Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

edited;



Keira's Pov

Natapos ang Laban ng kina Raquel, Wade, Kaelon at Zeke. Ang kinalabasan? Syempre sila ang nanalo. Usapan nga dito magugulat nalang sila kung matalo sila, eh bukod sila ang mga Prinsesa at Prinsipe dito, sila din ang Well Trained na at malakas talaga ang mga mahika nila. Lalo na si Zeke.

Napanood ko ang Laban ni Zeke at ang isang lalaki. Ang mahika ng lalaki ay Magic Manipulation. Kaya niya kontrolin ang Four elemental magic. Fire, Wind, Earth and Water. Naastigan talaga ko sa Mahika niya, ang akala ko pa ay matatalo niya si Zeke since kaya niyang makontrol ang Fire ni Zeke. Pero hindi pala, oo nakokontrol niya ang Apoy ni zeke. Pero agad din iyong nababawi ni zeke kaya nahihirapan yung lalaki na controlin upang hindi siya tamaan. And Zeke is playing fair, hindi niya ginagamit ang lightning magic niya. Kundi isang mahika lang.

Kahit kela Raquel, Kaelon, Wade, Elisne at Cymon nakita kong ang lalakas nga nila. Sobrang nakaka amaze ang mga labanan nila. Naalala ko tuloy ang sinabi ng babae doon sa Gubat. Magaganap na digmaan , mapapahamak sila Elisne, mamatay, masasaktan. Napatingin ako sakanila na nanonood ng labanan. Malalakas naman sila diba? Hindi sila agad agad mamatay. Kaya nilang talunin ang ibang mga Black wizard. Pero yung prinsesa. Nasaan na ba siya? Hindi kaya... Nasa kamay siya ng Hari ng Dark Academia?

"Keira! Huy!" Bigla akong napatingin kay Elisne ng tinatawag niya ako tapos niyuyugyog ang balikat ko.

"Uh bakit?" Tanong ko.

"Ikaw na ang lalaban. Be careful." Sabi ni Elisne.

"Goodluck, Keira." Sabi naman ni Raquel.

"Kaya mo yan Keira!" Sabi nila Cymon at Wade.

Ako na? Tinawag na ako? Sino ang kalaban ko? Kinakabahan ako. Nanginginig mga kamay ko. Paano kung hindi ako makalaban?

"Elisne sinong kalaban ko?" Bulong ko kay elisne bago bumababa.

"Si Lily. Isang Earth User. Be careful Keira, kaibigan yan ng nakalaban ko kanina. Hindi sila patas lumaban kasi kung ano ano ang sasabihin nila para lang ma break down ka. Pag nanghina ka na doon ka nila aatakihin." Mahabang litanya saakin ni Elisne. Tumango naman ako at bumababa na kung saan kami maglalaban, nakita ko na rin ang kalaban ko na nasa gitna. May hawak siya na parang lubid at puno iyon ng matutulis na stem ng bulaklak. Ngumisi siya saakin habang iniikot ikot niya ang hawak niyang lubid.

Napalunok ako. Ihahampas niya ba saakin yan? Teka, wala akong kahit ano mang espada pang laban jan. Ano ba ang gagamitin kong mahika? Ang Ice o Wind? Hindi ko alam kung pupwede bang gamitin ang dalawa kong mahika, ang iba kasi ay isa lang ang ginagamit o di kaya ay isa lang talaga ang mahika nila. Si zeke naman ay apoy lang ang ginamit niya. Parang magiging unfair naman ako pag parehas ang ginamit ko dib- Napahiyaw ako ng biglang may humampas sa Braso ko. Pagtingin ko sa kalaban ko ay inaatake na pala ako. Napatingin ako sa braso ko na may hiwa at tumutulo ang dugo.

"Masyadong malalim ang iniisip mo, hindi mo narinig na sisimulan na ang laban." Sabi saakin ni lily at ngumiti. Kung hindi niya lang ako biglang hinampas aakalain ko na ata na Mabait siya.

"Air blades." Bulong ko at sunod sunod na tumama sakanya ang iilan na mga blades. Nagkaroon din siya ng onting galos.

Bigla siyang ngumisi. "I can heal myself." Sabi niya at nagulat ako ng unti unting gumaling ang mga tama ng blades ko sakanya.

"Woaah!" rinig kong mga hiyaw ng ibang estudyante.

Shit. Mukhang matatalo ako. Huhu ayokoo!! Masakit kaya yung hawak niyang lubid. Parang mauubos na nga agaf dugo ko dahil sa pagpalo niya kanina sa braso ko.

Umiwas ako ng bigla niya inatake sakin ang hawak niyang lubid. Dalawa ang mahika niya. Ginamit niya ang dalawang iyon. So para fair, gamitin ko rin ang Ice magic ko...

Ginamit ko ang Wind fly, at nagpaulan ako sakanya ng matutulis na yelo. Nagulat ako ng ginawa niyang shield ang mga trunk ng Puno. Kaya ang mga puno ay naputol, pero hindi siya natamaan.

Bigla niya akong pinaghahagis ng mga Rose na may matutulis na ang dulo. Madami iyon kaya mabilis akong umiilag habang nalipad. Naririnig kong naghihiyawan ang mga Estudyante.

Shit nakakainis! Balewala lang sakanya ang Ice shower. Agad niyang napapagaling ang sarili niya. Seriously? Matatalo talaga ako nito.

"Ahh!" Hiyaw ko ng bigla niya akong nahampas nanaman ng hawak niya lubid. Natamaan ako sa may legs ko. Ahh! Ang hapdi!

Nahampas nanaman niya ako. This time sa may likod ko. Shit! Bakit mas mahapdi? Ang sakit! Biglang nawala ang wind fly ko kaya bumagsak nalang ako. Ang sakit ng likod ko! Sa scar ko pa natama. Feelinh mo tuloy ay bumubuka ito.

Nakita kong palapit siya saakin. Shit ayoko na mahampas. Agad kong hinawakan ang sahig.

"Ice Floor." Bulong ko at agad namang nagyelo sa direksyon niya kaya agad siyang natumba. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Sunod sunod akong nagtapon sakanya ng Air Blades, naririnig kong napapahiyaw na rin siya. Unti unti nawawala ang ice floor na ginawa ko. Tatayo na sana siya pero agad kong pinagyelo ang mga paa niya.

Shit ang sakit parin ng likod ko. Para lang malaman niyo, umaatake ako sakanya habang nakadapa dito sa sahig. Hirap hirap na ako ha.

Nakahinga ako ng maluwag ng maihagis niya malayo sakanya ang lubid na hawak niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang nagpaulan nanaman saakin ng mga Rosas na may mahabang stem at may matutulis.

Natamaan ako ng una niya atake, Agad agad akong gumawa ng Ice Shield. The fudge. Sobrang sakit na ng katawan ko!!

"HEAD MASTER! MAY UMAATAKENG MGA TAGA DARK ACADEMIA. SINUSUBUKAN NILANG SIRAIN ANG LIGHT PROTECTOR NATIN." Napatigil kaming lahat, nang mag sink in sakanila ang sinabi ng isang guro ay agad silang naalarma at nag kagulo.

Sumusugod ang mga taga Dark academia? Ngayon? Bakit ngayon agad? Kinakabahan ako, natatakot. Hindi pwede!! Ngayon na ba ang sinasabi ng babae na may magaganap na digmaan?

"Keira!! Halika na! Ipasok ka muna namin sa Dorm gagamutin ka roon ni Hannah." Sabi saakin ni Elisne, Andito silang lahat.

"Saan kayo pupunta? Makikipaglaban ba kayo?" Kinakabahan kong tanong.

"Pag nasira nila ang Protector ng Light Academia, maaring makipaglaban na rin kami." Sagot ni Raquel.

"Students, Keep Calm. Sa ngayon ay magsipasok muna kayo sa inyong mga Dorms. Keep safe everyone! Aayusin namin ito." Narinig namin ang boses ng head master sa Speaker.

"Zeke!! Buhatin mo muna si Keira, dalhin mo siya sa Dorm namin! Papakalmahin namin ang mga estudyante at sasabihang maghanda." Sabi ni Elisne kay Zeke. Kaya agad naman akong binuhat ni Zeke.

Makarating kami sa Dorm namin ni Elisne ay inilapag ako sa kama ko ni Zeke. Aalis na sana siya ng bigla ko siyang hinawakan kaya napatigil siya at tumingin saakin.

"M-makikipaglaban ka ba?" Tanong ko.

"Malamang. Alangan naman tumanga ako dito diba?" Sagot niya saakin.

Kinagat ko naman ang labi ko. "W-wag- i mean mag iingat kayo." Mahina kong sabi, hindi siya sumagot at binuksan na ang puntuan ng dorm "Please." Dagdag ko.

Napatingin ako sakanya ng huminto siya sa pagbukas ng pinto. "We will. Wag na wag kang lalabas. Hintayin mo si Hannah dito para magamot ang mga sugat mo." Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng dorm.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro