Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Menesis


Kahit kailan hindi namin pinangarap na maging makapangyarihan sa lahat at hindi namin pinangarap para maging isa sa mga pinakamalakas sa buong Natharia. Para sa amin, hindi na 'yon importante lalo na't alam namin kung gaano kagulo ang mundong 'to. Ako, isang dalagang naghahangad lang ng masagana, mabuti, mapayapa at malayang buhay... malayo sa mga gulo, kapahamakan, digmaan at sa kadiliman.

"Ito ang una niyong pasok sa Natharia Academia at kailangan niyong mag-ingat dahil hindi kayo ligtas. Alam niyo kung gaano kadelikado kapag nalaman nila ang kapangyarihan ninyo." Seryosong sambit ni Lola Thorna na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Alam na namin 'yon, matagal na, kaya hindi ko alam kung biyaya ba ang kapangyarihan na meron kami o sumpa.

"Kung delikado din po pala eh bakit kami papasok pa do'n, Lola? Alam niyo na kaya na naming kontrolin ang mga kapangyarihan namin at kahit hindi kami pumasok, makukuha at makukuha namin ang mga sagot." Sagot ko kay Lola habang nakatitig sa berde niyang mga mata.

Sa mga oras na 'to, alam kong tirik na tirik ang araw pero hindi naman 'yon masakit sa balat lalo na't pinalilibutan kami ng marami't naglalakihang mga puno. Sa likuran ng munting kubo namin ay makikita ang samo't saring mga bulaklak na may mga kakaibang amoy at kulay.

"Pero kakailanganin ninyo, apo. Bihasa ang kanilang pagtuturo doon sa Natharia at kailanman ay walang nabibigo na mga propesor doon. They can teach you how to control yourselves and your powers more and you can also immediately find the answers that you're looking for." She almost whispered that made me sighed. And that's the hardest thing because even we already knew that we can handle ourselves, still, it's a question if we really can find the answers by our own.

Natharia Academia is one of the ways that can give us answers, so even if we don't want to enroll, we still have to because what we are looking is possibly in that place.

"Pero lola, paano kung malaman nila ang tunay na kapangyarihan namin?" Alalang tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.

"They can't find both of you because most of them didn't know what are the real presences of powerful ones. Well, malalaman nilang malalakas kayo apo but they will not thought that both of you are two of them." Pahayag ni Lola.

"Lola is right, Menesis." Napatingin ako sa babaeng pababa galing sa hagdan. Napangiti na lang ako nang makitang nakasuot siya ng floral dress na kahit hindi siya sanay, pero pinilit niya pa rin.

Sinabi ko kasi na gano'n ang isuot niya para twinning kami.

"Pero kung sakali lang naman Genesis." Sambit ko hanggang sa unti-unti ko ng naamoy ang pabango niya.

"Maraming napapahamak sa maling akala Menesis. We should try it then, because we need it. We need to be trained, our powers need to be enhanced at kailangan din nating harapin ang katotohanang wala tayong magagawa kun'di suungin lahat ng mga pagsubok kahit delikado. Sa paraan na 'yon, mas lalo tayong mahuhubog."

Well typical Genesis, she is the mature one than me. She is always on point and knows how to limit herself when it comes to things. She is so unlikely of me, I just go to the flow while her, she observed things first before taking risks. She's my twin but we are not identical, how I wish we were so that we can execute our mission together.

Mas matanda siya sa akin ng dalawampung segundo, kaya hindi nakakapagtaka na dalawampung segundo rin ang pagkaka-advance ng utak at ang pag-iisip niya sa'kin.

"Wala tayong magagawa kun'di gawin ito dahil alam natin na ito ang nararapat at tama." She seriously stated that made me sighed. "Your papers are already in your backpacks and all you need is to be safe. Don't show too much of your power, you already knew how dangerous it is. Don't worry, all of your needs are already in Natharia Academia, maybe, the answers in your questions too." Dagdag pa ni Lola Thorna at wala akong nagawa kun'di tumango na lang.

Alam na alam ko na para naman sa amin ang ginagawang 'to ni Lola, alam ko naman na hindi niya ipapahamak.

Napatingin ako saglit sa salamin dito sa sala at nakita ang itim kong buhok na nasa balikat lang ang haba. Kitang-kita ang kinis at maputi kong balat lalo na't hindi kami babad sa init, at kumikinang rin ang itim kong mga mata na para bang mga mamahaling bato ito.

"Kung hindi lang dahil sa kanila ay hindi tayo magiging mahirap makakuha ng magandang buhay. Dahil sa kanila, ang mga specialists ay ayaw tayong mabuhay dahil sa kapangyarihan na meron kami." Genesis suddenly uttered that made me me feel kind of blue. Well, what we just want is to live freely and peacefully, without doubts and danger.

Pero dahil sa kanila, nasira ang pangarap namin ni Genesis na mabuhay ng payapa!

"Pero hindi dahil sa kanila ay hindi tayo mabubuhay Genesis, 'yon na lang ang itatak natin sa isipan natin." Mahinang turan ko na lang na kahit alam kong labag sa kalooban ko, wala na akong ibang masabi kun'di ang mga salitang 'yon.

"Tama ka," Sabi niya nalang na may malungkot na ekspresiyon. "Dahil sa kanila, nasa mundo tayo ngayon at nabubuhay." Dagdag niya.

"Siya! Siya! Tama na yan! You will be late at the ceremony. Ceremony there is one of the most important events in that school at bawal ma-late. Hindi ka makakapasok kung gano'n ang kalalabasan." Lola Thorna butted in.

"Then we should be late then, Lola." Sabi ko habang may mabigat na dinaramdam.

"Menesis," they called my name together that made me sighed so deep. How I hate this world! How I hate those specialists!

"Huwag kayong mag-alala mga apo, nandito ako para protektahan kayo. Nandito ako na kakampi niyo at masasandalan niyo... nandito ako para suportahan kayo sa gusto niyo." Napangiti ako ng tipid sa sinabi ni Lola dahil alam namin ni Genesis na hinding-hindi niya kami iiwan... at gano'n rin kami sa kaniya.

"Huwag mag-alala, Lola. Dahil pagkatapos ng problemang 'to, magiging payapa na ulit ang buhay natin. Mamumuhay tayo ng matiwasay at tahimik, malayo sa mga problema. Kapag nahanap na namin ang sagot, lalayo't lalayo tayo rito." Genesis uttered back, I nodded because that's what I want to tell Lola as well.

Sa pagkapasok namin sa akademyang 'yon, sisiguraduhin kong gagampanan namin ang kinakatayuan namin bilang mga specialist na may magagandang puso. Pagbubutihin namin na maging mas malakas para maprotektahan ang mga nangangailangan, ang mga mahihirap at ang mga walang mga boses para ipaglaban ang kani-kanilang mga sarili!

Agad akong nagpaalam kay Lola bago lumabas ng bahay. Ramdam ko ang pagsunod sa'kin ng kapatid ko na siyang ikinangiti ko na lang.

"Let's go Menesis." Aya niya na siyang ikinatango ko. Ngumiti ako sa kaniya at gano'n rin ang ginawa niya hanggang sa lumitaw ang kakaibang pinto sa harapan namin.

A white door, our portal.

"So this is the Natharia Academia, huh?" Bulong ko at nakatingala sa matangkad at malapad na gate na siyang humaharang sa pagitan ng akademya at sa labas nito. May dalawang letra pa na nakaukit sa magkabilang gilid ng malaking gate at nagliliwanag ng mga 'yon.

N. A.

"We have to go Menesis, we don't have enough time to fantasize this wide and big academy, the ceremony will start any minute now." Tumango na lang ako sa sinabi ni Genesis habang hindi pa rin humihiwalay ang mga tingin ko sa napakalaking gate. Ramdam ko pa ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong paligid na halatang protektado ng malakas na proteksiyon mula sa mga kalaban.

Kalaban. Hindi ko alam kung sino nga ba talaga ang tunay na kalaban, at sino sa kanila ang kakampi.

Pumasok kami sa mini door na katabi lang ng malaking gate at nadaanan pa namin ang dalawang kawal na seryoso lang kaming sinuri. Ipinakita namin ni Genesis ang sulat na siyang galing mismo sa akademya na nagsasabing imbitado kami para sa seremonya.

Pagkapasok namin ay agad akong nalula nang makita kung gaano kalaki at kalawak ang loob! Halos mahulong pa ang panga ko dahil sa nasisilayan na parang isang magandang paraiso! Hindi ko talaga inaakala na may ganito kagandang lugar sa mahigpit at mapanghusgang mundong 'to! Na pati ang araw ay nakangiti sa amin ngayon na siyang ikinangiti ko na lang rin pabalik.

At hindi 'yon ang umagaw sa atensiyon ko, kun'di sa isang malaki't matangkad na rebulto ng isang lalaki. Nanliit ang mga mata ko pero agad ring ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata ko.

"Let's go there," turo ni Genesis sa mga specialist na naka civilians. Mukhang katulad namin silang mga enrollees kaya hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad tumipon sa karagatan ng mga gustong pumasok sa akademya.

"Hindi ko aakalain na magkikita ang karagatan at kalangitan rito dahil sa rami ng inyong bilang! Nakakatuwa lalo na't kitang-kita ko sa inyong mga itsura na gustong-gusto ninyong makapasok sa aming akademya." Lahat ay napatingala sa rebulto at nakitang may isang lalaki roon ang nakatayo. Nakakrus pa ang mga braso at mula rito sa kinakatayuan ko, hindi ako nagkakamali at kitang-kita ang ngisi sa mga labi niya. "Pero hindi kayo dapat maging kompiyansa lalo na't ang akademya na 'to, hanap ay malalakas at matatalino... hindi takot sa pakikipaglaban at hindi takot sa kamatayan. Sa tingin niyo, makakapasok kayo rito?"

"Yes sir!" They shouted like a dog. I smirked. Well, I am starting to like the ambiance here and looks like this academy is not that cheap as well.

May kumalabit sa aking likuran kaya napalingon ako and then merong babaeng nakasuot ng blacksuit na may hawak-hawak na mga papel. Nakita kong may name tag and may nakaukit na 'secretary' kaya napa 'oh' nalang ako at kinuha sa bag ang mga papers. Ibinigay ko sa kaniya ang mga papel at sulat matapos kong makuha ito sa bag. Pansin kong gano'n rin ang ginawa ni Genesis na siyang ikinangiti ko na lang ng matamis.

I am so damn excited for no reason!

"The rule is simple, you just have to earn a thousand points." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng matanda. "Isang libong puntos bago kayo maging kabilang sa Natharia Academia, at sasabihin ko na ito sa inyo ngayon... hindi madaling makuha ang mga puntos na 'yon lalo na't isang oras lang ang ibibigay namin." I am still confused!

Tumingin ako sa secretary na nasa gilid ko at tila nakatitig lang siya sa lalaki. Kinalabit ko siya na siyang dahilan kung bakit siya napatingin sa'kin.

"Bakit?" She softly asked that made me smiled at her.

"Anong gagawin namin?"

She smiled sweetly and it almost stuns me because of her beauty! "Papasok kayo sa ilusiyon at doon, makakalaban niyo ang mga halimaw na gawa sa hologram na siyang magbibigay sa inyo ng puntos kapag napatumba ninyo... may iba't ibang mga halimaw sa loob na may dala-dala na iba't ibang mga puntos. Mas malakas, mas malaki ang puntos." Hindi ko alam pero para akong kinalabit ng demonyo dahil sa agad akong napangiti ng malapad! Para akong mas na-excite lalo! "Pero huwag kayong mag-alala dahil kapag nasugatan kayo o napatay sa loob ng ilusyon, babalik kayo rito na parang wala lang nangyari." Dagdag pa niya na siyang mas lalo kong ikinagalak!

I thought it will be boring but looks like this ceremony will be exciting as hell!

"And that's our entrance exam." The guy from the statue finally stated and that made us all here screamed because of excitement!

Narinig ko pa ang iba na madali lang daw ang makapasok na siyang ikinailing ko na lang. Hindi ko alam pero inaasahan ko na, na makakapasok kami ng kambal ko. At tiyaka sa narinig, mukhang hindi nga talaga gano'n kadali ang magiging entrance exam lalo na't alam kong hindi nila kami bibigyan ng madaling tasks.

"Alam mo na ang gagawin, Menesis. Kailangan nating makakuha ng isang libong puntos para makapasok... tandaan mo, kailangan nating makapasok." Napatingin ako kay Genesis dahil sa seryosong pagkakasabi niya no'n. Agad akong nag-thumbs up sa kaniya at nginisihan siya.

"I got you, we can pass this entrance exam... with no sweat and blood."

Natigilan ako at biglang nanlamig nang may maramdaman akong kakaibang enerhiya na bumabalot sa buong paligid. Nanigas na lang ang buo kong katawan nang makitang nag-iiba na ang itsura ng paligid at mistula'y nilalamon ng kadiliman. Ang mga malalaki at matatayog na mga gusali ay naging mga patay na puno, hindi lang 'yon dahil marami ring nagsilitawan na mga patay na puno sa buong paligid na siyang nagpatigil sa akin. Naging makulimlim lalo na't ang maliwanag na kalangitan ay naging madilim na gabi! Ang nakangiting araw ay naging maliwanag na buwan habang unti-unting lumilitaw ang malamig na hamog.

And then suddenly, the huge statue turned into a normal but a gigantic rock. And there's a glowing words written on it.

N.A.E.E.

NATHARIA ACADEMIA ENTRANCE EXAM.

"Welcome to my illusion!" Malakas na sigaw ng lalaki na siyang dahilan kung bakit kami ulit napatingin sa kaniya. Ngisi pa rin niya kaming pinapanuod habang kami ay nililibot na ang tingin dahil sa pagbabago ng buong paligid.

His illusion feels real, I can feel the coldness of the fog, the eery feeling from the dead trees and even the light from the moon. He's a damn expert and strong, he managed to make his illusion real as shit!

"Kakaiba ang lalaking 'yan, malakas rin ang kapangyarihan na meron siya." Rinig ko mula kay Genesis na siyang ikinaseryoso ko.

"Isa rin siya sa dapat nating iwasan, hindi maganda ang kutob ko kapag lagi natin siyang mae-engkuwentro." I immediately responded.

"And the exam starts now!"

Pagkasigaw ng matandang iyon ay bigla nalang siyang naglaho at pati ang mga bag na aming dala ay nagsilaho din na parang bula. Biglang lumitaw sa aming harapan ang isang hologram kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga mag-eenroll at sa tabi no'n ay ang magiging posibleng scores namin. Bago ko pa man mapag-aralan ang hologram, agad na itong umangat sa ere na siyang hindi ko na abot at napansing gano'n rin ang hologram ng ibang mga gustong pumasok sa akademya.

"Let's go Menesis." Huminga na lang ako ng malalim sabay tango sa sinabi ni Genesis. Hinay-hinay kaming naglakad habang unti-unting pinapakiramdam ang kapangyarihan ng buong ilusyon.

Hindi pa man lumilipad ang iilang minuto ay bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na ungol na siyang agad naming ikinahanda. Natigilan kami dahil sa parang umuuyug pa ang lupa.

I smirked.

"Ayos ah! Halimaw na mismo ang lumalapit sa atin!" Galak kong sambit at kasabay no'n ay ang paglitaw ng mga naglalakihang mga halimaw. Mas lalo akong natuwa dahil sa matagal-tagal na rin mula no'ng nakipaglaban ako sa mga katulad nila!

"Mukhang malalakas ang mga halimaw na 'to, Menesis, dalawang-daang puntos ang dala-dala nilang dalawa." Rinig ko kay Genesis na siyang nagpangisi pa sa'kin lalo.

"Mas malaki, mas madali... ako na ang bahala sa walang mata na halimaw na 'yan, ikaw na sa taong-lobo." Tumango si Genesis sa sinabi ko na siyang agad ko ring ikinatango.

Tumakbo ako ng mabilis habang ramdam na ramdam ko ang pagdoble ng enerhiya ko. Napansin ko na lang sa ere na may nagliliwanag na siyang dahilan kung bakit ako natuwa. Lumitaw do'n ang itim na espada na sumusunod na rin sa'kin kaya agad ko 'yong inabot at tumalon ng mataas. Pagkababa ko, nasa harapan ko na ang pangit na halimaw.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad tumakbo papalapit sa kaniya. Iwinasiwas niya ang malalaki niyang mga kamay para sana hulihin ako pero hindi niya 'yon nagawa dahil sa liksi na meron ako. Tumalon ulit ako ng mataas at pumatong sa mahaba't malaki niyang sungay na siyang dahilan kung bakit ito umungol ulit ng sobrang lakas at sobrang nakakatakot.

Before it could make a move, I already stabbed its wide forehead that made him groaned horrifyingly. But it was not my final blow and I don't want to finish it with that kind of simple move.

"You shit," ngising turan ko at ginamit ang espadang nakabaon sa noo niya para makatalon.

He is struggling and he is in pain and even he is just a hologram, it feels shitty real.

Before I landed, I already manipulated the sword and then stabbed the ferocious monster in its heart.

Napalingon ako kay Genesis na ngayo'y kaharap ang taong lobo. Malaki ang bibig at naglalaway pa, pulang-pula ang mga mata at kitang-kita ko kung paano ito lumunok ng malalim... na para bang gustong-gusto nitong kainin ng kapatid ko.

Bago pa man ako makapagsalita ay agad na niya itong napatumba ng ganoong kadali. Napailing na lang ako dahil sa hindi man lang niya ipinakita ang maganda niyang galaw katulad ko! Pero ayos na 'yon lalo na't kailangan na rin naming magmadali, kalahating oras na lang at matatapos na ang entrance exam.

Dalawampung minuto ang lumipas ay hingal naming hinarap ang isa-isa ni Genesis, katulad ko, may pagod na rin siyang naramdaman nang mapatay namin ang limang magkakasunod-sunod na malalakas na mga halimaw. Napangisi na kang ako dahil sa ang saya pala sa pakiramdam na ibinubuntong mo ang galit sa mga halimaw!

Tumingala si Genesis at gano'n rin ako, nakita namin na lagpas isang libo na ang puntos namin kaya napaupo na lang ako. Ang kapatid ko naman ay napahawak na lang sa kaniyang mga tuhod dahil na rin ata sa pagod.

"Magpahinga na tayo, Menesis, tutal nakakuha na rin naman tayo ng isang libong puntos... na siyang sigurado akong makakapasok na tayo sa akademya." Aniya na siyang ikinatango ko na lang rin.

"Buysit, bakit ang tagal matapos ng oras? Para kasing mahigit isang oras na tayong nakipaglaban kanina ah?" Takang turan ko at napatingala muli sa itaas. Napansin kong matagal nga talaga ang pag-usad ng oras.

"They did it on purpose, they wanted to give chances to others who can't beat those monsters that easily." Sagot niya naman kaagad sa akin na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Mukhang tama nga siya.

Genesis immediately healed herself and then after that, she healed my whole body with her power. I suddenly felt a sensation within me, a light energy and the tiredness I felt just seconds ago immediately faded.

"Mukhang wala na kayong lakas ah?" Napalingon kami sa isang lalaki na paparating sa amin, nanliit ang mga mata ko dahil sa pagkakaalam ko, hindi kami close. Nakangiti siya sa amin habang nakapamulsa, hindi ko alam kung anong gusto niya pero mukhang hindi naman siya delikado.

He has this towering height and you can tell that he's fond of gym because of those muscles in his arms and legs. His broad shoulders and small waist explains that he really loves to exercise. And suits him well because he has a small face, pointy nose and a natural red cheeks and small lips. And I am more astounded because of his ashes eyes... grey eyes.

Nakatingin sa siya sa akin kaya huminga ako ng malalim at tinuro ang nasa itaas. Napatingala naman siya do'n at napansing nanliit ang mga mata niya.

"Kayo si Menesis at Genesis?" Tanong niya nang mabaling muli sa akin ang mga mata niya. Tumango na lang ako, gano'n rin ang kapatid ko.

He sounds so manly but in a gentle way, he knows how to sound respectful in front of women. I think I'm gonna like this man, I mean, as a friend maybe.

"So you are?" Genesis respectfully asked.

"I'm Demeter." He immediately responded and while me, I am trying to guess his power without using my ability... but I really can't guess it.

"Your power is?" Ako naman ang nagtanong nang hindi ko talaga mahulaan ang kapangyarihan niya.

"Ang kapangyarihan ko ay ang patayin ng sobrang madali ang mga halimaw, sa isang pitik ko lang, wala na sila. Kaya ko rin silang kontrolin at kaya ko rin maging isa sa kanila." Sabi niya at tinignan muli ang hologram kung saan nasa ikatlo pala siyang puwesto. Ngumiti siya. "Pero hindi ko aakalain na magiging mahirap sa akin ang seremonyang 'to lalo na't ang mga halimaw na nakalaban natin ay gawa sa hologram. Kaya wala akong ibang ginawa kun'di ang maging katulad rin nila."

"Nice to meet you then, Demeter." Sambit ko na lang habang nakangisi.

"Honor to meet the both of you." Ngiti niyang sabi sa amin pabalik. Bago pa man kami makapagsalita ni Genesis ay bigla na lang lumitaw sa likuran niya ang kaniyang pakpak at lumayo sa amin.

Shitty! That was cool!

"Time's up!" Sigaw ng isang baritonong boses at sa isang iglap ay bigla nalang bumalik sa dating anyo ang Natharia Academia at nasa harapan na namin ang mga bag namin ulit. Pero natigilan na lang ako dahil sa sampu na lang kaming natitira, napansin ko pa si Demeter na nakatingin sa gawi namin at nakangiti ng matamis.

"Congratulations to our new students! Sa isang daan na sumubok, sampu lang ang natira. Mukhang pinagbutihan niyo nga talaga ang exam kaya ngayon, huwag kayong mag-alala dahil sa pagpasok niyo rito, hinding-hindi kayo magsisi dahil marami kayong matututunan." He happily announced. "Nasa harapan niyo na ang inyong mga bag at nandiyan na ang mga papeles tungkol sa akademya, nandiyan na rin ang numero ng mga dorm ninyo. Maligayang pagbati, mga bagong estudyante! Welcome to Natharia Academia!" He finally said but I just ignored him and then looked at my sister.

Kinuha ko na ang bag ko nang makitang bitbit na rin ni Genesis ang kaniya. Kinuha ko kaagad ang dorm number sa bag nang makitang hawak na rin ng kapatid ko ang kaniya.

"What is yours Genesis?" Tanong ko habang nakangiti.

"What do you mean mine?" I frowned.

"Tsk! Dorm number!" She chuckled and then showed me her dorm number. My face lit up and then showed her mine as well.

"Three, zero, six." We said in unison and that made us smiled.

Agad kaming nagtungo sa dorm building habang bitbit namin ang mga bag namin. Hindi naman mahirap hanapin ang mga dorm dahil nga sa malapit lang 'to sa main campus.

Nagsisimula na akong makaramdam ng tuwa lalo na't sa wakas, makakapag-aral na rin ng kolehiyo... maliban do'n, mahahanap na rin namin ang kasagutan sa mga katanungan namin. At sigurado ako na nandito lang ang sagot lalo na't ang sabi ni Lola, konektado ang akademya na 'to sa mga magulang namin.

"We're here." Sabi ko at tinignan ang dorm number 'three-zero-six'. I knocked the door twice and it opened itself like there's no one from the inside opened it.

"What a cold presence." I heard Genesis whispered, I nodded... that's what I am feeling too.

Matapang namin na pinasok ang dorm hanggang sa manlaki ang mga mata ko nang makitang nagliliyab ang buong loob ng dorm! Napapitlag pa ako dahil sa sobrang lakas at laki ng apoy na nakikita namin!

"Hi, I am Donessa!" Napalingon kami sa isang babae na ngayo'y nakangiti na sa amin ng matamis.

Pula ang mahabang buhok at gano'n rin ang kulay ng kaniyang mga mata, maputi at halos kasing kulay na ng papel ang balat. Mapayat at may hubog ang katawan at ramdam ko ang kakaibang enerhiya na bumabalot sa kaniya!

Pero hindi 'yon ang nagpatigil sa amin... natigilan kami dahil sa mismong kapangyarihan niya!

She can control the fire, but her fire is not burning hot! It's freezing cold!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro