Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

edited;



Keira's Pov

Lumayo kami doon sa mga babae, habang nakahawak siya sa Bewang ko.

"Hoy bitaw na." Sabi ko. Bumitaw naman siya sa bewang ko at tinarayan ako. Aba!

"Asan na ba sila Raquel?" Bulong ko sa sarili ko habang iniikot ang paningin ko. Sobrang ganda dito, Halatang pinaghanadaan ang darating na Ball. Ang dami pang estudyante, may nakikita din ako na mga Fairy. Napapa-wow nalang ako. Ang gaganda kasi nila. Tama nga hinala ko, kakulay ng buhok nila ang damit nila. Pati ang Fairy wings nila! Ang ganda! Yung iba lumilipad pa. Sila lang ang pwedeng gumamit ng Magic.

"Good Evening White Wizards." Narinig kong sabi sa Stage. Siguro ang MC. "Welcome, New White Wizards! You are all welcome here. Enjoy your First ball in Light Academia!" Naghiyawan naman ang mga Wizards, ang iba ay nagsasayawan na din. Ang saya!

"There." Tinignan ko ang tinuro ni zeke. Sila Raquel nakaupo na sa iisang table. Nang makita kami kumaway siya. Kaya lumapit kami doon.

"Bigla kayong nawala?" Tanong ni elisne ng makalapit kami.

"Pinalibutan pa kase etong lalaki." Sagot ko. Umupo na ako sa bakantemg upuan.

"As always hahaha." Sabi ni Wade at tumawa.

"I'm Kaelon pala. Earth User. Hindi ako nakapagpakilala kanina." Pakilala saakin nung Kaelon.

Ngumiti ako. "I'm Keira."

"Kakausapin daw tayo ni Head Master bukas." Sabi ni Zeke.

"Bakit daw bro?" Tanong ni Cymon.

Zeke shrugged his shoulder.

"lang kwenta" Bulong ni Cymon pero narinig namin.

"Ano yun? Cymon?" Tanong sakanya ni Zeke at nakataas ang isang kilay. Bakla

"He-he-he b-bro. I-ibig k-kong s-sabihin b-baka w-walang kwenta ang sasabihin ni Head Master." Nauutal niyang sabi.

Napatingin ako sa taong nasa likuran niya. ANG HEADMASTER!

"What did you say?" Seryosong tanong nito.

Nanigas si cymon sa kinakaupuan niya. Gusto kong matawa sa itsura niya kaso baka mas lalo lang siyang matense.

"H-head M-master!" Kinakabahang sabi niya.

"What did you say?" Ulit ng Head master.

"S-sabi ko po walang kwenta si Zeke." Mabilis niyang sabi.

Tinaas ni Zeke ang isang kilay niya. "Paki-ulit?"

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa kinakaupuan niya. "WAAAH AYOKO NA DITO. SORRY HANNAH BABALIKAN KITA MAMAYA." Sabi niya habang tumatakbo.

Bigla silang nagtawanan kaya napatawa na rin ako. Bully pala nila si Cymon! Hahaha.

"I'm just here to look if you're okay here, Royals." Sabi ng Head Master. Napayuko ako sa narinig ko.

PINAKAMALAKING O.P AKO DITO DAHIL HINDI NAMAN AKO ROYAL.

"We're Fine here. Prince Kelvin." Sabi ni Raquel.

"Kamusta na po si Queen Georgette?" Tanong ni Elisne.

Medyo lumungkot ang mukha ni Head Master. "Nagiging okay na siya. Medyo bumabalik ang pagkasiyahin niya. Pero nagsusungit parin. At minsan pag natutulog siya napapaniginipan niya ang nawawala niyang anak at asawa."

"Wala pa bang balita sa nawawalang prinsesa?" Tanong ni Wade.

"Yan ang pag uusapan natin bukas. ipapatawag ko nalang kayo. Magsaya muna kayo ngayon. Mauna na ko." Sabi ni Head Master at umalis na.

Nagserve na ng mga pagkain. At napa wow nanaman ako. Iba ibang kulay ng pagkain. Ang galing!

"Gawa ng mga Fairies ito kaya ayan iba ibang kulay." Sabi ni Elisne.

Nagsimula kaming kumain. Uh hindi ko alam ang mga tawag dito pero masasabi ko lang ang sarap! Nakita kong nagsusubuan ng pagkain sila Raquel at Wade. Tapos sila Elisne at Kaelon naman ay nag uusap at nag tatawanan.

Ok kami na O.P dito. Siguro kung andito si Cymon. O.P kaming dalawa ni Zeke.

"Here. Eat this." May binigay na kulay pink na parang candy si Hannah. Kinuha ko naman ito. Ang lambot.

"No, don't eat that." Sabi ni Zeke at kukunin sana ang candy pero huli na naisubo ko na.

"Hannah!" Rinig kong saway ni Zeke kay Hannah. Tumawa naman si Hannah.

"Enjoy." Rinig kong sabi ni Hannah bago umalis sa tabi namin.

Ako naman napahawak sa ulo ko. Nahihilo ako. Ano ba ang pinakain ni Hannah saakin?

Sa di ko alam biglang gumalaw ang sarili kong katawan at hinila si Zeke sa dance floor. Parang wala akong sa katinuan. Gusto ko magsaya.

"Hey hey" Rinig kong sabi ni Zeke at sinasaway ako.

"Come on. Let's dance Baby Zeke." Sabi ko at nagsimulang sumayaw.

"Stop it." Sabi ni Zeke.

"Why? I love to dance. Let's dance! Whooo!" sigaw ko at sumayaw tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para maenjoy ang pagsayaw.

"Let's go." Rinig kong sabi ni Zeke at hinila ako.

"Where are we going Baby zeke?"

"Tss. Don't call me baby."

I giggled.

Huminto kami sa isang Balcony na maraming bulaklak. Sumilip ako sa baba, nakita ko ang garden sa baba. Wow ang ganda. Nakaukit sa bulaklak ang *'L.A'*

"Beautiful." Bulong ko.

Napalingon ako sakanya, nang hindi siya sumagot. Nakatingin siya sa malayo. Kaya tinignan ko ito. Isang palasyo. Madilim. Hindi ko alam pero bakit parang nakapunta na ako jan?

"Palasyo? Jan ba ang Dark Academia?" Tanong ko.

"Yeah." Maikling sagot nito.

"11 years ago. I'm 8 Years old that time. Sumugod ang mga taga dark academia, ulit. Kahit mga bata pa kami linabanan namin ang Black Wizards. Natalo namin lahat ng miyembro nila. Pero di namin alam na mayroon pa palang Apat. Ang apat na natira ay malalakas. We're just a kids for pete's sake pero sila ay mga nasa edad na, Ang reyna naman ay masyado pang nangungulila sa kanyang anak at asawa kaya hindi namin siya hinayaang makipaglaban. Kahit na Kailangang kailangan namin ang kanyang kapangyarihan dahil siya lang ang makakatalo sa Black Wizard gamit ang kanyang Light Magic. Prince Kelvin also have a Light magic, Pero nagamit niya na iyon ng ilang beses sa unang mga miyembro na natalo namin. Kaya wala na, Lahat sila na pataob kami, Lahat kami duguan, Lahat kami walang laban, Halos mamatay na rin ako. Balak nilang kunin ang..." Napaputol siya sa pagsasalita at natulala.

"Are you okay? Nakikinig ako." Sabi ko. Mukhang may masasabi ata siyang hindi dapat.

Tumingin siya saakin at umiling. "Wag na." Sabi niya.

"Paasa." Bulong ko. "Pero ano nga ang gusto nilang kunin? Ituloy mo na." Pangungulit ko. Kahit nahihilo ako ay pilit ko paring pinakinggan ang storya niya tapos hindi naman niya itutuloy.

"Wala. Basta may gusto silang kunin, hanggang sa may umilaw na liwanag, Sa isang iglap nawala ang mga taga Black Wizard. Hindi na namin alam ang nangyari. Pagkagising, tinanong ang Reyna kung siya ba ang may gawa nun pero wala siyang alam. Hindi niya rin alam na may digmaang naganap."

Tumango tango ako. Grabe pala ang pinagdaanan nila. Ano ba ang gusto nilang kunin? Ang alam ko ang Pakpak lang. Ano pa ba ang gusto nila?

Nakita kong may sakit sa mata ni Zeke.

"Are you okay?" Tanong ko.

Tinaasan niya ko ng isang kilay. "Oo. Bakit naman hindi?"

Ngumiti ako. Napakunot noo naman siya. "Tss. Kung siguro nasa katinuan ka ngayon, Tatarayan at wawalk out-an mo ko." Iling niyang sabi.

"Huh? Anong sinasabi mo baby?" Tanong ko at yinakap ko ang braso ko sa leeg niya.

"Stop it."

Tumingin ako sa mata niya. Yellow and Red? wow. Bakit ngayon ko lamg ito napansin? Napakagandang mga mata kaso may puno ng sakit at lungkot.

"What are you doing? Stay away." Masungit na sabi nito.

"I like you, baby zeke." Sabi ko at unti unting lumapit sakanya at Hinalikan siya sa labi.



And everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro