Chapter 34
edited;
Keira's Pov
"Just Stay here, okay? Huwag kang lalabas ng Palasyo." Bilin ng dalagang babae sa batang babae. Tumango ang bata at ngumiti sa dalaga. Muling tumakbo ang bata sa bukas na bintana at sinilip doon ang napakaganda at malaking palasyo, tuwang tuwa ang bata habang nakatingin sa labas at pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak sa malayo. Lagi niyang hinihiling na sana ay doon nalang siya siya nakatira at muli niyang makalaro ang mga batang nakilala niya sa hindi kalayuan ng palasyo nila.
Biglang nagdilim at nalipat sa ibang lugar, nakita ko ang batang babae na nakadapa sa damuhan at may luha sakanyang mga mata malakas ding dumadaing na tila bang may dinadanas siyang matinding sakit na para bang ikakamatay na niya.
Lumakad ako palapit sakanya upang sana ay tulungan siya, ngunit sa paglapit ko sakanya nakita ko ang likuran niya na puno ng dugo, sobrang nakakadiri at nakakakilabot kapag tinitignan ito, para bang brutal ang ginawa sakanya, nakaramdam ako ng paninikip saaking dibdib kaya ako ay napahawak sa dibdib ko at pumikit.
Pagdilat ko ay iba na ang lugar at naglaho ang batang babae kanina na kaawa awa. Napatingin ako sa paligid, napaatras ako at napatakip saaking bibig. Nakita ko ang palasyo ng Light Academia, ito ay wasak wasak at sira sira na, Nangingitim din ang mga pader nito na para bang inatake ng malakas na sunog at bomba. Tumingin muli ako sa paligid at nakita ko ang mga wizards na puro duguan at nakahandusay sa damuhan. Napansin ko rin ang mga ibang bata. May nakita akong batang babae na nakandusay at may yelo sakanyang kamay. May isang batang lalaki na nakandusay at may katabing mga iba't ibang hayop na mukhang patay na. Isang batang lalaki na basang basa. Dalawang Batang babae na nakahiga at puro duguan at isang batang lalaki na nakahandusay at punong puno nang dugo... May roon siyang.... Dalawang malaking pakpak. Biglang pumasok sa utak ko si Zeke. Dalawang malaking pakpak na puting puti.
Muli kong tinignan ang mga bata, Kamukha nila... Tumakbo ako sa batang lalaki na may malaking mga pakpak. Linapit ko ang kamay ko sakanya upang hawakan ngunit nagulat ako ng bigla siyang dumilat...at
Kasabay nun ang pagdilat ng mga mata ko. Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga habang hingal na hingal. Napahawak ako sa dibdib ko. Panaginip Nakakatakot na panaginip. B-bakit kamukha nila Elisne ang mga bata? Iyon ba ang nakaraan nila? Sino ang batang babae kanina na puno ng dugo ang likuran?
Ang daming bumabagabag sa isip ko. Nang bigla kong naalala si Draven. Shit! Nasaan ako? Napatingin ako sa paligid, sobrang dilim. Halos wala akong makita.
"M-mayroon pa bang ibang nanjaan?" Nanginginig na tanong ko. Ngunit walang sumagot. Sobrang tahimik. Walang kaingay ingay.
Sobrang dilim at mag isa lang ako. Saan ako idinala ni Draven? Ayokong gumalaw. Ayokong tumayo. Dahil baka isang galaw ko lang ay biglang may masamang mangyari.
Nasaan ba ako! Bakit wala akong marinig na ingay. Paano ang laban? Sa malayo niya ba ako idinala? Bakit wala akong naririnig na ingay!
"Pakawalan niyo ko!!" Sigaw ko. Natakot ako dahil kahit echo sa boses ko ay wala akong narinig.
Nakaramdam ako ng sakit sa hita ko kaya napating ako roon. Tila nanlamig ako sa nararamdaman ko sigurado akong ahas ito, b-bakit may ahas dito? Hindi ako gumalaw, pero ramdam ko ang sakit sa hita ko, t-tinuklaw niya ako. Shit! Bigla siyang gumapang saakin. Ayoko na!!! Pumikit ako ng mariin. Shit natatakot ako. Ayoko na please! Pakawalan niyo na ako please!!
Dumilat ako ng wala na akong nararamdaman na gumagapang saakin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, kung wala na ang ahas.
Bigla akong napatingin nang may narinig naman akong umungol na hayop. Napabuka ang bibig ko, at ang nawala na nanlalamig kong katawan kanina ay bumalik muli. Shit. Bakit ganito? Pinaglalaruan ba nila ako?
Kitang kita ko ang pula na mga mata, alam kong mabangis na hayop ito, hindi ko alam kung ito ba ang tigre. Nararamdaman kong papalapit siya kaya ay unti unti akong umaatras. Ang akala ko ko ay nag iisa lang siya pero nagulat ako ng marami akong nakitang mga mata na kulay pula. Shit! Ilan sila nito? Hindi ko naman sila makita dahil sobrang dilim ng paligid.
Naramdaman ko ang tumama sa likuran ko. Wala na. Wala na akong maaatrasan. Pader na ang nasa likuran ko. Natatakot kong tinignan ang mga papalapit saakin na mga hayop. Ayoko na please! Bigla akong napatili nang narinig ko ang ahas. Nasa tabi ko lang siya. Ayoko na, ayoko gumalaw. Shit! Pinaglalaruan talaga nila ako.
Bigla muli ako napatili nang may naramdaman akong malamig na bagay na kumabit sa kamay ko. May kumabit sa wrist ko..
"AHHHHH!!! TAMA NA PLEASE!" Sigaw ko dahil biglang humigpit ang bagay na kumabit saakin, mahigpit, sobra! Tapos.. tapos mainit. Nakakapaso! SHIT! Feeling ko may apoy ito. Sobrang pasong paso na ang pulso ko. Ang hapdi!!!
Narinig ko pa ang ungol nang mga hayop at nararamdaman ko ang ahas. Naiiyak na ako. Ayoko na. Nasasaktan na ako, natatakot ako.
'Keira...'
Napadilat ako ng may tumawag sa pangalan ko. "S-sino yan? Please, tulungan niyo po ako." Nagmamakaawa kong sabi.
'Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo... Kailangan mong ilabas ang tunay na kapangyarihan mo.' Rinig kong sagot ng babae, bakit sa boses niya ang parang nahihirapan din siya? Kaboses niya rin ang nagsasalita sa kwintas ko- agad akong napatingin sa kwintas ko, shit, kulay itim. Sya nga.
"Pakiusap, tulungan niyo po ako." Naiiyak ko na sabi at dumadaing dahil sa sobrang init na nararamdaman ko sa may pulsuhan ko, at ang mga mababangis na hayop ay naririyan lang, pati ang ahas.
"K-keira pasensya na... Keira makinig ka, kailangan mo ilabas ang totoong kapangyarihan mo p-pero kontrolin mo ito at huwag na huwag kang mag papakontrol kay lazarus. Gagamitin ka niya sa kasamaan-AHHHH"
Biglang bumalik sa puti ang kwintas ko. A-anong nangyari sakanya? Pinaglalaruan din ba siya?
Totoong kapangyarihan? Muli akong napadaing at napasigaw dahil sa mahigpit na bagay sa may kamay ko. Sobrang pinagpapawisan na rin ako dahil sa sobrang takot at kaba.
Biglang nawala ang mga nakikita kong mata kanina pati na rin ang ahas pero may naka kabit parin saaking pulsuhan, mainit parin at sobrang hapdi na sa pulso.
Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil narinig ko ang boses nila Elisne na na nagmamakaawa at sobrang nahihirapan.
'Keira...'
'T-tulong...'
'Keira, n-nandito k-kami n-nakikita ka namin p-pero hindi ka namin matulungan.'
'H-halos lahat ka-kami ay hindi na makatayo.'
Rinig ko ang boses nila Wade, Hannah at Elisne. Na sobrang nahihirapan sa boses nila. Nakikita nila ako? Naririto lang ako sa palasyo?
"K-keira, s-si Z-zeke" Boses ni Raquel
"Ano nangyari? Naririnig niyo ba ako?" Natataranta ko na sabi.
Pero wala na akong narinig na sagot sakanila. Bigla kong nanaman naalala ang sinabi ng babaeng may sumpa na naroroon sa kagubatan. Shit! Ito na ba talaga yun?
Nagulat at sobra akong nataranta dahil parang nawawala ang inaapakan ko, shit! totoo nawawala ang inaapakan ko na sahig, pati ang pader na sinasandalan ko. Tuluyan na nawala ang madilim, parang nawala ang mga nakalibot saakin, nangatog ang tuhod ko nang malaman ko kung nasaan ako.
Nasa Itaas ako!!! Kita ko ang palasyo ng Academia, at ang mga Wizards sa ibaba na nakatingin saakin.
"AHHHHHHH!!" Tili ko ng bigla nalang nawala ang inaapakan ko. Mahuhulog ako!!! Sobrang taas! Please please! Ayoko na!
Biglang tumigil ang pagbagsak ko, ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko , sobrang kinakabahan ako. Napatingin ako sa itaas may isang malaking itim na phoenix ang nakahawak sa kadena. Nakalambitin ako. Sumoporta saakin ang inilagay nila sa pulsuhan ko, sobra ang takot ko kasi wala akong inaapakan, nakalambitin ako sa hindi kataasan, nakikita ko rin sila Elisne na nakatingin saakin na parang gusto akong tulungan.
Pinagmasdan ko silang lahat. Totoo nga, lahat sila nakahandusay na. Wala nang malay ang iba. Si Elisne.. Sila Kaelon... Si Wade... Si Cymon...si Raquel..si Hannah. Lahat sila sugatan na at nakahiga na sa damuhan na sobrang nanghihina na. Si Zeke? Nasaan si Zeke?
Napadaing ako ng bigla nanaman uminit ang nakalagay sa pulsuhan ko, siguradong kapag nakita ko ang pulsuhan ko ay sobrang pula at puro sugat na ito.
"Please, ibaba niyo ako." Nagmamakaawa kong sabi. Ayoko na dito, nakalambitin ako, parang mapuputol ang mga kamay ko. Siguradong kapag nahulog ako dito ay patay ako.
"PUT HER DOWN!" Napatingin ako sa sumigaw, Si Zeke. Shit! Bakit naka kadena rin siya!? Wala siya sa itaas pero nakaipit ang mga pakpak niya at ang mga kamay niya ay nakatali, puno na rin siya ng dugo at halatang nanghihina na.
"Alam niyo bakit hindi pa namin kayo tinutuluyan?" Draven. Humalaklak siya. "Kase kailangan niyo makita kung gaano kalakas ang Little sister ko. Kung gaano kalakas ang tinuturing niyong kaibigan. Kung gaano kalakas ang makakalaban niyo, White wizards!" Sabi niya pagtapos ay tumawa ng mala demonyo.
"Ano, Keira? Tutuluyan ko na ba mga oh so called friends mo?" Mapang asar niyang tanong saakin.
Hindi ako makasalita dahil sa sobrang takot sa kalagayan ko ngayon pero masamang tingin ang ibinigay ko sakanya. Tumawa lang siya ng tumawa, demonyo!
"Naiinip na ako. Gusto ko nang makita kung gaano kalakas ang nawawalang prinsesa ko." Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang boses ng hari.
"LAZARUS!"
Napatingin ako ng biglang lumabas ang reyna sa loob ng palasyo. Ang itsura ay halatang nanghihina na rin. Shit oo nga pala kapag napabagsak sila Zeke ay mas doble sa Reyna ang sakit.
"GEORGETTE!" Balik na sagot ng Hari at tumawa ng demonyo. Manang mana sakanya ang anak niya!
"Wala kang karapatan na gawin ito saaking mga ka-White wizards. Si Keira ay hindi siya sainyo! Nakapasok siya ng walang nangyayari sakanya. Sigurado kami na isa siya saamin. Sa pagkakaalam ko rin ay nag iisang anak niyo ni Areselle ay si Draven lamang." Matapang na sabi ng reyna kahit na halatang nanghihina na siya.
Hindi ko alam bakit mas sobrang natatakot ako sa nangyayari, naririto sa harap ang reyna. Tinatapatan ang Hari. Nasaan ba ang Headmaster? Nasaan si Prince Kelvin?
"Tulad ng sinabi ko, hindi niyo kailangan malaman ang nakaraan! Ngunit ngayon ay ipapaalam ko sainyo na may babae kaming anak ni Areselle! At ito ay si Keira! Ang nawawala naming Prinsesa." Sabi ng Hari. "Ngayon. Dahil naiinip na ako! Tapos ay humaharang ka pa sa plano ko!" Sigaw ng Hari at biglang may humagis sa reyna na kapangyarihan ng Hari.
Biglang nanikip ang dibdib ko ng makita kong tumalsik ng malakas si Queen Georgette at nakadapa na sa damuhan na walang malay. Tumama siya sa trunk ng puno kaya nakita ko ang pag agos ng dugo mula sa ulo niya.
Parang tumigil ang mundo ko. Nagdilim ang paningin ko, napa kamao rin ang mga kamay ko, Ang Paso sa pulsuhan ko ay hindi ko na nararamdaman ang sakit. Anong karapatan nila para saktan ang Reyna?!
Narinig ko ang mala demonyong tawa ng Hari. Napapikit ako ng mariin dahil sobra na akong naririnidi sa tawa niya.
"ITO NA ANG PINAKAHIHINTAY KO! Adelie ihanda!" Sigaw ng Hari.
May nararamdaman ako sa katawan ko. Malakas na enerhiya, para bang ang mahina kong katawan kanina ay biglang nagkaroon ng sobra sobrang enerhiya at malakas na mahika. Nasa utak ko, hindi ko alam bakit nasa utak ko ang lahat ng mahika. Parang kaya kong kontrolin. Galit. Galit rin ang nasa puso ko. Gusto kong patayin ang Hari! Dahil sa ginawa niya. Ginawa niya sa mga White wizards. Ginawa niya sa mga kaibigan ko. At ang ginawa niya kay Queen Georgette.
Bigla akong dumilat, at hindi ko na alam paano ako nakawala sa kadenang nakatali saakin, ni hindi ko rin alam paano ako nakaapak sa damuhan ng ganun ganun lang kadali. Ang gusto ko lang ay harapin ang Hari!
Magsisimula na sana akong maglakad sa kinaroroonan ng Hari ngunit biglang sumakit ang likuran ko, shit! Sobrang sakit! ano ito? Bakit sobrang hapdi ng likuran ko?!
Napaluhod ako sa sakit. Feeling ko bumubuka muli ang scar ko sa likod. Pero hindi lang iyon ang masakit, buong likod ko! Parang.... Parang may gusto lumabas.
"AHHHHHH" Sigaw ko sa sobrang sakit. Bumubuka ang scar ko! Ramdam ko! Pero ang isa, shit! bakit may gustong lumabas doon.
Naririnig ko ang tawa ng Hari at paulit na sinasabing "Ito na ang pinakahihintay ko."
Biglang may lumagay sa bewang ko na kadena, hinuli nanaman nila ako. Pero hindi ko na pinansin iyon dahil ang likod ko sobrang sakit na. Nagulat ako ng nasa harapan ko si Zeke, naka kadena rin siya at ang mga pakpak niya ay nakaipit. Napansin kong pilit siya kumakawala.
Napahawak ang dalawa kong kamay sa damuhan, sobrang sakit parang bumubuka ang balat ng likuran ko. Sobrang nahihirapan ako, pinapahirapan nila ako!
"AHHHHH" Huling sigaw ko. Hinihingal ako habang nakadapa dito, grabe ang sakit ng naramdaman ko, parang binuka ang balat kasama laman ng likuran ko. Nararamdaman ko parin ang hapdi ng likuran ko.
"K-keira..." Napaangat ang ulo ko ng magsalita si Zeke. Kita ko sakanya ang pagkagulat sakanyang mga mata, at ngayon ko siya narinigan ng takot sakanyang boses. Tumingin siya sa likuran ko sabay lipat ng tingin saakin.
"K-keira..." Rinig ko rin na sabi nila Raquel kahit na nahihirapan na. Halos lahat sila ay naka ngangang nakatingin saakin. At gulat na gulat ang reaksyon.
Bumalik ang tingin ko kay Zeke na pabalik pabalik ang tingin saakin pati sa likuran ko. Kaya unti unti kong binaling ang ulo ko sa may likuran ko.
Para akong tinapunan ng sobrang lamig na tubig. Nanginginig ang buong katawan ko. Nakabuka ang bibig ko at gusto magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig ko. Kaya ba ganun nalang ang reaksyon nila? Hindi na nga nakakapagtaka!
Rinig na rinig kong muli ang malademonyong tawa nila Draven at Haring lazarus.
Bakit ganun. Bakit ako pa? At bakit ganito? Paanong naging ako?
Binaling ko sa kanan ang ulo ko. Masaya sana ako dahil ako ang may ganito. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang itsura? B-bakit?
Ang likuran ko sa bandang kaliwa ay may malaking pakpak na itim at sa may kanan ay wala kung saan naroroon ang scar ko.
Naramdaman kong may tinusok saaking leeg at bigla nalang muling nagdilim ang paningin ko. Biglang may pumasok sa utak ko. 'Kalaban ko ang White wizards. Ako mismo ang papatay sakanila.'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro