Chapter 7
edited;
Keira's Pov
"Kailangan pa ba talaga ng Ka-partner?" Tanong ko.
"Kailangan, syempre." Sagot ni Elisne.
"Bakit? Ayaw mo bang Ka-partner si Zeke?" Tanong ni Hannah.
"Don't worry! Zeke won't bite you." Sabi ni Elisne.
"Yeah right, he will just burn me." I whisper.
"Akala ko ba may relasyon kayo?" Tanong Raquel.
"What?! No! Mali lang ng iniisip si Wade. Nahulog kasi ako mula sa isang portal. Hindi ko naman alam na sakanya ang bagsak ko." Sabi ko.
"Nahulog, Sinalo. Buti ka pa." Sabi ni Elisne. Napakunot noo ako. May pinagdadaanan ba to?
"Hayaan mo dumadrama lang yan. May gusto kasi siya kay Kaelon." Bulong sakin ni Hannah. Naalala ko sino ba talaga yung kaelon? Yung green o brown ang buhok?
"May kambal ba yung Kaelon?" Tanong ko.
Napakunot noo si Hannah. "Huh?"
"Kanina kasi nakita ko Green ang buhok niya tapos biglang pumalit ay brown." Sabi ko.
Tumawa siya."Force ang tawag dun. Since he's an Earth User. Earth Force ang tawag. Magta-transform ka, may nagbabago sayo At lumalakas ang kapangyarihan mo. If you are royals, may Force ka." Sabi ni hannah.
"Ikaw meron kang force?" Tanong ko.
Umiling siya. "Since I'm just a Healing User wala akong Force. Pero ako lang ang may kakayahang gumamit ng healing ng matagal at kakayahang pagalingin ang malalaking sugat o malalang sugat. Kahit poison kaya ko. Unlike sa ibang Healing User, mga maliliit at di gaanong kalala lang ang kaya nilang gawin." Paliwanag niya. Tumango tango naman ako.
"Eh sila Elisne at Raquel?" Tanong ko.
"Si Raquel lang. Ice Force. Makikita mo iyon kapag sa mga digmaan, ginagamit nila iyon, pero possible mo ring makita iyon kapag galit na galit siya. Magbabago ang kulay ng buhok niya at damit. Si Elisne naman ay walang force. She's a Sun and Light User. Pero hindi yung Light magic na katulad sa lahi ng Reyna. Elisne can make a Protective shield to a person habang nakikipaglaban, and kapag naubusan ka ng Enerhiya, kaya ka niyang bigyan. O dagdagan." Paliwanag niya.
Tumango tango ako. Kahit walang Force si Hanah at Elisne, Magaganda parin ang kapangyarihan nila, ang laki ng tulong nun.
"Lahat ba ay may Force?" Tanong ko.
"Wala. Lahat ng lahing royals ang may ganoon. Katulad nila Raquel, Wade, Zeke, Kaelon and Cymon. Ang ibang lahing royals rin naman katulad namin ni Elisne ay mas malakas ang kapangyarihan namin sa ibang kapareho ng mahika namin."
Nanlaki mata ko. "Royals? Isa rin ba kayong mga Prinsesa at Prinsipe?" Tanong ko.
Ngumiti siya at tumango. "I'm a Healing Princess. Elisne is a Sun Princess. Raquel is a Ice Princess. Wade is a Water Prince. Kaelon is a Earth Prince. And Zeke is a Fire and Lightning Prince."
Napanganga ako. Hindi ko akalain na mga Royals pala ang nakasama ko. Matataas ang pwesto nila. Hindi dapat nila maging kaibigan ang tulad kong nasa baba at wala manlang kapangyarihan.
"Hey anong mukha yan?" Tanong ni elisne ng makalapit sila saamin. Inayusan kasi ni Elisne si Raquel. Kami ni hannah ay tapos na.
Ngumiti ako at umiling. "Hindi ko alam na mga Prinsesa pala kayo."
"Yes, sorry hindi namin nasabi. Pero wag mo kaming bigyan ng Special treatment ha, were friends" Sabi ni Elisne. Napangiti naman ako.
"P-pero..."
"We don't know why, pero nakiy ang gaan ng loob namin sayo?" Sabi ni Raquel.
"Yeah Yeah! Raquel is right!" Komento din ni Hannah.
"Hey guys, the boys is here na." Sabi ni Elisne.
Kaya lumabas na kami, at nakita namin ang apat na lalaking nag gagwapuhan sa suot nilang Tuxedo.
SI ZEKE LANG PALA ANG HINDI GWAPO.
"I heard you." Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko. S-si ZEKE!!!
Bigla akong lumayo sakanya. Mahirap na baka gawin akong abo neto. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nagsisimula ng umalis, nakakapit pa sa braso ng kanilang mga Partner. Ano na?
Tumabi nanaman saakin si Zeke. "Ano ba?" Sigaw ko.
He raised eyebrow. "You're my date." Walang emosyon na sabi niya. Inirapan ko naman siya.
"Maghanap ka ng ibang date. Sanay naman ako mag isa! Bwisit." Sabi ko at iniwan siya.
Bakit ba ang init ng dugo ko sakanya? Ang Manyak kasi! Ang sungit sungit! Masama pa ugali. Ni hindi nga nagpakilala saakin, Unlike sa mga kaibigan niya. AAHH! Basta.
Bigla akong napatigil sa paglalakad. Naalala ko, prinsipe pala siya! Waaah! Ano bang ginawa mo Keira? Mamaya bigla nalang ako tamaan ng kidlat tapos maging abo nalang ako.
Whatever. Hindi naman niya siguro gagawin yun diba?
"I can do that."
Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita nanaman sa gilid ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko.
"Jusme. Papatayin mo ba ako sa gulat?" Inis na tanong ko.
"Hindi. Mas maganda kung gawin kang abo." Sagot niya. Napalunok naman ako.
"Ano bang gusto mo?" Inis na saad ko.
"Just act like you're my date." Sabi niya at inextend ang braso niya.
"Ayoko." Pagmamatigas ko at iniwan ulit siya doon, bahala na kung prinsipe man siya. Wow Keira, did you just reject a Prince? Uhh Yes!!
"Ayaw mo talaga?" Rinig ko tanong niya.
"Ayoko." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kyaaaah si Zeke walang date."
Napalingon ako kung saan ko iniwan si Zeke. Napanganga ako ng pinalilibutan siya ng mga babae.
"Zeke be my date pleasee"
"Prince zeke me me be my date"
"FUCKINGSHIT GET OUT OF ME." Rinig kong sigaw ni zeke.
"PRINCE ZEKE. MAGIC IS NOT ALLOWED AT THIS TIME." Narinig kong sabi sa Speaker.
Bawal gumamit ng Magic ngayon?
"SHIT. GET OUT OF ME. PASALAMAT KAYO BAWAL GUMAMIT NG MAGIC KUNG PWEDE ABO NA KAYONG LAHAT." Sigaw ni Zeke.
"Thank you. Thank you." Rinig ko namang sigaw ng mga babae.
Napatawa ako. Uso rin pala dito ang ganyan? Tyaka andami palang nagkakandarapa maging date siya bat pinipilit pa ako? Yes keira? Ikaw pinilit ng prinsipe?
Natatawa ako sa nakikita ko. Pinapalibutan siya ng mga babae at siya naman inis na inis.
Biglang dumapo ang tingin niya saakin. Sinamaan niya ako ng tingin. Na parang sinasabi na 'Humanda ka sakin.' Uh-oh.
Lumapit ako sakanila. "Excuse me, please!" Sinubukan kong makidaan pero tinutulak nila ako.
Nakakainis! "I SAID EXCUSE ME. HE'S MY DATE." Lakas loob ko na sigaw. Napatigil naman sila at tumingin saakin. Masasamang tingin.
"DREAM ON NEW GIRL." Sigaw nila.
"Walang yinayayang date si Zeke."
"Assumera! Lahat tayo desperada maging date si zeke."
At kung ano ano pa ang sinisigaw nila. Napanganga ako. Uso talaga yan dito? Di nga? Tumingin ako kay zeke. At ang walanghiya naka poker face nanaman parang tuwang tuwa sinasabi saakin ng *fans* niya.
"BWISIT SIGE PALIBUTAN NIYO YAN. HINDI KO PALA DATE YAN." Sigaw ko ulit. Bwisit na lalaki. Nakita kong nataranta si Zeke. Woah, kala ko siya na si Poker face prince eh.
"W-wait! She's right! She's my date. So back off ladies." Sabi niya at lumapit saakin at hinawakan ang bewang ko. Naiwang nakatulala at nakanganga ang mga babae doon.
Bwisit na lalaki talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro