Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

edited;





Keira's Pov

Tila naalerto naman sila Zeke, at kusang lumayo sa babae pati ako hinila. Nararamdam kong may masamang aura kaya tinignan ko sila. Lahat sila nakatingin ng masama sa babae. Pati ako natakot, Jusme. Pati sila Elisne at Hannah nakakatakot ang tingin nila sa babae.

Nakita ko rin na nagiging Green nanaman ang buhok ni Kaelon. Si Wade nagkakaroon ng kulay blue sa buhok. K-kay zeke nagiging pula.

ETO BA ANG FORCE NA SINASABI NILA HANNAH?

Tumingin ako sa babae kanina, ramdam ko na parang kinakabahan siya at natatakot. Hindi naman siya mukhang masama. Siguro iba siya sa mga taga Dark Academia.

Unti unti ako lumakad sa babae, kaso bago ako makalapit sakanya may humila saakin.

"Wag kang lumapit sakanya." Seryosong sabi ni Zeke.

"P-pero.." Sabi ko at tinignan ang babae. "Bakit po kayo nandito sa Village?" Tanong ko. Tumingin siya sakin at medyo ngumiti.

"T-tumakas ako sa Dark Academia." Sagot niya ng mahina. Narinig kong nababasag ang boses niya.

Hinila ko ang kamay ko kay zeke. At unti unti ulit na lumapit sakanya. "Keira." Rinig ko pang matiga sabi niya."

"Keira! Wag kang lumapit!" Rinig kong sigaw ni Raquel. Hindi ko siya pinansin. May nagtutulak saakin na kailangan ko lumapit sa babae at alamin bakit siya umalis sa Dark Academia.

Nang makalapit ako hinawakan ko siya sa balikat. Tumingin siya saakin, naggmamakaawang tingin. Ngumiti ako sakanya.

"Bakit ka po tumakas sa Dark Academia?" Tanong ko. Nagulat akong ng bigla siyang ngumiti, masamang ngiti. Kaya unti unti napawi ang ngiti ko sakanya at awa. Nagulat ako dahil parang biglang nagkaroon ng pang demonyong aura ang mukha niya.

"Gotcha." Sabi niya at bigla akong hinawakan sa wrist ko.



And Everthing went black....








ELISNE POV

"KEIRA!" Sigaw namin ng bigla silang nawala. Nag echo pa saamin ang tawa ng babae.

Napatingin saamin ang ibang tao na nasa village. Nakakapagtaka bakit parang kampante sila? Ibig sabihin hindi nila nakita ang nangyari kanina?

"Wala alam ang mga taga dito sa nangyari lang ngayon. Hindi nila alam na may isang black wizard pala dito." Sabi ni Kaelon.

"Kailangan nating hanapin si Keira!" Sabi ni Hannah.

"Paano natin siya hahanapin? Hindi natin alam saan siya dinala ng babaeng yun." Sabi ni Cymon.

Tumingin kaming lahat kay zeke. "Kasalanan niya yun. Sinabi ng huwag lumapit. Tsk" Sabi niya. Napatanga kami.

Bigla ko siyang pinagsasabunutan. "Whaaa! Walangya ka zeke!! Hanapin natin si Keira!!!!" Sigaw ko sakanya.

"Aw aw ano ba?! Bitaw!" Sigaw niya saakin.

Binitawan ko naman siya agad, masama magalit ang isang Zeke noh.

"Hanapin natin siya sa gubat." Sagot niya.

"Paano ka makakasigurong nasa gubat sila?" Tanong ni kaelon.

Kinamot ni zeke buhok niya. "Ewan ko din."

FACE PALM!

Bigla siyang binatukan ni Kaelon babe hehe

Sinamaan naman ng tingin ni zeke si Kaelon. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Kaelon at umiling. Baliw.

"Let's go. Baka may mangyaring masama pa kay Keira." Sabi ni Raquel. Kaya lumakad na kami pabalik sa gubat. Sana naman walang mangyaring masama kay Keira.

"Get ready. May masamang parating." Sabi ni Kaelon at huminto kami sa paglalakad, nasa kalagitnaan kami ng gubat ngayon. Tumaas balahibo ko, anong klase?

"Mga hayop." Sabi ni Kaelon.

"Ha? Hayop lang naman pala! Kaya mo naman paamuhin yon!" Kamot ulong sinabi ni wade.

"Ibang klase. Puro robot, kinokontrol sila." Sabi ulit ni Kaelon. Nagulat kami ng may narinig kaming ungol ng hayop. Ungol pa lang nila nakakataas balahibo na. Napaurong kami nang unti unting nagsilabasan sa mga puno ang mga itim na hayop, mga Tigreng itim at gawa sa bakal. Ang kulay ng mata nila ay pula.

"Mag ingat tayo, hindi basta bastang hayop ito. May lason sila na nakakamatay kapag kumalat sa katawan natin. Kapag nakalmot, lalo na pag nakagat tayo." Sabi ni Kaelon. Kinakabahan ako. Huhu makikipaglaban kami ng ganito ang suot? T.T

"Cymon ilipad mo si Hannah!" Sabi ni raquel kay cymon. Sinunod naman iyon ni cymon. Ngayon ay nasa taas sila. Oh em gee. Ilipad mo din ako Cymon huhu.

Umungol ulit ang mga Itim na tigre. Napaatras ako. eh, nakakatakot.

"Hindi natin sila mapapatay sa simpleng mahika. Gamitin natin ang Magic Swords natin." Sabi ni Kaelon.

Magic Swords. Yan ang pinakamalakas naming weapon. Ang sword na ito ay nababalutan ng aming mahika. Mayroon din akong ganito, hindi lang pwede gamitin ito sa Exams kaya kailangan kong bumili ng ibang weapon. Si hannah naman ay wala, talagang Healing power lang siya ang mahika niya.

Umilaw ang kamay ni Kaelon, at unti unting lumitaw doon ang kanyang espada na umiilaw ng kulay green, means nakabalot doon ang kanyang mahika. Ganoon din ang ginawa nila Raquel, Wade at Zeke. Linabas na nila ang kanilang mga Powerful Swords. Kay Raquel na gawa sa Yelo, Kay wade na gawa sa tubig. At kay zeke na dalawang sword na nasa magkabilang kamay niya, nababalutan ng Apoy ang isa at ang isa naman ay Lightning. Si Zeke talaga ang pinakamalakas saamin, hindi na nakakapagtaka yun.

Unti unti ko na ring pinalabas ang aking sword. Golden Sword ang tawag ko rito, Dahil ito ay gawa sa gold, At malapit sa hawakan ay mayroon araw. Ngumiti ako, ngayon ko nalang ulit napalabas ito. Delikado kasi ang mga Magic Swords namin.

Narinig naming umungol nanaman ang mga Itim na tigre at unti unting lumapit saamin. Kaya naalerto kami at hinanda ang aming sarili.

Nakita kong biglang may sumugod kay Kaelon agad naman niya itong ginamitan ng kanyang Earth Sword at agad namang na shutdown ang mga Tigre. Remember, mga Robot sila.

Nagsisugod na silang lahat kaya naman ay kinalaban na rin namin. Si Cymon na nasa taas ay nagpaulan ng kanyang air blades, Hindi agad na shut down ang mga Tigre ngunit medyo nanghihina naman.

Nagulat ako ng biglang may tumalon sakin na Tigre kaya napahiga ako.

"AHHH!" Sigaw ko.

Bigla naman bumagsak ang Tigre. Napatingin ako sa sumaksak. Si Kaelon.

Linahad niya ang kamay niya saakin, tinanggap ko naman iyon at tumayo.

"Mag iingat ka." Sabi niya at nakipaglaban na ulit sa mga tigre.

Wala akong oras kiligin ano ba. Kaya linabanan ko rin ang ibang tigre. Saksak dito, Hiwa doon. Hanggang sa maubos sila.

Halos lahat kami habol hinga, Nakakahingal. Napaupo nalang kami.

"Cymon ayos lang kayo jan?" Sigaw ni Raquel.

"Ayos lang! Baba na kami." Rinig kong sagot ni Cymon.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang hiningal ako.

Biglang may humawak sa balikat ko, Ang hapdi. "Aww."

"You have wounds. Nakalmot ka ng tigre." Sabi ni Kaelon. Napatingin ako sa braso ko, dalawang maliit na kalmot, Nangingitim na ito.

"Shit! Kahit maliit yan, kakalat at kakalat ang Lason sa katawan mo!" Sigaw ni Kaelon. Bigla akong kinabahan, bakit ba siya nagagalit?!

"Akin na, Gagamutin ko." Biglang sumulpot saamin si hannah. Bigla akong binitawan ni Kaelon at tumayo siya.

BAKIT BA SIYA NAGAGALIT?!

Ginamot ni Hanna at kalmot ko, Unti unti namang ito nawala. Hannah is the best talaga!

Napalibot kami ng tingin ng may narinig kamig tumawa. Agad kaming naalerto at nagsitayo sa pagkakaupo namin.

"Sino ka?!" Mariin na sigaw ni Zeke.

Lalong lumakas ang tawa ng lalaki. "Hindi niyo kasama ang bagong babae, sigurado akong nakuha na siya ng inutusan ko. Paalam." Sabi niya ng hindi manlang nagpakita saamin.

"That's a Black Wizard." Sabi ni Cymon.

"Kung ganoon nasa kamay nila si Keira?" Tanong ni Raquel.

"Anong kailangan nila kay keira?" Tanong ko.

"Hindi natin alam. Kailangan natin mahanap ang engot na yon." Sabi ni Zeke at tumuloy sa paglalakad sa gubat.




Someone POV

Hindi maari...


Kailangan niya maging malakas...


Kailangan niya na maalala ang lahat...



Malalapit na.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro