Chapter 23
edited;
Keira's Pov
"Salamat." Sabi ko kay Hannah pagkatapos niyang gamutin ang mga natamo kong sugat dahil sa labanan namin ni Lily.
"Nagamot na rin ba si lily?" Tanong ko.
"She can heal herself. Kailangan niya lang ng pahinga then kusa nang gagaling mga sugat niya." Sabi ni Hannah.
"Kaya niya rin bang magpagaling ng iba?" Tanong ko.
Umiling naman siya. "Sarili niya lang kaya niyang pagalingin." Sagot niya. Tumango tango naman ako. "Magpahinga ka muna keira." Sabi niya saakin at ngumiti, pero pekeng ngiti. Alam ko natatakot rin siya sa mangyayari. Bigla ba naman susugod ang mga Taga Dark Academia eh.
Napatingin ako sakanya ng marinig kong siya bumuntong hininga. "Kung sana ang Healing magic ko pwedeng ipanglaban, may naitulong sana ako. Bakit kasi healing lang ang mahika ko eh." Mahina niyang saad.
"Ano ka ba Hannah. Malaki ang maitutulong mo sa Healing magic mo. Kung wala ang Healing marami na sigurong mamatay dahil walang manggagamot sakanila." Sabi ko sakanya. "Nakakaligtas ng buhay ang Healing magic mo Hannah. Kaya wag mong maliitin yan. Nailigtas mo nga si Risa jaan, Maraming salamat talaga doon. Wag kang malungkot, isang malaking tulong amg mahika mo. Kung para saakin nga ay iyan ang pinakamalakas na mahika, dahil may kakayahan kang iligtas ang sino man." Dagdag ko at tinapik ang balikat niya.
Ngumiti naman siya. Hindi na peke. "Masaya ako dahil nakatulong ako sayo. Hindi ko alam keira bakit ang gaan ng loob ko sayo." Sabi niya. Napangiti naman ako roon.
Napalingon kami kung saan dahil sa mga naririnig naming hiyaw. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa labas?
Napatayo si Hannah, kaya napaupo rin ako sa kama ko. "Keira, mahiga ka muna." Sabi niya saakin. "Keira..." May gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy.
Ngumiti ako. "Sige na, Hannah. Here." Sabi ko sakanya at inabot ang parang ballpen. Napakunot noo naman siya. "Press the red button. Magtatransform yan sa Katana." Sabi ko at itinuro ang kulay pula na pindutan. Nabili ko yan ng nasa Academia Village kami.
Ngumiti siya saakin at kinuha saakin ang parang ballpen. "Salamat." Sabi niya saakin at dumiretso sa pinto.
"Mag iingat ka. Mag iingat kayo Hannah!" Sigaw ko pa.
Ilang minuto lumipas ng nakalabas na si Hannah. Sobrang kinakabahan ako. Hindi na ako mapakali, dahil natatakot na rin ako sa mga naririnig kong Hiyaw, na para bang sobra silang nasasaktan. Hindi ko na kayang pakinggan kaya tumayo na ako, binuksan ko ang cabinet ng side table ko at kinuha roon ang isa pang Secret sword, katulad ito ng binigay ko kay Hannah. Binulsa ko ito at lumabas sa loob ng Dorm.
Kinakabahan ako habang naglalakad sa Hallway papunta doon sa may Gate ng L.A. Habang palapit ng palapit ako ay lalong lumalakas ang mga Hiyawan. Hiyaw sa sakit. Natatakot ako, paano kung lahat ng mga humihiyaw na iyon ay ang mga Light Wizards? Tapos isa na doon sila Elisne, Raquel, Wade, Kaelon, Hannah, Zeke. T-tapos ang Head Master. Shit Stop over thinking Keira!
Nandito na. Nandito na ako malapit sa Gate. Unti unti ko ng nakikita ng bigla akong may narinig na nagsalita, Boses babae. Kaya nagpalingon lingon ako sa Paligid ko, inilabas ko rin ang secret sword ko.
"Keira."
"Sino ka??" Kinakabahan kong tanong. Sino siya? Bakit niya ako kilala?
"Keira."
"Sabing sino ka eh?! Lumabas ka kung asan ka man!" Matapang na saad ko.
"Kung pwede lang ako makalabas Keira. Lalabas at lalabas akong kung pwede lang, upang matigil na ang kasamaan ni Lazarus."
"Sino ka ba ha? Asaan ka? Sinong lazarus?!"
"Naririnig mo ako dahil sa suot mong kwintas.. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin saiyo ang lahat. Pero keira, pakiusap huwag kang magpakita sa mga Black Wizards, lalo na kay Lazarus..."
"Ano? Sinong lazarus? Anong nasa kwintas?!" Sigaw ko bigla kong hinawakan ang kwintas ko. Ngayon ko lang napansin na nag iba ang kulay nito, binigay saakin ito ni mama ng kulay puti ngayon ay kulay itim na. Paano? Anong nangyari sa kwintas ko?
"Keira pakiusap, Sundin mo ako." Narinig ko ulit ang boses ng Babae. Biglang bumalik sa puti ang kwintas ko.
"Sino ka?!" Sigaw ko ulit, ngunit wala nang sumasagot.
Napahinga ako ng malalim, hindi ko na alam kung papaniwalaan ko ba ang Babae.
Napalingon ulit ako kung saan ang mga naghihiyawan. Shit, Nalimot ko na. Tatakbo na sana ako ng maalala ko ang sinabi ng babae. Huwag akong magpakita sa mga taga dark academia? Mga Black wizards?
Bahala na!
Tumakbo ako patungo sa mga naglalaban. Halos maiyak ako ng makita ko si Elisne na pinagtutulungan ng mga naka itim na babae, Magkakamukhang babae. Naglalaban sila gamit ang Espada, nakita kong marami na ring sugat si Elisne. Mahina pa si Elisne! Lumaban pa siya sa Exam.
Nakita ko rin si Kaelon na puro shield nalang ang ginagawa niya dahil pinagtutulungan siya ng tatlong lalaki. Halos hindi na siya makalaban.
Si Cymon na may kalaban na dalawang lalaki, halos maiyak ako nang makita kong hinahagis nila si Cymon, at halata kay cymon ang sakit lalo na pag bumabagsak siya sa Lupa.
Si Raquel na may kalaban na Manika?! Manika na gumagalaw, Nakakatakot ang itsura. Nakikita kong nilalabanan ito ni Elisne gamit ang Ice magic niya pero tumatagos lang ito sa Katawan ng manika.
Nakita ko rin si Hannah na nakikipag espadahan sa isang lalaki, may hawak na malaking sword ang lalaki samantalang kay hannah ay isang hindi kalakihang katana lang. Halatang nanghihina na rin siya.
si Zeke? Asaan si Zeke?
Linibot ko ang paningin, nakakaiyak. Lahat ng White wizards ay pilit na linalabanan ang mga taga Black Wizards. Ang iba ay nakahiga nalang sa sahig. Ang iba puro sugatan, duguan, mga nanghihina na.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko, Si Elisne ang sobrang nahihirapan, dahil andaming babaeng naka palibot sakanya na magkakamukha. I think puro Clone.
Tumakbo ako kay Elisne at tinulungan siyang makipag espadahan sa mga babae.
"Keira!" Sigaw niya saakin.
"Be careful, Elisne." Sabi ko nalang habang nakikipag espadahan sa mga babae. Mabuti nalang ay magaling akong makipag espadahan.
"Ahh!" Hiyaw ko ng nahiwa nanaman ako sa braso. Puputulin ba nila braso ko? Wag naman!
"Keira! Kaya ko na 'to. Kaunti nalang sila." Sigaw saakin ni Elisne. Nakita kong umoonti na nga lang ang mga babaeng clone. Napansin ko ang isang babae na naiiba, nakita kong siya lang ang may malaking kwintas. Nakikipaglaban siya kay Elisne, Kaya sinamantala ko na, gumawa ako ng maliit na arrow gawa sa ice magic ko at hinagis pasakto sa kwintas ng babae, agad naman iyong nabasag at nawala ang mga clone niya.
"Shit! You bitch!" Sigaw niya saakin habang hawak ang kanyang nabasag na kwintas.
Susugurin niya dapat ako pero agad siyang kinalaban ni Elisne.
"Thanks Keir! Sige na, tulungan mo ang iba. Mag iingat ka." Sabi niya kaya tumakbo ako papunta kay Cymon.
Nasa likuran nila ako, nakikit kong parang kinokontrol nila ang Gravity, umaalog sa pwesto ni Cymon kung saam siya mismo nakatayo kaya natutumba siya tapos ang isa ay agad niyang papaliparin si Cymon. I think ang isang lalaki ay may kakayahang imanipulate ang Gravity at ang isa ay isang Air User.
Habang nakatalikod sila ay nagpaulan ako sa pwesto nila ng Ice Shower. Bago pa nila ako makita ay nagtago ako sa trunk ng puno. Tinignan ko si Cymon, shit Cymon gumising ka kailangan ko ng tulong.
"Siraulo yun ah! Sino yan?!" Sigaw ng lalaking Black Wizard, Gravity Manipulation.
"Huwag ka magtago! Harap harapan mo kaming kalabanin!" Sigaw naman ng isang Air User.
Nagconcentrate ako. Gagamitin ko ang wind fly ko, magtatago ako sa taas ng puno. Nang makaakyat na ako sa puno ay nagpaulan ulit ako ng Ice shower sa Dalawa, sinigurado kong hindi nila mahahalata na banda dito sa puno nanggaling iyon. Narinig kong napahiyaw sila. Medyo napangiti ako. Nakita kong nagising na si Cymon at napansin niya ako. Tumango ako sakanya, at sinumulan na niya ulit makipaglaban, Nagkaonting galos naman siguro ang dalawa, kaya na ni cymon yan.
Dumako naman ako kay Kaelon. Napapalibutan siya ng mga puno niya, ginawa niya itong shield, dahil pinagtutulungan siya ng tatlong lalaki, Pinagmasdan ko muna si Kaelon hanggang sa maramdaman niyang may nakatingin sakanya kaya mapapasilip siya saakin.
Tama nga ako, nararamdaman niya may nagmamasid sakanya kaya napatingin siya saakin dito sa taas ng puno. Nag Wait sign ako. Tinitigan ko ang mga paa ng tatlong lalaki upang pagyelohin sana ito at kahit sandali ay tumigil sila para makalabas si Kaelon. Ayun nga ang nangyari, hindi sila nakagalaw at agad na tinanggal ni kaelon ang mga shield niya at nakipaglaban sa tatlo.
Napatingin ako kay hannah, Nakahinga ako ng maluwag na tinutulangan na siya ni Cymon. Siguro ay natalo na ni cymon ang dalawa niyang kalaban kanina.
Kaya dumako ako kay Raquel, Paano ba ito? Manika kalaban niya, tumatagos lang ang mga yelo na binabato niya sa Manika.
Tinry ko gamitan ng Air blades, Ngunit tumagos lang din ito sa katawan niya. Shit, anong gagawin ko dito? Paano ko matutulungan si Raquel. Hindi niya inaatake si Raquel pero sinusundan niya ito. Hindi ko alam bakit, tumatakbo naman si Raquel at pilit na linalabanan ang Manika. Yes manika talaga, kasi laki namin siya, hindi actually mas malaki pa siya saamin, at nakakatakot ang itsura."
Tinapat ko ang kamay ko sa Manika. Ang nagconcentrate upang gamitin ang Air strength ko. Please please gumana ka.
Hindi nga ako nabigo, unti unting lumutang ang manika, kaya napansin ako ni Raquel dito sa may puno, Nginitian ko naman siya. And mounted 'Go'
Nagulat ako ng biglang umilaw ang kamay ni Elisne at unti unting lumabas ang isang Umiilaw na Sword, at agad niyang inatake ang manika. Natumba naman ito.
"Merong babae sa itaas ng Puno!" Bigla akong kinabahan ng sumigaw ang isang Black wizard. Nagulat ako ang ibang Black wizard ay lumpiad at pinuntahan ako rito sa may puno. Lilipad na rin sana ako ng biglang may bumuhat saakin at inilipad ako palayo sakanila.
"Z-zeke" Gulat na sabi ko. "W-what the h-heck." Sabi ko at nanlaki ang mga mata. Mukha ngang lalabas na ang eyeballs ko dahil sa sobrang laki ng mata ko dahil sa nakikita.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, para siyang isa sa Greek god. Pula ang buhok, na may kaunting dilaw at ang magkaibang kulay ng kabilaang mata niya, ang isa ay Pula at ang isa ay dilaw. Tapos meron siyang Malaking pakpak...
Parang pakpak ng anghel, malaking pakpak, At puting puti ito...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro