Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

edited;




Keira's Pov

Gumising ka keira

Maging malakas ka

Huwag kan--

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Sino ang boses na yun? Nasa panaginip ko, ano g ibig sabihin ng mga sinasabi niya? Teka,

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga. Napahawak ako sa ulo ko. Ugh, ang sakit. Naalala ko nasa village kami tapos pumunta kami sa jewellery store tapos yung babae...

Linibot ko ang paningin ko, nasa isang madilim ako na kwarto, ngunit tama lang na makita ang kabuuan ng looban.

"Gising ka na pala." Bigla may pumasok sa pinto. Napaatras ako. At tinapat ko ang kamay ko sakanya.

"Sino ka?!" Matapang kong tanong. Wala akong mapapala kung magiging duwag ako.

Lumapit siya saakin at umupo sa gilid ng kama. Lalo akong napaatras.

"Huwag kang matakot." Sabi niya.

"Hah? Nagpapatawa ka ba?! Pagtapos ng ginawa mo sakin kanina? Ibalik mo ako sa mga kaibigan ko!" Sigaw ko sakanya.

Yumuko siya. "P-pasensya na kanina. Maniwala ka saakin. Wala akong gagawing masama saiyo." Sabi niya.

"Akala mo magpapauto ulit ako sayo? Tama na ang isa. Ano ba talaga ang kailangan mo saakin?!" Sigaw ko ulit. Natatakot ako pero linakasan ko ang loob ko upang maging matapang.

"Maniwala ka. Wala akong gagawing masama saiyo. Kaya lang nangyari ang kanina dahil may sumpa ako. Umiiba ang ugali ko kapag nasa ibang lugar. Kailangan ay naririto lang ako sa madilim na kwarto na ito. Upang wala akong masaktan." Sabi niya at tumulo ang luha niya. Ako naman ay nanghina, totoo ba ang sinasabi niya? Umiling ako, no no Keira, wag ka magtitiwala agad, katulad ng bilin saiyo ng mama at papa mo.

Tumingin siya saakin at parang alam na niya na hindi ako naniniwala. "Isa akong Black Wizard, oo. Pero hindi lahat kami ay masasama! Ang iba ay nalason lang ang utak dahil sa Hari. Isa akong taga Dark Academia na umibig sa isang taga Light Academia.." Nagulat ako sa sinabi niya. Umibig siya sa isang white wizard?

"U-umibig ka? Taga Light Academia? Isang white wizard?" Mahinang tanong ko.

Tumango siya. "Kaya pinasumpa ako ng Hari. At iyon ang kinalabasan may masasaktan ako kapag umalis ako sa kwarto na ito. Ibig sabihin, dapat ay magkulong lang ako rito... Habang buhay." Sabi niya. Unti unti na akong lumapit sakanya. Lumambot ang puso. I mean, bakit gagawin ng Hari ang ganito? Umibig lang siya. Hindi mali ang umibig. Hindi kasalanan yun.

"B-bakit? Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko.

"Ikaw lang kasi ang nag iisang naglakas loob lumapit saakin bukod sa mga kaibigan mo, kaya hindi sila nakasama rito. Pero mabuti na rin ito." Sabi niya hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Nagulat naman ako doon. "Makinig ka, nararamdaman kong malakas ang kapangyarihan mo. Malaki ang maitutulong mo kapag sumapit na ang digmaan." Seryosong sabi niya.

Naguluhan naman ako. "Digmaan?" Oo nasabi nila na mayroon talagang mangyayaring digmaan, pero malapit na ba dumating ang panahon na 'yon?

Tumango siya. "Tama. May mangyayaring digmaan. Narinig ko yan noong nasa Dark Academia pa ako. May gusto silang kunin, ayun ang hindi ko alam." Bumitaw siya saakin at may kinuha sa isang maliit na aparador. Inabot niya sakin ito. Bolang kulay puti, hindi ito kalakihan. "Ito ang hinahanap niyo diba? Eto ang light Crystal. Nahanap ko iyan ng naglakbay ako sa Gubat."

"S-salamat." Sabi ko sabay tingin sakanya, ngumiti naman siya.

"Pasensya na talaga kung natakot ka kanina. Magandang bumalik ka na sa mga kaibigan mo dahil sigurado akong pinaghahanap ka na nila." Sabi niya.

"P-paano po ako makakabalik?" Tanong ko rito.

"Narito lang tayo sa gubat. Nararamdaman ko na hinahanap ka nila rito. Siguro ay maari kayong magkasalubong." Sabi niya. Lumakad kami sa pinto ng kwarto niya. Nagulat ako dahil labas agad ng gubat ito.

"Kwarto lang ang meron dito? May nakakain po ba kayo rito? Nakita ko po kasing kama at aparador lang ang meron kayo." Tanong ko.

Ngumiti siya saakin. "Wag mo ako alalahanin. Maraming salamat saiyo." Sabi niya. "Teka. Ano ang pangalan mo?" Tanong niya saakin.

"Keira po."

"Keira. Sinabi kong nakikita ko ang future diba?" Tumango ako. "Nakita kong magtatagumpay ang Hari. Makukuha nila ang gusto nilang kunin sa Light Academia. Mapapanganib ang mga taga White wizard. Lahat sila mawawala, Lahat sila mamatay... Sana, sana mahanap niyo na ang nawawalang prinsesa. Dahil alam kong siya lang ang makakapagligtas ng Light Academia. Siya lang ang may kakaibang malakas na kapangyarihan. At ang iyong kapangyarihan, nararamdaman kong malakas ito. Talunin niyo ang Hari. Upang maibalik narin ang mga dating mabubuti na black wizard, dahil kinokontrol sila ng Hari." Mahabang litanya niya.

Kinabahan ako. Mamatay? Mawawala? Mawawala silang lahat? Kaming lahat? Pati sila Elisne? Hindi, ayoko.

"Maraming salamat sainyo. Pangako, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang mailigtas ang Light Academia. Mag iingat po kayo rito. Kung sakali po na magtagumpay kami... Ipapangako ko na iaalis ka namin dito." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi niya 'to deserve. Hindi niya deserve maparusahan dahil lang sa nagmahal siya. "Hanggang sa muli." Ngumiti siya saakin at tumango. Nagpaalam ako at umalis na.




Hindi maari. Ayokong mawala ang mga White Wizards. Kung totoo ngang malakas ang kapangyarihan ko. Pagbubutihan ko ito, kailangan ko maging malakas para sa darating na digmaan.

Nagsimula akong maglakad lakad rito sa gubat. Asaan na kaya sila Elisne? Sana walang nangyaring masama sakanila. Medyo makulimlim dito sa gubat dahil natatabunan ng mga malalaking puno. Tumigil ako sa paglalakad, pumikit ako at nagconcentrate.

Maya maya ay bigla na akong lumutang. Mas maganda ng lumipad kesa naman maglakad, Baka biglang may sumakmal saaking mababangis na hayop. Medyo tumaas ako ng kaunti, sabi ni Cymon hindi daw masyadong mataas lumipad ang Wind Fly. Baka kung ipilit ko ay bigla akong bumagsak, kaya tama lang ang taas ko.

Hinawakan ko ang kwintas ko. Nasaan kaya ang tunay kong mga magulang? Buhay pa kaya sila? Siguro naman kaya nilang nagawa akong ipamigay dahil may Rason. Oo tama, yun ang isipin mo Keira.

Napalingon ako sa bandang likuran ng may narinig akong nakakatakot na ungol. Tumingin ako sa baba. Nagsitaasan ang mga balahibo ko. Nakatingin saakin ang anim na mga hayop. Hindi ko alam anong hayop ito, pero masasabi ko lang na tignan mo palang sila sa Pulang mata nila ay kikilabutan ka na. Napansin ko rin na mukhang mga bakal sila, mga Robot na hayop.

Anong gagawin ko? Nakitingala sila saakin at masasama ang tingin. I gulp. Kahit isa lang ata sakanila kaya akong kainin. Eh anim sila, Jusko, lagot ako neto. Tumaas nanaman ang balahibo ko ng naisip ko iyon. Buti nalang talaga at may Wind Magic ako.

Nagpagtuloy lang ako sa paglipad, Ngunit sinusundan nila ako. Huhu mama! Ayoko na promise. Siguro kung nasa baba lang ako kanina pa lusog etong katawan ko. Whaa! Ayoko na!

Naramdaman kong parang nanghihina ako, at unti unti nawawala ang pagkalipad ko. Whaaa! Anong nangyayari? Tinry ko magconcentrate pero wala, unti unti akong bumabagsak.

"KYAAAAHH TULONG!! GUSTO KO PA MABUHAY!!" Tili ko habang pabagsak ako. Nasa baba lang ang mga robot na hayop. Ayoko na!! Mama, Papa mahal na mahal ko kayoo!! Sa mga tunay kong magulang! Pinapatawad ko na kayoo!! Risa at Ella! Mag iingat kayo! Sa mga bago kong kaibigan rito sa academia mag iingat din kay-- Napadilat ako sa pagkakapikit. Unti unti na talaga akong bumabaksak.

HINDI PWEDE. Kailangan ko pang tumulong sa Digmaan! Sabi ng babae kanina malaki rin ang maiitulong ko. Napatingin ako sa baba. Nag aabang saakin ang mga Hayop. Unti unti nang nawala ang wind fly ko at lalong pabilis ang pagbagsak ko.

"Please, please someone save me." Huling bulong ko at pumikit, at dinama ang hangin na nararamdaman ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro