Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35 (Last Chapter)

edited;






Keira's Pov

"Prepare her. Sa ilang minuto ay sisimulan na natin." Rinig kong sabi ng isang lalaki. Naramdaman ko na may mga kung ano ano silang ikinabit sa braso ko kahit sa paa ko.

"Kayanin niya kaya ito?"

"Siya ang makapangyarihan kakayanin niya ito."

"Pero hindi pa gumigising ang totoong kapangyarihan niya, wala pa siyang lakas."

"Lumabas na ang pakpak niya, siguradong lalabas na rin ang totoong kapangyarihan niya."

"Dalian niyo na habang wala pa ang hari!"

Rinig ko ang mga iba't ibang boses na nagsasalita, gustuhin ko man idilat ang mga mata ko hindi ko magawa. Kahit igalaw ang mga katawan ko ay hindi ko rim magawa. Ni hindi ko alam kung nasaan ako, pero alam kong puro Black wizards ang mga naririto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila saakin, ramdam ko na may mga kung ano anong nakakabit saaking braso at hita.

Bigla kong naramdaman na may ikinabit sila sa ulo ko, at unti unti kong naramdaman ang sakit. Bigla akong napadilat at nagwala dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"AHHHHHH!!!" Hiyaw ko at nagwawala sa sobrang sakit. Naramdaman ko rin na may tumutusok na mga karayom sa braso ko. Pero ang nasa ulo ko ang pinakamasakit, para bang may tinatanggal sila saakin.

"Itutuloy pa ba natin?"

"Yes."

"She might die."

Biglang nawala ang sakit sa ulo ko, pero ramdam ko ang katawan ko na nanghihina. Hindi ko alam ano ang ginagawa nila saakin. Ayoko na. Ayoko na ulit maramdaman ang ganun klaseng sakit.

"Continue."

Muli ko ulit itong naramdaman, Humihiyaw nanamang muli ako sa sakit. Hindi ko na kaya, parang kinukuha nila ang lakas ko. Napapikit nalang ako, biglang may mga nakita akong imahe. Nang nasa Light academia ako. Ang mga nangyari saakin, ang pag eensayo namin, ang mga misyon namin, ang masasaya at malulungkot na pangyayari saakin, unti unti na itong nabubura.

At napalitan ito ng ibang mga imahe. Ang isa kong pakpak... Kinuha nila. Kinuha nila saakin...

"Her hair is turning white."

"Lilipas ang isang taon. Gigising siya, kasabay nito ang pag gising ng malakas niyang kapangyarihan."

"Nagtagumpay tayo."

"Siguradong matutuwa si Haring Lazarus."

Wala na akong maramdaman. Gusto ko, gusto ko munang magpahinga. Humanda kayo White Wizards....





Elisne's Pov

"Salamat, Teacher Daisy. Bumalik na po enerhiya ko bibigyan ko nalang po si Hannah para maka pag gamot na siya sa iba." Saad ko at pilit na ngumiti sa leader ng mga engkantada. Tumayo ako sa higaan at pumunta sa pwesto ni Hannah na nakahigang nanghihina.

"Elisne kailangan kong magamot sila Zeke." Sabi ni Hannah saakin. Ngumiti ako kay hannah.

"Bibigyan kitang enerhiya pero kailangan mo muna magpahinga ng kaunti bago ka mag gamot."

Tumango naman si Hannah saakin. Hinawakan ko si Hannah sa kamay upang mabigyan ng enerhiya.

Pagtapos ay umupo si ako sa gilid ng hinihigaan ni Hannah, kaming dalawa ay nagtinginan at may malalim na iniisip. Biglang tumulo ang luha sa mata ni Hannah.

"K-kailangan natin mabawi si Keira." Umiiyak na saad ni Hannah.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, at umiling. "H-hindi pwede Hannah. I-isa siyang b-black wizard." Naiiyak na rin na sabi ko.

"P-pero y-yung pakpak Elisne! B-bakit wala ang isa niyang pakpak!?" Naguguluhan na tanong ni Hannah.

"Kaya mayroon siyang isang mahabang scar sa likuran niya, siguro ay may kumuha sa isa niyang pakpak."

Napalingon kami ni Hannah sa likuran namin nang may nagsalita, lumapit siya saamin at umupo sa tabing higaan ni Hannah.

"Okay ka na, Raquel?" Tanong ko sakanya. Tumango siya.

"H-hindi ako makapaniwala na siya ang babaeng may pakpak sa propesiya. Pero ang hindi ko talaga maintindihan bakit ay kulay itim." Saad muli ni Hannah.

"Wala din naman kasing sinabi sa propesiya na kulay puti ang dalawang may pakpak. Sinabi lang doon na ang isang babae at isang lalaki na may dalawang malalaking pakpak ay itinakda." Sagot ni Raquel.

"Paano sila itatakda?! Kung Isang Black wizard si Keira! At White wizard naman si Zeke! Dahil sa nangyari kay Haring Kristoffer at Reyna Georegette wala na muling tatanggap na ipakasal sila." Sabi ni Hannah.

"Pinapatawag tayo ni Prince Kelvin." Biglang sumulpot saamin si Kaelon na may benda ang ulo. Agad akong tumayo at tinanong kung ayos lang ba siya.

"Ayos lang ako. May kailangan tayong pag usapan, kaya ipinapatawag tayo ni Prince Kelvin." Sabi niya saamin. Agad kaming tumango at lumabas sa loob ng clinic.

Tumungo kami sa Opisina ni Prince Kelvin ang HeadMaster. Nagtataka din ako bakit hindi siya sumulpot sa laban, ni hindi namin siya nakita.

Nang makarating kami sa Opisina ni Prince Kelvin nakita namin sina Zeke pati ang mga iba't ibang fairies na nakaupo sa tapat ni Prince Kelvin , marami rin silang mga benda sa katawan, lalo na si Zeke na nakaupo lang sa isang tabi at blanko ang mukha.

"Maupo kayo." Sabi saamin ni Prince Kelvin. Kaya ay naupo kami sa bakanteng mga upuan , nasa harapan namin si Prinse Kelvin.

"Nasa kamay na ngayon ng mga Black Wizards si Keira." Panimula ni Prince Kelvin.

"M-mababawi ba natin siya?" Naiiyak na tanong ni Hannah.

Hindi kaagad na nakasagot si Prince Kelvin. Tinignan lang namin siya at hinihintay ang sasabihin niya. Sa naobserbahan ko sakanya ay nahihirapan siyang magsalita. Na para bang ayaw niyang marinig namin ang sagot niya.

"S-sagutin mo po kami Prince Kelvin. S-si Keira ay isang White wi-wizard h-hindi puwedeng mapasakanila si Keira." Naiiyak na muling sabi ni Hannah kaya ay hinagod ko ang likod niya.

Bumuntong hininga si Prince Kelvin. "Saatin siya hindi pupuwede. Napatunayan na isa siyang Black wizard. Hindi lang simpleng Black wizard, siya ay prinsesa ng Dark Academia. Siya rin ang mayroong malaking pakpak na babae sa propesiya, hindi niyo ba alam kung ano iyon? Si Keira. Si Keira ang babaeng may malakas na kapangyarihan. Ngayong isa siyang Black wizard, Kalaban natin siya."

Napatahimik kaming lahat matapos sabihin iyan ni Prince Kelvin. Hindi. Hindi namin matanggap. Ayaw namin.

"Pero bakit ganun? Bakit iisa lang ang pakpak niya?" Napatingin kami kay Zeke nang magsalita siya. Ang ekspresyon niya ay blanko.

"Iyan ang hindi natin alam. Hindi natin alam ang nangyari sa buhay ni Keira. Kung bakit nag iisa lang ang kanyang pakpak." Sagot ni Prince Kelvin.

"M-may scar siya sa likuran, pahaba." Sabat ni Hannah.

"Nang lumabas ang kanyang isang pakpak ay bumaka ang scar niya. Siguradong ang isa niyang pakpak ay tinanggal o di kaya ay may kumuha." Sagot nito.

"Prince Kelvin. Bakit po nung sa digmaan ay hindi ka namin nakita? Siguradong ginamit ng Reyna ang mga crystal at kailangan niya ng kapangyarihan mo." Tanong ko.

"Nang sumugod ang Black Wizards ay agad na may nakapasok saaking opisina, agad nila akong dinakip at ikinulong sa kwartong katulad ng kay keira. Sa loob na iyon ay napapanood ko ang mga nangyayari. Kaya't pasensya na at wala akong naitulong sainyo. Pinahirapan din nila ako sa loob na 'yon at siniguradong hindi ako makakatulong kay Georgette." Paliwanag nito.

Tumango na lamang kami. "Sila Cymon po? Ayos na po ba?" Tanong kong muli.

"Maayos na sila. Kailangan lang nila magpahinga."

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Prince Kelvin kaya lahat kami ay napatingin rito.

"Queen Georgette."

Tumabad saamin ang reyna na nanghihina at puno rin ng galos ang mga katawan niya. Agad kaming tumayo at inalalayan siya.

"Georgette." Sabi ni Prince Kelvin.

"Kelvin! A-ang black wizards. W-wala na, n-magigising s-siya paglipas ng i-isang taon.. K-kailangan natin maghanda. I-ibang kapangyarihan a-ang m-mayroon siya, lahat tayo. Lahat tayo ay kakalabanin n-niya." Nanghihinang sabi ng reyna.

"Nakontrol na siya ni Lazarus." Huling sabi niya bago mahimatay.

Lahat kami ay nagtinginan. "Keira..."

"Kailangan nating maging malakas pa. Iba na si Keira. Hindi na siya ang kaibigan niyo. Hindi na siya ang kilala nating Keira. Siya ang Prinsesa ng Dark Academia, siya ang babaeng may malaking pakpak sa propesiya. Kailangan natin siyang mapatay bago mangyari ang pagwasak niya saatin at sa Light Academia..."

Napatayo kami ni Hannah. "Hindi pwede!" Sigaw namin kay Prince Kelvin.

"Kailangan 'yon. Kailangan na maunahan natin siyang patayin bago pa may mangyaring—"

"Kaibigan namin siya! M-mas magandang patayin nalang ang Hari kaysa kay Keira!" Sigaw ko.

Umiling si Prince Kelvin. "Iba na ang dumadaloy sakanyang dugo. Hindi natin alam ang bagong Keira, pagkatapos ng isang taon. Kahit man mamatay ang hari walang magbabago kay Keira. Iba ang gumawa sakanya." Sabi ni Prince Kelvin habang nakatingin sa isang imahe. "Sa pag gising niya kaya siyang kontrolin ni lazarus."

"Kailangan nating mapatay si Keira." Muling sabi niya, napatingin kami sa biglang lumabas ng pinto at sinarado ito ng malakas. Si Zeke...

Lahat kami ay napatulala nalang at hindi alam ang dapat bang gawin....











***

Read the next page po.

IrisAllure Thanks for the trailer po!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro