Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

edited;



Keira's Pov

Bigla na akong bumagsak. Pero naramdaman kong may nakahawak saakin. Unti unti akong dumilat at nanlaki ang mga mata ko.

"Zeke." Bulong ko. Buhat niya ko sa mga bisig niya.

"Tsk." Sabi niya at dahan dahan ako inilapag sa sandalan ng puno. Bigla akong napalingon ng may narinig akong tunog ng espada.

Sila Kaelon, Elisne at Raquel linalabanan ang anim na mga hayop na robot. Napahinga ako ng maluwag ng namatay ang mga hayop na iyon. Tumungo sila Raquel at Elisne saakin.

"Keira! Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong saakin ni Elisne.

Tumango ako at ngumiti. "Ayos lang."

"Paano ka nakatakas sa Black Wizard?" Tanong saakin ni Raquel.

"Nasaan na ang babae?" Tanong din ni Kaelon.

"Kusa niya akong pinaalis." Sagot ko. Napatingin ako sa bagong rating sila Cymon at Hannah. Tumakbo saakin si Hannah.

"Keira! Mabuti naman ayos ka lang." Sabi niya saakin.

"Keira? Anong kusang pinaalis?" Kunot noong tanong ni Elisne.

"Mabait ang babae. Sinumpa daw kasi siya ng hari ng Dark Academia, kapag lumalabas siya sa kanyang tirahan nag iiba ugali niya." Sabi ko sakanila at tinuloy ang kinuwento saakin nung babae kanina.

"Tapos...." Hindi ko masabi. Sasabihin ko bang nasa panganib ang Light Academia? Sasabihin ko bang mawawala sila? Na magtatagumpay ang hari? Napayuko ako.

"Say it." Mariin na sabi ni saakin ni Zeke.

"May iba pang sinabi ba saiyo ang babae kanina?" Tanong ni Kaelon.

Hindi ako sumagot. Sasabihin ko ba? Ano? Ayokong mabahala sila doon. Pero kailangan kong sabihin...

UGH Keira!!

"It's okay. Come on. Kaelon, Zeke malay niyo tungkol sa parents niya kaya hindi niya masabi. Hayaan nalang muna natin siya." Sabi ni Raquel at tumayo sila sa pagkakaupo. Napayuko nalang ako.

"Let's go Keira. Kailangan pa natin mahanap ang Light Crystal." Sabi saakin ni Hannah. Naalala ko nasaakin na pala ang Light Crystal.

Napatingin ako sa kamay na nasa harap ko. Tumingala ako, at nakita ko si zeke na nakapoker face at nakapalad saakin.

Tinignan ko lang siya, kaya tinaas naman niya ang isa niyang kilay na parang sinasabi na. *'Ano? Hindi mo aabutin? Nangangalay na ako. Baka gusto mong gawin kitang abo.'* bwisit.

Tumaray ako at tinanggap ang kamay niya. Nang makatayo ako humarap ako kela Elisne.

"Nasaakin na ang Light Crystal." Sabi ko sakanila at kinuha sa bulsa ko. Wag na kayo magtaka pano ako nagkabulsa. Basta may bulsa ako sa Gown, at kasya doon ang Crystal.

"Saan mo nahanap yan keira?" Tanong saakin ni Cymon.

"Binigay saakin nung babaeng kumuha saakin. Nakita niya daw ito nang naglalakbay siya rito sa Gubat." Sabi ko sakanila at inabot iyon kay Raquel.

"Tapos na rin pala ang Misyon natin." Sabi ni Kaelon.

"That means..." Nakangiting sabi ni Elisne.

"That means babalik na tayo sa Light Academia." Sagot ni Zeke.

"Whaa no. Pasyal muna tayo sa Village." Sagot ni Elisne.

"Hayaan mo na zeke." Singit ni Kaelon. Wala nang nagawa si zeke kaya pumayag na siya. Naglakad kami palayo sa gubat upang bumalik sa Village. Ako naman nakayuko lang habang sumusunod sakanila.

Gusto ko nang sabihin sakanila. Kaso kinakabahan ako, anong magiging reaction nila? Hindi ko alam bakit may part saakin na ayokong ipaalam. Ayokong mag alala sila.

Napalingon ako ng may tumabi saakin. "I know you're hiding something." Sabi ni zeke. Napayuko ako ulit. "Tell me." Dagdag niya.

"Anong sinabi saiyo ng babae." Mariin niyang tanong.

"Zeke! Ano ba. Sinabing hayaan mo muna si Keira." Sabi ni Raquel kay Zeke na nakatingin na pala saamin, at nakahinto silang lahat.

"Tsk. Bilisan niyo. Babalik na tayo sa Light Academia." Sabi ni zeke at naunang naglakad saamin. "Delikado na dito sa Village dahil baka may mga Dark Wizard na naglalakbay din."

"Hmp wag mo pansinin yun. Tara bili tayo ng mga Weapons." Ani saakin ni elisne at hinila ako palabas na ng gubat.

Kung saan saan niya ako hinila, lagi siyang naaamaze sa mga Paninda. Minsan lalapit siya sa isang Store tapos may bibilhin na sana siya ng may mahagip nanaman siyang isang store na nagandahan siya at hihilahin naman niya ako roon. Sila Raquel Pailing iling nalang kay Elisne.

"Seriously Elisne? Andami mo nang napuntahan na store pero ni isa wala ka pang nabili." Sabi sakanya ni Raquel.

Ngumuso si Elisne. "Halos lahat gusto ko bilhin." sagot niya.

"Just buy important things. Yung kakailanganin mo sa Exam. Hindi pwedeng shield lang ang gamitin mo roon." Iling na sabi sakanya ni Raquel.

"Okay! There, puro weapons." Tinuro niya ang isang store kaya nagpuntahan naman kami roon.

"Ano ang hanap niyo?" Tanong saamin nung lalaki na siguro ay kasing edad nila Kaelon. Napatingin siya saakin at ngumiti. Hindi ako ngumiti at tinignan nalang ang mga Paninda niya.

"Siguro type ka neto." Bulong saakin ni Elisne. Umiling naman ako sakanya.

"Do you have a Sun Weapons?" Tanong ni Elisne sa Lalaki.

Tumango at ngumiti ang lalaki. "Yes." May kinuha siya sa ilalim ng lamesa. "Here." May inabot siya kay Elisne na parang wand at may kulay dilaw na bato sa tuktok nito.

"what's this? Meron ba kayong swords?" Tanong ni Elisne.

"Wala na. Pero maganda iyan. Ang magagawa niyan ay kaya mong pahinahin ang makakalaban mo. Kumbaga ay kaya mong kunin ang energy niya." Paliwanag ng Lalaki.

"Ok! I'll buy this." Sabi ni Elisne at nag abot ng Coins.

"So? Let's Go?" Tanong ni Kaelon.

"Yep!" Sagot naman ni Elisne.

Kaya nag simula na kaming maglakad pabalik na sa Light Academia. Habang naglalakad kami tumitingin tingin ako sa mga Paninda, at nang may nadaanan kaming jewellery Shop. Nahagip ng mata ko ang isang kwintas na dalawang pakpak. Kaya napahinto ako at tinignan iyon. Ang ganda!!

"Keira?" Tawag saakin ni Raquel. Kaya napalingon ako sakanila at tumungo sakanila dahil nakalayo na pala sila. Hindi matanggal sa isip ko ang Kwintas na yun. Promise! Babalikan kita.

"We have One more week before the exam. Kaya kailangan mong imemorize na ang mga itinuro namin saiyo, Keira." Sabi saakin ni Raquel. Tumango naman ako at tipid na ngumiti, kahit na medyo may kaba sa aking dibdib.






»»»○○○«««

Gumawa ako ng trailer neto. Tinry ko lang whaha. First time to kaya di kagandahan. Nasa multimedia po.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro