Chapter 31
edited;
Keira's Pov
Rinig na rinig ko ang mga bawat hampas ng espada, mga ungol ng Halimaw, mga daing nang nasusugatan at nasasaktan.
Ngunit parang wala lang saakin iyon. Nakatayo ako sa gitna habang patuloy sila sa paglalaban. Isa lang ang nasa isip ko.
Ang sinabi ni zeke
Kung isa siyang peke, ibiv sabihin.. Katapusan na namin. Wala ang hinahanap naming Prinsesa na magliligtas saamin.
Tiyaka, paano nalaman ni Zeke na isa siyang peke? At kung peke siya ay bakit tumunong sakanya ang light crystal?
"Keira!"
Nabalik ako sa aking pagkakatula nang marinig ko ang malakas na pagtawag saaking pangalan. Paglingon ko ay si Cymon na nasa harapan ko, nakita ko na may aatake pala saaking Fire ball.
Biglang bumilis ang puso ko nang makita ko ang Fire ball. Itim na apoy.
Totoo nga. Totoo ang sinasabi ni Zeke. Kung itim ang apoy mo ay isa kang Black wizard. Shit. Totoo yun!? I-i-isa a-akong Black wizard?
"Keira! Nakita mo ba si Hannah?" Tanong saakin ni Cymon. Napatingin ako sa kalaban niya kanina, nakabagta na ito sa sahig. Nakita ko pa na unti unting nawala ang katawan nito.
"Pag may natatalo o napapatay kami na alagad ng Black wizard agad nila itong kinukuha." Narinig ko na sabi ni Cymon.
"Si Hannah ginamot si Elisne sa loob." Sagot ko sa tanong niya kanina.
"Mas mabuti rin na nasa loob ka Keira. Para safe kayong lahat. Kami nang bahala nila Zeke." Sabi ni Cymon saakin na agad akong nagprotesta.
"Hindi pwede!" Sigaw ko kaya napakunot naman ang kanyang noo.
"C-cymon.. Totoo ba na.. na peke a-ang n-nahanap na prinsesa?"
"Sinabi din saakin iyan ni Zeke. Hindi ko alam bakit niya nasabing peke ang nagpakilalang prinsesa. Gusto ko siyang makausap ng maayos upang sabihin niya saakin ngunit hindi rin magawa dahil sa mga Black wizards." Saad nito.
"Nakita mo ba ang Prinsesa? Bakit hindi siya nagpapakita?" Tanong ko.
"Siguro nga ay tama si Zeke." Seryoso niyang sabi habang masamang nakatingin sa malayo.
Unti unti kong tinignan kung sino ang tinitignan niya ng masama.
"Prinsesa Genevieve!" Sigaw ko, naglalakad siya patungo saamin ni Cymon, hindi ko na siya makilala. Nakasuot siya ng mga kasuotan ng Black wizard. Puro itim. At ang aura niya ay parang gustong makipaglaro. Makipaglaro ng patayan.
Napasinghap ako ng bigla niyang saksakin ang lalapit sana sakanya na White wizard. Wtf?
"Hindi ako ang Genevieve ninyo." Demonyong ngiti ang ibinigay niya saamin habang patuloy sa paglapit saamin.
"I am Celoa. Sa wakas! Nasubukan kong ituring na parang prinsesa, At hindi lang iyon. Nakuha ko ito." Itinaas niya ang korona. "Masaya ba? Masaya bang umasa na maililigtas kayo?" Demonyong sabi niya.
"Ang korona para sa Prinsesa." Narinig kong sabi ni Cymon.
Palapit na siya ng palapit saamin ng bigla akong maramdaman na papunta rito galing sa itaas.
Napaatras kami ni Cymon nang sa isang iglap ay nasa harapan na si Zeke.
"Oh hello, my fiance" Sabi ni Celoa kay Zeke.
"Nakuha mo iyan? Parang ikaw rin naman iyan. Isang peke." Malamig na sabi ni Zeke kay Celoa.
Napa buka ang bibig ni Celoa at tinignan ang korona hawak niya. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Raquel sa likuran ni Celoa at agad itong sinaksak ng kanyang espada na gawa sa yelo.
"Kulay ginto ang totoong korona." Narinig naming bulong ni Raquel dito. Si celoa ay napaluhod nalang dahil sa pagkakasaksak sakanyang tiyan. Maya maya ay agad ding naglaho ang kanyang katawan.
Narinig namin ang ungol nang mga halimaw at takbo ng mga Black wizards. Pasugod sila saamin, kaya agad kaming naalerto. Gumagawa ako ng espada na gawa sa yelo, at linabas ko rin ang magic pen ko na magtatransform sa isang katana.
Sumugod na rin kami, sinalubong namin ang pasugod saamin na mga Black wizard. Agad ko sinaksak sa tiyan ang nakalaban ko na mga Black wizard agad naman silang natumba.
Napahinto ako ng may nararamdam akong umiikot sa pwesto ko. Alam ko. Alam ko ay kalaban ito. Tumatakbo siya habang paikot ikot saakin. Sinusubukan kong tamaan siya ng mga armas ko ngunit hindi siya matamatamaan.
Bigla siyang huminto at nasa likuran ko na siya, Kaya agad akong humarap. Lalaki. Lalaki na nakangisi saakin.
"Hi, I'm Racer." Sabi niya pumaikot ikot nanamang muli. Halos mahilo na ako dahil sinusundan ko siya ng tingin , kailangan ko maging alerto dahil baka bigla nalang niya akong atakihin.
Tama nga ako ng hinala. Dahil bigla nalang akong naramdaman na humiwa sa braso ko, kaya napadaing ako.
Bigla siyang huminto siya sa harap ko at itunutok ang kanyang espada.
"Ikaw ba si Keira?" Nakangisi sa tanong niya saakin.
Bigla kong hinarangan ang espada niya gamit ang katana ko. Kaya nagsimula na kaming magpalitan ng atake. Rinig ang tunog ng kalangsing ng aming espada.
Bigla akong napalingon nang marinig ko na tumili ng malakas si Raquel. Napasinghap ako sa nakita ko, nakita ko si Wade na kahandusay na sa sahig. Nakita ko kanina na malakas na paghagis sakanya ng isang halimaw kaya tumama siya sa pader. Hindi lang iyon pag ka hagis sakanya ay biglang may nagpaulan sakanyang mga itim na apoy kaya si Wade ay sira sira na ang damit at halos puno ng dugo.
"WADE!!!" Sigaw ni Raquel at tatakbo na sana palapit kay Wade nang biglang may umatake sakanyang halimaw at pumaibabaw sakanya at sinakal. Linabanan niya ang halimaw at naisaksak niya ang kanyang yelo rito upang matumba, pero ang itsura ni Raquel ay talagang nahihirapan siya hindi ko namakayanan ang nakikita ko.
"R-raquel" naiiyak na sabi ko. Nasira na rin ang damit niya at puro dugo ito. Parehas na sila ni wade na nakahandusay sa sahig. Kailangan nila agarang magamot.
Nagtataka ako bakit walang pumupuntang fairies sakanila upang buhatin at ipasok sa loob ng palasyo. Lalapitan ko na sana sila nang biglang humarang saakin si Racer.
"Na ah ah. Ako ang kalaban mo." Nakangisi niyang sabi saakin.
Itinaas ko ang katana ko at ilalaban sana sakanya ng biglang may malakas na sumuntok saaking likuran kaya napaluhod ako at napaubo. Tinignan ko kung sino ang nasa likod ko pero wala naman akong nakita na kung sino, pero may nararamdaman akong presensiya. Meron. Merong black wizard sa likuran ko.
"Thanks Jorad." Sabi ni racer at biglang kinuha ang katana kong nabitawan ko kanina. Nawala ang nararamdaman kong presensiya kanina, siguro ay umalis na. Invisible. Invisible ang ability niya.
May naramdaman akong malamig na bagay saakin leeg. Hawak ako ngayon ni Racer na nasa likuran ko at nakatapat saaking leeg ang aking katana na kinuha niya.
"Ang mismong katana mo ang gigitay saiyo." Sabi niya saakin habang idinidiin saakin leeg ang katana.
Ako naman ay sobrang kabado. Napatingin ako kay Raquel na nakahandusay, gising pa siya at nakatingin saakin. Nakita kong bumuka ang bibig niya. Keira.
"R-raquel." Naiiyak na sabi ko. Naawa ako kay raquel. Kita sakanya na hindi na siya makagalaw ng maayos, kita rin sakanya na gusto niya akong tulungan.
Nararamdaman ko na lalong idinidiin ni Racer ang katana halos maramdaman ko na rin na magsusugat na ang aking balat.
Gusto kong subukan na magpumiglas at lumaban ngunit natatakot ako na baka kasi sa isang galaw ko lang ay dumiretso ang patalim sa leeg ko.
"Racer." Napalingon kami sa tumawag kay Racer. Isang matandang lalaki na nakasuot ng Black cloak.
"Mahal na hari." Rinig kong bulong ni Racer ngunit hindi parin tinatanggal ang katana saaking leeg.
"Bitawan mo siya" Sabi ng Hari.
"Pero mahal na hari-" Agad akong binitawan ni racer nang itinaas lang ng hari ang kanyang kamay. Ako naman ay napahinga ng maluwag.
Ang Hari
Hari ng Dark Academia?
Siya ang hari! Siya ang kapatid ng asawa ni Queen Georgette.
"Keira." Napatingin ako sakanya ng tawagin niya ako sa pangalan ko. Bakit ba alam nila lahat ang pangalan ko?!
Lalapitan sana ako ng hari ng bigla nalang akong lumutang.
Buhat ako ni Zeke.
Napatingin kami sa ibaba ng biglang tumawa ng malakas ang Hari.
"Anong kailangan niyo kay Keira?" Malamig na saad ni Zeke habang naririto kami sa hindi kataasan.
"Alam mo. Alam mo namang isa siyang Black Wizard diba?" Sabi nang Hari kaya napasinghap ang mga White Wizards dahil natigil ang labanan kanina nang dumating ang hari ng Dark Academia.
Nakita ko sila Elisne at Hannah na palabas. Nanghihina pang naglalakad si elisne, nang makita nila na ganito ang posisyon naming lahat. Nakatigil ang laban.
"Ibaba mo si Keira kung ayaw mong matamaan ang iyong mga pakpak." Napatingin ako sa isang nagsalita na lalaki, kamukha niya ang hari.
Bigla siyang may hinagis na kapangyarihan niya na kulay itim at itinama rito pero agad ding nakaiwas si Zeke. Pinatigil siya ng Hari.
"Itigil mo iyan Draven baka mataam ang iyong kapatid." napakunot noo ako sa aking narinig. Kapatid?
Muling tumingin saamin ang hari. "Isa lang naman ang ipinunta namin dito. Si Keira. Isang itim si Keira. Saamin siya nararapat, at isa pa siya ang Babaeng anak ko."
Lahat kami napasinghap. Ako ay sobrang kabado dahil sa sinabi ng hari. Anak? Babaeng anak? Anak ako ng pangalawang hari ng Dark Academia? Tatay ko ay isang demonyo?
Unti unti kong nararamdaman na bumababa kami sa Lupa ni Zeke. Naniwala sila? Ibibigay nila ako? Hindi maari....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro