Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Menesis


Sa eskwelahang 'to, walang libro, notebook at ballpen na gagamitin kung hindi lakas, talino at kapangyarihan. Kung wala ka sa isa sa mga requirements na 'yon ay hindi ka talaga makakapasa, lalo na sa entrance exam na nangyari. Kung wala kang kaalam-alam, delikado ka sa lugar na 'to lalo na kung mahina ka. Hundred percent sure akong pagdidiskitahan ang kung sino man ang mga mahihina lalo na no'ng lalaking 'yon.

"Okay na ba si Don?" I carefully asked Donessa while she's feeling blue about what happened to her brother. Even if I am in her shoes, I'll feel the same thing. Rage, concerns and sadness. That God is impossible to deal with, he doesn't know how to limit himself and he doesn't know how to set boundaries. He is too full of himself as if he was the most powerful specialist here!

That fucker!

Naaalala ko na naman 'yong lalaking 'yon na pinatalsik ko sa isang araw! Fuck him! He deserved it anyway! Tsk! Ilang araw pa nga lang kami dito pero halos lahat dito kaaway na namin! Those stupid brains are corrupted by their attractions toward those fucking Gods and Goddesses who did nothing but to boast about their titles! They are nothing but weak and idiots!

Mga Diyos at Diyosa nga pero wala namang silbi sa lugar na 'to! Imbis na maging magandang ehemplo sa mga nag-aaral rito, sila pa mismo ang naging mga demonyo! Hindi ko na lang talaga alam kung anong magiging reaksiyon nilang lahat kapag nalaman nila kung sino talaga kami.

"Ah, oo. Thank you for saving my brother, Menesis. No'ng makita ko ganoon ang itsura niya? Duguan at kawawang-kawawa? Wala na akong ibang naisip na ibang paraan kun'di ang patayin ang lalaking 'yon.... I really want to kill that God of Light! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ni Genesis, siguro pinaglalamayan na siya ngayon!" She angrily uttered while gritting her teeth. I sighed deeply. Kawawang-kawawa nga talaga kapatid niya kahapon, sobra.

"We cannot kill them Donessa, you already knew the consequences if we'll do that. And besides, they are strong as well. Kung pagtutulungan ka nila, wala kang kalaban-laban. And I know that there's someone backing them up that's why they are acting so superior." Genesis softly stated that made me nodded, she's right. We have to do something without killing them. If we do, we'll put our lives in danger and that's too hard to handle anymore.

What we want is a peaceful life here while seeking for answers but to think thoroughly, we cannot achieve it anymore because of what happened from those previous days. They already knew our faces, they already knew how capable we are and how fierce we are as well.

Alam na nila na wala kaming kinakatakutan.

Masiyado pang maaga. At alam kong nagsisinungaling lang din si Genesis sa sinabi niyang walang kalaban-laban si Donessa. Pero kapag tutulong kami na kahit si Genesis lang, alam kong kayang-kaya niya ang mga loko-loko na 'yon.

Pero nag-iingat lang talaga kami.

"Wala akong pakialam Genesis! Kapag involve kapatid ko, gagawin ko ang lahat basta maprotektahan siya!" Matigas na turan ni Donessa na siyang sikreto kong ikinangisi. I understand her, I understand her anger. "Kahit ano mang parusa ang kakaharapin ko basta ang kapalit lang ay ang kaligtasan at katahimikan ng kapatid ko, tatanggapin ko." She added.

She is a good sister.

"But we need to be careful sometimes Donessa, okay? Huwag tayo padalos-dalos, we have to plan first before doing such things. You have us, you're not alone." Sabi ko sa kaniya na siyang ikinatigil naman agad nito at napatingin sa akin. I smiled a bit at her, at least she knew that we are now here.

I like Donessa's attitude knowing that she is too gullible, easy to be with and kind. Huwag nga lang talaga inaapi ang kapatid niya dahil sa magbabago at magbabago talaga ang ugali na meron siya. At kahit kung sino naman ay ganoon rin ang magiging ugali kapag kapatid na ang pinag-uusapan.

"Donessa," I called her name. "That guy, 'yong pinatalsik ko kahapon? Siya ang Diyos ng liwanag diba?" Tanong ko sa kaniya na siyang dahilan kung bakit siya napatango. Huminga siya ng marahas at tila naalala na naman ang ginawang masama ng lalaking 'yon sa kapatid niya.

"Siya lang ang kilala ko dito 'nong wala pa kayo sa school na'to. Why? Dahil siya na lang palagi ang isinusumbong ng kapatid ko araw-araw! He is a damn bully. He is always bullying my brother! Ni kahit dadaan lang sa harapan niya ay sinasaktan niya! Kaya hindi ko na nakayanan ng sumobra na ang ginawa niya sa kapatid ko. Nandilim talaga ang paningin ko ng makita ang kawawang kalagayan ni Don!" She madly uttered.

That guy is really doom.

"Milagrong wala si Demeter ngayon?" Sambit ni Genesis kaya nilibot ko ang buong cafeteria para hanapin siya. Walang ni bakas niya at tanging ang masasamang mga titig galing sa mga naririto lang ang nakikita't napapansin ko.

"Lalabas lang ako saglit, Genesis. Gusto ko muna magpahangin, dito kasi, puno ng polusyon." Tila nagsinghapan ang mga kababaihan sa narinig nila sa'kin. Napangisi na lang ako dahil sa sinadiya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig nila

Wala na silang ginawa kun'di ang maki-chismis. Mga ambisyosang palaka!

Napahagikhik na lang ang dalawa sanay tango kaya umalis na ako at dumaan sa mga kababaihang hindi matigil ang pagkakatingin sa akin ng masama. Nang hindi ko na talaga makaya, lumapit na ako sa kanila. Tinaasan nila ako ng kilay kaya gano'n rin ang ginawa ko. Akala niyo ah.

"Oh, bitch is here! What do you want, beauty? We can give you some." Ngising sambit niya pero nginitian ko lang siya ng matamis pabalik. Teka, pang-iinsulto ba 'yon? "Alam mo na, mukhang kinulang kayo eh." At nagsalita pa nga talaga ulit.

Her other minions laughed because of what she said, like monsters growling evilly. Nagmumukha silang tanga sa mga make-up nilang hindi naman bagay sa mga mukha nila! Ni hindi man lang nila kayang lagyan ang leeg nila ng foundation! Ano 'yon, ang mukha lang nila ang maputi tapos leeg nila maitim? Tangina ang pangit! Para silang eyeshadow na color green na inihalo sa kulay violet katulad sa babaeng nasa harapan ko ngayon!

"Beauty? Tanga wala ka no'n! Nag-make up ka na lahat-lahat pero 'yang itsura mo mukha pa ring paa!" Singhal ko sa kaniya kaya napatayo siya na may galit na sa mga mata. Ngumisi ako dahil sa agad siyang naasar sa simpleng pang-aasar lang na 'yon. "Kung wala ka lang dede at hindi nakapangdamit pambabae? Baka napagkamalan na kitang matandang bakla! Buysit na eyeshadow 'yan!" Dagdag ko pa at narinig ko na lang ang buong tawanan sa paligid.

She was about to slap my face but she was stunned for I don't know the reason. I narrowed my eyes when I noticed that she's looking at my back and that made me stiffened a bit.

"Don't you dare," natigilan ako dahil sa malalim na boses na 'yon. "This is not the right place for your cat fights." I heard from him again and that made me sighed aggressively. I exasperatingly face the person behind me and one of the Gods surprised me. He is now looking at me intently like I am a subject that he needs to learn.

"S-Sorry Ignite." Ang kaninang tigre kung umasta na babae ay ngayo'y parang tuta na nangangailangan ng butong makakain! Sus! Pabebe agad 'tong babaeng 'to! Pati mga alipores niya ay parang natahimik rin at nagliliwanag na ang mga matang nakatingin sa lalaking nasa gilid ko! Ang sarap dukutin ng mga mata nila.

Huminga na lang ako ng malalim at iritang umalis sa harapan nila. Malapit na rin naman ako sa pinto kaya agad ko 'yong binuksan at padabog na isinarado. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na lang may humigit sa braso ko na siyang ikinagulat ko talaga! Hindi ako sanay na hinahawakan ng lalaki!

"Ano ba?" Inis na harap ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa mga mata ko. Binawi ko kaagad ang braso ko mula sa pagkakahigpit nang pagkakahawak niya at agad dumistansiya sa kaniya.

Is he planning to break my arm?

Hindi siya nagsalita at tila wala rin siyang planong magsalita kaya agad na akong naglakad papalayo roon. Pero natigilan ako dahil sa ramdam ko ang presensiya niya na nakasunod lang sa akin. Huminga ako ng malalim at agad lumiko sa may isang madilim na parte ng lugar at natigilan ako ng mapansing hindi ito ang lugar na inaasahan kong makikita! Mukhang abandonado ata 'tong maliit na gusali at ni isang specialist ay wala akong napansin!

"Bakit mo 'ko sinusundan?" I asked while gritting my teeth, controlling myself not to be fucking mad at him. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siyang muli.

"What do you think?" Tanong pabalik niya sa akin na siyang halos ikahulog ng panga ko! Tangina ba siya? Baliw ba siya? Ako ba'y ginagago ng lalaking 'to?

"Ako ba ginagawa mong bobo, ah? Ikaw 'tong sunod nang sunod sa akin tapos 'yon ang isasagot mo sa tanong ko? 'What do you think?' Putangina ka ba?" Halos sigaw ko na sa kaniya. Pero mukhang wala namang ibang narito kaya sisigaw ako sa kung kailan ko gusto.

"I just want to know your name," he timidly uttered that made me raised my right eyebrow. The fuck? If he just want to know my name the he can just ask me right away! Not in a way that he almost broke my arm! And stupid fuck! We are not even close so why does he want my name?

I smirk, "what a stupid lame reason! Do you think I'm brainless, ha? If you badly want to ask my name, you could just ask me right away! Hindi naman ako madamot sa pangalan ko at tiyaka, ganiyan ka ba talaga? Hoy, hindi kita kaibigan at hindi tayo close!" I retorted and still manipulating my temper! This is the first time that I am controlling myself not to explode for so damn many times!

Lalakad na sana ulit ako papalayo sa kaniya nang may lumalagablab na apoy na ang nakaharang sa akin. Natigilan ako do'n at hinay-hinay ulit na humarap kay Ignite. Mabilis niya 'yong ginawa na hindi ko namamalayan.

He made a fire wall so that I can't escape, huh?

"So ano nga ang gusto mo?" Walang gana kong sabi sa kaniya at humarap at nakikita ko ngayon na umaapoy na ang kaniyang mga mata. His red eyes are now igniting like a torch, while he is gritting his teeth like he's also trying to control his temper. He's actually good-looking, with a caucasian skin, towering height and an attractive appeal. His hair is black, his eyebrows as well. May mga estudyante kasi na mina-match nila ang buhok sa kapangyarihan nila na hindi ko alam kung bakit.

He is attractive, to be honest. With that defined jaws, perfectly sculptured greek nose and almond shape eyes... hindi rin nagpapatalo ang cupid's bow-like shape lips niya. Literal at natural sa isang specialist na napasahan ng responsibilidad galing sa isang Titan. Pasalamat siya ay nagagawa ko pa siyang i-compliment kahit mukha siyang tangang sunod nang sunod sa akin.

"Don't you know me?" Napataas ang kilay ko sa nakakabobo niya na namang tanong. Ano bang problema nito at parang wala siya sa sarili niyang mundo? Ito ba ang sinasabi nilang lider?

"You're Ignite, 'yon ang narinig kong sabi ng babae kanina. Ano pa ba ang kailangan kong malaman, tungkol sa'yo?" Hindi ko mapigilang inis na sabi sa kaniya. Tatalikuran ko na sana siya ulit pero mas tumaas at lumagablab pa ang apoy! Hanggang sa unti-unti na itong pumapalibot sa amin. Wala na akong makita kung hindi ang kaniyang apoy na may kaunting halong itim na kulay at ang kaniyang buwiset na mukha!

This fucker is so annoying!

I am starting to feel the heat energy from his fire and I am also starting to feel exasperation with his stupid gestures! What does he really want from me, aside from my name?

Patuloy pa rin ang pag-apoy ng kaniyang mga mata... if I just can use my power here baka hindi na siya humihinga ngayon. Pero sa kasamaang palad ay God din ang kaharap ko kaya hindi ko dapat basta-basta gamitin ang kapangyarihan ko in front of him. Balitang-balita na sa buong Natharia na hinahanap ng mga 'to ang mga hidden Gods and Goddesses kasama na ang cursed twins sa hindi ko malaman ang dahilan.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang kaming nagkakatinginan. Ilang segundo ay gulat na lang ako nang batuhin niya ako ng apoy na lumalagablab! Puta! Anong problema ng isang 'to?

A fire with combination of black fire telling that he's really different among the other fire specialists! That he is really a damn God!

Umiwas na lang ako ng umiwas at bato din siya ng bato. Hindi ko alam hanggang kailan siya magiging ganito at hindi ko alam kung bakit siya nagiging ganito! Kung palagi kaming ganito, hindi ko alam pero mapipilitan talaga akong labanan siya!

"Bakit hindi mo ilabas ang kapangyarihan mo, babae?" Wait, is he trying to test me if I am different as well? I narrowed my eyes when I realized something!

Nang hindi na ako nakapagpigil ay agad ko ng ginamit ang kapangyarihan kong gravity manipulation at kinontrol ang apoy niya na mapunta sa itaas ng kalangitan. Kung titignan ngayon, para nang nagliliyab ang kalangitan dahil sa ginawa ko. Nagulat siya do'n at tila may gusto sanang sabihin sa akin pero hindi ko na siya hinayaan at umalis na ako sa harapan niya.

What a fucker.

Dumiretso ako sa dorm at naabutan ko do'n and dalawang nag-uusap. Huminga na lang ako ng malalim at umupo sa tabi ni Menesis sa sofa.

"They are looking for the hidden Gods and Goddesses in whole Natharia. Mahihirapan sila kung ang hinahanap nila ay ayaw magpahanap." Rinig kong sabi ng kambal ko. Naalala ko na naman ang Ignite na 'yon na halos sunugin na ata ako dahil lang sa gusto niyang malaman ang pangalan at kapangyarihan ko!

Nasa grupo na nga nila ang mga nakakairitang nilalang!

"Anong nangyayari?" Napalingon sila sa akin. Tumayo si Genesis at hinarap ako.

"Hinahanap na nila ang iba pang Diyos at Diyosa... mukhang may plano silang gustong gawi--ay teka nga muna, saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah? At tiyak nakita rin namin kung paano ka sundan ng Diyos na 'yon kanina." Nanliit na tanong sa akin ni Genesis na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Inis pa rin ako hanggang ngayon at kung hindi ko kinontrol ang galit ko, baka wala ng malay ang lalaking 'yon.

"He just want to know my name, Genesis. Don't worry." Ending, hindi niya nakuha ang pangalan ko. At tiyaka bakit ko naman ibibigay ang pangalan ko sa lalaking may saltik sa utak at nakakabobong kausap?

"Wait, are we going to help them?" Pag-iiba ni Donessa.

"At bakit natin sila tutulungan?" I immediately disagreed. I don't want the idea that we are helping those brainless creatures. They did nothing but to give us headaches!

Huminga ng malalim si Donessa, "hindi ko rin alam pero sabi-sabi ay baka isa tayo sa tutulong sa kanila." Agad akong natigilan sa sinabi niya. "May nakakita kasi sa isa sa mga propesor ang ginawa natin sa mga Diyos at Diyosa." No way!

"After what they did to your brother?" Halos pagalit ko ng turan pero wala siyang ibang naging reaksiyon kun'di ang ngumiti ng tipid.

"It was Bill, Menesis. Siya lang ang problema ko. Hindi naman kasali ang iba at tiyaka nakiusap ang isa sa mga babaeng Diyosa at nanghingi na rin ng despensa. Willing naman ako, basta hindi lang gagawa ng kalokohan ang Bill na 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya at napatayo sa sofa.

"Are you serious, Donessa?" Halos pagalit ko ng sigaw sa kaniya. Teka, hindi ako makakapayag na samahan ang mga gagong 'yon! Lahat sila ay nay tuliling at mahihina ang utak kaya paano namin sila pakikisamahan?

"Enough, Menesis. It was the headmaster of the academy's decision. I heard it." I weakly stared at my twin but she is just seriously looking at me... meaning, she's telling the truth. I unbelievably sat down again on the sofa.

"N-Nahihiya pa nga ang babae dahil sa kalokohan at kabaliwang ginawa ng kasama niya but she already apologized, Menesis. Siya na ang nanghingi ng sorry para kay Bill." Donessa almost mumbled and that made me sighed. Psh, they doesn't even know that their leader is also a stupid fucker! He almost wounded me just because he was just curious about my name and power!

"Hindi ako makapaniwala na magso-sorry sila kapag may kailangan! Eh kung walang hanapan na magaganap? Are they not going to say sorry? Ang dapat talaga gawin sa kanila ay turuan ng leksiyon!" Inis kong sabi.

"Iyan din ang naisip ko kanina pero, they really need our help. Nasama nga si Demeter at isang babae na hindi ko naman kilala. Demeter's power is useful in case if we'll encounter wild creatures and I heard from the others, that the unknown girl has the power to wield holograms. She knew how to spot all the other hidden Gods and Goddesses using her technology related power." Mahinahong paliwanag ni Genesis.

Huminga na lang ako ng malalim. At least Demeter is there.

"So anong kinalaman natin? They can do what we can do. They are Gods, and Goddesses, kaya bakit pa nila kailangan ang tulong natin?" Taka ko pa ring turan sa kanila.

"They knew that we are different, Menesis. Tayong tatlo, alam nila na may kakaiba sa atin. They are triggered because we can fight back. Like you, you just threw one of them using your power without being scared. Alam ng lahat na malakas si Bill, at hindi basta-basta nagpapatalo sa mga laban kaya alam nilang may kakaiba sa'yo. Same goes with me and Donessa." I was stiffened.

Mukhang naging kasalanan ko pa!

"I controlled one of them, I controlled that woman's hands that's why they knew that I am also different. That applies to Donessa as well, she just entered the base of the Gods and Goddesses and almost executed Bill."

"Sa labanan ay kailangan nating alamin ang kahinaan at kalakasan ng kalaban. Kailangan nating maging matalino at malakas para hindi tayo ang maagrabyado. We need enough speed, intelligence at strength... not just our powers. Nauubos ang enerhiya natin at kapag nangyari 'yon, kailangan nating matutong lumaban gamit ng pisikal." Isinautak ko agad ang mga pinagsasabi ng propesor na nasa harapan namin ngayon. Sa pagkakaintindi ko, siya ang nagsabi sa pinakaitaas tungkol sa paglaban namin na walang takot sa mga Diyos.

And yes, she's actually right. Hindi dapat laging ginagamit ang kapangyarihan namin lalo na't nauubusan din kami ng enerhiya. Kailangan din nating malaman kung paano lumaban ng pisikalan at makapag-isip ng mga tamang plano para matalo ang mga kalaban. Ang kapangyarihan ay nauubos kapag wala ng enerhiya sa katawan, pero iba pa rin ang enerhiyang ipinapalabas ng pisikal.

She already discussed about the differences of Classes here in Natharia. And how it works with the missions, and how dangerous it is and how easy it is to accomplish if we have enough strength and communication together. Unity is one of the weapons to achieve victory.

Lola Thorna is right, the professors here can really expound about the things that's happening here in our little world. We are gaining such info, knowledge and secret skills from them. Kung sana ay ordinaryo lang kami ni Genesis ay baka mas gaganahan pa ako lalong pumasok tapos gagawa ng mga misyon, tapos tutulog, kakain at papasok ulit. Kung sana gano'n lang kadali ang lahat.

"Tara na Menesis," hindi ko namalayan na nag-ring na pala ang bell at inaaya na ako ngayon ni Genesis papuntang cafeteria. Usual days after classes, diretso palagi sa cafeteria kahit nandoon rin palagi ang mga mukhang paa at puwet.

We were about to walk in the hallway when somebody grabbed my hair that made me shrieked! I immediately felt the pain from my scalp because of the tightness of that stranger's hands while grabbing my damn hair!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, babae?" Rinig kong galit na sigaw ni Genesis na siyang ikinaigting ng mga panga ko.

I moved swiftly to check who's the witch that's pulling my hair and an unfamiliar face appeared in my front. I glared at her deadly.

"Sila madadala mo sa ganiyang-ganiyan mong tingin pero not me. I can pull out your eyeballs away from your face if I want to!" I was about to talk when she suddenly slapped me so fucking hard that made me growled in pain! The slap is so painful that I almost hit my head on the wall!

"Argh!" Sakit na daing ko. Nagulat ako nang tumilapon rin si Genesis sa tabi ko na siyang agad kong ikinaalerto.

Who the fuck is she?

Agad kong hinawakan ang kamay niya at inihiwalay sa buhok ko. Lumayo ako ng iilang distansiya sa kaniya at hinaplos ang leeg ko. Lumapit ako kay Genesis at tinignan kung maayos lang siya... mabuti na lang wala siyang galos na natamo. Galit ko muling hinarap ang babae na ngayo'y nakangisi lang sa akin. May mahaba siyang pulang buhok na aabot na ata sa baywang niya at kung gaano kapula ng kaniyang buhok, ay ganoon rin kapula ang kaniyang mga mata na para bang apoy na nagliliyab.

Pero hindi ako papayag na hindi ako makakaganti! Wala akong pakialam sa kaniya! Kung ano mang rason niya ay hindi ko siya mapapatawad dahil lintik lang talaga ang walang ganti!

Dahan-dahan akong lumapit sa babaeng nakangisi ngayon. Hinihintay niya ang paglapit ko sa kaniya at akmang sasampalin niya ulit ako pero bigla nalang lumitaw si Donessa sa harapan ko at agad sinakal ang babae!

"How dare you to hurt my friends, Athena?" Hindi ko makita ang mukha ni Donessa dahil nakatalikod siya sa amin pero ramdam ko ang galit nito ngayon at panggigigil.

"O-Oh really, friends? Mayroon ka no'n?" Kahit hirap na hirap ang babaeng tinawag ni Donessa na Athena, pilit niya pa ring ipinapakita ang sarili niya na malakas siya at maldita. Pakiramdam niya na magaling siya at wala siyang pakialam sa kung ano man ang narinig niya tungkol sa amin.

"Do you want me to repeat that, huh?" Malamig na turan ni Donessa sa kaniya pero wala ng maisagot ang babae dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa leeg niya. Hanggang sa pagkatapos ng isang segundo ay ibinalibag siya ng kaibigan namin sa semento na siyang ikinasigaw nito ng malakas.

Tangina! Ganiyan nga, Donessa!

"Argh!" She painfully growled. She was about to stood up but Donessa stepped on her face.

Donessa is really damn amazing. Pero hindi niya naman kailangang gawin 'yan dahil kaya naman namin ni Genesis. Kayang-kaya ko. It's just that, I was shocked because of her sudden move. Fuck that Athena! Fuck her! No one slapped me ever but fucking her!

"If you'll lay your hands again to them, I will make sure that you won't breath anymore." Diing sabi ni Donessa at agad lumayo sa babae. Agad niya kaming nilapitan. Nginitian ko siya na siyang gano'n rin ang ginawa niya at agad siyang dinaluhan.

I think it's also a good thing na hindi ako ang lumaban sa babaeng 'yon. At least, they wouldn't know about my real powers. And this is not the right time to punish someone who's evil, may kalalagyan rin siya.

"Ayos lang ba kayo?" Pag-aalala niyang tanong sa amin kaya tumango kami sa kaniya ng sabay. Kaya namang gamutin ni Genesis ang sarili niya at madali rin namang magagamot ang hapdi sa pisngi ko.

"Salamat Donessa, we owe you one." Pagpapasalamat ko kaagad sa kaniya na siyang ikinatango niya. Nilingon ko si Athena at nakitang wala na siya doon at tila nahimasmasan sa ginawa niya sa'min. Pero hindi dapat kami mapakampante, alam kong hindi rito natatapos ang paghaharap namin ng babaeng 'yon!

"Okay lang 'yon. At tiyaka, hindi ko kayo hahayaang masaktan lalo na't kayo ang tumulong sa akin do'n sa kapatid ko. Kaya wala pa sa kalingkingan ang tulong kong 'to sa inyo." Bigla na lang siyang niyakap ni Genesis, napailing na lang ako at napangiti. She doesn't need to do anything just to repay us.

"I need to say something," tumingin silang dalawa sa akin. They confusingly stared at me that I almost chuckled because of their reactions. "Relax, I just want to let you know what I am feeling right at this moment." I added.

"What is it Menesis?" Takang tanong ni Genesis kaya napangiti ako. Wala lang, napapangiti lang ako sa naisip ko.

"I just thought, how about a mini celebration? Hmm, a celebration because we have another sister?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro