Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

edited;


Keira's Pov

"Aww." Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit. Ano ba nangyari?

"Good Morning!" Napatingin ako kay Elisne. Mukhang ang ganda ng gising ng isang to ah?

"Good Morning." Bati ko rin. "Anong nangyari kagabi? Nakatulog pala ako di ko alam."

"Huh? Wala kang naaalala?" Tanong ni Elisne.

"Ha? Ang alam ko lang may pinakain na candy saakin si Hannah tapos nakatulog ako." Sagot ko.

"Whaaat? Nag kiss pa nga kayo ni Zeke nakita namin kayo sa Balcony."

Napatayo ako sa kama sa sinabi ni Elisne. "What? Anong pinagsasabi mo?"

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit. "AHHHH"

"Hey hey Are you okay?"

"Yes. Im Fine." Sabi ko ng hindi na sumakit ang ulo ko. Ano yun? Bakit sumakit nalang bigla ng ganun ang ulo ko?

Napatingin kami sa Pinto ng Dorm ng biglang bumukas.

"HELLO PEOPLE!" Masayang bati ni Hannah.

"Morning." Bati naman ni Raquel.

"Hannah" Tawag ko sakanya.

Ngumiti siya saakin. "Yes?"

"Anong nangyari kagabi? Naalala ko pinakain mo ako ng Candy at biglang, hindi ko na alam ang nangyari." Sabi ko.

Tumawa siya. "Wala wala. Walang nangyaring masama. Nakakakilig lang" May binulong siya pero hindi ko narinig.

"Hinihintay na tayo sa Office ni Head Master. Andun na rin ang boys." Sabi ni Raquel.

"Okay! Keira. Bilisan mo na maligo at mag ayos." Sabi ni Elisne.

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"Para hindi tayo mahuli."

Napakunot noo ako. "Saan?"

"Sa Office ng Head master nga, Ano ka ba? Bangag?" Sabi ni Elisne.

"Ha? Baka nakakalimutan niyo hindi ako royals." Sagot ko.

"Kasama ka daw sabi ni Prince Kelvin." Sabi ni Raquel. Ako? Kasama? Bakit?

"Hindi namin alam. Basta kasama ka daw sa pag uusapan namin." Sabi ni Hannah.

"Go. Bilisan mo na." Sabi ni Elisne at Tinulak ako sa banyo. Kahit naguguluhan naligo na nga ako at nagbihis.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng Dorm at dumiretso sa Office ni Head Master.

Pagkarating namin doon ay pumasok kami, andun na rin pala ang boys. Nagtama ang tingin namin ni Zeke, kaya inirapan ko siya.

"Andito na pala kayo." Sabi ni HM (Head Master)

"Yes. Tungkol sa Nawawalang prinsesa ang pag uusapan natin?" Tanong ni Raquel.

Tumango si Head Master. "Sabi saakin ni Fairy Daisy. Sigurado daw siyang Buhay pa ang Prinsesa."

"May mission ba kami?" Tanong ni Zeke.

"Yes. Kasali sainyo si keira."

"Bakit po? Hindi ko pa po alam kung ano ang kapangyarihan ko." Sabi ko.

"It's okay. Isa naring ehersisyo yan malay mo biglang lumabas ang mahika mo, katulad ng kwento mo sa school niyo." Sabi ni HM. Napayuko naman ako, naalala ko nanaman. Kamusta na kaya sila mama? papa? ella? Risa? Hindi pa naman ako nakapagpaalam sakanila.

"Isa pa, sa mortal world ang destinasyon niyo." Napatingin ako kay Head master.

"Talaga?!" Masaya kong sabi. Makikita ko na sila mama, papa, ella at risa. Yehey!

"Yes. Sa Colby High School ang punta niya, hahanapin niyo doon, baks andun ang Prinsesa. Ayon sa Instict ni Fairy Daisy, doon niya daw huling naamoy ang Prinsesa."

Nagulat ako. "S-sa Colby High? Sa school ko dati?" Medyo nauutal kong sabi. Ayoko dun. Ayokong bumalik dun.

"Yes."

"Nandoon ba talaga? w-wala sa ibang eskuwelahan?" Tanong ko.

"Yes. Andoon daw. Bakit may problema ba?" Tanong ni Head master. Yumuko ako at umiling. "Okay, ngayon na ang alis niyo. Iteteleport ko kayo papunta sa Colby High. Kapag pabalik na kayo ay Ilapag niyo lang ito, isa itong portal, huwag niyong hayaan na mawala at makakita ng iba ito." At may ibinigay kay zeke na parang bato na maliit.

"Paano namin malalaman kung sino ang Prinsesa doon?" Tanong ni Kaelon.

"Here." May inabot saaming apat na babae. Kulay Peach na pen, na mayroon puting gem sa dulo. "Kapag umilaw ang Puting Gem, Kung sino ang kausap or katapat mo. Iyon na ang Prinsesa." Paliwanag ni Head Master.

Ang galing!

Hindi ito umilaw saakin kaya hindi ako ang prinsesa. Okay, okay. Bakit ko naman naisip na iilaw ito saakin?

"Ready?"

Samasama kaming pumosisyon. Iteteleport daw kami. Jusme, sana wag ito yung paikot ikot.

Mama Papa Ella Risa. Malapit na ko. Magkikita tayo ulet!! Kahit dalawang araw palang naman tayo hindi nagkikita..... wew

Napapikit ako, Pagdilat ko nasa tapat na kami ng Colby High. Ang galing! Wala akong naramdaman.

"Eto ang School mo dati?" Tanong ni Cymon.

Tumango ako. AYOKO! AYOKO! AYOKONG PUMASOK ULIT JAN. NATATAKOT AKO.

"G-guys. P-pwede bang..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Ang unfair ko naman kung hindi ako sasama.

"Bakit Keira?" Tanong ni Elisne. Lahat sila nakatingin saakin.

Ngumiti ako ng Pilit. "Wala pala. Halika na, kilala pa naman sigurado ako jan ng Guard." Nauna na akong lumakad sakanila. Alam kong nagtataka sila kung bakit ako ganito.

Pumunta kami sa harap ng Gate. Nagulat ako ng Makita namin doon si maam Juliette ang guro ko. Ngumiti siya ng makita kami.

"Keira!" Sabi niya. Ngumiti ako.

"Mrs. Juliette." Sabi ko.

"Halika pasok na kayo. Alam ko ang misyon niyo, binilinan ako ni Prince Kelvin."

Nagsimula silang maglakad. Hindi ako lumakad. Natatakot ako. Paan kung may lumapit nanaman saakin at hablutin ang buhok ko? Awayin ako? Tapos may magagawa ko nanaman ang hindi dapat.

Huminto sila at humarap saakin. Ngumiti saakin si Mrs Juliette. "It's okay Keira. Poprotektahan ka namin."

Unti unti ako nakisabay sakanila. "Ma'am. Natatakot po ako." Kinakabahan kong sabi.

"Saan keira?" Tanong ni Hannah.

"Sasabihin nalang namin mamaya." Sabi ni Mrs Juliette at tuluyan na kaming pumasok sa loob. "Lahat sila nasa Cafeteria."

Kaya dumiretso kami ng Cafeteria, Lahat sila napatingin saamin ng bumukas ang pinto ng Cafeteria at pumasok kami.

"Si keira?"

"The monster is here."

"Mrs. Juliette lumayo ka kay Keira, Baka masaktan ka"

"Ang gagwapo ng mga lalaki"

"Ang gaganda din ng mga babae. Pero Keira is a Monster"

"Si Keira andito."

"WHAT ARE YOU DOING HERE? YOU FREAKING SLUT!" Sigaw ni Glen ng makita ako. Kaya napayuko ako.

"Calm Down Students! Calm Down Glen." Saway ni Mrs. Juliette.

"Calm down? You tell me to calm down? That bitch, muntik na niya kong patayin! See that? Jaan mo ko hinagis! Anong klase ka? Tao ka ba?" Sigaw ni Glen habang tinuro ang pader na tumama siya. Napaiyak ako, At hinawakan ang buhok ko sa frustration, At sa Inis. Siya ang nauna! Bakit niya ba lahat binibintang saakin? Hindi naman yung mangyayari kung hindi niya ako nilapitan at sinabunutan diba?

"I'M SORRY OKAY? HINDI KO SINASADYA ANG NANGYARI." Lakas loob kong sigaw. "IKAW ANG NAUNA, IKAW ANG SUMUGOD BIGLA AND YOU HURT MY FRIENDS. YOU PUSH RISA AND ELLA AWAY. SA TINGIN MO BAKIT KO NAGAWA YUN? NAGALIT AKO. NAGDILIM PANINGIN KO. DAHIL SINAKTAN MO ANG DALAWANG KAIBIGAN KO!" Sigaw ko. Hindi na ako makapagtimpi. Nagagalit nanaman ako. This is bad. baka ano nanaman ang magawa ko. Naramdaman kong hinawakan nila Elisne ang kamay ko.

"Calm down Keira. Calm down"

"KEIRA!" Napalingon ako sa tumawag saakin. si Ella at Risa. Tumakbo sila saakin at yinakap ako. "Where have you been? Nag alala kami saiyo." Sabi ni Risa. Okay, Nagalit ako, dahil may sakit sa Puso si Risa. Malala na. And she's just 15 years old for damn sake. She's like my sister. Just like Ella. Magkapatid sila.

"Risa. Are you okay? How's your check up?" Tanong ko kay risa.

Ngumiti siya. "Im Fine!"

Napalingon kami sa pagbagsak ng upuan, binagsak ni Glen at nagdabog palabas. Brat.

"No, you're not fine!" Sigaw ni Ella. Kaya napatingin ako sakanya. Tumingin din siya sakin. "Anytime pweseng huminto ang tibok ng puso niya."

Napatulala ako. "W-what? N-no no. That's not t-true. Oh my gosh. Risa no." Sabi ko at bigla siyang yinakap, tumulo ang luha ko. Noong Elementary palang ako magkakaibigan na kami, halos hindi kami mapaghiwalay na tatlo, Kahit mas matanda ako ng dalawang taon. Sila ang kauna unahang naging kaibigan ko. Si Risa ang pinaka close ko dahil masayahin siya at madaldal. Si Ella naman ay tahimik. Si Risa ang madalas kumulit saakin.

"P-punta ka sa bahay mamaya please. Keira. Ate" Sabi ni Risa habang yakap ko siya. Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. Alam kong natatakot siya. Kahit dati pa naman. Takot na takot siya na lumalala ang sakit niya.

"Oo. P-punta si ate keira mo doon ha? hintayin mo ako." Malambing na sabi ko.

"Keira gusto ko sanang bigyan pa kayo ng time. Pero hanggang 1 lang ang mga estudyante. Mamaya nalang ay pwede mong bisitahin ang mga kamag anak at kaibigan mo dito." Rinig kong sabi ni Mrs. Juliette.

Kaya natauhan ako. Oo nga pala nandito kami para sa misyon. Hindi para dalawin ang mga pamilya ko rito. Pero promise pagtapos ng Misyon, Dadalawin ko kayo. Pangako yan.

Yinakap ko ang dalawang magkapatid. "Mamaya mag uusap tayo ha." Sabi ko at bumitaw na.

Pinunasan ko ang luha ko. at ngumiti sakanila. "Wag mo kami iiwan okay?" Sabi ko kay Risa. Ngumiti siya at tumango.

"Let's go. Pupunta kayo sa iba't ibang classroom." Sabi ni Mrs. Juliette kaya sumunod kami sakanya. Nakayuko ako habang lumakad, hinawakan nila elisne ang kamay ko. Napatingin ako sakanila. Ngumiti naman sila, Ngumiti din ako pabalik. Wow i'm so expert in Fake smile.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro