Chapter 30
edited;
Keira's Pov
Nang maka recover ako sa pagkagulat sa itsura ni Zeke ay agad akong tumakbo palabas ng Palasyo. Halos lahat ay nasa labas na upang labanan ang mga Black Wizards. Pero hindi ko alam kung nasaan ang Reyna, hinahanap ng mga mata ko ang Reyna. Sana ay ligtas siya.
Nang makalabas ako. Tahimik. Ang White Wizards at ang Black Wizards ay magkaharap, at malalaman agad ang galit sakanila kahit walang ingay. Kahit wala silang sinasabi. Halos mapanganga ako sa mga nakita kong alagad ng Black Wizards. May mga halimaw nga silang kasama, mga higante, sobrang nakakatakot din ang mga itsura nila.
Biglang tumawa ang isang Black Wizard na nasa harapan.
"Muli kaming nagbabalik" Sabi niya at tumawa ng malakas.
"Draven. Ano pa ba ang kailangan ninyo?!" Narinig ko ang boses ni Zeke. Nasa likuran ako. Hindi ko sila masyadong makita, pero nararamdaman ko ang galit ng White Wizards at Black Wizards sa isa't isa.
"Hmm. Napag alaman namin na nagbabalik na ang Prinsesa?" Muli ulit itong tumawa. Seriously, nakakakilabot ang tawa niya. Para siyang isang demonyo. Ito kaya ang hari? Pero hindi eh, sa boses niya ay para siyang binata.
"Hindi kami makakapayag na muli niyo ulit na kunin saamin ang Prinsesa." Narinig ko naman ang boses ni Elisne.
Tumawa ng tumawa ang tinawag ni Zeke na 'Draven'.
"Sigurado na ba kayo na siya ang prinsesa? Hmm." Sabi ulit ng Draven. Nanahimik ang mga White Wizards. Walang sumagot isa man sakanila. "Sainyo na ang Prinsesa. Wala kaming balak na kunin siya. Ang gusto namin..."
Nakita kong lumapit yung Draven kaunti kela Zeke. Nakita ko kasi medyo lumapit na ako upang makita ko ang nangyayari.
"Mamatay kayong lahat." Pagpatuloy niya at doon na sumugod ang mga Black wizards. Kaya nakisugod na rin ang White wizards.
Halos maitulak ako dahil sa pagkakagulo nila, sa pagtakbo nila. Ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako sa mangyayari. Sa nangyayari.
Napatingin ako sa itaas nang makita ko si Zeke na lumilipad. Napakaganda ng kaniyang mga pakpak. Natanggal ang tingin ko kay Zeke nang may humila saakin.
"Keira! Kung hindi mo kayang makipaglaban. Bantayan mo nalang ang Reyna sa loob. Siguraduhin mong w-walang m-makakalapit sa k-kanyang Black w-wizard." Sabi saakin ni Raquel habang hinihingal, may hawak siyang isang ice sword sa isang kamay niya.
Tumakbo na siya palayo saakin at muling nakipaglaban, lumayo ako sa mga naglalaban at tinignan silang lahat. Naiiyak ako. Gusto ko ring tumulong. Nakakatakot ang mga Halimaw. Mga nasa sampu ang malalaking halimaw at linalabanan ito nila Elisne. Ang mga ibang Black wizard naman ay linalabanan ng mga White wizards.
Tumakbo ako papasok sa palasyo, pupuntahan ko muna ang Reyna.
Tumakbo ako at hinanap kung nasaan ang reyna, umakyat ako sa hagdan at pumasok kung saan ang pinaglabasan ng reyna kaninang ceremony.
Nakita ko nga siya doon na mahimbing na natutulog sa kaniyang kama. Pinagmasdan ko siya saglit, pagkatapos ay gumawa ako ng Ice shield ka bauuan ng kanyang kama. Sisiguraduhin ko na walang makakalapit sainyo. Queen Georgette.
Pinagbuti ko ang paglalagay ng ice shield, alam ko hindi gaanong kalakas ang ice power ko. Pero kung para naman sa reyna ay pagbubutihin ko. Ginawa kong doble ang yelong nakapalibot sakanya. Ang ginamit kong yelo ay ang hindi agad agad na matutunaw at ang yelo na hindi siya makakaramdam ng lamig o ginaw. Tinuro ito saakin ni Raquel, medyo mahirap at mabilis makapanghina nga lang ng enerhiya dahil ibang klaseng yelo ito.
Napaupo ako sa sahig pagtapos kong lagyan ng shield ang pwesto niya. Napatingin ako roon, nakikita siya sa loob pero halatang may shield na nakapalibot sakanya. Medyo nanghihina na ako dahil sa inubos ko ang ice power ko roon.
Nagpahinga muna ako kaunti. Halos sumabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Naririnig ko kasi ang mga nakakatakot na ungol ng mga halimaw.
Bigla akong napalingon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Hannah. Agad naman niya akong linapitan at pumantay saakin.
"Anong nangyari? Ayos lang ba ang reyna?" Tanong niya saakin at tinignan ang reyna, nang makita niya ang yelo sa paligid ng reyna ay bumaling muli siya saakin. "Ano ang ginawa mo?"
"Gumawa lang ako ng shield sakanya. P-para kapag may Black wizard na m-makapasok dito ay h-hindi nila agad ma-makukuha ang r-reyna." Medyo nanghihina kong paliwanag.
"Nanghihina ka, kailangan mo ng enerhiya." Nag aalala niyang tanong saakin.
"Hindi. Okay lang ako."
Bigla kaming nagkatinginan nang may narinig kaming malakas na hiyaw ng babae.
"Si Elisne!" Sigaw namin ni Hannah at agad na tumakbo palabas ng silid. Sobrang bilis naming tumakbo ni Hannah, kinakabahan ako at nag aalala. Alam kong ganun din si Hannah.
Pagkalabas namin ay agad naming hinanap si Elisne.
Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat. Tumulo na rin ang luha ko. Nakita ko si Kaelon na nagdidilim ang paningin at ang buhok niya ay kulay berde. Nasa Earth force siya. Agad na inatake ni Kaelon ang halimaw.
"ELISNE!" Sigaw ni Hannah at tumakbo kay Elisne. Kaya ay tumakbo na rin ako para lapitan ang bumagsak na si Elisne.
Unti unti kong tinignan si Elisne. Yung tiyan niya... Puno ng dugo. Nakita namin kanina. Nakita namin.
Ang matulis na kamay ng halimaw ay sinaksak ang tiyan niya.
Tinignan ko si Elisne na nanghihina, puniy punit na ang gown na suot niya at puno siya ng dugo.. Pati sa bibig niya ay may lumalabas na rin na dugo.
Naiiyak ako sa nakikita ko. Si Hannah ay umiiyak na rin habang sinusubukang gamutin ang natamo ni Elisne. Biglang may lumapit saamin na mga fairies at binuhat si Elisne upang ipasok sa Palasyo.
"Hannah sumama ka na. Gamutin mo si Elisne." Sabi ko kay Hannah.
Binuhat na ng mga fairies si Elisne at agad na lumipad papuntang palasyo. Nakita kong may haharang sakanila kaya agad akong gumamit ng air strength upang patalsikin ito.
Napatingin ako sa paligid. Hindi maubos ang mga dark wizards. Medyo napaatras ako ng makita ko ang mga robot na hayop. Mga pula ang mata. Nakita ko rin ang malaking manika na kinalaban ni Raquel nung nakaraan, hindi ito nag iisa, luima sila, At ang mga clone.
Ito na ba?
Ito na ba ang sinasabi ng babae sa Gubat? Ito na ba ang katapusan ng lahat?
Napatingin ako sa Paligid. Ang Prinsesa! Tama! Ang prinsesa! Siya ang may kakayahang talunin ang Black wizards diba? Pero nasaan siya? Bakit ni hindi ko manlang siya makita?
Napapikit ako ng may malakas akong hangin na naramdaman at parang may nasa harapan ko. Unti unti kong dinilat ang mata ko at nagulat.
"Z-zeke." Sabi ko. Hindi ko maiwasan tignan ang malaking pakpak niya sa likuran. Napakaganda.
"Umalis ka rito Keira." Maikling sabi niya saakin.
"B-bakit?"
"Mapapahamak ka lang. Bantayan mo nalang ang reyna sa loob."
"Pero kailangan kong makipaglaban din! Teka Zeke. Ang Prinsesa? Nasaan ang prinsesa? Diba siya ang may kakayahang iligtas ang light academia? Diba? Tama, hindi ako makikipaglaban. Hahanapin ko ang prinsesa." Mabilis na sabi ko at aalis na sana ngunit nagsalita ulit siya.
"Huwag na. Kailangang bantayan mo nalang ang reyna sa loob."
"Hindi pwede Zeke! Kapag wala ang Prinsesa! Mamatay tayong lahat!" Sigaw ko.
Umiling siya at lumapit saakin. "Hindi tayo mamamatay." Seryosong sabi niya saakin.
"Zeke naman! Sa mga halimaw palang wala na tayong laban! S-si Elisne! Nasa panganib na ang buhay niya! P-pano pag ka-kayo rin? T-tayo?" Naiiyak kong sigaw.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
"Pakiusap Keira, pumasok ka sa loob. Iligtas mo ang sarili mo okay?" Maamo niyang sinabi saakin. Hindi ko alam bakit siya ganito. Bakit ang lambot niya?
"H-hindi Zeke! Paano kayo? Ano? Ako lang ang maliligtas? Hahanapin ko ang Prinsesa. Naiintindihan mo? Alam kong malakas ka rin! Pero kailangan mo ang tulong ng Prinsesa! Diba ang Prinsesa ang may pakpak na babae? Siya ang pinakamalakas diba? Siya ang nasa propesiya. Diba? Kailangan niyang iligtas tayo." Umiiyak ko na sinabi, kailangan namin ang prinsesa. Sa nangyari palang kay Elisne ay sobrang natatakot na ako. Paano kung sila rin ay magkaganon? Nakita ko rin ang ibang White wizards na nakahiga at marami na ring mga sugat. Pero kahit na nanghihina sila ay lumalaban pa rin sila. Ganito pala talaga kalakas ang mga Black wizards.
Bumitaw si Zeke sa pagkakahaw saaking pisngi, at tumalikod. Harap na harap saakin ang malaking pakpak niya, sobrang puti, ngunit may kaunting dumi na dahil siguro sa pakikipaglaban niya.
"Huwag mo na siyang hanapin."
"Anong hindi? Hahanapin ko nga sabi!" Sigaw ko.
"Hindi siya ang tunay na Prinsesa." Sabi niya at lumipad nalang bigla sa itaas.
Naiwan ako ditong nakatulala at nakabuka kaunti ang bibig. Hindi siya ang tunay na prinsesa? I-ibig sabihin...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro