Chapter 24
edited;
Keira's Pov
Dinilat ko ang mata ko, shit sakit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ko na nasa ibang kwarto ako. Agad akong tumayo sa Kama na hinihigaan ko. Teka! Ano nang nangyari? Diba sumugod ang mga taga Dark Academia?
Pinagmasdan ko ang Kabuuan ng Kwarto. Kulay Pula at Dilaw, ang mga kagamitan ay mga Kulay ginto, na sa tingin mo palang ay alam mo nang mamahalin.
Napatingin at napaatras ako ng narinig kong bumukas ang malaking pintuan at tumabad doon si Zeke.
"Z-zeke?"
Napatingin naman siya saakin. "Nagugutom ka ba?" Tanong niya.
"Nasaan tayo? Ako? Anong nangyari sa digmaan kagabi?" Tanong ko, binaliwala ko ang tanong niya. Sagutin mo ang tanong ko! Sasagot na sana siya ng biglang may tumawag sakanya kaya napatingin ako roon. What the!!
"Kiel." Sabi ng Batang babae. Ang cute cute niya!! Yung buhok niya ay silver at tuwid na tuwid ito.
"Zeria! Sabi ko huwag ka ng sumunod saakin!" Masungit na sabi niya sa batang babae. Hindi sumagat ang batang babae, nagulat ako ng unti unti siyang lumapit saakin habang nakatitig. Napalunok ako, ang ganda niya! Nahiya naman ako. Mukha siyang manika.
Nang makalapit siya sa harapan ko ay tumitig lang siya. Awkward akong ngumiti sakanya.
"Zeria! Stop it. Stop Reading her mind!" Saway niya sa kapatid niya. Reading my mind?
"I can't read it." Sagot ng batang babae habang nakatitig parin sa mga mata ko. Ang ganda ganda niya. Ang haba ng pilik na mata tapos ang ganda ng dilaw niyang mga mata tapos ang puti puti, tapos mapupulang labi at matabang pisngi. Para siyang manika talaga, tapos wala pang emosyon ang mga mukha niya. Parang hindi nga siya pumipikit eh.
"H-hi? I'm Keira." Pakilala ko sakanya at awkward na ngumiti, nakakailang kasi siya dahil nakatitig parin siya sa mga mata ko. Nahiya naman ang brown na mata ko sa dilaw na mga mata niya.
"I'm Zeria. Your eyes are so beautiful. Why i can't read your mind? Someone is blocking me." Sabi niya pero wala paring emosyon, titig na titig parin siya sa mga mata ko. Ganyan ba siya? Natatakot na ko huhu. Para talaga siyang manika na nakasteady lang.
Tumingin ako kay zeke. "Z-zeke" Tawag ko sakanya. Pero nakakunot noo lang siya habang nakatingin sa kapatid niya.
"Zeria. You can't read her mind?" Tanong niya kay Zeria.
"Yes Kiel. I can't. I think someone is protecting her." Sabi ni Zeria at umalis na sa harap ko upang lumapit kay Zeke. Kiel? Si Zeke? Kiel? Ang gulo.
Tumingin saakin si Zeke habang nakakunot noo.
"O-oh bakit?" Naiilang na tanong ko.
"Wala. Tara sa baba." Sabi niya at tinalikuran ako. Agad naman akong sumunod sakanila.
"Teka Zeke. Nasaan ba tayo? Anong nangyari sa digmaan?" Tanong ko habang sinusundan siya.
"Nandito ka sa palasyo namin. Wag ka mag alala ligtas ka rito." Sabi niya at huminto sa isang kwarto. Sumilip ako roon. Isang dining room pala. Nakakamangha, may mahabang lamesa doon at maraming mga nakahalerang mga hindi ko alam na pagkain. Pero sa tingin ko ay mukhang masasarap.
"Palasyo niyo? At anong ligtas? Wala naman ako sa kapahamakan." Sagot ko sakanya.
"Maupo ka na." Sabi niya at binuhat niya si zeria upang paupuin sa isang upuan. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay ng makita niyang hindi ako sumunod sakanya.
"Anong gusto mo? Buhatin din kita?" Tanong niya.
"Hindi!" Sigaw ko sakanya at tinarayan siya. Umupo na ako sa harapan ni Zeria.
"Ate Keira why can't i read your mind?" Tanong niya saakin.
"H-hindi ko alam. Mind reading is your power?" Tanong ko sakanya.
"Zeria! Bakit mo siya ina-ate?! Tapos ako hindi mo kinu-kuya?!" Nagulat ako ng sinigawan ni zeke si Zeria. Halos mapatawa ako sa sinabi niya.
"Yes Ate Keira. Mind Reading and I can see future too, but my real magic is Lightning." Sagot niya saakin.
"Wow really? Ang dami mo namang magic." Sagot ko sakanya. Naiilang parin ako bakit kasi pag nagsasalita siya walang emosyon? Pero hindi naman siya masungit, mataray o maldita.
"I want to see your future and read what's your thinking but someone is protecting you. They blocking me." Sabi niya and she pouted! What ang cute niya!! Pero kahit na ngumuso siya wala paring emosyon sa mga mata niya.
Pero teka, someone is protecting me? Napatingin ako sa baso na makikita ang reflection ko. Ang kwintas ko ay naging kulay itim nanaman. Hindi kaya...
Yung babae ay pinoprotektahan ako? Sino ba siya? Siya kaya ang tunay ko na Ina?
"Kiel where is mother and father?" Tanong ni Zeria kay zeke.
"Bakit Kiel?" Shit, bulong lang dapat yun napalakas ang pagkasabi ko.
"Ezekiel." Sagot ni zeke. Ezekiel? Ezekiel ang tunay niyang pangalan? "Susunod din daw sila Zeria." Sagot ni Zeke kay Zeria.
"Magkapatid ba kayo?" Tanong ko.
"Yes Ate Keira." Sagot ni Zeria.
"Sinong pumoprotekta sayo?" Tanong saakin bigla ni Zeke.
"H-hindi ko alam. Bakit ba tayo andito? Bakit may pumoprotekta saakin? Nasa kapahamakan ba ako?" Sunod sunod na tanong ko. Naguguluhan na ako. "Tiyaka Zeke, Sagutin mo naman ako. Ano nangyari sa digmaan?" Dagdag na tanong ko.
Nakatingin lang ako sakanya, bugla siya umiwas. "Naaalala mo ba ang lahat?" Tanong niya.
"Ha? Naaalala ang alin? May nangyari pa ba bukod sa pagsugod ng Black Wizards?" Naguguluhan na tanong ko.
"Wala. Kumain ka na."
"Ah! Teka." Sabi ko ng may maalala ako.
"Bakit?" Napakunot noo ako sa pananalita ni zeke, bakit parang hindi siya mapakali?
"Kamusta na sila Elisne? Bakit hindi ko na maalala ang iba? Sagutin mo ako Zeke! Ang alam ko nasa puno ako non para tulungan sila, tapos may nakapansin saakin na Black wizard then wala na. Parang nagbblurd ang sunod na nangyari.." Sabi ko habang inaalala ang nangyaring digmaan kahapon.
"Wala."
Tumingin ako sakanya. "Anong wala? Teka, nasaan ka ba kahapon? Nakita ko sila Elisne na nakikipaglaban pero ikaw hindi ko mahagilap."
"Nakikipaglaban din? malamang." Sagot niya.
"Ayos ka lang ba? Pwede bang bumalik na tayo sa Light academia para matignan ko kung ayos na ba sila Elisne?"
"Ayos lang ako. Ayos lang din sila. Hindi pa tayo pwedeng bumalik."
"Bakit hindi pwede? Nandoon parin ba ang mga taga Dark Academia?"
"wala na. Tch! Wag ka na nga madaldal!"
Tinarayan ko siya, ang sungit!!
"Ezekiel? Zeria?" Napatingin ako kay Zeke at Zeria ng may tumawag sakanila, sa tingin ko ay galing sa labas ng Dining Room.
"Nandito lang pala kayo." Napatingin ako sa may pasukan ng dining room. Isang babae na may edad na at sobrang ganda. Kulay blonde ang buhok tapos nakasuot siya ng Gown na kulay Flesh. Tapos mayroon din siyang maliit na Korona sakanyang ulo.
"Mother." Napatingin ako kay Zeria sa binanggit niya. Mother? Siya ang mama nila? Jusme, Ang ganda, kaya pala ang ang ganda at gwapo nila.
Mother? Prinsipe si Zeke diba? So si Zeria ay Prinsesa? At ang mama nila ang Reyna? Omaygad! Siya ang Reyna sa? Saan nga to? Hehe >.<
Bigla akong Nahiya kaya yumuko ako. Shit, puro Royals ang kasama ko rito, grabe na ang kahiyahaan ko. Parang ang lapitin ko naman sa mga royals.
"May kasama pala kayo." Narinig kong sabi ng Reyna.
"Ma, She's Keira-"
"Your Girlfriend?"
Nagulat ako sa tanong nito. Halos uminit din ang mga pisngi ko dahil dito.
"Ma! Aish! Doon nga tayo sa Balcony." Sabi ni Zeke at lumabas sa loob ng dining room.
Napatingin ako kay Zeria na busy pa rin sa pagkain. Seriously.
"A-ah Zeria?" Pagtawag ko sakanya. Tumingin naman siya saakin ng walang kahit anong Expression sa mukha. Really? Ganito ba talaga siya?
"Uhm. Ang mama mo ay reyna diba?" Tanong ko.
Tumango tango naman siya. "Mother is the Queen of Fire and Father is the King of Lightning." Woah! Grabe naman mga lahi nila.
"Saan nga pala itong palasyo niyo?" Tanong ko ulit.
"Flamming Palace."
Tumango naman ako, si this is his home? Sila Elisne kaya? Mayroon ding mga palasyo? Paano naman ako? Paano kaming mga hindi royalties katulad ng mga iba't ibang white wizards doon sa Light Academia.
Maya maya ay bumalik na si zeke kasama ang Reyna, awkward naman akong ngumiti.
"Hello Keira. I'm Queen Hermione." Pakilala saakin ng reyna habang nakangiti. Nagulat ako ng bigla niya ang niyakap. "Just call me Mama" bulong niya saakin at humagikgik. What the?
"Mom!" Saway ni zeke sa mama niya. Bumitaw naman sa pagyakap saakin si mama i mean si Queen Hermione. Hehe. Pinaupo niya ako sa tabi ni Zeria.
"Mother likes you. Mother wants you to be her Daughter-in-law. Mother wants you to marry Kiel." Sabi saakin ni Zeria, tinignan ko siya. Sinasabi niya iyon habang nakatingin kay Queen Hermione.
Binabasa niya ang nasa isip ng reyna? Totoo ba iyon? Shit. Feeling ko mukha na akong kamatis.
The Queen of Fire wants me to marry his Son? The Fire and Lightning prince? Sa isang mahinang katulad ko? Just what the heck.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro