Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

edited;





Keira's Pov

Napatitig ako sa paglalaban nila Elisne at nang babaeng Earth User. Nakikita ko ang inis sa mukha ni Elisne, at nakikita ko ring pursigido siya na gusto niya manalo. Isang sword lang ang gamit ni elisne, marami na rin siyang sugat sa katawan dahil sa mga Stem ng mga halaman na linalabas ng babae. Pero parang walang kahina hina akong nakikita sakanya. Maganda rin naman pala ang kapangyarihan ni Elisne, dahil hindi siya agad agad na mawawalan ng enerhiya.

"Nakikilala mo ba yung kalaban ni Elisne?" Tanong bigla ni Raquel na katabi ko. Tinignan ko yung kalaban ni Elisne. She look familiar.

"Siya yung kausap ni Kaelon nung nasa Canteen tayo." Bulong saakin ni Hannah na katabi ko rin. Napapagitnaan kasi nila akong dalawa at ang boys ay nasa likuran namin.

"Yep. Kaya gustong gusto ni Elisne na matalo yan." Mahinang tawa ni Raquel.

Tumango ako at nanood nalang ng laban nila Elisne. Mag kakalahating oras na silang naglalaban, per wala talagang nagpapatalo sakanilang dalawa. Marami na ring sugat ang kalaban ni Elisne at nakikitang medyo nanghihina na. Ang mga linalabas ng bababe na mga puno o halaman ay pinuputol lang ni elisne gamit ang kanyang Sword kaya namamatay din ang mga iyon. Minsan ay ginagamitan ng babaeng Earth User ang pag uga ng sahig. Kaya natutumba roon si Elisne. Pero agad din siyang bumabangon at kinakalaban ang babae.

Namamangha ako sakanilang dalawa pero mas nakakamangha si Elisne. Dahil isa lang siyang Sun User pero halos matalo na niya ang babaeng may mahikang Earth User.

Kung naitatanong niyo. Yes Exam day namin ngayon. Hindi pa kami natatawag. Si Elisne ang nauna saamin. At ako ay sobrang kinakabahan, Sana ay magamit ko ng maayos ang Ice and Wind magic ko. Bago rin magsimula ang laban ay binigyan kami ng dagdag enerhiya ni Elisne. Para daw ay hindi kami agad mawalan ng Enerhiya.

"Parehong nanghihina na ang dalawa. Sino kaya ang mananalo sakanila?" Rinig naming sabi sa Speaker.

Naghiyawan ang mga naririto sa loob ng Gym. At sinisigaw ang pangalan ng dalawa. Pero halos karamihan ay pangalan ni Elisne.

Halos lahat kami ay seryoso sa panonood ng laban nila Elisne at titig na titig sa bawat galaw nila. Bigla ulit pinaalog ng babae ang sahig kaya natumba si Elisne. Napatayo kami nila Hannah ng hindi makatayo si Elisne sa pagkakatumba. Nakita ko ang kamay niya na may mga Stem nakapalibot sa dalawang kamay ni Elisne. Unti unting lumapit ang babae kay elisne habang nakangiti at may sinabi kay elisne.

Pinalibutan ng mga Stem sa katawan ni Elisne at kita namin ang sakit kay elisne.

"Kailangan pa ba ng ganyan? Bakit hindi na tigilan? baka mamatay si Elisne." Kinakabahan ko tanong.

"Ititigil lang ang laban kapag may sumigaw sakanilang dalawa na 'Stop' means kung sino ang sumigaw non ay siya ang talo." Paliwanag ni Kaelon.

Nakita naming tinitigan ni Elisne ang mga nakatali sa kamay niya at nagulat kami ng bigla ito nalanta at unti unti nawala. Kaya nakawala ang dalawang kamay ni Elisne at tinapat niya ang Sword niya sa babae.

Kita ang gulat sa Mukha ng babae. "P-paano mo natanggal ang tali sa kamay?" Gulat na tanong niya.

Hindi siya sinagot ni Elisne at linapit pa ang Sword niya sa babae. Kita sa mukha ng babae ang Takot. Akmang ilalaban ni Elisne ang sword niya ng biglang sumigaw ang babae ng 'stop'

"And the winner is Elisne! The Sun Princess." Announce sa Speaker, Nag ingay naman kami.




"The next is Cymon Vs Lester" Announce muli sa sususnod na maglalaban.

"Wind Vs Ice." Sabi ni Hannah.

"Hindi ko alam anong kalalabasan non. Never pa kaming naglaban ni Cymon." Sabi ni Raquel.

"Guys, punta lang ako sa Medic Room. Gagamutin ko ang sila Elisne." Paalam ni Hannah. At tumingin kay Cymon. "Good Luck." Sabi niya at umalis.

"Cymon goodluck daw kaya pagbutihan mo." Sabi ni wade kay Cymon sabay tapik sa balikat niyo at tumawa.

Bumaba na si Cymon dito sa Bleachers at pinapasok sa loob kung saan maglalaban. May Glass wall protector kasing nakabilog sakanila. Para habang naglalaban sila ay hindi kami masasangkot. Sabi nila matibay daw ito Wall protector hindi agad agad mababasag. Kaya Safe kami kaya lang minsan pagnaglalabanan na hindi ko maiwasang kabahan, syempre baka biglang mabasag at matamaan kami.

Magkaharap na si Cymon at Lester. Hinihintay nalang ang signal ng MC kung magsisimula na.

"Ano kayang kalalabasan nito?" Narinig kong bulong ni Raquel.

"Magkagalit rin ba si Cymon at Lester?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya saakin at umiling.

"Hindi, mabait naman si Lester, Magaling din siya gumamit ng Ice Magic. Never naman silang nagkausap ni Cymon. Syempre nag aalala ako sakanilang dalawa. Si Lester na ka member ko at si Cymon na kaibigan ko." Sagot niya at seryosong tumingin sa dalawa.

Sumignal na ang nasa Speaker at nagsimula na silang maglaban. Nagpaulan ng Air blades si Cymon kay Lester. Si lester naman ay gumagawa ng Shield gamit ang ice niya. Nang tumigil si Cymon sa Air blades niya umatake naman si Lester.

"Ice Rain." Sabi ni lester at umulan ng matutulis na Yelo kay Cymon. Si Cymon pilit na iniiwasan ang mga yelo. Biglang napunta si Cymon sa likod ni Lester. I think nag teleportation siya.

"Air Strength." Sabi ni cymon at bigla tumalsik si Lester. Ilang segundo lang ay agad na tumayo si Lester at hinawakan ang sahig.

"Ice Floor." Sabi niya at biglang nagyelo sa sahig nila at nadulas si Cymon. Pero agad din niyang ginamit ang wind fly niya at nagpaulan ng Air blades kay Lester.

Tumagal rin ang laban nila. Halos pareho silang nanghihina na at sugatan. Pero wala paring sumisigaw sakanilang Stop. Kung ako siguro nasa posisyon ng isa sakanila ako na ang sisigaw ng Stop. Hindi ko na kaya yan.

Tumawa si Wade na nasa likuran namin ni Raquel.

"Ayaw magpatalo ni Cymon kasi gusto niyang may maipagmayabang siya kay Hannah." Sabi niya habang tumatawa.

Tuloy parin ang laban ni Cymon at Lester. Ayaw talaga nilang magpatalo. Napapaisip talaga ako eh, bakit ba gustong gusto nilang manalo? Kung nahihirapan na at hindi na kaya dapat ikaw na kusang magpatalo diba. sinasaktan lang nila sarili nila. Sabi nila Elisne, coins lang naman ang magiging premyo nila. Pero kung sino ang manalo ay syempre siya ang makakakuha ng mataas na grado.

Sa tagal ng paglalaban nila Cymon at Lester. In the end ang nanalo ay si Cymon. Naubusan na kasi ng Enerhiya si Lester. Hindi na niya makontrol ang ice magic niya kaya kusa na siyang natumba at nagsabi ng stop. May limitado din pala ang pag gamit ng mahika.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro