Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

edited;





Keira's Pov

"Omg! Sabi na eh bagay sayo yang gown." Tili ni Elisne pagkakita niya saakin. Kararating lang namin dito sa Palace.

"Hindi ba masyadong magara?" Nahihiya kong tanong.

"Ano ka ba! Hindi no. Tignan mo nga yung iba lobong lobo ang gown kala mo sila ang Reyna o Prinsesa." Sabi ni Hannah at tumawa.

Napansin ko nga na ang gagara din nang mga suot ng mga babae. Kaya siguro naman wala akong ikahiya diba?

"Nasaan si Zeke?" Tanong ni Raquel.

Napatingin ako sa likod ko. Wala na pala siya. Nagkibit balikat ako. "Nawala eh."

"Siguro pinuntahan na ang Prinsesa." Raquel.

Ngumiti nalang ako. "Magpapakita ba ang reyna?" Tanong ko.

"Yes! Papakilala ka namin sakanya! Salamat nga ay napapayag siya ni Prince Kelvin na muling lumabas ng kanyang kwarto eh." Sabi ni Elisne.

"Nakita na niya ba si Prinsesa Genevieve?" Tanong ni Hannah kay Raquel.

Umiling naman siya. "Hindi pa, isusurprise daw si Reyna Georgette. Pero alam niyang naririto na ang Prinsesa. Kaya siguro ay napapayag na lumabas ang Reyna." Sagot ni Raquel. Tumango tango naman sila Elisne.

"Paano pala nahanap ang Prinsesa?" Singit ko. Curious lang ako.

Tumingin sila saakin. "Ayon sa sinabi saamin ni Prince Kelvin, kusa daw na pumasok rito si Prinsesa Genevieve tapos nang pumasok siya sa Opisina ni Prince Kelvin ay bigla nalang daw umilaw at tumunog ang gem yung nasa tuktok ng magic pen ayon ang ginamit natin nang hinahanap natin ang Prinsesa." Sabi ni Elisne.

"Dahil lang sa tumunog siya na ang prinsesa?" Tanong ko, hindi naman sa sarcastic ang pagsabi ko ah. Nakakapagtaka lang.

"Hindi namin alam, pero siguro ay pinatignan niya muna si Princesd Genevieve kay Fairy Daisy." Sagot ni Hannah.

"Bakit kayFairy Daisy?" Tanong ko.

"Siya kasi ang parang guardian sa Prinsesa. May kakayahan siyang maamoy kung ito ba ay ang prinsesa o hindi. Sa lahat ng fairies, Si fairy daisy talaga ang Leader ng mga fairies. Nakilala mo na ba si Fairy daisy?" Elisne.

"Hindi ko sure kung nakilala na niya ako, pero siya ay kilala ko na." Sagot ko.

"Hindi talaga mahilig makipag entertain iyon. Pero mabait naman siya." Sabi ni hannah.

"Pinapatawag na tayo ni Prinsipe Kelvin." Sabi ni Raquel kela Elisne at Hannah.

"Saglit lang Keira ha? Siguro ay magsisimula na." Sabi saakin ni Elisne. Kaya ngumiti nalang ako sakanila.

Pagkaalis nila ay pumunta ako sa may gilid at tumayo roon. Yep, ako lang mag isa. Mahirap pala talaga na puro royals mga kaibigan mo. Hindi ka belong, maiiwan ka kapag pinatawag sila.

Biglang may tumunog na parang bell. At automatic na tumahimik ang mga nag iingay na mga white wizards, nagsitabihan sila sa gilid na parang gumawa sila ng daan sa Gitna. Nakaharap rin sila sa may magarang hagdan. Napatingin ako sa nasa taas ng hagdan ng may nagbaba ng mahabang carpet at dumiretso ito sa ginawang way ng mga white wizards.

Napatingin ako kung saan huminto ang mahabang red carpet. Tumigil ito sa harap ng malaki at magarang upuan na pang Reyna. Nasa gitna ito tapos sa mga gilid nito ay may mga bakanteng upuan pa. Siguro ay roon uupo ang mga Royals.

Muling may tumunog na parang bell at may nagsalita.

"Please welcome, Queen Georgette! The Queen of Light Academia!"

Biglang bumukas ang malaking pintuan na nasa taas ng hagdan, At lumabas doon ang Reyna. Napanganga ako, literal. Totoo pala ang sinasabi nila na napakaganda ng reyna. Nakagown siya na kulay Peach at may malaking korona sa kanyang ulo. Naka half smile din siya, magkahawak ang kanyang dalawang kamay na nasa harapan niya. Unti unti siya naglakad pababa ng hagdan, napaka Prim and Proper niya, confident din siyang bumababa ng hagdan. Nagsipalpakan ang mga white wizards, at winewelcome nila muli ang reyna, ang iba ay pinupuri ang reyna.

Lumakad ako para sana makita kong maayos ang reyna. Hindi ko alam bakit na eexcite ako. Gusto ko siyang makita ng malapitan, gusto ko siya makilala, gusto ko siya makamayan, and if it's not too much, gusto ko din siya mayakap. Hindi ko alam kung bakit.

Nag excuse ako sa mga nasa harapan at pumunta roon. Alam ko ang iba ay tinarayan pa ako pero hindi ko nalang sila pinansin, hanggang naririto na ako sa harapan. Madadaanan niya kami rito sigurado.

Tuluyan nang nakababa ng hagdan ang Reyna, at nagsimula nang tumungo sa upuan niya, habang naglalakad siya ay ngumingiti at kinakayawan niya ang lahat. Makikita sa mukha niya na ang saya niya.

Medyo nakikita ko na siya ng malapitan, napakaganda nga niya talaga! Para bang isang dalaga lang. Kulay itim ang kanyang buhok, hindi ko masabi kung mahaba ba ito dahil nakatali ang kanyang buhok at napapalibutan ng bulaklak tapos ay may kulay ginto na korona.

Ito na! Malapit na niya ako madaanan! Lalo akong naeexcite. Pwede ko kaya siyang kamayan?! Tawagin ko kaya? Siguro naman makikita niya ako rito diba? Nasa harapan na ako oh! Kahit ngitian niya lang ako, ano ba yan bakit parang ang fangirl ng dating ko?

Padaan na siya saamin, sumusigaw ang mga nasa tabi ko ng Maligayang pagbabalik! Reyna Georgette Kinawayan at nginitian niya naman. Bigla akong ngumiti sakanya ng dumapo ang tingin niya saakin. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tinignan ako. Ako naman ay sobrang ngiting ngiti sakanya. Gusto ko siya yakapin! Naiiyak ako hindi ko alam kung bakit!

Ilang segundo lang lumipas ay agad uli siyang lumakad pero hindi natanggal ang tingin niya saakin, minsan ay nawawala ang tingin niya saakin at nginingitian ang mga White Wizards pero agad ding bumabalik saakin ang tingin niya. Ako naman ay nakatingin lang talaga sakanya habang sobrang lapad ng ngiti ko medyo naka buka pa nga ang bibig ko. Hindi ko alam bakit ang saya saya ko!

Naupo na siya roon sa magara at malaking upuan, doon nga siya nakaupo. Mas malaki pa nga sakanya ang upuan eh, pero hindi naman gaano, sakto lang.

Muling may tumunog muli at may nagsalita ulit.

"Please welcome, Princess Genevieve! The Daughter of Queen Georgette, The Princess of Light Academia!"

Lumabas sa isang malaking pinto si Prinsesa Genevieve. Napakaganda niya rin, nakasuot siya ng light pink na gown at may silver na korona sa kanyang ulo, nakalugay ang itim niyang buhok na mana niya siguro kay Queen Georgette bumababa siya ng nakangiti, nakita ko sakanya na sobrang saya niya at feel na feel ang pagbaba niya sa hagdan para siyang nagmomodel at nagmamadali. Hindi katulad ni Queen Georgette na mahinhin kung maglakad.

Naghihiyawan din ang ibang mga White Wizards at winewelcome ang prinsesa, pero bakit parang ang iba ay tahimik lang na nakatingin sa prinsesa? Hindi katulad ng kay Queen Georgette na halos lahat sila ay winewelcome ang pagbabalik ng Reyna.

Makarating siya sa harap ng reyna, tumayo ang reyna at biglang yinakap ang prinsesa. Nakita ko ang kasayahan sa mata ng reyna. Nanikip dibdib ko. Naiinggit ako, sana kaya ko ring mayakap ng ganun ang Reyna.

Naupo na sila. Naupo ang prinsesa sa tabing upuan ng reyna.

"The Sun Princess, Princess Elisne! The Ice Princess, Princess Raquel! And the Healing princess, Princess Hannah!"

Bumukas muli ang isang malaking pinto kung saan ang pinag labasan ni Princess Genevieve. At naka pila silang tatlo. Sunod sunod silang bumababa ng hagdan habang ngumingiti, nang makita nila ako ay kinawayan nila ako. Ngumit rin ako at kumaway. Nakarating sila kung saan naroroon ang Reyna at Prinsesa. Naupo rin sila sa bakanteng upuan katabi ni Princess Genevieve.

"Prince Ezekiel, The Prince of Flaming Palace Academia, Fire and Lightning Prince!"

Bumukas muli ang malaking pinto at tumabad doon ang nakapoker face na si Zeke. Kaya napa poker face din tuloy ako. Pano ba naman, kahit ba naman dito ganyan parin mukha niya? Hindi ba uso smile sakanya?

Bumaba na siya ng hagdan at lumakad. Kainis! Ang cool niya. Ang gwapo gwapo niya, kaasar. Diretso lang ang tingin niya habang naglalakad.

Nang malapit na siya sa pwesto ko ay tinignan niya ako at tinaasan ng isang kilay tapos tinarayan, aba. Baklang Prinsipe!

Napangiwi ako sa mga nagtitilian at nagbubulungan na babae. Kesyo daw ang hot niya ang gwapo niya. Bakla nga yan eh!

Naupo si zeke sa tabi ng reyna. Bale napapagitnaan nila Princess Genevieve at Zeke ang Reyna.

"The Earth Prince, Prince Kaelon! The Water Prince, Prince Wade! And the Wind prince, Prince Cymon!"

Naglabasan doon sila Kaelon, nakapila din sila katulad kela elisne at sunon sunod na bumababa ng hagdan. Nakangiti sina Wade at Cymon, si Kaelon ay naka half smile. Kinawayan din nila ako nang madaanan nila ako. Kaya nakakarinig ako ng mga bulungan tungkol saakin. Tss.

Pagtapos ay nanahimik ulit ang mga White Wizards at bumaling naman ang tingin namin kung saan naroroon ang mga royals. Nawala na rin ang daan na ginawa nila kaya napunta nanaman ako sa dulo pero medyo nakikita ko parin naman sila.

"White Wizards." Narinig ko ang boses ng reyna. "Maraming salamat sa ginawa niyong pagdiriwang. Ako ay humihingi ng paunmanhin sa pagtatago at hindi pagpapakita sainyo ng ilang taon, per kahit ganoon ang inasal ko ay tinuturing niyo parin akong Reyna ng light academia. 17 years. 17 years akong nagtago at nagkulong, masyadong masakit saakin dahil nawala ang aking anak, at namatay ang aking asawa. Pero ngayon, kahit wala na si Kristoffer. Naririto at nagbabalik na rin naman ang aming anak, kaya ay hindi ko sasayangin ang oras ko sa pagkukulong at pagtatago. Maraming salamat sainyo White Wizards!" Mahabang litanya ng Reyna. Nakita kong tumayo si Princess Genevieve, yinakap naman siya ng Reyna.

"Maligayang pagbabalik Queen Georgette at Princess Genevieve!

"Mayroon akong ipapahayag sainyo. Ang aking anak na si Genevieve at si Zeke na prinsipe ng Flaming palace ay aking ipagkakasundo ng kasal. Dahil na rin sila ang nasa Propesiya."

Nagpalakapakan at naghiyawan ang mga white wizards.

Tumalikod na ako at umalis doon. Naninikip dibdib ko. Napunta ako sa may garden at umupo sa may damuhan. Tumingin ako sa kalangitan na maraming bituin.

Napabuntong hininga nalang ako, Nang bigla akong may naalala. Kanina...

Kanina sa dorm nang sinundo ako ni Zeke. Yung lumabas sa kamay ko.

Inangat ko ang kamay ko at tinignan ito, bakit ganoon? Bakit may lumabas na ganoon sa kamay ko?

Nagconcentrate ako habang nakatingin sa kamay ko, iniisip kong maglabas muli ng Ice gun. Agad naman itong lumabas, pero bakit kanina? Kanina hindi ito ang lumabas.

Pumikit ako at nagconcentrate habang nakaangat parin ang kamay ko. Hindi ko iniisip ang ice o ang wind. Basta ay nagconcentrate lang ako at ang nasa utak ko ay ang lumabas kanina.

Bigla akong may naramdaman na lumabas sa kamay ko, dumilat ako ng biglang may tumawag saakin.

"K-keira."

Napalingon ako doon, Si Zeke habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kamay ko. Kaya napatingin din ako roon. Napabuka ang bibig ko at nanlaki rin ang mata. Ang lakas din ng kalabog ng puso ko.

B-bakit?

B-bakit may ganito sa kamay ko? Bakit ganito? Ito ang lumabas kanina nung nasa dorm ako...





Itim na Apoy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro