Chapter 6
edited;
Keira's Pov
"Ang Galing!" Nakangiti kong sabi. Galing kami doon sa Dress maker. Isa pala siyang witch. Tinutukan lang kami ng Wand niya. Ang sabi niya ay Isipin ko daw kung ano ang gusto kong long gown. So inisip ko nga. Tinanong niya rin kung ano ang number ng dorm ko. Pagkatapos sinabi niya na gawa na at naghihintay na sa loob ng dorm. Hindi pa kami nakakabalik, kaya naeexcite ako.
Tumawa si Elisne. "Marami ka pang masasaksihan dito. Baka maubusan ka ng word na 'Ang galing'" Sabi nito.
"Honey!" Nakita ko si wade na papalapit saamin at biglang yinakap si Raquel. Here comes the boyfriend.
Nakita kong hindi yinakap pabalik ni Raquel si Wade. Kaya bumitaw si wade at nakita kong nagpout. Isip bata talaga.
"Honey naman galit ka parin?"
"Heh! Wag mo ko ihoney honey jan ha!" Sigaw sakanya ni Raquel.
"Honey naman." Sabi ni wade at nagkamot ng ulo. Bagay silang dalawa. At Compatible pa ang kanilang Mahika. Water and Ice.
Nakita kong may papalapit pa na tatlong lalaki. Kumakaway pa ang isang lalaki habang sumisigaw. Buti nalang at kaunti lang ang estudyante na narito sa hallway.
"WADE! RAQUEL! ELISNE! AT HUH?" Nang mapadako tingin niya sakin nagkamot siya ng buhok niya. Nang makalapit na sila, tinigan ako nung sumisigaw kanina.
"SINO KA?" Sigaw niya. Binatukan naman siya ni wade.
"Ang ingay mo kanina ka pa." Sabi ni wade.
Binatukan niya rin si Wade. "Pakealam mo ba ha? ha?"
"Aba't" Susugod pa sana si Wade ng biglang may yelo ang paa niya. Hindi siya makalakad.
"Honey naman." Sabi nito at ngumuso.
Napatingin ako kay Raquel. Nakataas lang ang kilay niya kay Wade. Sakanya pala ang galing ang yelo. Nakita kong binabasa ni wade ng kanyang tubig ang yelo, Pero ayaw matunaw.
"SINO KA NGA?" Nagulat ako ng sumigaw nanaman ang isa. Hindi naman sa actually na sigaw. Parang linakas niya lang talaga ang boses niya.
"Hoy Cymon wag kang sumigaw!" Sabi ni Elisne kay Cymon daw.
"Siya yung huling transferee. She's Keira." Pakilala saakin ni Raquel.
"Hey Kaelon! Bakit ka naka Earth force?" Narinig kong tanong ni Elisne sa lalaking kulay Green ang buhok. GREEN?! Astig! Napatingin ako sa katabi niya, Y-yung lalaking MANYAK!
Bigla rin siyang tumingin saakin at nagtaas ng kilay. Tinarayan ko nga.
Biglang tumawa si Cymon. "Namatayan kasi ng Leon. Ayan naging ganyan galit na galit." Sabi niya. Teka. Leon? May leon dito? Ugh ang tanga ko talaga. Keira! Nasa mundo ka ng mga mahika.
"Bakit daw namatay? At ilan ba?" Tanong ni Elisne.
"Isa lang. Di namin alam basta nakita nalang namin nasa forest nakahiga hindi na humihinga." Sagot ni Cymon. At tumingin ulit saakin. "Anong kapangyarihan mo?"
"Hindi niya pa alam." Sagot ni Raquel. Napapansin ko talaga ayaw nila akong pagsalitain eh.
"I'm Cymon. Wind User. I can fly, Even i don't have wings." Sabi niya at unti unti na siyang nasa ere. Napanganga ako. Ang galing! Gusto ko rin makalipad.
"Hey Hannah!" Narinig kong sigaw naman ni Elisne, na may tinawag na babae sa di kalayuan. Lumapit naman siya saamin.
"Hey." Bati niya. Napatingin siya saakin. "Hi Keira. I'm Hannah. My Ability is Healing."
Nagulat ako ng kilala niya ako. "Kinuwento kita sakanya. She's my Dorm mate." Sabi ni Raquel. Kaya pala.
Ngumiti ako. "Hello."
"You're so pretty!" Sabi niya. "Wait. I can smell that you have a wound. Right here." Bigla niyang hinawakan ang likod ko.
Umiling ako. "Scar lang yun."
"Ohh. Parang amoy ko kasi Fresh pa ang scar mo." Ngumiti siya at ngumiti nalang din ako.
"Oh Guys! Do you have a Partner na ba mamaya para sa Ball?" Tanong ni Hannah sa aming mga babae. Kailangan pa ba ng Partner?
"Partner ko si Honey!" Sabi ni Wade at inakbayan si Raquel. Umirap naman si Raquel. Ang kulit nila.
"Kaelon. Pwedeng partner nalang tayo?" Narinig kong tanong ni Elisne sa green hai-- wait what. Asan na yung green hair? Bakit Brown hair na ang nandito? Pero magkamukha sila eh. Nakita kong tumango ang lalaki kay elisne.
Biglang kumapit sa braso ko si Hannah. "Tayo nalang partner. Tayo naman wala parehong lovelife." Sabi niya napatawa naman ako.
"A-ah a-ano pala hannah" biglang nagsalita si Cymon.
"Baket? yayayain mo ba ako maging kapartner?" Direktang tanong ni Hannah.
Biglang namula pisngi ni Cymon. Tumawa sina elisne at raquel.
"Whooo pre kaya mo yan!" Sigaw ni wade. Nagkamot ng buhok si Cymon at nag iwas ng tingin.
"O-oo s-sana eh" Nahihiyang sagot nito. Bakit kanina parang makasigaw at ang yabang yabang niya ngayon tiklop kay Hannah?
"Ok" Sagot naman ni Hannah.
Naghiyawan sila. Napatawa naman ako. Ako lang pala walang lovelife dito. Padaan.
"May partner na kami lahat. Kayong dalawa?" Sabi ni Elisne.
"Eh kung kayong dalawa nalang kaya? Tutal nakita ko naman na magkayakap pa kayo sa garden nakaupo pa si keira sa lap mo." Biglang kaming tumahimik sa sinabi ni Wade. Ako naman sobrang pula na ng mukha.
"Oh my gosh. Totoo ba yun Keira?" Tanong ni Elisne.
"Gosh zeke anong relasyon niyo? Omg bagay kayo." Tili ni hannah.
"H-hinde! M-mali kayo n-ng i-iniisip. " Nauutal na sabi ko. Tumingin ako kay Zeke para manghingi ng tulong, at ang bwisit nakapoker face lang na parang walang pakielam.
"Bakit pa kayo nandito? Pumasok na kayo sa Dormitaryo niyo, bawal ang pagala gala dahil gaganapin na mamayang gabi ang Ball. Hala sige!" Napatingin kami sa matandang babae na pinapabalik na kami.
Hinila naman ako nila Elisne at pumasok na sa dorm naming dalawa. Pero kasama sila Hannah at Raquel. Iniwan namin ang boys dun.
"Bye see yah later! Sunduin niyo kami ah dito sa dorm namin ni Keira." Sigaw ni Elisne.
Pagpasok namin sa Dorm, nakita ko sa kama ko ang isang long gown na kulay peach. Wow. Totoo nga ang galing! Nakita ko rin ang kay Elisne na kulay pink.
"Sukatin niyo na dali!" Sabi ni hannah.
"Pano ang inyo?" Tanong ni Elisne.
"Pinakuha ko na kay Wade." Sagot ni Raquel.
"Me first!" Sabi ni Elisne at naunang pumasok sa C.r namin. Napailing nalang ako.
Maya maya may kumatok sa Pintuan namin, binuksan naman iyon ni Raquel, si wade pala dala ang mga Gown. Kinuha ni raquel ang gowns at sinarado ang pinto. Sumigaw pa si Wade 'Honey naman!' Napatawa nalang ako sakanilang dalawa.
Biglang lumabas si Elisne na nakasuot ang long gown na Pink. Bagay na bagay sakanya.
"Me next!" Sigaw ni Hannah at tumakbo papasok sa C.r dala ang gown niya.
"Mga Excited." Sabi ni Raquel. "Pero ako next ah!" Sabi niya saakin. Tumawa ako at tumango.
"Raquel! Ikaw mag ayos saakin!" Sabi ni Elisne habang umiikot.
"Yeah yeah."
Biglang lumabas si Hannah. Wow bagay na bagay din sa kanya ang gown niya na kulay sky blue at ang top ay Black.
"Elisne, let's curl your hair" Sabi ni Hannah kay Elisne.
"Okay!"
Lumabas na rin si Raquel. At napananga ako sa gown niya. Wow as in wow. Ang ganda niya sa mermaid gown niya na kulay blue na maraming crystal. Mukha siyang matured na matured.
"As always." Komento ni Elisne. Habang kinukulot ang buhok niya ni Hannah.
"Your turn." Sabi ni Raquel. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng C.r.
Hinubad ko ang damit ko at sinuot ang gown. Hindi ko Ma-zipper ang nasa likuran kaya lumabas ako.
"Pwede paki zipper nung sa likod?" Tanong ko sakanila.
Pumunta saakin si Raquel at hinarap ako sa Whole size mirror.
"Ito ba ang scar mo?" Sabi niya sa likod ko.
"Yes."
"Anong nangyari jan?" Tanong ni Elisne na nakalapit na saamin, nakakulot na rin ang buhok niya.
"Hindi ko alam. Sabi ni mama bata palang ako meron na akong ganyan." Sagot ko.
"Pahaba siya. Parang hiniwa." Sabi ni Hannah at hinawakan pababa. Napadaing ako bigla. Hindi ko din alam bakit sa sobrang tagal na nitong scar ko ay masakit padin kapag nahahawakan nang iba.
"Awww" Sigaw ko.
"Hannah! Anong ginawa mo?" Tanong ni Raquel. Tinaas ni Hannah ang dalawang kamay niya at umiling.
"Wala. Hindi ako gumamit ng Healing." Sagot niya.
"It's okay. Ganun talaga pag hinawakan ng iba sumasakit." Sabi ko.
"Bakit? Di ba noong bata ka pa naman niyan?" Tanong ni Elisne.
"Kaya pala ang amoy ko ay Fresh pa." Sabi ni Hannah.
"Hindi ko alam. Bata pa lang daw ako meron na akong ganito. At di ko alam kung saan galing." Sagot ko.
Zinipper na ni Raquel ang damit ko.
"Parang kinuhanan ng pakpak. Pero iisa lang naman ang scar mo sa likod." Hannah. "Hmm weird."
"Alam mo ba meron sa Propesiya dito sa Academia. Na kung sino ang isang babae at lalaki na may malaking pakpak, ay naka Tadhana. Kailangan nilang magpakasal. Sa dami kasi ng babae at lalaki dito, iisang babae at lalaki lang ang pwedeng magkaroon ng ganun." Sabi ni Elisne.
"Yes! Hanggang ngayon wala pa kaming nakikilala na mayroong ganun." Sabi ni hannah.
"Pero ang sabi ng Reyna 3 years ago. Mayroon na daw silang kilala na may ganoon. Lalaki. Pero hindi nila sinabi kung sino. Andito daw sa Light Academia." Sabi ni raquel at pinaupo ako sa kama at sinimulang ayusan ako.
"Really? Gusto kong makita ang pakpak niya. Sabi nila kung sino ang may malaking pakpak ay sobrang lakas ng kapangyarihan." Sabi ni elisne.
"At nandito daw sa Light Academia? Sigurado akong matatalo na natin ang dark academia kung sakaling dumating na ang digmaan." Sabi naman ni Hannah.
Napakunot noo ako. "Digmaan? May mangyayaring digmaan?"
"Hindi naman alam. Pero 2 Years ago, sa tapat ng gate ng Light Academia may malaking nakasulat na 'Malapit na, Malapit na ang digmaan' Yan ang nakasulat. At sigurado kaming galing yun sa Dark Academia. Wala naman kaming ibang kalabanan kundi sila lang." Sabi ni Elisne.
"Bakit? Bakit ganun ang mga taga Dark Academia?" tanong ko.
"Simula ng mamatay na ang dating hari ay nabago na ang mga Black wizards. Gusto ng bagong hari na mamuno sa buong Academia. Pero hindi pwede yun kung wala naman siyang dugo na White wizard." Sagot ni Hannah.
"Hindi naman pala pwede bakit kailangan pa nilang makipagdigmaan?" Tanong ko.
"Dahil gusto nilang nakawin ang Pakpak ng kung sino mang meron nun dito sa light academia. Dahil yun ang makapangyarihan at pwedeng pwede siyang maghari sa buong academia kung sakaling makuha ng bagong hari yun." Sabi ni Raquel.
"Diba sabi niyo lalaki palang ang nakikilala na mayroong pakpak? Paano yung babae?" Tanong ko.
"Yes. Pero sigurado kami na ang isang babae na mayroong pakpak na ganoon ay ang—"
"Anak ng Reyna." Sabay sabay nilang saad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro