Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

edited;





Keira's Pov

Tinulungan ko ang mga White wizards na kalabanin ang mga Black wizards , talaga ngang ang lalakas nila.

Bigla akong pinalibutan ng mga Black wizards kaya unti unti akong napaatras , napalingon ako sa mga White wizards na busy sa paglalaban.

"Ikaw ang pinapakuha ni Haring Lazarus." Walang emosyon o buhay na sabi ng isang Black wizard.

Sinubukan ko silang kalabanin ngunit hindi sila matamaan na para bang may nakaharang na pader sakanila, may pumoprotekta sakanila. Shit paano ko sila makakalaban?

Unti unti silang lumalapit saakin , may nakita ako na may kadena ang isa sakanila. What the heck. Kadena?! Anong gagawin nila saakin?!

Sinubukan ko ulit na kalabanin sila pero gamit naman ang air blades , akala ko ay tatama na sakanila pero hindi parin pala. Nanghihina na ko! Masyadong mahina mga mahika ko kaya hindi ko kaya ng ganon katagal at hindi rin naman kami nabigyan ni Elisne ng dagdag energy hindi katulad nung sa Exam.

Napatili ako ng bigla kong narinig ang malakas na kidlat sa kalangitan. Nagulat din ako ng matamaan ang mga nakapalibot saakin na mga Black wizards at ngayon ay nakahandusay na at unti unting naglalaho ang katawan.

Agad ako tumingin sa kalangitan na ngayon ay madilim na at para bang may malakas na ulan na paparating , nakita ko rin si Zeke na nasa itaas habang umaatake sa iba.

Napatingin siya saakin saglit at bigla muling bumalik sa pakikipaglaban.

Bigla akong napatingin nang may tumatakbo saakin na isang tigre na kulay itim at pula na mata , shit ito yung sa Academia Village na forest.

Hindi agad ako nakakilos kaya bigla akong tinalunan ng tigre at napatumba ako. Nakahiga ako at nasa ibabaw ko ang tigre , ang lapit ng ulo niya na at nakakatakot ang mga mata niya Natatakot ako dahil alam ko anytime kaya niyang akong kagatin. Hindi lang iyon baka ang ulo ko ang pansinin niya.

Sobrang kaba ng dibdib ko, naririnig ko ang nakakatakot na ungol niya at nakatingin saakin ang mga pula niya niyang mata. Binuka niya ang bibig niya na parang kakagatin na ako kaya agad akong pumikit at nagsisigaw.

Naramdaman ko nalang na bumagsak saakin ang tigre kaya napadilat ako ng mata , nakita ko si Elisne na nakaluhod na habang hawak ang kanyang tiyan na dumudugo at sa isang kamay niya ay isang golden sword na may dugo. Nakita kong may saksak rin ang tigre.

Agad kong inalis sa ibabaw ko ang tigre at linapitan si Elisne.

"Elisne dapat hindi ka lumabas ng palasyo." Sabi ko sakanya habang tinutulungan siya tumayo at ginabay niya.

"K-keira may kaunti pa akong natitirang enerhiya.. I-ibibigay k-ko sayo t-tapos a-ay tulungan mo s-sila K-kaelon s-sila Zeke. I-ikaw ang may m-maraming mahika saating dalawa kaya m-mas makakatulong ka." Nahihirapan na sabi niya.

"Pero elisne. Kung ibibigay mo saakin yan ay wala ka nang enerhiya. Mas mabuti nang sayo yan dahil sobrang nanghihina ka na. Kaya ko pa ang sarili ko okay? Dadalhin kita sa loob." Linagay ko sa balikan ko ang braso niya at inalalayan siyang maglakad.

Bago pa kami makapasok ng palasyo ay may narinig kami na sumigaw na boses ng lalaki, sumisigaw sa hiyaw, sumisigaw sa sakit.

Napatingin kami doon ni Elisne. SHIT. Isang tigre na itim kagat kagat ang hita ni Cymon..

"CYMON!!" Sigaw nila Wade at sinubukan lumapit kay Cymon pero ang mga Black wizard ay hinarangan siya.

Sa isang iglap nanahimik na sa pag sigaw si Cymon at para bang nawalan nang malay.

Parang may dumaan na isang karespe-respeto na ayaw ng ingay dahil sa sobrang tahimik ng lahat. Tinignan ko silang lahat ang mga White wizards ay nakatingin lahat kay Cymon , ang mga Black wizards ay walang emosyon.

"K-k-keira..." Bigla kong inalalayan si Elisne dahil muntik na siya mapaluhod.

Tumingin ako sakanya. Hindi ko alam bakit may luha sa mga mata niya.

"K..keira. Si C-cymon." Sabi niya at napatakip sa bibig. Tumingin siya saakin nang may luha ang mata. "May lason ang mga tigre na itim. Mabilis iyon kumalat sa kawatan at pag nawalan ka ng malay ay... Ay w..wala na...." Sabi niya habang umiiyak.

Napabuka ang bibig ko at tumingin sa kinaroroonan ni Cymon. Ang tensyon ng paligid... Tahimik parin... Pero may nararamdaman akong kakaiba.

Tumakbo si Hannah sa kinaroroonan ni Cymon at ginamot siya. Umilaw ang heal ni Hannah kay Cymon. Kitang kita ko kung paano ang taranta ni Hannah at ang iyak niya.

Naghintay kami ng ilang segundo bago magsalita si Hannah. Parang lahat ng White wizards at Black wizards ay inaabangan ang resulta.

Biglang may lumandas na luha sa mata ni hannah. "H-he's...." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Pero parang alam na namin lahat kung ano ang kasunod.

Lalong umitim ang ulap at sobrang dilim na, lumabas ang malakas na kidlat. Napatingin ako kay Zeke. Yung itsura niya nakakatakot, naka fist ang mga kamay niya at lumalabas sakanya ang lightning pati ang apoy nakapaligid sakanya. Kahit ang pakpak niya ay may nakapalibot na apoy.

Nararamdaman ko. Nararamdaman ko ang aura ng paligid. Ang mga White wizards... Biglang bumaksak ang malakas na ulan. Tubig.

Agad kong hinanap si Wade. Nakita ko si wade na iba na ang kasuotan ang kanyang pang prinsipe na suot ay nag iba sa parang sando na suot tapos ang dalawang braso niya ay may kulay asul na tattoo. Ang buhok niya rin ay kulay asul at kita sakanyang mga mata ang galit at para bang walang nangyari sakanya kanina. Sobrang lakas.

Ang mga bumabagsak na ulan ay biglang nagiging yelo. Matutulis na yelo kaya nag si ilagan kami.

Yelo. Si Raquel! Linibot ko ang paningin ko upan hanapin si Raquel. Nakita ko siya sa gitna, nakasuot  siya ng magarang gown, hindi ito ang suot niya kanina sa ball. Iba ito. At mayroon siyang korona at ang buhok niya ay naging puti. Nakataas ang dalawa niyang kamay na para bang sinasadya niya talagang gawing matutulis na yelo ang ulan ni Wade. Kilalang mataray si Raquel, kung makikita ang itsura niya ngayon ay sobrang nakakatakot at handang handang para sa kalaban.

"Ang Reyna. Gising ang reyna. Nagtatago siya, piniprotektahan niya tayo." Nabaling ang tingin ko kay Elisne nang magsalita siya. "Lumakas at nadagdagan ang enerhiya nila Wade lumabas ang force nila. Ang malakas na mahika nila. P-pero k-kailangan nila mag ingat dahil kung ano ang mararamdaman nilang sakit sa paglalaban ay doble ang sakit sa Reyna. Lalo na sa prinsesa...."

"A-ano ang mangyayari sa Reyna?"

"H-hindi ko alam, kailangan natin ang prinsesa..." Huling sabi niya at nahimatay na siya. Tumakbo ako habang alalay si Elisne sa ilalim ng puno. Medyo malayo sa laban.

Napatili ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako doon. Biglang akong kinabahan dahil sa aura niyang nakangiti ng demonyo.

"Hello, little sister." Demonyong ngiti ang ibinigay niya saakin.

"B-bitawan mo ko!" Sigaw ko sakanya.

"Nah uh ah.. Kailangan mong sumama saakin, kung ayaw mo..." Tumingin siya kay Elisne na walang malay na nakasandal sa trunk ng puno.

"No!" Mahina kong sabi.

"Ayaw mo?" Biglang may lumabas sa isang kamay niya na kulay itim. itim na apoy.

Napabuka ang bibig ko. "No, wag!"

"Little sister. Mayroon ka ding ganitong apoy diba?" Malademonyong ngiti ang ibinigay niya saakin.

Bigla niyang pinitik ang daliri niya. Sa isang iglap ay bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro