ganitong bagay. Para kasi sa akin, sila talaga ang nagpapaganda ng mundo na kinagagalawan natin.
Ano kayang posibleng buhay ang meron kami ni Menesis kung hindi kami pinasahan ng ganitong klaseng kapangyarihan? Ano kaya ang magiging takbo ng mga buhay namin kung hindi kami ganito? Siguro masarap maging normal, siguro masarap magkaroon ng maraming kaibigan at walang pangambang nararamdaman. Siguro normal lang talaga ang buhay namin ngayon at walang iniisip kun'di kung paano na lang kami mabubuhay ng masaya.
Pero parang pinanganak nga talaga kami na ganito kahirap sa buhay, not that literal poor. Our life we had is poor because of the misinterpretation and misconception of the community towards us.
"It is so nice to see such a beautiful lady here," Suddenly, a man appeared in my front wearing that sweet smile and sparing eyes. His green eyes are perfectly fit on his green hair, that little bit of green mustache below his chin made him more gorgeous, he has this defined jaws as well. That greek nose is something that I can't resist of! His face is mesmerizing. "Are you alone, my lady?" He asked and that made me speechless. That deep voice is seducing.
It is actually my first time appreciating a man's angelic face with a sweet personality. Well he's really a good looking, I can't deny that.
"Who are you?" I softly asked while watching him swiftly sitting beside me. I don't know but I suddenly felt comfortable with his presence. This is the first time!
"A God." I confusingly stared at him because of what he replied. What does he mean by that? Is he really a God?
Iilang-araw na din ang nakalipas nang sabihin sa amin na dapat kaming tumulong sa mga Diyos rito para hanapin ang mga katulad nilang naninirahan sa labas ng school na 'to. Pinakiusapan kami na samahan sila at tulungan para mas mapadali ang misyon na siyang hindi ko inaakalang magkakaroon kaagad kami ni Menesis. Nakakapagod man at hindi naman sana na 'yon kasali sa misyon namin, wala kaming magawa dahil sa ayaw rin namin ng kambal ko na magkaroon pa lalo ng gulo kapag umayaw kami.
At tiyaka, hindi pa naman kami nagsisimulang maghanap kaya nagtataka ako sa sinabi niya na isa siyang Diyos.
"Pero hindi pa naman kami naghahanap, at tiyaka wala akong balita na may bago pa lang Diyos na darating." Mahinhin kong sagot sa kaniya na siyang ikinangiti niya sa akin ng mas malapad. Hindi ko alam pero bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa simpleng ginagawa niyang 'to.
He is really something!
"I willingly went here, my parents told me to enroll here in Natharia Academia. I thought it was so hard for me to get in but they just suddenly enrolled me with a quick process. And one of the reasons why I went here is that I want to become a master of my power... I want to be skillful so that I can be helpful with my parents... to save them in possible chaos." His manly voice gave me chills in my system for I don't know the reason.
I smiled sweetly at him.
Nakakainspire ang reason niya at may kabaitan nga talaga siyang taglay. He is so gentle kaya parang nakakahiya kung pagsasabihan ko siya kung bakit siya lumapit sa akin kahit hindi ko naman siya kilala. He is too friendly to be scolded. The way he smiles and talk brings me to clouds. OA man pero 'yon talaga ang dating para sa akin.
I am confused of my feelings right now, this is the first time we met but it feels like we are already friends! His personality is sweet, and I think that's the reason why I am feeling this way towards him.
"A strong presence filled this garden that's why I went here to check. And I'm blessed, I just met an angel sitting beautifully while watching the flowers." Hindi ko alam kung nambobola siya o kung ano pero epektibong-epektibo ang mga sinasabi niya kaya napapangiti ako.
Napailing na lang ako, "your words are too flowery." Hagikhik kong sambit.
"Hindi ako ganiyang klaseng specialist, my lady." Agaran niya namang sagot na siyang birong ikinataas ng kanang kilay ko.
"Then who are you? I mean, yes, you're a God but what I mean is your name, young man." I asked again with so much courage, I don't know what I am doing but I think I have to befriend this guy.
Wala lang, mukha kasing maganda siya kasama talaga.
"I'm Enzyme, The God of Nature and Land, and nice to meet you." He introduced while using that sweet smile, he suddenly offered his hand that made me stopped. I stared at it and smiled a bit, I took his hand and we shook it.
So he's the God of Nature and Land? He must be kind of powerful.
"I'm Genesis, a body manipulation specialist." Pagpapakilala ko sa kaniya na siyang ikinanuot ng noo niya ng kaunti. Napahagikhik na lang ako dahil sa ekspresiyon niya. Mukhang matalas rin ang pandama ng isang ito.
"But your presence telling me otherwise... that you're not just that kind of specialist, Genesis." The way he uttered my name feels different but I just smiled at him sweetly to show him that I am not lying.
"But it is, Enzyme." Sabi ko nalang sa kaniya at napatango siya.
"Well, I'm glad to meet you. It is so damn nice to finally meet an angel inside of this academia." Iyan na naman siya sa mga mabulaklakin niyang mga salita na siyang ikinatawa ko na lang talaga.
"Bolero,"
After seconds, we both feel the moment where the blow of the wind is hugging us while the flowers and trees are amazingly and beautifully dancing. The tweets of the birds are just like melodies that filled our ears that made me more comfortable and relaxed. That's why I love nature, the refreshing air and moments that they gave is just like a cloud nine. You can never resist their beauty.
"Anong pakiramdam maging Diyos, Enzyme?" Tanong ko bigla sa kaniya at napansin ng gilid ng aking mata na napalingon siya sa akin. "Anong pakiramdam na may ganoon ka kalaking responsibilidad na dinadala sa buhay?" Dagdag ko pa.
Huminga siya ng malalim.
"I actually don't know the exact feeling, Genesis, but I am happy because I am one of them. Meaning, I'm also different and strong and I can use this uniqueness among the others to help the community when they are in needs of protection. Especially, our academia." He elucidated. I nodded and smile, we really do have different perception in life but to think, we had almost the same mission in life.
Hindi na ako nagsalita pa at tinanaw na lamang ang mga magagandang bulaklak na mas mamukadkad pa lalo sa mga mata ko. Mas lalo lang silang gumanda ng tumapat ang liwanag mula sa araw sa kanila hanggang sa nagsiliparan ang ibang mga paru-paro.
Nakita ng mga mata ko na may parang isang ugat na lumitaw na sumasayaw sa harapan ng nag-iisang puno at biglang pumitas ng bulaklak. Nanliit ang mga mata ko dahil sa ginagawa nito. Pagkapitas ng ugat sa bulaklak ay bigla nalang itong napaharap sa aking direksiyon, aatras na sana ako ng mailagay na ng ugat ang bulaklak sa aking kanang tenga. Natulala ako sa nangyari dahil akala ko kung ano na ang nangyayari!
Did he just manipulated the root and commanded it to pick the flower? And put it in the back of my ear?
"That flower resembles you that you're not just a woman, you're also a precious treasure that need to be kept forever." Napalingon ako kay Enzyme na naging intense na ang kulay ng mga mata niya. It is kinda glowing beautifully!
I was stunned because of what he said, I know he is too fast with his sweet words but it made me smile. He also had this light personality that can make me more comfortable, and can make me smile more. It is one of his abilities as the God of Nature and Land? Or maybe I am just comfy with him because I just love his responsibility? I mean, he is literally the protector of nature and land and I would love the nature to be protected by someone like him.
"I have to go, Genesis. I still really want to be with you and accompany you here but damn this classes," he whispered while chuckling. I was stiffened because his voice is like almost touching the skin of my neck! "See you when I see you again, my lady." I just nodded at him because he is being a bit naughty there. I watched him stood up and waved his hands at me until he disappeared in my sight.
What was that?
Lahat kaming tatlo ay nasa dining area at kumakain ng masarap na pagkain na niluto ni Donessa. Ngayon lang din namin nalaman na magaling pa lang siyang cook! At tiyaka, weekend ngayon kaya sarado ang cafeteria kaya no choice kami kaya dito kami kumain. Bonding na rin namin ni Menesis kasama si Donessa.
"Pwede ba tayong lumabas sa Natharia Academia?" I suddenly asked Donessa out of nowhere, she looked at me like it was the dumbest question she ever heard.
"Nope. Of course you can't! Hindi niyo ba binasa ang isa sa mga rules na nakasulat sa papel na bawal lumabas ng academia kapag hindi pinapayagan? At tiyaka, may mga tamang araw para diyan, Genesis." Gulat naman kaming napatingin sa kaniya dahil sa narinig namin.
Ano? So ibig sabihin hindi namin mabibisita si Lola Thorna kung gugustuhin namin? Hindi kami makakalabas kung hindi kami papayagan? Anong klaseng buhay naman pala ang nandito kung gano'n? Are they treating all the students here as their prisoners?
"Wait, how can we visit our families if we want to?" Tanong na rin sa kaniya ni Menesis na siyang agad ko namang pinagsang-ayunan.
Bigla kaming nginisihan ni Donessa dahilan kung bakit halos manayo ang mga balahibo ko sa batok. Geez, her smirk is scary! Maybe she has to learn how to smile properly than showing her horrifying smirk.
"We have rules in life, and it's bound to be violated. Kung gusto niyong lumabas, makakalabas tayo kung tatakas tayo." I thought my question is stupid but looks like her answer is way more stupid!
"Hindi ba tayo mapapahamak diyan, Donessa?" I asked with so much concerns. I just don't want to get involve in any case if somebody caught us.
"Hindi naman tayo mapapahamak kapag hindi tayo mahuhuli, Genesis. Aakyat tayo ng bakod sa likuran ng guard house, hindi nila tayo makikita maliban nalang kung magpapakita tayo." Turan niya agad sa amin habang naglalaro pa rin ang ngisi sa mga labi niya. Napailing na lang talaga at tila nagsisisi na sa itinanong ko sa kaniya.
"You have a point there but I think it is still dangerous, but we don't have any choice Genesis. I badly want to visit Lola Thorna!" Halos padabog na turan niya, agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata dahil sa ginawa niya.
"Menesis, nasa harapan tayo ng pagkain." Napanguso siya dahil sa pagsuway ko sa kaniya na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. "Well, I really missed her too. But what we are planning is too dangerous for us." Turan ko sa kanila.
"Then we should sneak out! Tara na!" Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla na lang ako hinila ni Donessa at gano'n na rin si Menesis! Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya at tila hindi na ako nakagalaw dahil sa malakas nitong paghila sa aming dalawa ni Menesis!
"Donessa, ang pagkain!" I almost shouted! Nako, magkatulad na magkatulad talaga sila ng attitude nitong kapatid ko! Minsan hindi na nila iniisip ang mga bagay-bagay talaga kapag may gusto na silang gawin!
I suddenly found myself at the back of the academia where the towering walls covering the whole premises! Malapit lang pala 'to sa main gate at teka! Paano namin 'yan aakyatin eh ang taas-taas niyan? Iniisip ko pa lang ay natatakot na ako at tiyaka hindi namin puwedeng gamitin ang ibang kapangyarihan na meron kami dahil lang rito! It's a risky thing to do!
"How can we go up there?" Nag-aalalang tanong ko na lang kay Donessa na ngayo'y may nakakalokong ngiting nakaplasta sa mga labi. Ang babaeng 'to talaga!
Donessa was about to say something when she suddenly looked at my back like there's someone in my behind. I was also stiffened and felt nervous when I feel a familiar presence behind me.
"I can help you if you want." Sabi ng lalaking may pamilyar na boses mula sa likuran namin na siyang dahilan kung bakit ako napalingon rito. I was really stunned because he is already wearing a uniform of the academia that suits him very well!
This is so embarrassing!
"E-Enzyme," I timidly called his name. He just smiled at me sweetly and that made me feel more embarrassed! "A-Ano..." Geez! I can't even talk straight because of his alluring face!
"Hey, are you going to sneak out?" I shyly nodded because of what he asked. Geez, this is so actually, embarassing. "I didn't know that you are this naughty, Genesis." Halos lumuwa ang puso ko dahil sa sobra ng kahihiyan! Mas lalo lang akong nataranta at hindi na alam pa kung anong gagawin dahil sa sinabi niya!
Nakakahiyang nahuli niya kaming gustong tumakas sa school at mas lalong nakakahiya dahil tutulungan niya pa kaming makaalis! Hindi ko alam kung napakabait ba talaga niya sa akin o baka gusto niya lang talaga tumulong? Pero kahit na! Nakakahiya pa rin!
"Hey there, young man. Thank you for volunteering, can you help us to sneak out? Hindi ko man alam kung paano kayo nagkakilala ni Genesis pero mukhang puwede naman atang makahingi ng pabor sa'yo." Nilingon ko si Menesis at pinanlakihan ng mga mata pero ang bruha ay hindi tumingin sa akin, nakangisi lang siya ng nakakaloko na siyang ikinakuyom ng mga kamao ko dahil sa sobra ng hiya!
Suddenly a thick root appeared in our front that made us all gasp because of being horrified! It actually scares me but later on, I realized that it was Enzyme that controlling the root again. This time, it's way bigger and thicker! I didn't know na ganoon lang siya kadaling kausap!
"Sit on the root and I will lead you," ngiting sabi ni Enzyme. Nanlaki agad ang mga mata kong napatingin sa kapatid kong umupo agad sa ugat at parang hindi man lang nagdalawang-isip! Pati na rin si Donessa na siyang halos ikatapik ko na lang sa noo ko dahil sa nakakahiyang ginagawa nila!
"Come on, Genesis, mahuhuli tayo kung tutunganga ka lang diyan. Don't worry, hindi siya matu-turn off sa'yo." Halos bulong na sabi sa akin ni Donessa na siyang ikinatigil ko na talaga! Nahihiya akong napatingin kay Enzyme na nakangiti lang sa akin na siyang ikinangiti ko na lang rin ng tipid. This is so awkward!
He thought me as an angel but looks like I showed him what I really am!
"Thank you gentleman, we owe you one. And don't you dare to tell the guards that we are sneaking out, okay? Makakatikim ka!" Hindi ko alam kung totoo ba si Menesis sa sinabi niya na siyang mas lalo ko pang ikinahiya! Kami na nga tinutulungan tapos gaganiyan pa siya kay Enzyme? Nako!
"Menesis, stop that! He already helped us okay, stop acting that way." I immediately reprimanded her.
She just smirked at me, "by the way boy, 'wag ka ma-turn off sa kaniya, kami lang talaga humila sa kaniya. Nahihiya 'yan kasi baka kung ano ang isipin mo sa kaniya." Jesus! Gusto ko na lang talaga kainin ng lupa dahil sa kung anu-anong sinasabi ni Menesis! Sobrang nakakahiya! Sobra-sobra na!
Agad na akong umupo sa malaking ugat at humawak sa bewang ni Menesis para hindi ako mahulog. Gano'n din ang ginawa niya kay Donessa para mabalanse namin ang bigat namin sa ugat. Nakakahiya man at mukhang trip ako ng kapatid ko ngayon, yumuko na lang ako.
"No problem with that, as long as Genesis is safe. And it's not pleasing to see such beautiful ladies having a hard time." Gosh, his words again! "And don't worry, hindi ako na-turn off. I find it cute, actually." Man! His flowery words are really in an extreme level!
"Tama na ang harot, okay? Iangat mo na kami at ng makalabas na kami." Utos sa kaniya ni Menesis. Sa huli ay napapailing at nakangiting napatango na lang si Enzyme habang iniaangat na kami hanggang naabot na namin unti-unti ang itaas. Ang ugat ay biglang uminat kaya mas tumaas pa ito at naihatid kami sa labas nang maingat... hanggang sa makababa na kami sa ugat na walang palya.
That was so intense!
"Woah! Nakatakas na rin!" Sabi ni Donessa na siyang ikinailing ko na lang. Ako talaga nahihiya eh!
"Thanks to that guy," Sambit ni Menesis habang pinapagpag ang suot na dress at si Donessa na nililinis ang kamay gamit ng kaniyang apoy. "Looks like our sister here is in love, huh?" Natigilan pa ako dahil sa sinabing 'yon ni Menesis.
"A-Anong in love? Kabahan ka nga sa sinasabi mo!" I uttered back.
My twin chuckled, "ngayon lang kitang nakitang ganiyan, Genesis. Hindi mo 'ko maloloko but anyways, that's a good thing. Ikaw naman 'yan eh, support na lang ako." Napahinga na lang ako ng malalim sa sinabi niya at hindi na siya sinagot pa.
Kahit talaga ang babaeng 'to!
"Ang lakas ng presensiya niya... ang enerhiya na bumabalot sa buong pagkatao niya ay hindi bihira, ramdam niya 'yon?" Donessa suddenly uttered out of nowhere that made me sighed deeply.
"Because he is a God." Sabi ko na lang sa kanila kaya gulat silang napatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata nila ngayon habang parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"What do you mean, he is a God?" Menesis confusingly asked.
"As in God, isang Diyos, makapangyarihan." I expounded more.
"So may natagpuan silang bago? Kaya pala hindi pamilyar ang mukha at kaya pal--ah basta! Geez, ang maldita ko pa naman sa kaniya kanina!" Simangot na sabi ni Menesis na siyang ikinahagikhik ko na lang with sarcasm.
"Buti alam mong babae ka, at tiyaka, hindi siya natagpuan. He willingly enrolled here and was accepted," agad kong turan. "We met yesterday in the garden, that's why we knew each other." I added.
"He is kind and that's a good thing. Hindi katulad ng ibang Diyos at Diyosa na nasa loob. Well sana nga at mabait ang isang 'yon." Donessa stated that made us Menesis nodded.
Sana nga. Sana nga ay hindi siya katulad ng iba.
"Akala mo hindi ko napansin ang pagpula ng mga pisngi mo kanina, ah, Genesis?" Agad akong natigilan dahil sa pag-o-open up na naman ni Menesis kaya agad ko siyang tinignan ng masama. Nanliliit ang mga mata niyang nakatingin sa akin na siyang ikinaba ko ng kaunti.
"I-It was just so hot!" At lumakad na ako papalayo sa kanila. Ramdam ko namang nakasunod sila sa akin habang naghihikhikan kaya napairap nalang ako sa ere. Pinagtutulungan pa talaga ako!
"Gwapo kaya 'yon, Genesis! Gentleman pa! Laban ka na do'n!" Rinig kong sigaw ni Donessa na siyang ikinailing ko na lang. Anong ibig niyang sabihin sa laban na ako do'n? Hindi naman ito gera para maglaban kami!
Ilang minuto bago kami nakarating sa pamilyar na bahay-kubo na nasa harapan namin ngayon. Napangiti ako ng matamis dahil sa na-miss ko ang matahimik na lugar na ito ang magagandang mga alagang bulaklak ni Lola.
"Tao po!" Menesis shouted, a bit distance away from the door.
"Sandali lang!" Agad akong napangiti ng marinig ang boses ni Lola Thorna. Sa ilang araw na namin sa academia ay ramdam na ramdam ko na ang pangungulila ko sa kaniya... lalo na si Menesis. At nami-miss na rin namin ang mga lutong pambahay ni Lola kaya mas lalo naming gustong bisitahin siya.
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa aming harapan ang gulat na ekspresiyon na si Lola kaya napahagikhik ako.
"Mga apo!" Sigaw niya at agad na yakap sa amin. Hinila ko si Donessa para makayakap din siya sa amin na siyang ginawa niya na lang kahit nahihiya.
"Lola! Kaibigan namin si Donessa!" Pagpapakilala ni Menesis kay Lola nang kumalas na kami sa yakap. Nahihiyang ngumiti kaibigan namin at nagmano pa. Ang bruha! Parang inosente kung kumilos ah? Pero kanina halos ipahiya na ako sa harapan ni Enzyme!
"Nice to meet you po." Ngiting bati sa kaniya ni Donessa at nginitian din siya ni Lola.
"Hmm, ikaw ang una nilang kaibigan sa eskwelahan na inyong pinapasukan, magaling! Akala ko mabubuhay ang mga apo ko na hindi magkakaroon ng mga kaibigan. Napakaganda ding bata ay aba! Pumasok muna kayo sa loob para makapaghanda ako ng tanghalian sa inyo." Pumasok naman kami kaagad sa sinabing 'yon ni Lola. Nagtawanan pa kami ni Menesis at agad hinila si Donessa na naiiling na lang rin.
Mamaya ay pupunta kami ng bayan para mag-ikot-ikot!
"Umupo muna kayo dahil maluluto na ang pagkaing sinalang ko kani-kanina lang. Buti na lang marami-rami ang iniluto ko!" Umupo kaming tatlo sa lamesa na pampamilya talaga ang laki at napansin kung inilibot ni Donessa ang kaniyang tingin. She's amazed, I can read her expression. Lahat kasi na nakikita niya sa paligid ay halos lahat gawa sa kahoy. Magaganda ang kalidad at matitibay rin. May mga litrato rin naming tatlo nina Lola at Menesis tapos may iba pang mga vase na mamahaling ang naka-display sa bawat sulok.
Ganito lang ang bahay namin pero mahilig si Lola sa mga mamahaling bagay. Hindi lang halata sa bahay namin pero natutuwa agad 'yan kapag nakakabili ng mamahaling bagay tulad na lang ng mga paso para sa mga bulaklak niya.
"Do you want to visit your family?" Tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng ngiti.
"No need. Kakabisita ko lang sa kanila nung nakaraang... weekend." Sabi niya sa mababang boses. Kaya pala wala siya ng dalawang araw no'n 'yon pala ay bumisita siya sa mga magulang niya. At katulad ng ginawa namin kanina, tumakas rin siya sa mga oras na 'yon. May klase kaya sa mga araw na 'yon!
"Ito na!" Napalingon kami kay Lola at ngiti-ngiti itong nakahawak sa malaking bowl na may mainit na sabaw. She's wearing her usual gloves to avoid burnt from the bowl.
Gosh, I miss her cooking skills!
"Wow," bulong ko ng makapasok ang bango ng gulay sa ilong ko kaya kumuha na ako ng iilang piraso ng gulay at inilagay agad sa plato. Pati sabaw ay inilagay ko din sa maliit na bowl at hinigop ito.
God! This is what I call food!
"Wah!" Sabay naming turan ni Menesis na siyang ikinahagikhik ni Lola Thorna. Napapailing na lang siya habang nakatitig sa amin.
"Kakakain lang natin kanina pero nang makita ko 'to, jusko! Nakakagutom uli!" Sigaw ni Menesis kaya napatawa kami sa kaniyang inasta. She's actually right! Kahit ako ay busog, nang maamoy ko ang food, nagutom ulit ako!
"Nambobola ka na naman, Menesis." Lola jokingly uttered.
"Masarap parin talaga kapag nakasanayan kaya bilib po talaga ako sa inyo." Sabat ko at nginitian ako ng matamis ni Lola Thorna.
"Anong balita sa eskwelahan niyo?" Tanong naman ni Lola sa amin sa kalagitnaan ng kainan. "Mabuti na lang at bumisita kayo. Nako, miss ko na kayo mga apo." Napangiti agad ako nang matamis dahil sa sinabi ni Lola.
"Tama nga po kayo, magagaling ang mga professor doon at nakakamangha ang mga gusali dahil sa laki. May battle ground din sila doon, Lola." Masayang balita ni Menesis habang sumasandok ng kanin.
"They are good at teaching Lola kaya may natutunan kami kaagad sa pakikipaglaban... pero wala pa kasi kami sa pisikalan." Dagdag ko na lang. Sasabihin ko sana ang nangyari sa amin sa academia pero pinili kong huwag na lang dahil baka mag-alala si Lola sa amin. Ayaw ko siyang mag-alalal.
"Hmm, magandang balita iyan at makakabuti sa inyo ang pag-aaral do'n para mas lalo kayong maging bihasa. Ikaw Donessa, iha? Anong pinagkakaabalahan mo maliban sa pagbabantay sa mga apo ko?" Tanong sa kaniya ni Lola Thorna.
"Lola! Hindi na kami mga bata!" Menesis almost shouted that made us all laugh.
"Ahm 'yon po, isa rin akong estudyante sa Natharia Academia at masasabi kong magaling talaga sila magturo basta sa pakikipaglaban. Maganda din ang estado doon dahil matutulungan mo ang sarili mong lumakas. At tiyaka po, hindi naman po mahirap maging kaibigan sina Menesis at Genesis... hindi rin po sila mahirap bantayan." Ngiting tugon ni Donessa na siyang ikinailing ko na lang habang nakangisi.
Babaitang ito talaga!
"Hindi ba at may pasok pa kayo?" Tanong sa amin ni Lola Thorna.
"Weekend ngayon, Lola. Walang pasok." Agad kong sagot sa kaniya at sinubo ang kanin.
"Pupunta rin po kami ng bayan, naisip namin kayo ni Genesis kaya dumaan na rin kami rito." Napatango ako sa sinabi ni Menesis.
"Napaka-sweet naman ng mga apo ko, sige at pagbutihin niyo ang pag-aaral dahil magagamit niyo din ang mga natutunan niyo balang-araw." Litaniya ni Lola sa amin. Napatingin naman siya kay Donessa na ngayo'y humihigop ng sabaw. "Donessa, iha." Tawag sa kaniya ni Lola.
"Bakit po, Lola?" Tanong sa kaniya ni Donessa pabalik.
"Donessa, sa mga mata ko ay walang nakakalagpas na sikreto. Kaya payong matanda lang, huwag kang matakot harapin ang hinaharap at patuloy mong protektahan ang mga importanteng nilalang na nasa paligid mo. Balang-araw malalaman din nila ang sikreto mo." Natigilan ako dahil sa narinig ko mula kay Lola. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba dahil roon at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan!
Anong ibig-sabihin no'n ni Lola? Anong sikreto ang sinasabi niya?
Napatingin ako kay Donessa na namumutla na dahil sa sinabi ni Lola Thorna. Ang kaniyang labi at mga kamay ay nanginginig na habang unti-unti niyang niyuyuko ang kaniyang ulo. Nakaramdam ko ng awa sa kaniya pero mas umaangat ang pagkakalito ko sa sikreto na binanggit ni Lola.
Ano ba ang sikreto na itinatago ni Donessa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro