Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

edited;


Keira's Pov

"M-ma Please, ayoko. Sa ibang School nalang, wag na dun sa sinasabi mo. Ma please." Pagmamakaawa ko pagkatapos kong malaman kung saan ako lilipat na eskwelahan.

"Anak mas ligtas ka doon. Wala kang masasaktan."

"M-ma. Hindi, hindi na ako ulit lalaban sa mga mang aaway sakin, ma. Gusto ko kasama ko parin kayo." Ayaw kong mahiwalay sakanila. Hinawakan ni mama ang magkabilang braso ko at tinignan ako ng seryoso sa mata. "Anak. Makinig ka. Hindi ka ordinaryong tao."

Naguluhan ako. Ano ba tong sinasabi ni mama? Tumawa ako. "Ma? Anong pinagsasabi niyo?"

Akala ko tatawa din si mama at sasabihing joke joke lang yun pero hindi, nakatingin parin siya ng seryoso sa mga mata ko.

Umupo ako sa Sofa. Nafu-frustrate ako. "Ma. Anong bang pinagsasabi niyo." Mahina kong sabi. Bakit bigla biglang ganito? Bakit biglang sinabi niya ang bagay na 'yan? Dahil ba ito sa nangyari sa school? sa nagawa ko?

"Hintayin natin ang papa mo, may sasabihin kaming importante sayo. Papauwi na siya. Magpahinga ka na muna." Sabi niya at iniwan akong mag isa rito na naguguluhan.

Ano bang pinagsasabi ni mama? Sobrang naguguluhan ako. Hindi ordinaryo? Naalala ko yung nagawa ko kay Glen. Tinignan ko ang dalawa kong kamay.

Oh God...

No.. Impossible! Ha-ha.

Sinapok ko ang ulo ko. Nababaliw nanaman ako.

Lumipas lang ang ilang minuto dumating na si papa. Yinakap ko siya. Sa tingin ko gagaan na ang loob ko dahil nandito na siya. Si papa kasi ang sobrang palabiro dito sa bahay.

"Pa!"

"Oh keira. Kamusta ang maganda naming anak? Asan ang mama mo?" Tanong nito.

"Hindi po ako okay. Nasa kwarto po ata." Sagot ko.

"Sige. Puntahan ko muna mama mo." Sabi ni papa, hinalikan niya ang ulo ko bago pinuntahan si mama. Napatingin nalang ako sa pintuan ng kwarto nila mama at napabuntong hininga.

Anna's Pov (Keira's mother)

Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito, nang makita ko na ang asawa ko ito, ay bigla ko siyang niyakap.

"Robert."

"Ano ang sinabi ng guro ni Keira?" Umupo kami sa kama.

"Mayroon siyang malakas na mahika." Naniniwala kami sa mahika. Oo, dahil isang gumagamit nang mahika ang nagligtas saamin noon.

"Kaka disi-syete niya lang nung isang buwan, kaya siguro bumabalik na ulit ang kapangyarihan niya." Sagot ni Robert.

"S-sabihin na ba natin sakanya n-na hindi natin siyang tunay na a-anak?" Naiiyak na sabi ko. Tinapik ni Robert ang likod ko.

"Hindi nalang muna sa ngayon. Nakikita kong masyado siyang maraming iniisip. Wag na natin muna paguluhin lalo ang utak niya."

"Nakausap ko ang guro niya. Sinabing kailangan na daw siyang dalin sa mundo niya." Sabi ko. Nalulungkot ako dahil mawawalay na siya saamin. Sa ilang taon na pinalaki namin siya ay talagang napamahal na kami sakanya.

Kumunot noo si Robert. "Paanong nalaman yun ng guro niya?"

"Isa din siyang Magical User. Naging guro siya doon sa Eskuwelahan upang magtignan kung mayroon pang mga may kakayahang gumamit ng mahika." Paliwanag ko. "Isa siyang White Wizard. Matagal na daw nawawala ang anak ng Reyna nila, kaya nandito rin daw siya sa Mundo ng tao upang tumulong sa paghahanap." Dagdag ko.

"H-hindi k-kaya si keira ang nawawalang anak?" Gulat na sabi ni Robert. Naisip ko din yan nung malaman kong nawawala daw ang anak ng reyna kaso nakita ko ang simbolo nang mga white wizards.

Umiling ako. "Hindi. Hindi si keira yun. Nakita ko ang Simbolo ng White Wizards sa guro ni keira. Tinanong ko kung ganoon din ba ang Simbolo sa Reyna nila. Oo daw, magkaiba sila ng nagligtas saatin. Kaya Hindi totoo ang reyna ang tunay niyang ina." Paliwanag ko kay Robert.

Tumango si Robert. "Kailan natin siya dadalhin sa Academia?"

"Mas maganda kung bukas kaagad. Baka hindi na makontrol ni Keira ang Mahika niya." Sabi ko at tumayo, binuksan ko ang Aparador ng damitan ko. Kinuha ko doon ang maliit na box. Binuksan ko ito at kinuha ang Kwintas. Kwintas na mayroong puting gem.

"Ito ang hiling ni Areselle, kapag dadalhin na natin siya sa Academia ay ibigay sakanya ito." Sabi ko at tinignan ang kwintas. Tumango kaming mag asawa at pinuntahan si Keira.


Keira's Pov

Napatingin ako sa Pinto ng kwarto nila mama ng bumukas ito. Lumapit silang dalawa saakin. Hindi ko gusto ang mukhang meron sila. May kakaiba.

"Keira. Mag empake ka na ng mga damit mo. Ihahatid ka na namin bukas." Nagulat ako sa sinabi ni mama.

Kinabahan ako. "MA! Please." Pagmamakaawa ko, I can't... Hindi ko talaga kayang mawalay kela mama. Feeling ko kapag hindi ko sila kasama, parang walang nagmamahal saakin. Parang mag isa lang ako.

"Keira. Mas mabuti ito. Kapag napunta ka na sa mundo niyo, marami kang malalaman. Tulad ng sinabi ko na hindi ka ordinaryo." Sabi ni mama, May bakas din na lungkot ang boses niya.

"Ma naman." Sabi ko. Hindi ko parin maintindihan ang pinagsasabi niyang hindi ordinaryo. "Pa?" Tumingin ako kay papa.

"Anak totoo ang sinasabi ng mama mo. Mas mabuti ito sayo." Hindi ako makapaniwala sa sagot ni papa. Si papa ang laging kakampi ko.

"Ma at pa naman! Saan bang lugar yun at gusto niyo ako doon? Tyaka masyado bang malayo yun? B-bakit kailangan ko pang tumira doon? Bakit mag isa lang ako? Bakit hindi kayo kasama?" Naiiyak na sabi ko.

Pinunasan ni mama ang mga luha ko. "A-anak. Wag mong isipin na hindi ka na namin mahal ng papa mo ha? Mas ito mabuti lang ang makakabuti sayo." Saad nito.

"At hindi bastang lugar lang iyon Keira. Ibang mundo yun." Napatingin ako kay papa at medyo tumawa. Kahit kailan talaga napaka palabiro nito.

"Pa naman, ibang mundo? Saan ba yan? sa mars? sa Mercury? sa saturn? o jupiter? Uranus? Venus? Neptune?" Sinabi ko habang tumatawa, pero tumutulo parin ang mga luha sa pisngi ko. Pilit ko itong pinupunasan habang tumatawa na akala mo sobrang nakakatawa ang sinabi ni papa.

Medyo ngumiti si papa, at ginulo ang buhok ko. "Ikaw talaga. Malalaman mo rin okay? Basta ang mundong iyon ay Academia. Hindi pa kami nakakapunta doon, pero sigurado kaming maganda doon kasing ganda mo." Ngiti nito saakin.

"Anak, pumayag ka na okay? Madadalaw mo rin naman kami dito eh. Susubukan din naming dumalaw doon." Pagpapagaan ni mama saakin.

Tumango tango ako habang umiiyak. "Opo opo. Dadalaw po ako lagi rito ha? Hihintayin niyo ko ha? Wag kayong aalis dito. Hintayin niyo ako." Sabi ko at yinakap silang dalawa. Siguro ito nga ang mabuti, sa nagawa ko kay glen...baka delikado nga ang nangyayari saakin. Baka ano pa ang magawa ko kela mama.

Mawawala na ang Masaya kong Pamilya. Mawawalay muna ako sakanila. Sana naman hindi masyadong malayo 'yon. Dahil araw araw kong dadalawin sila mama at papa.

Sana maging masaya rin ang pagpunta ko doon, i don't know but there is a part of me na na eexcite ako? At the same time, kinakabahan din. Fudge, i'm so curious about that Academia World thingy.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro