Chapter 26
edited;
Keira's Pov
Dalawang araw na ang lumipas, hindi na kami masyadong nagpapansinan nila Elisne, lahat sila. Magkadormmate kami ni Elisne, kung dati ay marami siya kwento saakin, ngayon ay wala na. Para bang hindi na kami close, para bang magkakilala lang kami sa pangalan. Madalas din ay hindi siya natutulog sa dorm. Kahit kela Raquel at Hannah, halos puro ngitian nalang kami. Ganun din sa mga lalaki.
Simula nang dumating ang Prinsesa ay palagi na akong mag isa, naiwan ako sa Ere.
Minsan nga ay may mga nagtatanong saakin 'bakit daw hindi ko na kasama ang mga prinsesa at prinsipe' sinasagot ko nalang ay busy sila.
Totoo naman... Busy sila kasama ang Prinsesa.
Kahapon ay sobra ang pagka-inggit ko, nakita ko kasi sila sa Cafeteria na kumakain tapos ang saya saya nilang nagkukuwentuhan. Nakita ko ring tumatawa tawa si Zeke, at napapansin ko rin ang pasulyap sulyap niya sa Prinsesa.
Nakakalungkot at nakakainggit kasi dati ako ang kasama nila, ako ang kinukwentuhan nila Elisne. Nabalitaan ko rin pala na tinutulungan nila sa pageensayo ang Prinsesa upang magamit ng maayos ang kapangyarihan niya. Dati ako yun eh. Dati ako ang tinuturuan nila. Pero nagbago na... Kase dumating na siya. Nakakaramdam ako ng pagkainis sakanila, kase bakit parang ang bilis nila makalimot?
Ang sarap sabihin na.
"Uy hi! Ako pala si Keira, Isa ring kaibigan niyo nakalimutan niyo na ba?"
Naisip ko naman wala naman akong magagawa, mga Dughong bughaw yan wala naman akong laban sakanila. Wala akong laban sa Prinsesa.
Napahinto ako sa paglalakad ko ng makita ko si Elisne na na nagmamadaling naglalakad.
"Elisne!" Pag tawag ko sakanya. Napahinto naman siya at lumingon saakin.
Nginitian niya ako at kinawayan. "Hi Keira!"
Magsasalita na sana ulit ako ng may idugtong siya kaya napatikom nalang ako.
"Mauna muna ako ha? Busy kasi, may gaganaping Ball bukas. See you!" Sabi niya at nagmadaling tumakbo.
Tinignan ko lang siya habang tumatakbo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga nalang ako.
May ball bukas?
Siguro para sa Prinsesa... Lahat naman kasi sila busy dahil sa Prinsesa. Hindi ko alam bakit naiinis ako. Nagpatuloy nalang ako sa Paglalakad, naisip ko na libutin ko ang Light academia.
Habang naglalakad lakad ako ay naririnig ko ang mga usapan ng mga Estudyante.
"May gaganapin na Ball bukas. Totoo ba iyon?"
"Yes. Sa pagkakaalam ko. Magpapakita na muli si Reyna Georgette."
"Talaga? Sana ay bumalik na sigla ng Reyna. Ngayong naririto na rin naman ang Prinsesa."
"Medyo natatakot ako sa Prinsesa. Hindi kasi siya mabait katulad ng Reyna."
"Ha? Ano ba yang sinasabi mo? Mabait kaya ang Prinsesa, binati pa nga kami."
"Kasi kahapon ay nasa Locker ako, ako nalang mag isa, Tapos nakita ko ang Prinsesa na parang may kausap ngunit wala namang tao. Kaya nilapitan ko, tapos nagulat siya ng makita ako at sinamaan ako ng tingin. Tapos bago niya ako lagpasan ay tinulak niya ako."
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad dahil naisip ko na masama palang makinig sa may usapan ng hindi naman talaga ako kasali. Ngunit nagulat ako ng makita ko si zeke sa harapan ko at nakatingin sa dalawang babae na nag uusap.
"Zeke?"
Hindi niya ako pinansin patuloy parin siyang nakatingin sa dalawang babae habang nakakunot ang noo. Nagulat ako ng bigla niyang lapitan ako dalawa.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawang babae ng makita nila si Zeke.
"Saan mo nakitang may kausap si Genevieve?" Tanong niya sa isang babaeng nagkukuwento kanina.
"S-sa locker room po Prince Zeke." Sabi ng babae habang nakayuko.
"Nakita mo ba sinong kausap niya?" Tanong ulit ni zeke.
Umiling ang babae. "H-hindi ko po sigurado kung may kausap siya, nakita ko lang po siya na nakatayo sa g-gilid habang nagsasalita na p-para bang may kausap."
Napatingin ako kay zeke matapos sabihin iyon ng babae. Wala siyang emosyon. Hindi ko mawari kung ano ang pumapasok sa isip niya.
Humarap siya saakin at dali dali akong hinila sa Wrist ko.
"Ano ba Zeke? Saan tayo?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghihila saakin.
"Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw ko. "A-ano hindi na ba kayo busy sa Prinsesa? –i mean a-ano." Shit ano ba ang sinabi ko?
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kung saan saan bumaling ang mata ko.
Napaharap lang ako sakanya ng bigla niyang hinawakan ang baba ko at hinarap sakanya. Napaangat din ang ulo ko, kaya napatingin ako sa mga mata niyang kulay dilaw at pula. Hindi ako makahinga! Bakit ang lapit ng mukha niya sa mukha ko? Ang init! Kasing init ng apoy niya!
Hindi ko matagalan ang pagtingin sa mga mata niyang nakatingin saakin kaya binaling ko ang mata ko sa kung saan.
"Look at me." Mahina at mariin niya sabi.
"A-ano bang problema mo?!" Sigaw ko kahit na kinakabahan ako. Ang bilis ng kabog ng puso ko! Tinabig ko rin ang kamay niyang nakahawak sa baba ko at umayos ng tayo.
Hinawak niya ulit ako sa wrist ko at hinilang muli.
"Really? Zeke! Saan mo ba ako dadalhin?! Baka makita tayo ng Prinsesa..."
Naririnig ko rin kasi sa mga estudyante na...
May namamagitan daw sakanilang dalawa...
Third Person's Pov
"Mahal na hari, pinapatawag niyo raw po ako." Sabi ng isang lalaki pagkatapos ay lumuhod at yumuko, upang magbigay galang sa Hari.
"Racer. Ihanda sina Vythica. Pati ang ibang alagad. Muli ulit natin silang sopresahin." Sabi ng hari at tumawa na parang demonyo.
"P-pero mahal na hari. Inaayos pa po si Vythica, pati na rin ang aking ibang kasamahan dahil sa kanilang natamong maliit na mga sugat."
"Ayusin niyo! Kailangan ay agad silang gumaling upang sumugod ulit tayo sa mga White wizards!! Naiintindihan mo?!" Sigaw ng hari sa lalaking si Racer. Ramdan ni racer ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba na baka ay bigla siyang patayin ng hari sa isang galaw lang nito. Alam nila na isang makapangyarihan ang hari, kaya dapat ay sundin nila ang nais nito kung hindi ay hindi ka na makakagalaw sa mundong ginagalawan mo ngayon.
"Masusunod Mahal na Hari." Sabi ni Racer at nagbigay galang bago daling umalis sa harap ng hari.
Tumawang mala demonyo muli ang Hari habang tinitignan niya ang palasyo ng Light Academia.
"Hindi na ako makapaghintay na makuha ka at iyang malakas mo na kapangyarihan. Pasensya Kristoffer, muli ulit akong magtatagumpay!" Bulong ng hari sa kanyang sarili at tumawa.
»»»○○○«««
Genevieve - Je-ne-veev
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro