Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

edited;





Keira's Pov

Nakarating kami sa Academia Village. Wow. Marami siyang bahay bahay, at sa gitna ay may mga Vendors, nagtitinda ng kung ano ano. Parang palengke lang sa Mortal. Pero maganda dito, hindi makalat, sobrang linis. Ang mga babae naman ay mga nakamahabang damit, mga nakagown pero hindi kagandahan. Parang normal na talaga sakanila ito.

"Ayun! Dito nalang ako bibili ng Sun Weapons!" Sabi ni Elisne at May tinuro.

"Makakabili na rin pala tayo ng mga pwede nating gamitin sa Exam." Sabi ni Cymon.

"Tiyaka na yun, kapag nahanap na natin ang Light Crystal." Sabi ng KJ na si Zeke.

Bigla may humarang saamin na matatandang babae. Dalawa lang pala actually.

"Good Morning!" Bati nila saamin. Ngumiti naman kami.

"Bago ba kayo rito? Hindi kasi pwede ang mga kasuotan niyo na yan rito." Sabi ng naka kulay Pink and white na mahabang dress.

Nakapants na black lang ako, T shirt na puti sa loob at black na jacket. Si Hannah naman ay nakapants and white na long sleeve. Si Raquel ay nakahindi kaikliang short at blue na V neck T shirt. At si Elisne naman na naka skirt and Blouse.

Hindi naman kasi uso sa Light Academia ang nakagowns. Siguro ang Reyna nakaganun. Napansin ko rin sa Head Master na naka pang prinsipe siya na Suit. Pero sa mga Students doon ay Simpleng kasuotan lang, katulad sa mortal.Yun nga lang, yung iba naiiba dahil sa Kapangyarihan nila, gumagawa sila ng sariling damit.

"Pasensya na po bago lang po kami rito." Paunmanhin ni Hannah.

"Okay lang yan saamin, halika kayo sa Dreasing room pagpapalitin namin kayo ng damit. Sa boys ay okay na ang nakaganyan." Sabi saamin at hinala kami. Naiwan ang mga lalaki doon na nakatanga.

"Ang ganda ganda mo naman iha." Sabi saakin nung isang babaeng kulay medyo blonde ang buhok. Nandito kami sa isang Bahay, pagpapalitin dawkami ng damit.

"Bagay na bagay sayo ang Itim mong buhok." Sabi naman saakin nung isang babaeng kulay brown ang buhok. Nakatingin lang sila Elisne, Raquel at hannah saamin. Ako naman awkward na nakangiti.

"Ay eto nga palang ang mga damit ninyo." Sabi nung brown girl at binigyan isa isa sila Elisne.

Inangat ni Elisne at Hannah ang kanila. "Eto ang susuotin namin?" Sabay nilang sabi. Tumango naman ang dalawang babae.

Kinuha ni Elisne ang kay Raquel. "Eto nalang saakin!" Sabi ni Elisne kay Raquel. Tumaas lang isang kilay ni Raquel at pinabayaan si Elisne.

"Jaan sa kwarto kayo magbihis." Sabi nung blonde girl sakanila sabay tumingin saakin.

"Eto iha, Eto ang iyo. Sigurado akong kasya yan sayo." Sabi niya at binigay ang nakatuping damit.

Ngumiti ako sabay kinuha ang damit, At sumunod kela elisne.

"Bakit hindi magkasya." Rinig kong sabi ni Elisne pagpasok ko palang ng Pinto.

Lumapit siya saakin at tinignan ang damit ko. "Mas lalong hindi kasya saakin to. Bakit sainyo ang ganda ng damit niyo saamin ganito? Hindi magkasya sakin ng kay raquel." Sabi ni Elisne at tinapat saamin ni Raquel ang Damit nila ni Hannah.

"Wala tayong magagawa, Kailangan nating magpalit." Sabi ni Hannah.

"Bilisan na natin, siguradong magagalit nanaman yan si Zeke." Sabi ni Raquel.

Kaya walang nagawa sila Elisne at Hannah kundi suotin ang binigay sakanilang damit. Tinignan ko ang binigay saakin na kulay puting damit. Kinuha ko ang pangharang at hinubad na ang Pants at Damit ko. At sinuot ko na ang binigay saakin.

Off Shoulder na mahabang damit. Tinabi ko ang pangharang at humarap sakanila. Nakaayos na rin pala sila, Si raquel zinizipper nalang ang damit ni Hannah sa may likuran.

"Ayoko na. Mukha kaming matanda ni Hannah." Ngawa ni Elisne.

Tinignan ko ang damit nila. Maganda naman nakalobo pa nga. Yung nga lang puro bulaklakin na maliliit. Ganun din kay Hannah. Si Raquel naman ay parang katulad ng saakin ngunit may manggas.

"Ang ganda ganda ni Keira. Kaiyak" Sabi ni Elisne. Medyo nahiya naman ako.

"Okay na yan Elisne. Siguraduhin nalang natin na mahanap agad ang Crystal para makabalik na tayo sa L.A" Sabi ni Hannah.

Lumabas na kami ng Kwarto. Nanduon parin ang dalawang babae.

"Ang ganda mo iha. Sabi na bagay saiyo yang damit na yan." Sabi saakin nung blonde ang buhok.

"Bagay na bagay nga." Sang-ayon ng brown ang buhok.

"Halika na at kanina pa naghihintayan ang mga kasama niyong lalaki sa labas."

Nauna ng lumabas sila Elisne. Tumawa bigla sila Wade at Cymon.

"Anong suot niyong dalawa? Mukha kayo Lola." Sabi ni Cymon at tumawa.

"Pati rin ikaw honey. Mano po." Sabi ni wade kay raquel. Sinamaan siya ng tingin ni raquel.

"Oh bakit si Keira mas maganda pa sainyo?" Sabi ni Kaelon.

Tumingin sila saakin. "Oo nga! Ang ganda ni keira." Sabi ni Wade at Cymon.

Nahiya nanaman ako.

"Paborito kasi siya nung dalawang matanda." Nakasimangot na sabi ni Elisne.

"Kahit naman kasi may Dust tayo medyo nakilala parin nila amoy natin. Hindi lang nila tayo makilala. Si Keira kasi ay bago pa dito." Sabi ni Kaelon.

"Tss. Tara na, may importante pa tayong hahanapin." Sabi ni zeke at tinalikuran kami. Sumunod naman kami sakanya.

"Saan ba natin sisimulang hanapin?" Tanong ni Raquel habang naglalakad kami sa gitna, At sa mga gilid naman ang mga nagtitinda. Yung iba pinagtitinginan kami.

"Buong Village." Sabi ni Zeke.

"Eh? Kelan pa tayo matatapos nun?" Tanong ni Elisne.

"Hanggang sa mahanap natin." Sagot ni Zeke.

"Pagtapos natin mahanap?" Tanong naman ni Hannah.

"Babalik na tayo sa Light Academia." Sagot ulit ni Zeke.

Parang pinagbaksakan ang mukha nila Elisne at Raquel. "B-b-balik na tayo agad?" Tanong nilang dalawa.

Lumingon si zeke saamin. "Bakit ayaw niyo?"

"AH HEHEHE G-gusto." Pilit na tawa nila Elisne at Hannah. Halos matawa kami.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, maya maya tumabi saakin si Elisne.

"Huhu keira, ang sungit ni zeke. Mas matanda naman ako sakanya. Bakit ba kami natatakot sakanya." Sabi niya saakin.

Tumingin ako sakanya. "Mas matanda?" Tanong ko.

"I'm 23 diba. And He's just 19." Sabi niya.

"We?" tanong ko.

"Why?" Tanong niya.

"19 palang siya?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga."

"Ayun, Puro jewerly tignan natin baka napasama ang Light Crystal doon." Sabi ni kaelon at may tinurong Store.

Pumunta naman kami doon.

"Just act na may bibilhin kayo." Sabi ni Zeke. Tumango naman kami.

"Anong hanap niyo?" Tanong saamin nung babaeng tindera.

"Oh! Magkano po ito?" Tanong ni Elisne at tinuro ang kulay dilaw na kwintas.

"Alam kong taga Light Academia kayo." Napatingin kaming lahat sa sinabi ng babae.

"Huh?" Maang maangan ni Cymon.

"Huwag na kayong mag kunwari. Alam ko. Isa rin akong may mahika." Sabi niya.

"Po?" Tanong ni Hannah.

"Kaya kong makita ang totoong identity niyo. And I can see Future." Sabi niya ng nakangiti. Mukang mabait naman siya.

"Pero bakit hindi po kayo pumasok sa Light Academia?" Tanong ni Raquel.

Ngumiti ng malungkot ang babae. "I'm a Black Wizard.."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro