Chapter 3
edited;
Keira's Pov
"Ma? Pa? Niloloko niyo naman ata ako eh. Bakit puro puno ito? Nasa gubat na tayo. Naliligaw ba tayo?" Sunod sunod kong tanong kela mama at papa at tumingin muli sa bintana ng Kotse.
Ilang oras narin naba-byahe namin. Tapos nakarating kami dito sa Gubat. Mag aalasais na rin kaya medyo madilim na. Nakakatakot.
"Hindi anak. Dito talaga iyon. Malapit na tayo."
Sumandal nalang ako sa upuan. Ilang minuto lang ang lumipas huminto ang sasakyan namin. Napatingin ako, Wala paring nagbago, Andito parin kami sa Gubat. Bumaba na sila mama. Nakatingin lang ako sakanila.
"Baba ka na rin anak." Sabi ni mama. Kahit naguguluhan ako ay lumabas na ako ng sasakyan. Hinawakan ni mama ang kamay ko at pumasok sa gubat.
"Ma? Anong gagawin natin dito sa loob ng gubat?" Natatakot na tanong ko. Naguguluhan na talaga ako! Wala akong alam sa nangyayari.
"Nandito ang Mundo mo." Sagot ni Papa.
Tumawa ako. "Ano ako Fairy?"
"Nope, you're a Mage, a wizard." Sagot nito saakin.
Tumawa ulit ako. "Pa ayan ang epekto ng panonood natin ng mga Fantasy movies."
Akala ko tatawa si papa pero hindi, patuloy lang siya sa paglalakad, seryoso ang mukha at talagang natatakot na ako.
Huminto kami sa tapat ng puro dahon na pader. Sa tingin ko ay pader na 'yan ay natatakpan ito nang mga halaman, tumingin ako kela mama na nagtataka.
Ngumiti siya at hinawakan ang pader pati narin si papa. Kumunot noo ko. Bigla silang bumitaw sa puro dahon na pader. Ano bang ginagawa nila?
"Ikaw anak hawakan mo. Tignan mo ang mangyagari." Sabi ni Papa.
Unti unti akong lumapit, pero bago ako makalapit tinignan ko muna sila ng nagtataka. Nakita kong ngumiti si Mama. "Keira, Wag na wag mong tatangalin iyang kwintas mo ha? Wag mong ibigay kahit kanino. Hindi namin alam ang mangyayari saiyo jan sa mundo niyo. Pero may kutob akong may mangyayari masama at maganda. May kutob akong dapat mong malaman. May kutob ako na dapat mong maalala. Ingatan mo ang sarili mo." Mahabang sabi ni mama.
"Huwag kang magtitiwala at maniniwala agad sa ibang tao. Sundin mo ang puso mo, pero gamitin mo rin ang utak mo." Sabi ni Papa.
Tumigil ako. "Ma, Pa. Ano bang sinasabi niyo?" at tumawa ako nang mahina.
"Keira. Basta itatak mo sa utak mo yan. Sige na at hawakan mo na ang pader."
Kahit naguguluhan ako, unti unti kong hinawakan ang pader, nagulat ako ng tumagos ang kamay ko kaya agad ko itong tinaggal.
"MA! PA! Ano yun?" Sigaw ko. Kinakabahan ko! Ano yun? Tinignan ko si mama. Hinawakan ulit niya ang pader, ngunit walang nangyari katulad ng saakin.
Tumulo ang luha ko. "M-ma? B-bakit ganun?" nanginginig kong tanong.
Bigla akong niyakap ni mama. "Keira, katulad ng sabi ng papa mo, isa kang Wizard. Isa kang Magic user, may mahika ka anak. Alam kong hindi mo maintindihan. Pero kung pumunta ka na sa mundo niyo ay unti unti mong maiintindihan lahat."
"Sige na Anak, keira. Tuloy lang ang lakad mo sa pader. At makikita mo na kung saan ka dapat nabibilang." Sabi saakin ni papa nang nakangiti.
Tumuloy ako sa paglalakad, At parang unti unting nilamon ang katawan ko.
"MAMA! PAPA!" Sigaw ko habang nilalamon ang katawan ko ng pader.
"Mahal na mahal ka namin anak! Mag iingat ka jan!" Rinig kong sigaw ni Mama at papa, at unti unting hindi ko na sila nakita.
Sobrang nahihilo ako, parang nakasakay ako sa Rides na paikot ikot. Hinihila ang katawan ko pababa. Andito ako sa loob ng pader! God. Ano ito? Hindi ako makapaniwala.
Biglang bumilis ang pagbaba ko kaya napasigaw ako at napapikit. Please, please save me. Natatakot ako.
"AHHHHHHHH" Malakas na tili ko dahil sa sobrang bilis.
"FCKING SHIT."
Bigla akong napadilat. Lalaki. Isang lalaki malapit sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko. Bakit magkalapit kami ng mukha? Sino siya?
"Miss, can you fucking stand? You're sitting on my lap." Napalunok ako dahil sa boses niya. Bakit ang gwapo ng boses niya?
Pero narealize ko ang sinabi niya at tumayo kaagad. "AHHH! BAKIT AKO NASA HITA MO? HA? AHHH MANYAK! MANYAK!" Sigaw ko. "A-AT TYAKA SINO KA? HA?" Sigaw ko.
"Shut. Up. Napalunok ako ng nakita ko ang mata niya. Nakakatakot. Parang anytime sisipain niya ako palabas ng Earth. W-wait nasa earth pa ba ako? Ugh, Stupid me. Syempre! P-pero ano yung parang portal na yun kanina?
"Ako pa ang manyak ngayon? Ikaw ang biglang sumulpot at nakaupo sa lap ko?" Parang galit na saad nito.
"Ahhh! Bwisit! Hindi ko rin alam! Basta nilamon ako ng pader na yun! At nahulog ako! Nasaan pala ako?"
Tinignan niya ako ng nakakunot noo. "Ngayon lang kita nakita dito. Paano ka nakapunta dito sa Academia?"
"Sinabi ko ngang nilamon ako ng pader!!" Inis na sabi ko. "Teka, eto ba ang Academia?" Tanong ko at tumingin sa paligid. Para din siyang Gubat, pero magandang gubat. Maraming bulaklak at magagandang puno, may nakita pa nga akong iba't ibang kulay ng Puno. Ang galing! Meron palang ganun?
"Nasa Academia ka nga. Sino ka ba? Sigurado akong isa ka ring may mahika, dahil walang nakakapunta dito na walang mahika."
"Ha? Mahika? Magic?" Tanong ko. Kanina pa sinasabi yan ni mama.
"Hindi mo alam na may magic ka? Naaamoy ko may kapangyarihan ka, pero hindi ko matukoy kung ikaw ba ay White or Black." Nakakunot na sabi niya. Bakit ang gwapo niya?
WHAT? Wala akong sinabi ah.
"ZEKE!!!" Napatingin ako sa sumigaw. Lalaking papalapit saamin. "Zeke! Kanina ka pa hinahanap ni Teacher Daisy." Napatingin siya saakin. "Oh, You have a girl huh?"
"Tsk. Dalhin mo siya kay Headmaster. Bago ata dito, galing sa Mortal." Sabi nung Zeke 'ata' at iniwan kami dito.
"Hi! Im Wade, Water User." Pakilala nung bagong dating na lalaki.
"Huh? Water user?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala ka pa palang alam. Dalhin na muna kita kay Headmaster. Para may malaman ka na. Tara." Pagyaya niya sakin.
Sa isang iglap nakasakay ako sa...
SA TUBIG??!
"A-ano ito? P-paano?" Gulat na tanong ko.
"Sa mundong Academia. Puno ng Mahika. Sigurado akong may mahika ka rin kaya ka nakapunta dito." Sabi niya habang nakahawak siya sa Tubig na parang pinapaandar niya.
Napalunok ako ng umandar ang tubig. A-ang galing!
Huminto kami sa Malaking Gate. May malaking gate pa pala dito? May nakaukit sa Gitna ng gate. L.A
LOS ANGELES??!!
"It's Light Academia." Sagot ni Wade, At unti unti kaming binaba ng Tubig niya at bigla nalang natapon ito ng nakaapak na kami sa lupa.
Ang galing! Parang hindi naman ako nabasa!
"Nakakapagtaka. Bakit hindi ka nabasa ng tubig ko? Sinasakay ko naman ang mga kaibigan ko dito pero pagbaba namin, lahat sila basang basa." Sabi nito.
"H-ha?"
"Baka isa ka ring Water User! Excited na ako mapasali ka sa Members ko." Tuwang tuwa niyang sabi. Napanganga ako. Literal na napanganga. Ako?! Water User?
"Halika na pasok na tayo sa loob. Nararamdaman kong may galit nanaman." May binulong siya sa dulo pero hindi ko narinig.
Tumapat kami sa Malaking Gate. Biglang Umilaw ang nakaukit na L.A at unti unting bumukas ang Gate. Napanganga ako. Ganito pala dito? Parang ang saya! Sayang wala sina mama at papa. Lalo na si papa! Mahilig pa naman kami sa mga Fantasy.
"Pagpasensyahan mo na pala yung si Zeke. Mainit lang talaga ulo nun lagi."
Zeke? Baka yung lalaki kanina? Napasimangot ako. Iyong manyak na iyon, Bwisit.
»»»○○○«««
Pagbigkas po ng Pangalan nila.
Keira - keera
Zeke - Zeek / Zik
Wade - Weyd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro