Chapter 16
edited;
Keira's Pov
"Pinapatawag tayo ulit ni Head Master." Bungad ni Kaelon.
"Ha? May mission nanaman tayo?" Tanong ni Elisne.
"Siguro." Sagot ni Kaelon.
"Puntahan nalang natin para malaman. Tss." Sabat ni Zeke. Sungit.
Kaya naglakad nga kami papunta sa opisina ni Head Master. Nasa kalagitnaan pa kasi kami ng pag practice ni Cymon. Medyo namamaster ko na ang iba. Pati din si Raquel nakakasali na para may laban na talaga ako sa exam. 1 week na kami nagpapractice. 2 weeks nalang exam na.
Kumatok sa pinto ng opisina si zeke, pinapasok naman kami ni Head Master.
"May mission po ba ulit kami?" Tanong ni Kaelon.
Tumango si Head Master. "Alam kong nasa kalagitnaan kayo ng pagtuturo kay Keira. Pasensya na sa istorbo." Sabi niya sabay tingin saakin.
"Okay lang po iyon." Sabi ko.
"Ngayon hahanapin niyo ang nawawalang Light Crystal sa Village."
Academia Village? May mga ibang tao pa ba rito? May village dito?
"Anong Light Crystal?" Tanong ni Wade.
"Ang Crystal ni Queen Geaorgette." Sagot ni Head master.
"Nawawala ang Light Crystal? Paano iyon? Para iyon sa Prinsesa diba?" Sabi ni Raquel.
Tumango ang Head Master. "Naihagis iyon ng Reyna. Napunta sa Village, instict ni Fairy Daisy."
"Pupunta kami sa Village?" Nakangiting tanong ni Elisne.
"Yes. Siguraduhin niyong mahanap niyo ang Light Crystal. At makabalik kayo bago mag Exam. Mayroon din kasing pagbabagong gagawin sa Exam." Sabi ni Head Master.
"Ngayon na ba namin sisimulan?" Tanong ni Kaelon.
"Yes. Si Fairy Daisy ay naghihintay sainyo sa Gate ng L.A upang lagyan ng dust para hindi kayo makilala ng mga taga Villages." Sabi ni Head Master kaya tumango kami at lumabas na.
"May Village pala rito?" Tanong ko kay Elisne.
"Yes! Gustong gusto ko pumunta roon dati, dahil maraming mga bilihan ng kung ano ano. Marami din doon na Weapons, Foods, Potions. At ano anu pa." She said.
"May mga kapangyarihan din ba sila?" Tanong ko.
"Wala. Para din silang Mortal People. Pero sila naman ang mga gamit ay mga swords, ang mga lalaki lang. *Alam mo ba ang ho-hot ng mga lalaki doon*" Binulong niya saakin ang huli. Napatawa ako.
"May mga kabayo rin doon!" Sabat ni Hannah.
"Pupunta tayo doon upang hanapin ang Light Crystal hindi magsaya." Sabi saamin ng masungit na si zeke.
"Yeah yeah, We know" Bored na sabi nila Elisne at hannah.
"Ayoko na saan ba yung village na yun." Pagod na sabi ni Elisne at umupo sa gilid ng puno.
Andito kasi kami sa Gubat, sinabi lang ni Fairy Daisy kung saan ang Village. Madadaanan daw namin itong gubat, halos paikot ikot nalang kami pero hindi manlang namin mahanap ang village na yun. Malapit na rin magdilim.
"Hindi ko naman kasi kaya lumipad ng sobrang taas kung pwede lang nakita ko na sana kung nasaan ang village na yun. Tiyaka wala na rin akong lakas." Sabi ni Cymon.
"Ugh wala na rin akong energy para magbigay sainyo." Sabi ni Elisne.
"Inutakan tayo ni Head master. Hindi manlang tayo pinagteleport nalang." Sabi ni Kaelon.
Napaupo na rin ako sa sandalan ng puno. Pagod na rin ako, kanina ko parin kasi ginagamit ang Wind Fly ko. Plus, sumasakit sakit din ang scar ko.
"Medyo madilim na, siguro ipagpabukas nalang natin ang paghahanap sa Village. Magpalipas muna tayo ng gabi rito." Sabi ni Kaelon.
"Delikado rin baka biglang may umatake satin na mga masasamang hayop." Sabi ni Elisne.
"Bahala na si Kaelon jan! Ge pre tulog muna kami." Sabi ni wade at humiga sa damo.
"H-hoy! Matutulog din ako." Sabat ni Kaelon.
"Wag pre. Ikaw bantay." Sabi ni Cymon. Nakita kong nakatulog na si Hannah na nakasandal sa kaharap namin puno. Ganun din si Elisne. Si Raquel naman katabi si wade magkayap. Ay bati sila?
"Ako nalang magbabantay! Gigisingin ko nalang kayo kapag may hayop na pumunta rito." Sabi ko.
Tumingin sila saakin. "Seryoso ka ba? Hindi ka ba inaantok?" Tanong ni Kaelon.
Umiling ako. "Okay lang." Tumango sila at nagsimula nang matulog.
Pero ang totoo inaantok na talaga ko.... Pero hayaan na sanay naman ako sa puyatan. Naramdaman kong may tumabi saakin. Kinabahan ako.
"S-sino ka?" Tanong ko. Hindi ko kasi masyadong makita.
"Tss."
Napahinga ako ng maluwag. "Zeke ikaw ba yan?" Tanong ko.
"Hindi." Sagot niya. Tumaray ako.
"Whatever. Hindi ka ba inaantok?" Tanong ko.
"Hindi."
Hindi na ako sumagot. Wala din naman siyang maisasagot na matino. Naalala ko nung Ball. Ano ba yung sinasabi ni Elisne na nagkiss daw kami? Ugh.
"You can sleep." Sabi niya.
"Hindi na, di naman ako inantok." Sagot ko.
"Kaya pala onti nalang pipikit na mata mo?" Sabi niya.
Tinarayan ko nalang siya. Napahikab ako. Inaantok na rin talaga ako...
"Ayos din to si Keira, siya daw magbabantay"
"Hahaha halata naman inaantok din siya kagabi."
"Mga timang! Hinayaan niyong si Keira magbantay?!"
"Shh."
Unti unti kong minulat ang mata ko nang makarinig ako ng Ingay. Hala! Ako pala ang magbabantay!
Nakita ko silang nakatingin saakin. Medyo ngumiti ako. "Hehe sorry nakatulog din ako." Sabi ko.
"Okay lang! May nagbantay naman." Sabi ni Cymon.
"Huh? Sino?" Tanong ko.
"Ayan oh si Zeke. Di natulog magdamag" Sabi ni Wade at tumawa. Napatingin ako sa katabi ko, Si zeke? Teka, nakahiga ba ako sa balikat niya? Siya yung katabi ko eh!
Nakita kong ngumisi siya. "Hindi daw inaantok ah?" Sabi niya.
"Ewan ko sayo!" Pagtataray ko.
"Susungitan mo ko pagkatapos mong humiga sa balikat ko? Nangawit kaya ako. Tapos imbis na ako ang may tulog ikaw ang nagkaroon?" Nakangisi niyang sabi.
Di ako makasagot. Gusto ko may maibato sakanyang salita pero wala kong masabi. Ugh! Nakakainis siya.
"Hoy tara na kayong dalawang love birds." Sigaw saamin ni Wade.
"Psh! Edi Thank you!" Sabi ko kay Zeke at tumakbo na kung nasaan sila elisne.
Tumawa si Elisne. "Kayo ah?"
Tumingin ako sakanya at sumimangot. "Ano?"
"Wala. Kagabi kasi medyo nagising ako, Nakita kitang nakapatong ang ulo sa balikat ni zeke." Sabi niya. At lumapit sa tenga ko para may ibulong. "At nakita kong nakatitig siya sa mukha mo." Bulong niya.
Biglang nag init mukha ko sa narinig na 'yon.
"Pinagsasabi mo Elisne. Hmp."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro