Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

edited;






Keira's Pov

"Elisne?" Katok ko sa pinto ng dorm, nakalock kase eh.
Biglang bumukas ang Pinto at tumabad saakin ang Elisne na umiiyak bigla niya ko niyakap. Pumasok kami sa loob at nilock ulit ang Pinto.

"Shh" Pagtahan ko sakanya.

"Shit. How can he say that? Akala niya ba nakamove on na ko?" Sabi niya. "He say na, Wag daw siya iba nalang. Pero nagpumilit ako! Sinabi ko na mahal ko siya! Hanggang sa sinabi niyang Bata pa daw kame! He said din na He likes me too!!" Pagmamaktol nito.

Nagulat ako sa narinig ko. "He said that he likes you too?" Ulit ko baka mali ang pagkakarinig ko.

Tumango tango siya. "Sabi niya.. Sabi niya maghintay nalang daw ako paglaki namin." Mahina niyang sabi. "Sabi niya hintayin ko siya!!! Edi ako si tanga naghintay!!! Yun pala...."

Yinakap ko nalang ulit siya. "Shh tahan na Elisne."

Maya maya ay nakatulog siya sa kakaiyak. Lumabas na rin muna ako sa Dorm. At naglakad lakad sa loob ng Campus. Mag gagabi na rin.

Napadpad ako sa isang Garden. Dito ata ako bumagsak noon, *Bumagsak sa lap ni zeke, bwisit*

Umupo sa gilid ng puno. Oo lumabas ako ng Gate. Gate ng Light Academia. Hindi naman ako binawalan ng mga nakakita saakin. Sumandal lang ako sa puno at tumingin tingin sa Paligid, hindi pa naman masyadong madilim.

Habang nagmamasid ako sa paligid may isa akong babae na nakita nakatingin saakin. Kinabahan ako. Tumingin lang din ako sakanya, isang babae na nakaitim, mahaba ang brown na buhok. Unti unti siyang ngumiti saakin at biglang naglaho.

Sino yun? Sino yung babaeng yun? Isa ba siyang taga Dark Academia?

"Whaaa" Nagulat ako ng may tumalon sa harap ko. Si zeke. Bwisit na yan, Kabute talaga to eh.
kabute. "Ano ba?! Bigla ka nalang sumusulpot?!" Sigaw ko sakanya.

"Nasa taas ako ng puno. Nakita kitang may tinitignan doon. Sino ang tinitignan mo?" Seryosong tanong niya.

Hindi niya nakita yung babae?!

"Wala! Pakealam mo ba?" Sagot ko. Tinaasan niya ko ng isang kilay. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Nagulat ako ng bigla siyang naglabas ng apoy sa kamay niya. Napaatras ako. "Woah, easy." Sabi ko, mahirap na wala akong laban sakanya.

Bigla niyang hinawakan ang wrist ko. "Hey!!" Sigaw ko. Nagsimula na niya ko hilahin.

"Ano ba? San mo ko dadalhin?! Bitawan mo nga ko." Sigaw ko.

"Tss"

"Wag mo ko. Ma-tss tss jan. Bitawan mo nga ko." Sabi ko at hinihila ang kamay ko ngunit sadyang malakas talaga siya.

"Aww." Sagot ko ng medyo napatapilok ako sa isang bato. Madilim na kasi! Hindi ko makita. Bigla niyang tinapat sa paa ko ang apoy na nasa kamay niya.

"Oy oy oy!" Saway ko. Susunugin niya ba paa ko?

"Saan masakit?" Tanong niya at hinawakan niya ang paa ko. Tinabig ko naman iyon.

"Ano ba! Walang masakit. Grabe ka kase manghila pati di ko makita ang daan! Saan mo ba ko dadalhin?" Sigaw ko sakanya.

"Tss. Kaya nga may apoy diba? Nagsisilbing ilaw. Babalik na tayo sa L.A.. Wag ka mag isip ng kung ano jan!" Sigaw niya rin saakin. Tinarayan ko naman siya. Nagsimula na ulit siyang manghila. Rolled Eyes.

Hanggang sa makarating kami sa Loob ng Academia, Hila hila parin niya ang wrist ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng Dorm namin ni Elisne. Tiyaka niya lang binitawan ang wrist ko.

"Next time wag ka lalabas mag isa ng Light Academia." Sinabi niya lang at tumalikod saakin upang umalis na.

Hinatid niya ko. Hinatid niya ko sa Dorm. Akala ko kung anong gagawin niya, akala ko kung saan niya ko dadalhin. Utak mo talaga Keira!

"Zeke!" Sigaw ko ng medyo malayo na siya. Mag kahiwalay kasi ang Dorms ng Girls sa Boys. Huminto siya at medyo humarap saakin.

Kinagat ko labi ko. Bakit ko ba siya tinawag?

Nakita kong tumaas ang isang kilay nanaman niya! Daig pa babae. Nang hindi parin ako nagsalita nag simula nanaman siyang maglakad. Medyo nataranta ako.

"THANK YOU." Mabilis kong sigaw at agad na pumasok sa loob ng Dorm.

"Oh? Anyari sayo?" Napatingin ako kay elisne na nagpapatuyo ng buhok. Gising pa pala siya.

Umiling iling ako. "W-wala. Goodnight." Sabi ko at humiga sa kama ko.












"Just Concentrate Keira. Isipin mo na may lalabas na Yelo sa kamay mo. Wag ka mag isip ng kung ano." Sabi saakin ni Raquel. Nandito kami ngayon sa Gym ng Light Academia. Lahat kami Wade, Kaelon, Elisne, Cymon, Hannah, and Zeke... Nakaupo sila sa Bleachers at nakatingin saamin. Kami naman ni Raquel nasa gitna. As in gitna talaga.

Nagconcentrate ako. Pinikit ko ang mata ko at inangat ang kamay ko. Iniisip ko na magkayelong suklay sa kamay ko. Tulad ng kay Raquel.

Ilang minuto... Ilang minuto akong nakaganun pero walang nangyari...

"R-raquel.. Ayaw talaga" Sabi ko. She sigh. At gumawa ng suklay gamit ang yelo niya.

"Here. Matutunaw ito kapag hinawakan ng iba. Try this." Sabi niya at inabot saakin ang suklay. Kaya kinuha ko ito. Hindi nga natunaw saakin. Wala rin akong naramdaman na lamig, Basta ang alam ko may hawak ako na isang gamit.

"Hannah! Come here." Sigaw ni Raquel. Kaya lumapit saamin si Hannah. Gumawa ulit siya ng isang yelong suklay at inabot kay Hannah. Pagkahawak ni hannah, Unti unti itong natunaw hanggang sa nag yelo.

"Ahh ang lamig!!" Sabi ni Hannah.

Hinablot saakin ni Raquel ang binigay niyang suklay na yelo at pinahawak kay hannah, Agad nanaman itong natunaw.

"See? You're an Ice User. Just Concentrate." Sabi ulit ni Raquel. Kaya pinikit ko ulit ang mata ko.

This time iniisip ko na kahit isang bato na yelo lang ang lumabas please. Inalis ko sa isip ko ang iba at nagconcentrate sa ginagawa ko.

"YAY! THAT'S IT!!! YOU ARE OFFICIALLY AN ICE USER!" Narinig kong tili ni Raquel kaya dumilat ako. Nakita ko, May yelo sa kamay ko, Gaya ng inisip ko na bato.

"Seryoso ka? Hindi mo ito linagay?" Tanong ko kay Raquel.

Umiling siya. "Try again. This time wag ka pumikit."

Tinabi ko ang yelong bato at inangat ko ulit ang kamay ko. This time nakatingin lang ako sa kamay ko at nag concentrate. Please. Suklay na gawa sa yelo.

Unti unting umilaw ng kulay light blue at nagkaroon ako ng Suklay. WOW!!! Totoo nga!!

"See? Now marunong ka na sa pag gawa ng gamit gawa sa yelo. Ngayon itry mong itapat sa bola na yun. At isipin mo na magyelo siya." Sabi ni Raquel at tinuro ang bola ng pang basket ball.

Kaya tinapat ko nga ang kamay ko roon at inisip na magyelo yun. Parang may lumabas sa kamay ko at sumapul iyon sa bola. Linapitan ko ang bola at nakita ko ang buong bola na nakabalot sa yelo.

"Now, try Ice Gun." Sabi ni Raquel.

"How?" Tanong ko.

"Just think and Concentrate."

Nakapalad ulit ang kamay ko at inisip ang sinabi ni Raquel.

Ice Gun... Ice Gun...

Bigla ulit umilaw at lumabas doon ang Isang baril na gawa sa yelo.

"Wade! Water Wall" Sigaw ni Raquel kay Wade.

At unti unting nagkaroon sa malayo ng Tubig na pader.

"Shoot the water." Sabi ni Raquel.

Kaya tinapat ko ang Ice Gun ko sa Water Wall. At pinindot ito.

Unti unting naging yelo ang tubig. WOW!!

"You can froze a Person too. Pero hanggang 3 minutes lang ang tagal. Dahil hindi malakas ang weapon na yan. Ang malakas ay ang Water Cannon. Hindi mo lang mapapayelo ang isang tao kundi marami at mapapataob mo sila. Kailangan mo muna ma master ang lahat bago iyon. Pwede ka ring gumawa ng isang Dragon, Lion, Tiger na gawa sa Yelo, Pero buhay sila." Sabi ni Raquel.

Dragon? Lion? Tiger? Na gawa sa Yelo? Tuwang tuwa ako sa nangyayari! It's fun having a magic!

"Now, try Ice Floor. Put your hands in the floor and think."

Tinapat ko nga ang kamay ko sa Sahig. Ice floor.... Ice floor....

Bigla nagkaroon ng yelo sa sahig padiretso. Wow.

"Lahat ng umapak jan madudulas. kaya kung sakaling lumapit sayo ang makakalaban mo sa Exam gamitan mo niyan sabay Ice Gun." Sabi ni Raquel. "Pwede mo ring isipin na magkayelo ang paa niya. Basta titigan mo lang. Like this." Sabi niya at tumingin sa paa ni Wade.

"HONEY NAMAN!! BAKIT AKO??!" Sigaw ni Wade at nagsimulang tumakbo pero huli na, nagkaroon na ng yelo ang mga paa niya. "Honey!! Ang lamig!!!"

"See?" Sabi saakin ni Raquel.

Kaya tinignan ko bigla si Zeke. Ngumisi ako, Tumaas naman isang kilay niya. Tinignan ko ang paa niya and Concentrate.

"No, don't do that." Rinig kong sabi ni Raquel pero huli na, unti unting nang nagkayelo ang paa ni Zeke. Ngumisi ako sakanya at binelatan siya.

Nakita kong ngumisi din siya. Evil smirk....

Unti unting nawala ang ngisi ko..Nagulat ako ng bigla nabasag ang yelo sa paa niya ng wala siyang ginagawa. WTF?

"He's a Fire User. Walang laban ang Yelo natin sakanya. Except kung meron kang Ice Flame." Sabi saakin ni Raquel.

Nakangisi parin saakin si Zeke. Ako naman nakasimangot na, Bwisit wala parin pala akong panlaban sakanya?

"Wala kang laban saakin Ice Girl." Nakangisi niyang sabi. Kaya tinarayan ko siya.

Ugh!! Nakakabwisit siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro