Chapter 25
edited;
Keira's Pov
"Zeke?" Tawag ko. Nakahiga ako ngayon sa malaking kama, at si Zeke ay nakaupo sa magarang sofa habang pinaglalaruan ang kanyang apoy sa kamay.
"Oh?" Maikli niyang sagot.
"Ikuwento mo naman ano ang nangyari kahapon." Sabi ko ulit, kanina pa ako nagpupumilit pero iniiba niya ang topic minsan ay hindi na lang niya ako sinasagot na para bang walang nagtatanong sakanya.
He sigh. "Wala, umatras na ang mga black wizards. Tapos ayon! Natigil na." Sabi niya at nagkibit balikat.
"Ano ang nangyari nang malaman nilang nasa puno ako?" Tanong ko ulit, ito ang gustong gusto kong malaman. Ewan ko ba kung bakit, Parang kasi may... hindi ko alam! Ugh, naguguluhan ako. May natanggal ba sa memorya ko?
"Bago ka pa nila atakihin..." Napatingin lang ako kay Zeke ng napahinto siya sa sasabihin niya.
"Bago nila ako atakihin? Ano?" Tanong ko. Napakunot noo ako ng bigla siyang umiling pagtapos ay bumuntong hininga.
"Bago ka nila atakihin ay sumigaw na ang kanang kamay ng hari na itigil na at ipagpatuloy nalang sa susunod."
Napatanga ako. "Itutuloy sa susunod? Anong itutuloy sa susunod? May magaganap nanaman? Susugod nanaman sila?" Kinakabahan kong tanong, sobra talaga akong kinakabahan kapag susugod sila. Hindi ko talaga malimutan ang sinabi ng babae na... Lahat sila mamatay...
Nakita kong napapikit ng mariin si Zeke. Iba talaga napapansin ko kay Zeke ngayon. Bakit parang nafufustrate siya? Kinakabahan? Wala sa sarili?
May kumatok sa pinto at binuksan iyon kaya napatingin kaming dalawa. Tumabad doon ang isang lalaki na hindi katandaan.
"Prinsipe Zeke. May kailangan pong sabihin sainyo ang hari." Sabi niya kay Zeke at yumuko. Pagtapos ay umalis na.
Napatingin ako kay zeke ng tumayo siya. "Dito ka nalang muna." Sabi niya at lumabas sa loob ng kwarto.
Napa buntong hininga nalang ako, at umayos sa pagkakahiga. Pumikit ako at nag isip isip. Sa puso ko parang kulang ang sinabi saakin ni zeke. Parang... Parang may kulang eh. Pumikit lang ako at pilit na may inaalala ng bigla sumakit ulo ko kaya napahawak ako.
"Ahh ang sakit!" Daing ko at hinimas himas ang aking noo. Bakit ganun? Kapag pinipilit kong may alalahanin, sumasakit ulo ko, Tapos may nakikita akong imahe ngunit ito ay malalabo.
"Keira..."
Bigla akong napadilat ng may narinig akong boses, hindi ko alam pero agad kong tinignan ang kwintas ko. Tama nga ako, ang nasa kwintas ko nanaman ang nagsasalita dahil kulay itim nanaman ito.
"Sino ka? Pakiusap sagutin mo ako. Ikaw ba ang nagpoprotekta saakin?" Mahinang tanong ko, Mahirap na baka may pumasok bigla at magtaka kung sino ang kinakausap ko.
"Keira, mag iingat ka pakiusap"
Bigla akong kinabahan, ano ba ang mgapinagsasabi niya?
"Ano ang mangyayari? Pakiusap rin magpakilala ka saakin."
"Keira... Nalalapit na... Mag iingat ka Keira... Kaya ka niyang makuha... Kaya ka niyang mapasunod... Mag iingat ka... Ingatan mo ang mga kaibigan mo..."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay bumalik na sa pagiging puti ang kwintas ko. Mag iingat? Makukuha? Mapapasunod? Ano ba ang sinasabi niya? Hindi ko na alam basta kinikilabutan na ako. Ano ba siya?! Multo? Hindi impossible iyon dahil dito sa mundong ito walang impossible.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang Pinto. Nakita ko roon si zeke na parang ang saya ay na-eexcite ang mukha? Anong nangyari? Bakit parang nasa mood si zeke? Parang sa tingin ko kasi ay nakangiti siya.
"Halika na babalik na tayo sa Light Academia" Sabi niya at hinila ako sa aking kamay.
Kaya ba siya nasa mood kasi babalik na kami sa L.A? O may iba pa roon?
Napatakbo ako at yinakap sila Elisne, Hannah at Raquel nang makita ko sila. "Ayos lang ba kayo?" Tanong ko sakanila.
Ngumiti sila. "Maayos na kami Keira. Salamat sa pagtulong saamin." Sabi ni Elisne.
Ngumiti naman ako. "Wala pa nga sa kalahati ang naitulong ko sainyo."
"No, kung siguro hindi mo ako tinulungan sa babaeng clone ay siguradong deads na ako." Sabi ni elisne at tumawa.
"Ako naman, salamat sa binigay mo saakin na katana, nakatulong iyon." Sabi saakin ni Hannah.
"Saakin naman yung manika! Susme. Hindi ko kinaya yon, Nakakafrustrate, hindi siya matamaan ng mga yelo ko." Sabi ni Raquel.
"Oo nga pala, bakiy tinatakbuhan mo ang manika?" Tanong ko.
"Kapag nahawakan ka niya magiging isang manika ka na rin tulad niya, at gagawin ka niyang alagad."
Nagulat naman ako doon. Ibang klaseng manika. Ayoko mahawakan non!
"Nasaan na pala si Zeke?" Tanong ni Elisne.
"Hindi ko na alam. Sabi niya ay puntahan ko kayo rito sa Clinic at may importante siya pupuntahan." Sagot ko.
"Iyon talaga si zeke! Excited makita ang Prinsesa." Sabi ni Hannah.
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang puso ko. Nahanap na ang prinsesa? Naririto siya?
"Prinsesa?" Tanong ko.
"Ay oo nga pala. Nahanap na ang Prinsesa. Alam mo ba ang ganda ganda niya." Nakangiting sabi ni Elisne.
Biglang sumakit ang puso ko. Nahanap na nila ang prinsesa? Bakit... Bakit parang hindi ako makapaniwala.
"Oo nga! Pero nakakapagtaka lang, bakit kulay berde ang mata niya? Sa pagkakaalam ko si Prinsesa Genevieve ay kulay brown ang mata niya mana kay Haring Kristoffer." Sabi ni Hannah.
"Malay mo nagkamali lang tayo, siguro ay berde talaga ang mata niya dati kulay dark nga lang." Sabi ni Elisne.
"Guys..." Napatingin kami kay Raquel ng magsalita siya. "H-hindi ko..." She sigh.
"Bakit Raquel?" Tanong ni Elisne.
"Hindi ko alam bakit hindi magaan ang loob ko sakanya. Don't get me wrong ah. Masaya ako dahil nahanap na ang Prinsesa. Pero... Meron sa puso ko na.. Ugh! Wala wag nalang." Sabi niya at huminga ng malalim.
"Okay lang yan Raquel. Siguro kasi ay matagal nawala ang Prinsesa. Masaya nga ako dahil may laban na tayo sa mga Black Wizards. Hindi ko akalain na ganun sila kagaling. At grabe ang kanilang mga mahika." Sabi ni Elisne.
Napatingin kaming lahat ng bumukas ang Pintuan ng Clinic.
"Prinsesa Genevieve." Sabi ni Elisne at yumuko sa prinsesa, ganun din ang ginawa nila Raquel at Hannah na para bang sobra nila itong ginagalang kaya napagaya nalang ako sa kanilang pagyuko.
Narinig kong tumawa ng Mahina ang prinsesa. "Ano ba kayo. Elisne, Raquel, Hannah! Hindi niyo na kailangang gawin yan. Isa rin kayong mga prinsesa." Sabi niya.
Tumakbo sila Elisne sa prinsesa at niyakap ito. Masasabi ko ngang ang ganda ng Prinsesa. Itim ang kanyang buhok at magaganda ang kanyang berdeng mga mata. Nakasuot din siya ng Mahabang gown na kulay puti may korona na rin sakanyang ulo.
Tinignan ko lang sila Elisne habang masayang niyayakap at Nakikipagtuwaan sa Prinsesa. Pati rin sina Cymon, Kaelon, Wade at Zeke. Napatingin ako kay zeke. Nakita ko sa mata niya na natutuwa siya. Ngayon ko lang nakita kay Zeke ito. Parang nanakit ang lalamunan ko.
Kaya pala nagmamadali siyang umuwi dito. Dahil naririto na ang Prinsesa. May gusto kaya siya rito?
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Naninikip ang dibdib ko. Para akong maluluha.
Nang walang pasabi ay dahan dahan akong umalis sa Loob. Hindi naman nila ako napansin dahil busy sila. Sinarado ko ng dahan dahan ang pinto. Since ito ay glass nakikita parin sila sa loob. Tumingin ako sakanila bago sana umalis ng tuluyan ng napansin kong nakatingin saakin ang Prinsesa. Nakatingin siya saakin habang nakangisi
Na para bang nagtagumpay siya....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro