Chapter 15
edited;
Keira's Pov
"If you're a wind User, you can move the objects. So First step 'Move the objects. Just like your practice o Ice magic. Concentrate." Sabi niya. Linagay niya ang dala niyang isang libro sa lapag, medyo malayo saakin. "There, try to move this. Para din itong Air Strength. Yun nga lang objects lang ang mapapalipad mo." Sabi niya. And yep, andito ulit kaming lahat sa Gym, merong iba na pumapasok kaso agad ding lumalabas pag nakita nilang andito ang mga Royals...
Tinapat ko na ang kamay ko sa Librong nasa lapag. "Concentrate.." Sabi ng mahina ni Cymon habang nakatingin sa gagawin ko.
Tinitigan ko ng mabuti ang Libro at nagconcentrate. Move... Please.. Gusto ko na matutunan lahat lalo na ang paglipad!
Ilang minuto lumipas, hindi ko manlang napagalaw ang libro.
"SABI KASI SAINYO! WATER USER SIYA. MAUPO KA DITO CYMON AKO MAGUTURO!" Rinig kong sigaw ni Wade. At akmang lalapit siya saamin ng biglang nagyelo ang paa niya. "HONEY NAMAN!"
Napailing nalang ako sa kakulitan ni Wade.
"Concentrate Keira. May iba ka bang iniisip?" Tanong saakin ni Cymon. Ang seryoso niya talaga ngayon... Nakakailang pag ganito siya.
"Gusto ko agad matutunan lumipad. Ayun ang nasa isip ko." Pag amin ko.
Tumawa siya. "Just concentrate sa Move objects. Wag mo muna isipin yun dahil malayo pa yun." Sabi niya kaya tumango ako at tinapat ulit ang kamay ko sa Libro. Concentrate keira.. Concentrate... Move it...
Nagulat ako ng unti unting tumaas ang libro. Napabuka ang bibig ko dahil sa nagawa ko. Woaah!!
"Control it. Kung saan mo siya gustong ilagay.." Sabi ni Cymon habang inaalalayan ako sa tinuturo niyang mahika.
Kaya ginalaw ko ang kamay ko, ngunit biglang bumaksak ang libro sa lapag.
"Concentrate kahit na icocontrol mo na siya, alisin mo muna sa isip mo ang ma-amaze." Sabi saakin ni Cymon. "Raquel! Can you make a little table?" Sigaw ni Cymon kay Raquel na nasa may bleachers.
"SURE!" Sagot ni Raquel at unti unting nagkaroon sa medyo malayo saamin na Lamesang gawa sa yelo ni Raquel.
May linapag na limang libro si Cymon. "This 5 books. Ilagay mo lahat sa Lamesa. Just concentrate." Sabi niya.
Kaya tinapat ko na ulit sa isang libro ang kamay ko at nagconcentrate. Unti unti ulit itong tumaas.. Concentrate keira.. Move that damn book.. Ginalaw ko ang kamay ko patapat sa table, unti unti naman sumunod ang libro hanggang sa mailapag ko na! Yay! Nagawa ko!!
Sunod sunod kong ginawa iyon sa ibang libro. Minsan ay nawawala ako sa pagconcentrate.. Biglang bumabagsak ang libro. Minsan naman ay saan saan ko napupunta.. Hanggang sa ma master ko ang pagmove ng objects gamit ang Air/Wind magic ko. Kahit pala ito ay Astig din!
"Sunod nito ay yung air strength pero pwede lang iyon sa Person." Wala tayong pag eexample-an nun. But just concentrate kapag gagamitin mo yun." Sabi ni Cymon. Tumango naman ako. "Next is Teleportation using Wind/Air. Hanggang sa malapit na place ka lang na kayang mapunta. You can teleport from here into the gate of L.A." Sabi niya.
I can Teleport? Wow. "Pero dito muna natin sa loob ng gym ipapractice yun. Now, nandito tayo sa gitna diba? Mag Teleport ka mula dito hanggang sa bleachers kung saan naroroon ang mga kaibigan natin."
"Paano?" Tanong ko.
"As always, concentrate and now think we're you going. Isipin mo kung saan mo gusto pumunta isipin mo rin na ang gagamitin mo ay ang Air.." Sabi niya
Kaya ginawa ko ay pumikit ako at inisip ko ang bleachers kung nasaan naroroon ang mga kaibigan ko. Bigla akong nakaramdam ng hangin at parang hinigop ako, Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nasa tapat na ako nila Elisne.
"Wow! You're really a Wind/Air User." Sabi ni Hannah.
"Ang galing naman!" Sabi ni Elisne at pumalakpak.
"Very Good! You're really a Fast Learner." Sabi ni Cymon na nasa tabi ko na. Huh? He teleport too?
"Basta tandaan mo lang hindi kalayuan ang pwedeng marating ng Teleportation mo." Sabi niya kaya tumango ako.
"What's next? Wind Fly na ba?" Excited kong tanong.
Tumawa siya at umiling. "Nope. Air blades. Pwede mo itong magamit sa Exam. You can use your ice magic to froze kung sino man ang kalaban mo then sabayan mo ng Air blades. Astig diba?" Sabi niya. Oo nga! Sigurado akong kahit papano may laban ako sa exam.
"Ramdam ko malakas ang Wind/Air Magic niya." Sabi ni Cymon kay Raquel. Tumingin ulit saakin si Cymon. "Kapag nakaya mong gumawa ng malaking tornando katulad ko, Isa ka na rin sa malakas na Wind User."
"But now. Air Blades muna." Sabi niya. Tumingin siya kay Kaelon. "Kaelon pwede bang maglagay ka sa gitna ng mapapayat lang na puno?" Sabi niya kay kaelon.
Sumimangot si Kaelon. "Tapos ano? Pagpupuputulin niyo lang? Kawawa naman ang mga puno ko." Sabi niya ng nakasimangot.
"Kaya nga mapapayat lang eh!" Sabi ni Cymon.
"Sige na Kaelon." Sabi ni Zeke. Nagsalita nanaman ang bwisit.
Tinapat lang ni Kaelon ang kamay niya sa gitna ng Gym, At automatic na nagkaroon ng mga iilang puno.
"Kapag gagamitin mo ang Air Blades mo, tuloy tuloy dapat ang atake mo. Just think and Concentrate." Sabi niya habang naglalakad kami sa gitna ng Gym medyo malapit sa mga puno.
"Sabihin mo ang Air Blades at itapat mo ang kamay mo mga puno. Siguraduhin mong mababali mo ang mga yan." Sabi niya kaya tumango ako at inumpisahan na.
"Air Blades" Bulong ko habang nakatapat ang dalawa kong kamay sa mga puno. May naglabasan na mga Blades sa kamay ko at diresto sa mga puno, ang mga puno naman ay nagsibalian.
"Hindi mo lahat natamaan ang mga puno." Sabi ni Cymon. "Pero atlis natutunan mo." Dagdag niya.
So parang bowling pala to? Haha.
"May laban na ba ako kay Zeke neto?" Bulong ko kay Cymon. Bigla siyang tumawa.
"Pwede pwede. Yung wind mo kaya lang hanginin ang Apoy niya, yun nga lang dipende lang sa ginawa niyang apoy. Pwede kasing pag samahin ang apoy at wind para lalong lumakas ang apoy." Sabi niya.
Medyo natuwa naman ako. Edi kahit maliit na apoy lang pwedeng hanginin ng Wind magic ko?
"Pero tandaan mo may Lightning magic pa siya. Wala laban ang Ice at Wind mo laban sa Lightning niya." Dagdag ni cymon at tumawa ng tumawa.
Napasimangot ako. Sobrang lakas pala ng bwisit na zeke na yun?
"Wag mo tangkaing kalabin si Zeke. Wala pang nakakatalo jan." Sabi ni Cymon.
"So what's next?" tanong ko.
Ngumiti siya."Wind fly?"
"YES!" Sigaw ko.
"Madali lang to, dahul kaya mo naman ang Air Strength mo. Just think that you can fly. Think the Wind Fly."
Pumikit ako and Concentrate. Wind Fly... I can Fly....
I can....
Fly...
Naramdaman ko na bigla akong lumutang. Dumilat ako. woah. Medyo natatabingi ako dahil hindi naman ako marunong.
"Control.. concentrate.." Sabi ni Cymon at unti unti ring lumipad. Lumipad siya kung saan saan. Ang galing!
Kaya tinry ko icontrol ang paglipad ko. Medyo tumatabingi pa talaga ko, para akong mahuhulog. Buti naman dahil wala akong Fear of Heights.
Maya maya ay natutunan ko na, nakakalipad na ako ang sarap sa pakiramdam!
"WHOOO! I CAN FLY!!!" Masayang sigaw ko. Ang laki ng tuwa ko. Katulad ng iniisip ko ang saya lumipad lipad paano pa kaya kung sa himpapawid tapos nakikita ko ang maraming mga puno at damang dama ang hangin.
"Kainggit!" Narinig kong sigaw ni Hannah.
"Good for you Keira!" Sigaw din ni Raquel.
"KAYA RIN YAN NG WATER KO!!" Sigaw ni Wade.
Lumipad ako papunta sakanila. Nang malapit na ako sakanila, bugla akong bumagsak.
"Aww!!" Hiyaw ko sa sakit ng pagkabagsak ko, buti naman dahil napaupo lang ako. Nagsilapitan sila saakin.
"Are you okay?" Tanong saakin ni Elisne.
"Bakit ka bumagsak?" Tanong ni Raquel.
"Hindi mo ba kinontrol ang Wind fly?" Tanong ni Cymon.
"Kinontrol ko. S-sumakit lang bigla ang Scar ko sa Likod." Sabi ko.
"Scar?" Tanong nila Wade.
"Yes. She have scar on her back. Kapag hinawakan daw ay sumasakit." Sabi ni Hannah.
"Bakit biglang sumakit ngayon?" Tanong ni Kaelon.
"Hindi ko alam. Bigla nalang siya sumakit kaya hindi ko naicontrol ang Wind fly." Sabi ko. Hindi ko alam anong klaseng sakit ang naramdaman ko. Basta dahil sa sakit na yun ay nawala ako sa ginagawa ko...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro