Chapter 5
edited;
Keira's Pov
"Diretso na tayo sa dorm mo or ito-tour muna kita?" Tanong saakin ni Raquel.
"Diretso nalang sa Dorm." Sagot ko. Masyado na akong nakakaabala. Tumango siya nagsimula ng maglakad, sinundan ko naman siya.
"Kaibigan ko rin ang makakadorm mate mo." Sabi niya.
"Ah? Talaga?"
Napadaan kami sa isang Room. Medyo madilim. "Iyan ang Spell Class for witches. Pwede ka ring pumunta jan kung gusto mo matuto ng mga Spells. Pero minsan ang iba ay hindi nila magawa ng tama." Sabi ni Raquel. Tumango tango ako. Ang galing! "Delikado kasi ang mga spells. Mas kilala kasi ito bilang isang Dark magic."
Isa naman ang nadaanan namin na Room. Puro bulaklak. "Eto ang Fairy Class. Anjan ang mga iba't ibang fairies."
"Talaga?" Sabi ko. Ano kayang itsura ng mga Fairies? May magagandang pakpak rin ba sila? Tapos iba't ibang kulay ang buhok? na kapartner ng kanilang magagandang dress?
"Yes. Pwede ka ring bumisita jan."
"Eh asaan pala ang tunay kong Klase?" Tanong ko.
"Sa isang malaking Classroom. Hayaan mo makakasama mo kami. Lahat ng mga hindi Fairies and Witches."
Tumango ako. May mga nadaanan din kaming mga Dorm number. Hinahanap ko ngayon ang 18.
"Ayun ang 18!" Turo ko sa may pintuan na may nakaukit na number 18."
Kinatok ni Raquel ang pinto at Bigla naman itong bumukas at bumuluga doon ang magandang babae na ang kulay ng buhok ay Blonde.
Ngumiti siya. "Hi Raquel!!" Bati niya kay Raquel. Bigla siyang napatingin saakin. "Oh you must be the new girl?"
Medyo ngumiti ako. "Yes."
"And You are my Dorm mate! Pasok kayo!" Sabi niya at pinapasok kami sa Dorm.
"I'm Elisne. Sun/Light User. I can make a Shield and Increase your energy." Sabi niya.
Ngumiti ako. "Ang galing naman! Ako kasi hindi ko pa alam kapangyarihan ko."
"No! Maybe you're a Water and Ice User." Sabat ni Raquel.
"Oh Really? That's Great!" Sigaw ni Elisne.
"Hindi pa naman sigurado iyon." Tanong ko.
Nagkibit balikat ang dalawa. Umupo sa isang kama si Raquel at naglaro ng Ice Magic niya. Ang galing talaga!
"Oh! By the way. We have a Ball tomorrow night." Sabi ni Elisne.
"Ha? Ball?" Tanong ko. Iyon ba ang magarang party?
"We'll be having a Light Academia Ball! Magsusuot tayo ng Gowns. Magsasayawan!" Tuwang tuwa na sabi ni Elisne.
"Talaga?" Medyo na eexcite ko na tanong.
"Yes! Kaya bukas ng maaga magpagawa ng tayo ng Gowns!"
"Ha? Kaya ba ng ilang oras lang ang pag gawa? Mas maganda kung bumili nalang tayo." Sagot ko.
Ngumiti si Elisne. "Nasa mundo ka ng puro mahika. Yakang yaka yun! May sampung Dress Maker dito. Kayang kaya nilang gumawa ng gusto mong damit sa ilang segundo ay tapos na nila."
Napanganga ako. Totoo?
"W-wala bang bayad iyon?" Tanong ko.
"Hmm magbibigay ka lang ng Coin. Eto oh." Pinakita niya saakin ang Gold Coin. "This is a Coin from Academia. Prize namin to kapag natatapos namin ang mga Misyon. Minsan ay sa mga labanan."
"Labanan?"
"Yes! Yun ang Exam natin. irarandom ang mga magkakalaban. At kung sino ang panalo ay mabibigyan ka ng 20 Gold Coin." Sabi ni Elisne. "At marami ka ng mabibili roon. Dahil mga 1 coin hanggang 3 coins lang ang mga presyo ng bilihin dito. Mayroong Mall malapit sa Cafeteria." Dagdag niya.
"And oh by the way. Huwag na huwag ka lalabas mag isa ng Light Academia. Pag nakita ka ng isang taga Dark Academia, Ay pwede ka nilang kunin at Ikulong sa Palasyo nila. O di kaya ay patayin."
Napalunok ako. Patayin? Ikulong? Nakakatakot.
"Masasama ba talaga ang mga nasa Dark Academia?" Tanong ko.
"Hindi ko alam bakit nangyari ang Patayan at nakawan. Dahil dati hindi naman ganun. Magkalaban ang Dark and Light Academia. Pero dati naman
ay hindi umabot sa puntong patayan na. Dati ay labanan lang. Walang Patayan. And alam mo ba..." Lumapit siya sakin at may binulong sa tenga ko. "Nagkainlove-an ang Hari ng Dark at ang Reyna namin dito sa Light."
"Totoo? Pwede ba yun?"
Umiling si Elisne. "Bawal. Nakalagay yun sa Rules ng Academia. Bawal maging magkabiyak ang isang Light and Dark. Pero kung mahal niyo talaga ang isa't isa kailangan niyong labanan ang mangyayari. Kailangan niyong Harapin. May ibang nagtagumpay, At masaya na ngayon." Sabi ni Elisne.
Bigla akong kinutuban.
"Katulad ng sa Hari ng Dark at Reyna namin sa Light."
"Naging magkatuluyan sila? Natanggap niyo?" Tanong ko. Hindi ko alam bakit Interesado ako.
"Naging tagumpay sila nung una. Tinaggap naming lahat ng taga Light ang mahal ng reyna. Ang Dark king. Tinaggap namin siya. Nakikita kong masaya pa nga sila. Nagkaanak pa sila."
Nagulat ako. Nagkaanak sila? Ang galing.
Biglang lumungkot si Elisne. "Pero... Hindi namin alam na nilihim pala ng Hari ng Dark academia sakanyang mga miyembro. Sinabi niya pa 'Nilihim ko dahil hindi nila ito matatanggap' At dumating sa point na nalaman ng mga taga Dark Academia ang nangyari, Sinugod nila kami dito sa araw mismong unang Kaarawan ng anak ng Reyna. Ang Prinsesa. Tinanggal nila bilang Hari ng Dark Academia ang kabiyak ng Reyna. At dinakpin. Umiyak naman ng umiyak ang Reyna. Ang alam nalang namin ay patay na ang kabiyak ng Reyna. A-at pagdating daw ng Reyna kung saan niya tinago ang kanyang anak ay wala na rin ito. May kumuha habang nagkakagulo. Hindi namin alam kung buhay pa ba ito. Simula nang mangyari yun, ang dating masayahin at nakikihalugo saamin na Reyna ay hindi na lumalabas ng kanyang silid. Dalawang araw sa isang taon nalang namin siya nakikita. Minsan nga ay hindi na."
"P-paano mo nalaman ang lahat na iyan? Hindi ba bata ka rin noon?"
"Im 6 years old na that time. May isip na kami dahil kung isa kang maharlika lumalabas kapangyarihan mo by 5. Pero mahina palang iyon."
"Ilang taon na lumipas iyon?" Tanong ko.
"17 years from now. 16 years na nawawala ang prinsesa. At sigurado akong 17 years old na siya ngayon sa pagkakaalam ko."
"What? Ilang taon ka na ngayon? Kayo?" Tanong ko.
"I'm 23." Sagot ni Elisne.
"I'm 24." Sagot ni Raquel na nakikinig na pala saamin.
Napanganga ako. 23? 24?
"You two looked like 18." Sabi ko.
Tumawa sila. I can't believe it.
"Tungkol saan pala ang ball?" Tanong ni raquel.
"Ang alam ko Ball iyon para sa mga bagong estudyante."
"Marami pala kami?" Tanong ko.
"Oo. Pero nung isang Linggo pa sila. Ngayon ay wala na daw silang mahanap sa mortal World na may mahika. Ikaw ang pang huling dumating."
Maya maya ay nagyaya ng Matulog si elisne. Bumalik na rin si Raquel sa kanyang Dorm.
Ang Dami kong nalaman ngayon. At sa unang pasok ko pa ay mayroon agad Ball.
Ayaw na ayaw ko pumunta dito dahil mawawalay ako kela mama. Pero sa tingin ko ngayon ay nagugustuhan ko nang maparito...
Someone's Pov
Ngayong nagbabalik na siya....
Nalalapit nanaman ang Digmaan....
At anong mang oras mawawala na ang ginawa kong Sumpa..
Maaalala na niya ang lahat...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro