Chapter 11
Edited;
Keira's Pov
"I't's okay, Keira. Naubos niya lang ang enerhiya niya." Napatingin ako ng pumasok si Elisne sa Kwarto.
Bigla niyang tinapat ang kamay niya kay Hannah. Siguro bibigyan niya ng Energy.
Maya maya biglang nagising si Hannah. Kaya bigla kong siyang niyakap. "Sheez. Akala ko kung napaano ka na." Tumawa siya.
"Ano ka ba, nabigay ko kasi lahat ng Healing ko kay Risa. Kaya hindi na malala ang sakit niya."
Naiyak ako. "Salamat, Salamat sayo."
Lumabas kami ng kwarto nila Risa at Ella. Nakita namin sa Sala na nagkukuwentuhan sila Tita at Raquel ang mga boys naman ang gugulo.
"Tita, Itry niyo parin ipacheck up si Risa. Sigurado akong may pag asa pa." Nakangiti kong sabi kay tita.
"Salamat. Sige hindi ako mawawalan ng pag asa. Ipapacheck ko siya baka sakaling may magawa silang paraan." Sabi ni tita, Ngumiti naman ako.
"Mauuna na po kami. Ipaalam niyo nalang kela Risa at Ella na galing ako rito. At babalik nalang ulit ako rito." Sabi ko kay tita, Tumango naman siya.
"Mag iingat ka Keira. Mag iingat kayo."
"Bye po! Salamat sa pagpapapasok sa bahay niyo." Sabi ni Cymon.
"Una na po kami. Mag iingat po kayo." Sabi nila Elisne at Raquel.
Ang saya ko! Ang saya saya ko. Hindi na malala ang sakit ni Risa.
"Keira. Gusto mo bang puntahan natin ang mga magulang mo?" Tanong ni Raquel.
"P-pwede ba? Nakakahiya na sainyo."
"Tch. Bilis na. Saan ba nakatira magulang mo?" Sabi ni Zeke. Himala ngayon lang siya nagsalita.
Pumunta na kami sa bahay namin, malapit nalang iyon rito. Pagkarating namin ay madilim, parang walang tao.
"Wait lang guys ha." Sabi ko at kumatok sa pinto. Pero walang nagbubukas.
"MAMA? PAPA?" Sigaw ko at kumatok. Hinawakan ko ang Door knob. Hindi nakalock. Kaya dali dali kong binuksan. Pinapasok ko na rin ang mga kaibigan ko. Binuksan ko ang ilaw.
"Ma? Pa?" Tawag ko. Pinuntahan ko ang kwarto nila. Walang tao. Next ko na pinuntahan ay ang kwarto ko. Wala din. Sa kusina. Wala din. Sa Garden, Sa Cr. WALA! Wala sila! Umalis ba sila? Naiiyak nanaman ako. Bakit lagi nalang ako umiiyak...
Pinuntahan ko ulit ang kwarto nila mama at tinignan ang Aparador. Halos nanlumo ako. Wala. Walang mga damit. Wala ang mga damit nila. Bakit? Bakit sila umalis?
"Keira." Napatingin ako sa pinto. Nasa pinto silang lahat at nakatingin saakin.
"May sulat kaming nakita sa lamesa ng Sala niyo." Binigay saakin ni Elisne ang papel. Agad ko itong binuksan at binasa.
Keira anak,
Hindi ko alam kung kailan mo ito mababasa. Sigurado akong hindi madaling pumunta sa mundong mortal. Ang masasabi ko lang, mag iingat ka sa Academia ha? Huwag mong iwala ang kwintas mo. Galing yan sa tunay mong Mama.
Kumunot noo ako. Tunay na Mama? Anong ibig sabihin ni mama? Tinuloy ko ang pagbabasa.
Patawad anak. Patawad. Nagsinungaling kami saiyo. Hindi mo kami tunay na magulang. Noong nasa malaking sunog kami ni Robert may tumulong saamin. Isang babae, Mayroon siya mahika anak. Binigay ka niya saamin. Binigay ka niya dahil nasa panganib ka daw. At anak may alaala ka daw na nawala. Huwag mong pilitin na alalahanin. Hintayin mo, hintayin mo ang tamanag panahon. Iyang kwintas mo, sakanya galing yan. Kaya wag mo iwawala ah? Para makilala ka niya na ikaw yan. Sobrang saya namin anak, sobrang saya namin naging parte ka sa buhay namin ni robert. Salamat dahil nagkaanak kami ng tulad mo na mabait at mapagmahal, At sobrang ganda pa. Mahal na mahal ka namin ha? Siguro nagtataka kung bakit wala na kami jaan sa bahay. Lumuwas kasi kami anak. Safe na safe kami, kaya wag ka mag alala ha? Ikaw ang mag iingat sa mundo niyo alam ko na puro digmaan ang nandoon. Sana... sana makilala mo na ang tunay mong magulang. Sana wag ka maging malungkot anak ha? May pagdadaanan ka pa bago marating ang kaligayahan. Mag iingat ka anak, Mahal na mahal ka namin. Hanggang sa muli nating pagkikita...
Napaupo nalang ako at napaiyak. Hindi ako tunay na anak nila mama? Ampon ako? Sino? Sino ang mga magulang ko? B-bakit pinamigay nalang ako? Bakit? Naramdaman kong niyakap ako nila Elisne. Kaya napayakap din ako sakanya.
Ang swerte ko anjan sila. Pero bakit ganito? Sino ang tunay kong mga magulang? Kanina ang saya ko dahil medyo gumaling na si Risa. Ngayon naman umiiyak ako dahil sa sinabi nila mama.
"Ampon ako." Iyak ko habang yakap sila. "Hindi ko alam sino tunay kong magulang." Hikbi ko.
"Shhh." Pagtahan saakin ni Raquel.
"Puro sakit nalang nadarama ko." Sabi ko. "Lahat, lahat ng sa School, galit saakin. Si Risa may sakit, kapag hindi naging sucessful ang operasyon posibleng mawala siya. Sila mama at papa iniwan ako. At sinabi pang ampon lang ako. Bakit ganon. Masaya naman ako dati ah, bakit nangyayari to? Kung hindi nalang kasi sana nangyari yung sa school eh! Sana hindi ko nalang tinulak si Glen! Sana hinayaan ko nalang siyang sabunutan ako. Sana hindi ko nalang naging kaibigan si Blake! Sana... Masaya pa kami nila mama." Sabi ko habang nababasag ang boses ko.
Hinigpitan nila Elisne ang yakap saakin.
"Shhh. Tahan na Keira."
"P-pero, Thankful din ako." Medyo tumawa ako. "Dahil nakilala ko kayo. At magkakaroon akong misyon na hanapin ang mga magulang ko." Sabi ko at tumawa. Kahit ang sakit sakit na..
"H-hindi kaya, ikaw ang Prinsesa?" Biglang tanong ni Wade. Tumawa ako.
"Ano ka ba? Impossibleng ako yun. Edi dapat pagkahawak ko palang sa magical pen umilaw na yun." Tawa ko.
Biglang humiwalay saakin sila Elisne at itinapat ang pen.
Tumawa ako. "See?"
Dahan dahan nilang binaba ang Pen na hawak nila.
"Let's go back to Aademia. Siguro naman pwedeng dito nalang tayo magportal." Sabi ni Kaelon. Tumango naman kami, pumunta kami sa isang gilid. Linapag ni zeke, ang binigay sakanya ni Head master na Bato. Portal daw ito pabalik sa academia.
Siguro babalik nalang talaga ako sa Academia. Masyadong masakit na ang mga nangyayari saakin dito sa mortal. Mukhang magbabagong buhay nalang ako sa Academia...
Biglang bumukas ang portal, kulay puti. Nauna nang pumasok sila Raquel at Wade. Sumunod sila Elisne at Hannah. Pumasok narin sila Kaelon at Cymon. Naiwan kaming dalawa ni zeke. Bago ako maglakad papunta sa portal, Tinignan ko muna ang kabuuwan ng kwarto nila mama. Dito... Tabi tabi kami matulog dati noong bata ako, kahit na may kwarto ako. Binulsa ko ang sulat nila. Papasok na sana ako sa portal ng bigla akong nakaramdam ng yakap. At unti unti kaming pumasok sa Portal.
Yakap ni Zeke.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro