Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

edited;



Keira's Pov

"IKAW NA LALAKI KA. SAAN KA NANAMAN NANGGALING?!" Sigaw nung babaeng may kulay blonde ang buhok kay wade. Biglang tumakbo si wade habang sumisigaw.

"WHAAAA HONEY SORRY NA TINAWAG KO LANG SI ZEKE SA GARDEN!" Sigaw niya habang tumatakbo.

Iniwan ako?

Tumingin bigla saakin yung babae at tinaasan ako ng isang kilay. Kahit natatakot ako pinilit kong hindi magpakita ng emosyon.

"Who are you? Bakit mo kasama ang boyfriend ko?" Mataray na tanong nito.

Boyfriend niya pala si wade kaya ganyan siya makaasta. Er. Selosa?

"Im Keira. Dadalin sana ako ni wade sa Headmaster dahil bago lang ako dito." Paliwanag ko naman.

"At sino ang nag utos sakanya?"

"Ah yung lalaki kanina? Na uhm Zeke! Oo tama Zeke daw ang pangalan."

Biglang nawala ang pagkataas niya ng kilay at biglang ngumiti at niyakap ako?! Wait?

"Akala ko babae ka ni Wade eh. And i like you to be my friend! Tara ako na ang magdadala saiyo kay Headmaster." Sabi niya at hinila ako pumasok sa Loob ng malaking pinto. Nasa loob palang kasi kami ng Gate nun, hindi sa mismong 'Palasyo?' Sobrang laki kasi. Sa tingin ko ay palasyo na 'to. Eto ang sinsabi ni Wade na papasukan namin at meron din daw mga dorms.

Pagbukas ng Pinto. Halos mapanganga ako sa mga nagbabatuhan ng Apoy at tubig??Napatingin din ako sa mga lumilipad na walang pakpak. Paano nangyari yun? Meron pa akong nakita na nags-slide sa YELO? Paano nagkayelo dito?

"Oh base sa mukha mo, wala ka pang alam?" Tanong ni? "Im Raquel. Ice User." Dagdag niya. I-ice user?? Kakayahan niya magkontrol ng yelo?

"Hayaan mo pwede akong magkwento sayo tungkol sa Academia! I feel that you are a White wizard. But not really." Sabi niya at parang inamoy ako. I gulp. what the?

Huminto kami sa isang silver na pinto. "Respect him. Kapatid yan ng reyna." Bulong saakin ni Raquel. Napalunok naman ako. Now, may reyna din?

Kumatok na si Raquel at unti unting binuksan ang pinto. "Headmaster merong galing sa mortal world." Rinig kong sabi ni Raquel.

"Papasukin mo siya."

Bigla akong tinulak ni Raquel. "Go. Dito lang ako sa labas."

Hanggang sa tuluyan na akong makapasok, sinarado niya na ang pinto. Nakita ko ang lalaki na nakaupo sa Swivel chair. Tansya ko siguro ay nasa 30+ palang siya.

"Tell me. Paano ka nakapunta dito sa Academia?" Tanong kaagad nito.

"P-pumasok po kami sa isang gubat at tumigil kami sa isang pader na natatakpan ng mga dahon."

"Sinong kami? May kasama ka pa ba rito na iba?"

"Wala po. Ako lang po ang nakapunta dito. Hinatid lang po ako ng mga magulang ko."

Kumunot noo siya. "Alam ng mga magulang mo na mayroon kang mahika." Sabi niya habang tinitignan ako. "Your eyes."

"P-po?" Yung mata ko? Bakit?

"Nothing. I can sense that you're a White Wizard. But i can't sense it clearly." Sabi niya ng nakakunot noo. "Do you have a weird birth mark? Tattoo?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala po." Wala akong ganun. Pero scar marami, hindi ko alam kung saan ko nakuha.

"Weird. I know you're not a Black Wizard. Dumito ka nalang sa Light Academia." Sabi niya. "Here this is your Key." Dagdag niya at binigay saakin ang key. Kinuha ko naman ito, silver key na may nakaukit na number 18.

"That's your dorm number. Minsan dalawa or tatlo kayo sa Dorm." Sabi niya. "And don't worry. Raquel is here to tour you."

"T-teka po. Wala po ba itong tuition?!" Tanong ko. Naalala ko eskuwelahan parin ito. Malaking eskuwelahan! Wala akong dalang pera!!

Narinig kong tumawa siya. "Walang tuition dito. Basta may mahika ka makakapasok ka. Anyway kilala mo ba si Mrs. Juliette? Teacher in Mortal world."

Si maam juliette? Ang teacher ko? "Opo bakit po?"

"She's one of us."

Napanganga ako. Si Maam Juliette? Taga rito?

"Teka lang po. Naguguluhan po talaga ako. Nasa Earth pa ako diba?"

Tumawa ulit yung Head Master. "You're in Academia. World of Magic. Lugar ng may mga mahika. Labanan ng may mga mahika. Sa tingin mo nasa Earth ka pa ba?"

Napanganga ako. "So ibig sabihin wala na ako sa Earth?! Paano ko madadalaw ang Pamilya ko?" Tanong ko.

"Hmm. I think wala pang inaamin ang pamilya mo sayo. Walang mahika ang mga magulang mo right?"

Tumango ako.

Nagkibit balikat siya. "Hindi ako ang may karapatan para magsabi saiyo. You can go now. Enjoy yourself." Sabi niya. Tumango ako at aalis na sana ng tawagin niya ako at nagpatigil saakin.

"Ano pala ang mahika mo?"

"Hindi ko pa po alam."

"Ano ang ginawa mo bakit ka pinapunta dito?"

Umiwas ako ng tingin. "Natulak ko po ng malakas ang Kaklase ko. Natulak ko siya sa malayong pader. Believe me, hindi ko alam paano nangyari yun. Sobrang layo namin sa Pader." Paliwanag ko.

"I think your power is Wind. You can go leave." Sabi niya at tuluyan na akong lumabas sa kwarto na yun. At anong sabi niya? Wind ang mahika ko?

Nakita ko naman si Raquel na nakaupo sa pader at may hawak na suklay na gawa sa YELO?

Tumayo siya ng makita ako "Oh Hi there! What's your Dorm number?" She asked.

"18. Ano iyan? Yelo?" Tanong ko. Sabay turo sa suklay niya. Binigay niya naman saakin ito.

Kinuha ko ito. Ang galing! Malamig siya pero kaya namang hawakan.

"I'm an Ice User. I can make object na gawa sa Yelo. Pwede yung natutunaw kapag hinawakan ng iba. Pwede rin akong gumawa na pag hinawakan mo ay hindi matutunaw. Wait what.." Bigla niyang hinablot ang Ice Comb saakin.

"B-bakit?" Kinakabahan ko tanong. Mahirap na baka gawin akong yelo neto.

"I swear ginawa ko itong natutunaw pag hinawakan ng iba. Bakit hindi natunaw saiyo?" Seryoso niyang tanong.

Napalunok ako. "H-hindi ko alam."

"Sabi ni wade. Baka isa kang Water user. Kinuwento niya ang nangyari kanina sa pagsakay mo sa tubig niya."

Bigla nanaman siyang ngumiti. "Maybe you're a Two users! Water and Ice! Like Zeke, he's a Fire and Lightning User." Sabi niya.

Napanganga ako. Water and Ice user? Ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro